Halos limang araw na ang lumipas pero hindi pa rin umuuwi si Katie sa mansyon ng mga Anderson. Ilang missed calls na rin at text ang natanggap niya mula kay Josh, pero ni isa ay wala siya roon nireplyan or sinagot man lang.
Matapos siyang pakalmahin ni Jarren sa labas ng bar ay inuwi siya nito sa mansyon nila. She met her father again, at nagkapatawaran sila. Pero ayaw niya muna may makausap na kahit sino. Wala siyang gana sa lahat ng bagay. Gusto niya lang ang mapag-isa at makabawi sa sakit na nararamdaman niya.
Bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok si Alba, ang ina ni Jarren at ang kanyang magiging stepmother. Binati siya nito ng ngiti habang hawak ang tray ng pagkain.
"Nag-aalala na ang daddy mo sayo," panimula nito at naglakad papunta sa kama niya para ilapag ang pagkain. "Hindi siya nakatulog kagabi dahil naririnig niya ang pag-iyak mo."
Napalunok si Katie. Wala siya roon magagawa. Kahit gustuhin man niya na huwag na damdamin ang nalaman tungkol sa asawa niya ay bumalik iyon nang paulit-ulit sa isipan niya.
"Katie, alam ko na hindi mo pa rin ako tanggap. Hindi ko gusto na palitan ang mommy mo. Ang gusto ko lang ay alagaan ka at ang daddy mo. At gusto ko rin malaman na nandito ako parati sayo."
Dahan-dahan siyang tumingala para sulyapan si Alba. Bakas sa mga mata nito ang sincerity. Naniniwala naman si Katie sa mga sinasabi nito at naging unfair lang talaga siya noon sa daddy niya.
"Yung nararamdaman mo ngayon, naramdaman ko rin yan noon... sa daddy ni Jarren."
"What do you mean?" curious niyang tanong.
Mahina itong natawa. "Jarren's dad cheated on me. Ganyan na ganyan din ang naramdaman ko nang malaman ko."
"H-How... do you handle the pain?"
Naupo ito sa kama at hinawakan ang kamay niya. "Normal lang na masaktan tayo dahil mga asawa tayo. Pero kung patuloy kang magpapakain sa sakit ay patuloy ka rin lang malulugmok."
Nagsalubong ang mga kilay ni Katie. "You confronted the mistress? Sinampal mo siya? Sinabunutan?"
"No, Katie. Homewreckers like them do not need any reaction. Wala tayong dapat gawin sa kanila. They are too low and we will not dignify them with anything," makahulugang sagot ni Alba, tunog ina ito ngayon kay Katie. "Kung ang ibang asawa ay susugod para saktan ang mga kabit, hindi ka dapat ganon. Huwag mo padapuin ang mga kamay mo sa isang kabit lang dahil baka madumihan ito."
Doon natauhan si Katie. Gustong-gusto niya harapin si Helena at pagsasampalin ito, pero sa sinabi ni Alba ay bigla siyang natauhan.
"You know, ang mga lalaki ay ayaw-ayaw natatapakan ang mga ego nila. File a divorce. Hiwalayan mo siya. Malaking sampal iyon sa asawa mo kung Ikaw ang makikipaghiwalay."
Buong gabi pinag-isipan ni Katie ang mga salita ni Alba. Kung babalik siya kay Josh at kakalimutan ang pagtataksil nito ay parang napakababaw niyang babae. Hindi niya deserve iyon.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang attorney ng pamilya Thompson. She will a divorce. Hihiwalayan niya si Josh at ipapamukha rito kung sino at ano ang sinayang niya.
**
"Dad, hindi niyo naman kailangan sumama pa. I can face them. Haharapin ko sila na mag-isa."
Kanina pa namimilit ang daddy ni Katie na sumama sa pagpunta sa mansyon ng mga Anderson. Ngayon dadalhin ni Katie ang divorce paper para hingin ang pirma ni Josh. At wala pa rin ideya si Josh na babalik siya na siya ngayon. Hanggang kagabi ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawag sa kanya para alamin kung nasaan na siya at pauuwiin.
"We'll go with you. Hindi na ako papayag na apihin ka nila at yurakan ang pagkatao mo," mariing sabi ni Alfonso kaya wala nang nagawa pa si Katie kundi ang hayaan na lang ito.
Nauna na itong sumakay sa sasakyan kasunod si Alba. Naiwan naman silang dalawa ni Jarren na nakatayo sa malaking pintuan ng mansyon at pinanood ang pag-alis ng sasakyan kasunod ang apat pang sasakyan ng mga bodyguard.
"Does he really think we'll go to the war?" mahinang bulong niya, pero hindi iyon nakatakas sa pandinig niya.
"Hurting his princess can cause a war, Katie," sagot ni Jarren at tsaka siya nito inalalayan papasok sa loob ng sasakyan nito.
Nagtipa si Katie nang mensahe kay Josh at sinabing pauwi na siya. Ang dalawang oras na byahe papunta sa mansyon ng mga Anderson ay parang ilang saglit lang dahil nakarating sila agad.
Bumaba siya sa saksakyan at tiningala ang mansyon. Naroon sa itaas ang mga kasambahay at bakas sa mga mukha na curios ang mga ito sa pagdating niya.
Nauna siyang pumasok sa loob. Tumutunog sa marble na sahig ang 6 inches niyang heels at gumagawa iyon nang ingay.
Sinalubong siya ni Josh at ni Divina na parehong nakakunot ang mga noo sa dami ng bodyguard na kasama nila.
"Where have you been?" galit na singhal ni Josh sa kanya at hinila siya sa braso. "Umalis ka na hindi man lang nagpaalam kung saan ka pupunta, Katie! Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko!"
Walang emosyong na tinitigan ni Katie ang asawa niya. Marahas niyang binawi ang braso niya mula rito. "Does it matter to you kung saan ako pumunta?"
Sarkastikong natawa si Divina at dinuro siya. "Oh god! Asal may asawa ba yang ginagawa mo, Katie? Hindi mo alam kung ilang araw mo kami pinag-alala sa paghahanap sayo!"
Binalingan niya si Divina at tinaasan ng kilay. "Pinag-alala? You never treated me like your daughter-in-law, paano ka mag-aalala?"
"Katie!" asik ni Josh.
"What? Hindi ba't totoo naman, Josh?" Humakbang siya papalapit sa asawa niya, nanlilisik na ngayon ang mga tingin. "Alam mo na kahit kailan ay hindi ako trinato nang tama ng nanay at kapatid mo."
Napahilamos ng mukha si Josh, halatang stress na. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Saan ka galing?" Tumingin ito sa mga bodyguard na nasa likuran niya, at tsaka nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Jarren. "And... who the hell—sino ang mga ito? Why are you with them—"
Hindi nito natuloy ang sasabihin nang sumunod na pumasok ang daddy ni Katie, kasunod si Alba. Naningkit ang mga mata ni Divina at mabilis na dinaluhan si Alfonso.
"Mr. Thompson, what brings you here?" nakangiting tanong ni Divina, pero may pagtataka sa mukha. Sumenyas ito kay Josh na lumapit at mabilis naman sumunod si Josh. "He's the founder of Resorts and Casino World," anito kay Josh.
Inilahad ni Josh ang kamay kay Alfonso. "Josh Anderson, Mr. Thompson."
Tinitigan lang ni Alfonso ang kamay ni Josh. "I'm with my daughter," tipid na sagot ng daddy ni Katie.
Natigilan si Divina ng ilang sandali, at umawang ang bibig bago nilingon si Katie nang mapagtanto nito ang sinabi ni Alfonso. Hindi naman nakapagsalita si Josh at napatitig na lang kay Katie.
Akward na ngumiti si Divina at nataranta. Hindi alam kung ano ang sasabihin. "I... I didn't know... I mean, your daughter is the wife of my son pero ngayon lang namin nalaman na ikaw ang ama niya, Mr. Thompson. Nang dalhin siya rito ni Josh ay wala kaming alam na kahit ano sa kanya, maliban sa bigla na lang sila nagpakasal dalawa."
"Why you didn't tell me?" seryosong tanong ni Josh, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Ang sabi mo ay naglayas ka at walang bahay?"
Sinalubong ni Katie ang mga titig nito. "Dahil iyon ang totoo. Naglayas ako, wala akong pera, wala akong bahay."
"Anak naman, sana tinanong mo si Katie kung bakit siya naglayas," kunwaring concern na sabi ni Divina. "Pero hindi na importante iyon ngayon. Ang mahalaga ay narito na ulit si Katie. Huwag ka na magalit sa kanya. Binisita lang naman pala niya ang daddy niya."
Gustong humagkhak ni Katie sa mga lumalabas sa bibig ng mother-in-law niya ngayon. Ngayong alam na nito kung sino talaga siya ay akala mo isa itong maamong tupa.
"Magpapahanda ako ng tanghalian. Sa tingin ko marami-rami tayong dapat pag-usapan, Mr. Thompson tungkol sa pamilya natin—"
"No, hindi na rin kami magtatagal pa, Mrs. Anderson," putol ni Katie sa mother-in-law niya. "Aalis na rin kami."
"What do you mean na aalis?" Mabilis na singit ni Josh.
Inihalad ni Katie ang kamay kay Jarren at inabot naman ni Jarren ang brown na envelope. "Pumunta lang kami rito para dalhin ito. I need you to sign this."
Tinanggap ni Josh ang envelope at binuksan iyon para basahin. "Divorce... paper? Makikipaghiwalay ka?"
"Yes," taas noo na sagot ni Katie. "I want a divorce. Gusto ko mapawalang bisa ang kasal natin."
Nanlaki ang mga mata ni Divina at inagaw ang divorce paper kay Josh. "K-Katie... bakit ka makikipaghiwalay? May nagawa ba si Josh na hindi mo nagustuhan?"
"He cheated on me with Helena."
Napakurap si Josh, tila hindi iyon inaasahan. Akmang nitong ipagtanggol ang sarili, pero naunahan siya ni Katie magsalita.
"I was there with you noong iniwan ka ni Helena," sumbat ni Katie, puno ng hinanakit ang boses. "Tinanggap ko ang lahat nang pang-aapi ng pamilya mo sa akin dahil mahal kita. Wala kang narinig sa akin na reklamo kahit hindi mo nagagampanan ang pagiging asawa mo. Pero may hangganan din ako." Humugot siya ng hininga para pakalmahin ang sarili. Iniiwasan niyang magwala at manatiling nasa composure. "I don't deserve to be treated like this. Sign the divorce paper. I want you out of my life."
"That position is too high for me, dad. I don't think magagampanan ko ang tungkulin ko bilang Vice President," natatawang sabi ni Katie nang ialok sa kanya ng daddy niya ang pagiging Vice President ng kompanya."Kung hindi ikaw, sino pa ba ang nararapat maluklok?""Your dad is right, Katie. It's time for you to stepup at maging pamilyar sa kompanya na ikaw rin naman ang magmamana," sang-ayon naman ni Alba at hinagod ang likuran ni Katie.Tumango si Katie at napangiti. "Fine, I'll take it. So what's my first job? Give me a challenging one."It's been a month simula nang pirmahan ni Josh ang divorce paper nila. Hindi man masasabi ni Katie na naka-move on na talaga siya dahil paminsan-minsan ay naiisip pa rin niya si Josh at bigla na lang naiiyak. Pero hindi naman niya hinahayaan na kainin siya nang nararamdaman niya. Kailangan niya panindigan ang desisyon niyang hiwalayan at iwan si Josh."What about... secure the deal with Mr. Tan today?" ngisi ni Alfonso sa anak.Sabay na natawa si Ka
"Katie!"Umalingawngaw ang malakas na boses sa buong mansyon ng pamilya Anderson. Napapikit naman si Katie at malalim na nagbuntong-hininga, kumapit siya nang mahigpit sa mop at inihanda ang sarili sa taong paparating."Ma..." bungad niya sa galit na galit na mother-in-law. Nakapamewang ito at nakaturo sa kanya."Hindi ba't sinabi ko sayo na labhan mo ang marurumi kong damit na ginamit kahapon?" singhal sa kanya ni Divina, ang mother-in-law niya at ina ng kanyang asawa."Nagawa ko na po iyon kahapon pa—"Hindi natapos ni Katie ang sasabihin dahil ibinato sa kanya ni Divina ang mga damit na sinasabi nito."Pero hindi mo inayos ang paglalaba!" Sumugod ito sa kanya at hinila ang buhok niya. "Ang dali-dali lang ng inuutos ko sayo, pero hindi mo pa magawa ng tama! Wala kang kwenta!""M-Ma... nasasaktan po ako," ungol ni Katie at pilit na inaalis ang kamay ng kanyang mother-in-law sa buhok niya. "A-Aray! Masakit po!""Talagang masasaktan ka dahil wala kang silbi sa pamamahay ko!"Katie want
"Aalis ka na agad? Bakit hindi mo ako ginising para naipaghanda kita ng isusuot mo? Hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tarantang tanong ni Katie kay Josh. Alas sais y media pa lang ng umaga, pero nahanda na agad ang asawa niya para pumasok sa trabaho nito. Kagigising niya rin lang at naabutan ito na handa na umaalis."Hindi na. Magpapabili na lang ako ng kape kay secretary Cris," malamig na bulalas ni Josh at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Lumabas na ito ng kanilang kwarto at mabilis na naglakad pababa ng hagdan. Malakas ang kutob ni Katie na hindi pupunta nang ganito kaaga ang asawa niya sa opisina nito para magtrabaho.Dumampot siya ng susi ng isa sa mga sasakyan ni Josh at dali-daling pumunta sa garahe para sundan ang sasakyan ng asawa niya. At tama nga siya, hindi ang daan papunta sa office ang tinahak ni Josh. Ito ang daan papunta sa rest house ng pamilya Anderson.Anong gagawin ng asawa niya rito? Dito ba nito kikitain si Helena?Sunod-sunod na nga tanong ang gumugulo sa