"That position is too high for me, dad. I don't think magagampanan ko ang tungkulin ko bilang Vice President," natatawang sabi ni Katie nang ialok sa kanya ng daddy niya ang pagiging Vice President ng kompanya.
"Kung hindi ikaw, sino pa ba ang nararapat maluklok?"
"Your dad is right, Katie. It's time for you to stepup at maging pamilyar sa kompanya na ikaw rin naman ang magmamana," sang-ayon naman ni Alba at hinagod ang likuran ni Katie.
Tumango si Katie at napangiti. "Fine, I'll take it. So what's my first job? Give me a challenging one."
It's been a month simula nang pirmahan ni Josh ang divorce paper nila. Hindi man masasabi ni Katie na naka-move on na talaga siya dahil paminsan-minsan ay naiisip pa rin niya si Josh at bigla na lang naiiyak. Pero hindi naman niya hinahayaan na kainin siya nang nararamdaman niya. Kailangan niya panindigan ang desisyon niyang hiwalayan at iwan si Josh.
"What about... secure the deal with Mr. Tan today?" ngisi ni Alfonso sa anak.
Sabay na natawa si Katie at Alba. Hindi naman bago sa pandinig ni Katie ang mga Tan, kilala niya ang mga ito. Pero ito ang unang beses na makikita niya ito. At bali-balita pa ng mga nasa business world kung gaano ito mitikoloso pagdating sa business.
"Challenge accepted!" kindat ni Katie sa ama.
Pagdating ng hapon ay naghanda na si Katie para sa meeting nila ni Mr. Tan. She'll make sure na makukuha niya ang deal ngayon at hindi bibiguin ang daddy niya.
"Hop in, I'll drive you!" Pumara sa harapan niya ang kotse ni Jarren.
Pabor naman iyon sa kanya kaysa ang magdrive siya kaya sumakay na siya sa sasakyan nito.
"Are you going somewhere?" tanong niya at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bihis na bihis ka, ah?"
"I'll meet someone," ngisi ni Jarren sa kanya.
"Babae?" panunukso niya. "Your girlfriend?"
"I don't have one, Katie. I like someone else..." makahulugang nitong sabi at nginitian siya.
Hindi na niya ipinilit pa tanungin kung sino ang babaeng iyon, dahil ayaw niya naman pasukin ang privacy nito. Pagdating nila sa restaurant kung saan sila magkikita ni Mr. Tan at binati sila ng receptionist.
"Good morning, Mr. and Mrs...?"
Mahinang natawa si Jarren. "No, she's not my wife. Mukha ba kaming mag-asawa ngayon?"
"Naku, pasensya na, sir!"
Napangiti naman si Katie at hinayaan na si Jarren ang makipag-usap. May twenty minutes pa bago dumating si Mr. Tan at tamang-tama lang ang dating niya.
"Table number 4, second floor," sabi ni Jarren nang makabalik sa kanya. "Call me kapag uuwi ka na. I'll drive you home."
Tumango siya rito, pero ganon na lamang ang gulat niya nang halikan siya nito sa noo bago ito tumalikod at naglakad paalis. Napatitig siya sa likuran nito habang naglakad paalis.
Hindi niya alam kung dahil ba tinuturing talaga siya ni Jarren na isang kapatid kaya nito iyon ginawa, o may iba pa. Pero ayaw naman niya bigyan iyon nang malisya, lalo pa at malapit na ikasal ang daddy niya at ang mommy ni Jarren. Baka nga halik lang iyon bilang isang kapatid.
Pumasok na si Katie sa loob at hinanap ang reserved table. Nakita niyang may nakaupo roon, pero nakatalikod sa kanya kaya hindi niya agad nakita ang mukha nito.
"Excu me?" tawag niya sa lalaki.
Dahan-dahan naman itong humarap. Parang pinagsisisihan niya tuloy na tinawag niya pa ito. Kung bakit sa dinami-dami ng araw at lugar, bakit dito pa sila nagkita.
"Katie..." garalgal na tawag ni Josh sa kanya at mabilis na tumayo.
"What are you doing here?" seryoso niyang tanong. "This is my table."
Tumitig sa kanya si Josh na para bang pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha niya. At hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.
"Ang sabi ko, anong ginagawa mo rito?" kompas niya at iwinaski ang nasa dibdib.
"I'm waiting for my client," sagot ni Josh at hindj pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang na siya.
"Your... client?" Don't tell me narito rin ang ex-husband niya para kay Mr. Tan? That can't be!
"And what about you? It's been a month since a saw you. Why are you here?" Kakaiba ang boses ni Josh ngayon. Kailan man ay hindi siya nito kinausap ng ganito kalumanay.
"I'll have a meeting with Mr. Tan."
"Seems like we need to face off to get him?"
Humila siya ng upuan at naupo sa harapan ng dating asawa. "I don't think so, Josh. Ang dinig ko ay hindi nakikipag-deal si Mr. Tan sa mga taong walang paninindigan. Nagawa mo nga lokohin ang dati mong asawa, hindi ba? Paano naman magtitiwala sayo si Mr. Tan niyan? He might think lolokohin mo rin siya behind his back."
Nakita ni Katie ang paggalaw ng panga ni Josh, tanda sa pagpigil nito ng galit. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mapangiti.
"Sa panahon ngayon, dapat parating mapag-ingat sa mga tao na pinapapasok natin sa buhay natin. And I'm pretty sure ganon din si Mr. Tan. Mag-iingat sa mga taong makakasalamuha niya."
"Katie!"Umalingawngaw ang malakas na boses sa buong mansyon ng pamilya Anderson. Napapikit naman si Katie at malalim na nagbuntong-hininga, kumapit siya nang mahigpit sa mop at inihanda ang sarili sa taong paparating."Ma..." bungad niya sa galit na galit na mother-in-law. Nakapamewang ito at nakaturo sa kanya."Hindi ba't sinabi ko sayo na labhan mo ang marurumi kong damit na ginamit kahapon?" singhal sa kanya ni Divina, ang mother-in-law niya at ina ng kanyang asawa."Nagawa ko na po iyon kahapon pa—"Hindi natapos ni Katie ang sasabihin dahil ibinato sa kanya ni Divina ang mga damit na sinasabi nito."Pero hindi mo inayos ang paglalaba!" Sumugod ito sa kanya at hinila ang buhok niya. "Ang dali-dali lang ng inuutos ko sayo, pero hindi mo pa magawa ng tama! Wala kang kwenta!""M-Ma... nasasaktan po ako," ungol ni Katie at pilit na inaalis ang kamay ng kanyang mother-in-law sa buhok niya. "A-Aray! Masakit po!""Talagang masasaktan ka dahil wala kang silbi sa pamamahay ko!"Katie want
"Aalis ka na agad? Bakit hindi mo ako ginising para naipaghanda kita ng isusuot mo? Hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tarantang tanong ni Katie kay Josh. Alas sais y media pa lang ng umaga, pero nahanda na agad ang asawa niya para pumasok sa trabaho nito. Kagigising niya rin lang at naabutan ito na handa na umaalis."Hindi na. Magpapabili na lang ako ng kape kay secretary Cris," malamig na bulalas ni Josh at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Lumabas na ito ng kanilang kwarto at mabilis na naglakad pababa ng hagdan. Malakas ang kutob ni Katie na hindi pupunta nang ganito kaaga ang asawa niya sa opisina nito para magtrabaho.Dumampot siya ng susi ng isa sa mga sasakyan ni Josh at dali-daling pumunta sa garahe para sundan ang sasakyan ng asawa niya. At tama nga siya, hindi ang daan papunta sa office ang tinahak ni Josh. Ito ang daan papunta sa rest house ng pamilya Anderson.Anong gagawin ng asawa niya rito? Dito ba nito kikitain si Helena?Sunod-sunod na nga tanong ang gumugulo sa
Halos limang araw na ang lumipas pero hindi pa rin umuuwi si Katie sa mansyon ng mga Anderson. Ilang missed calls na rin at text ang natanggap niya mula kay Josh, pero ni isa ay wala siya roon nireplyan or sinagot man lang.Matapos siyang pakalmahin ni Jarren sa labas ng bar ay inuwi siya nito sa mansyon nila. She met her father again, at nagkapatawaran sila. Pero ayaw niya muna may makausap na kahit sino. Wala siyang gana sa lahat ng bagay. Gusto niya lang ang mapag-isa at makabawi sa sakit na nararamdaman niya.Bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok si Alba, ang ina ni Jarren at ang kanyang magiging stepmother. Binati siya nito ng ngiti habang hawak ang tray ng pagkain."Nag-aalala na ang daddy mo sayo," panimula nito at naglakad papunta sa kama niya para ilapag ang pagkain. "Hindi siya nakatulog kagabi dahil naririnig niya ang pag-iyak mo."Napalunok si Katie. Wala siya roon magagawa. Kahit gustuhin man niya na huwag na damdamin ang nalaman tungkol sa asawa niya ay bumalik