Share

Chapter 15: Black Card

Tinatangay ng hangin ang itim na buhok ng babae sa bawat lapat ng mga paa nito sa sidewalk tiles. Mentras lumalakas ang hagupit ng malamig na hangin ay humihigpit ang yakap nito sa sarili.

Kalmado ang ngiti sa labi ni Alexa habang nakaupo sa leather couch sa VIP room ng Love Dior. Mula sa kinauupuan ay tanaw niya sa glass wall ang kalsada sa labas. Ang malapad na kalsada ay pinaliligiran ng sidewalks. Nag-aagaw na ang dilim at nililipad ng malamig na hangin ang mga dahon mula sa mga puno sa animo'y park na sidewalks.

September na. Sinimulan na naman siyang dalawin ng kakatwang panaginip na yon—panaginip na napapanaginipan niya lang tuwing ber months.

Ang maputing babae sa asul na bestida. Tulad ngayon ay madilim at malamig din sa panaginip niya. Naglalakad mag-isa ang babae sa sidewalk habang ang maraming tao ay nasa malapad na kalsada. Mag-isa lang din nitong tinatahak ang kabilang direksyon. Kumikinang ang madilim na gabi sa iba't ibang kulay ng mga ilaw.

Perhaps it's Christm
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status