"Aalis ka na agad? Bakit hindi mo ako ginising para naipaghanda kita ng isusuot mo? Hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tarantang tanong ni Katie kay Josh.
Alas sais y media pa lang ng umaga, pero nahanda na agad ang asawa niya para pumasok sa trabaho nito. Kagigising niya rin lang at naabutan ito na handa na umaalis.
"Hindi na. Magpapabili na lang ako ng kape kay secretary Cris," malamig na bulalas ni Josh at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Lumabas na ito ng kanilang kwarto at mabilis na naglakad pababa ng hagdan. Malakas ang kutob ni Katie na hindi pupunta nang ganito kaaga ang asawa niya sa opisina nito para magtrabaho.
Dumampot siya ng susi ng isa sa mga sasakyan ni Josh at dali-daling pumunta sa garahe para sundan ang sasakyan ng asawa niya. At tama nga siya, hindi ang daan papunta sa office ang tinahak ni Josh. Ito ang daan papunta sa rest house ng pamilya Anderson.
Anong gagawin ng asawa niya rito? Dito ba nito kikitain si Helena?
Sunod-sunod na nga tanong ang gumugulo sa isip niya at pakiramdam niya ay sasabog iyon. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang secretary ni Josh. Matagal ito bago sumagot, at nang sagutin naman nito ang tawag ay hindi muna ito nagsalita. Mukhang nasabihan na ito ni Josh na huwag magsumbong.
"Secretary Cris," bati ni Katie mula sa kabilang linya. "Nariyan na ba si Josh? Hindi siya nag-almusal dito sa bahay. Balak ko sana dalhan ng pagkain. Busy ba ang schedule niya ngayong araw?"
"Ma'am Katie..." Bakas ang kaba sa boses ng secretary. "Naku, sobrang busy ni sir ngayon. Sunod-sunod ang meetings niya, kailangan niya rin pumunta sa planta."
Naikuyom ni Katie ang kamao at humigpit ang kapit sa manobela. "Ganon ba? Sige, sabihin mo na lang na tumawag ako."
Mariing pinagmasdan ni Katie ang likuran ng kotse ni Josh habang nakasunod dito. Hindi niya alam kung kailan pa siya niloloko ng asawa niya at hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kapag siya mismo ang nakasaksi sa panloloko nito.
Mahigit tatlong oras ang lumipas ay narating ni Josh ang rest house ng pamilya. Nakasunod pa rin si Katie, pero sa malayo siya pumarada sa hindi agad makikita ng asawa niya.
Kitang-kita ng dalawang mata niya na sinalubong si Josh ni Helena, na may malaking ngiti sa mga labi. Hinalikan ni Josh si Helena at niyakap ito pabalik.
"Ang akala ko ay hindi ka na pupunta. Hindi ka nagreply sa sakin kagabi," nagtatampo na sabi ni Helena at isinandal ang ulo sa balikat ni Josh.
"I'm sorry, hindi ako nakaalis kagabi. Pero gustong-gusto kita puntahan dito," panunuyo naman ni Josh at hinila papasok sa loob ng rest house si Helena.
Napapikit si Katie at humawak sa dibdib niya. Nahihirapan siyang huminga. Hindi niya kinaya ang nakita ng dalawang mata niya. Her husband is cheating on her... at sa ex-girlfriend pa nito.
Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Kung bakit kahit hanggang ngayon ay si Helena pa rin ang mahal ni Josh kahit na iniwan ni Helena si Josh noon at mas pinili ang career nito.
Iyak lang nang iyak si Katie sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang paglabas ni Josh. Pero inabot na siya ng gabi roon ay hindi pa rin lumalabas si Josh. Mukhang wala itong balak umuwi ngayong gabi.
Magang-maga na ang mga mata niya, pero ayaw pa rin huminto ng mga luha niya. Parang sinasaksak ang puso siya sa sandaling iyon.
Nagdrive siya paalis. Hindi niya alam kung saan pupunta, pero ayaw niya munang umuwi. Baka hindi niya na talaga kayanin kapag nalaman na baka pati ang pamilya ni Josh ay alam din ang tungkol kina Josh at Helena.
Namalayan na lang ni Katie na nasa bar siya, kung saan sila unang nagkakilala ni Josh. Tandang-tanda niya pa nang pumunta siya rito noon para maglasing nang sabihin ng daddy niya na balak nito muli magpakasal. Hindi niya iyon natanggap kaya dito siya dinala ng mga paa niya. At mula sa kabilang dulo ng counter ay naroon naman si Josh, lasing na lasing at umiiyak. Ilang mga lalaki ang naroon ang pinagtawanan ito, kaya sa galit ni Josh ay agad itong sumugod sa mga kalalakihan para pagsusuntukin. Pero dahil lasing ito ay hindi nito kinaya at nabugbog lang. Kaya naman nang makita niya na balak itong hampasin ng upuan sa ulo ay agad siyang humarang para ipagtanggol ito.
Iyon ang kwento nilang dalawa. Nang mahimasmasan si Josh ay nagpakilala ito sa kanya at tinanong siya kung paano siya nito mapapasalamatan. She asked him to marry her. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan Kay Josh kung bakit niya gusto magpakasal dahil ayaw na niya magkaroon pa ng kahit anong koneskyon sa daddy niya. Iniwan niya lahat ng meron siya nang pumayag si Josh na ikasal sa kanya.
"Give me three tequila, faster," utos ni Katie sa bartender at naupo sa harapan ng counter. Doon niya lang napagtanto na nakasuot pa rin siya ng pantulog. Hindi na niya naisipan pa magbihis kanina nang humabol siya kay Josh at basta na lamang umalis na ganon ang suot.
Matapos niya maubos ang tatlong tequila ay nag-order pa siya ng apat, at nadagdagan pa iyon ng walo. Nandidilim na ang mga paningin niya. Tumayo siya para pumunta sa banyo, pero muntikan na siya matumba. Mabuti na lamang at may humawak sa balakang niya.
"Miss, mukhang lasing ka na, ah?" nakangisi nang hindi pamilyar na lalaki kay Katie.
Nagsalubong ang mga kilay niya at pinasadahan ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa, at tsaka itinulak ito. "I'm married. Tumabi ka nga," mataray niyang sabi at pasuray-suray na lumakas palayo.
Pero humabol ang lalaki sa kanya at hinila siya pabalik. "Sino namang matinong asawa ang hahayaan ang asawa niya pumunta sa bar mag-isa... At ganyan pa ang suot?" natatawang tanong ng lalaki at tumitig sa dibdib niya.
Umusok ang ilong ni Katie sa narinig at malakas na sinampal ang lalaking kaharap. "Bastos ka!"
Galit na galit ang lalaki na napahawak sa pisngi. Akmang sasampalin din siya nito pabalik, pero may isang kamay na humawak sa braso ng lalaki.
"Pumapatol ka sa babae?" cool na bulalas ng lalaking bagong dating. Tumingala si Katie para makita ang itsura nito at napakurap siya nang makita kung sino ito.
It's Jarren, his stepbrother, ang anak ng mapapangasawa ng daddy niya.
"Sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam dito?" galit na tanong ng lalaki kay Jarren.
"I'm his brother. Got a problem?"
Hindi agad nakasagot ang lalaki. Nagpalipat-lipat pa ito ng tingin kina Katie at Jarren, tinitigan kung magkamukha ba sila. Sa huli ay padabog itong umalis nang makita nito na handa si Jarren na makipag-away.
"What are you doing here?" seryosong tanong ni Katie habang nakahawak sa masakit niyang ulo.
"Hindi ba't dapat ako ang magtanong niyan? Anong ginagawa mo rito?"
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Katie. Hindi pwede malaman ni Jarren ang problema na meron siya ngayon. Tiyak siya na sasabihin nito sa daddy niya at pauuwiin siya nito sa bahay nila. Hindi siya uuwi hangga't hindi binabawi ng daddy niya ang balak nitong pagpapakasal.
"It's none of your business," turan niya at tinalikuran ito. Pero nahihirapan siya ihakbang ang mga paa niya dahil hilong-hilo na talaga siya. Inalalayan siya ni Jarren, pero malakas niyang tinabig ang kamay nito. "Huwag mo ako hawakan! I can handle myself!"
Napailing na lang si Jarren. Hindi na ito nakapagpigil at bigla na lamang siyang binuhat na parang isang sako ng bigas.
"Ano ba! Ibaba mo nga ako!" sigaw ni Katie at pinagsusuntok ang balikat ni Jarren, pero hindi ito nagpatinag hanggang sa makarating sila sa parking lot at pilit siya nitong ipinasok sa loob. "Hindi mo ba ako narinig?!"
"Stop talking and just take a nap," kalmadong sagot nito at ikinabit ang seatbelt niya. "Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo. Your dad is waiting for you."
Mariin niyang tinapunan ng tingin si Jarren. "I'm not going home! Hinihintay ako ng asawa ko. Buksan mo ang pintuan bababa ako."
"Your husband is with his mistress, Katie!" Doon na tumaas ang boses ni Jarren, halatang inis na talaga ito. "Sinong asawa ang uuwian mo?"
Napakurap si Katie sa narinig. Paanong alam ni Jarren na may babae si Josh? Sinong nagsabi rito?
"Look at yourself!" Dinuro nito ang suot niya. "Nakakahiya ka, hindi mo ba nakikita yun?"
Napalunok si Katie. Kung alam ni Jarren ang tungkol sa kabit ni Josh ay malamang alam din iyon ng daddy niya.
"P-Paano... mo nalaman ang tungkol kay Josh..." mahina at walang lakas na tanong niya.
"I'll take you home. You and your dad needs to talk—"
Mabilis siyang humawak sa braso ni Jarren at marahas na umiling. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Josh? Kailan mo pa alam?"
"Two months ago. I accidentally saw your husband with a woman. I thought ikaw yun dahil nakatalikod ka. Pero nang makita ko siya sa lobby ng hotel iba ang kasama niya."
Two months... Dalawang buwan na pala nagkikita sina Helena at si Josh, pero ngayon niya lang nalaman? O mas higit pa doon?
Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang luha na nagbabadya na naman bumagsak, pero huli na ito. Muli na naman siyang napaiyak.
Dinaluhan siya ni Jarren at niyakap nang mahigpit. "Sshh... Don't cry. Hindi mo dapat iniiyakan ang gago mong asawa. You are more than his wife, Katie. You are the Thompson Heiress. Hindi ka dapat pumapayag na may nananakit sayo."
Anong kasalanan ang nagawa niya para maranasan niya ang nararamdaman ngayon? Ang gusto lang naman niya ay mahalin siya ni Josh at magkaroon sila ng maayos at isang masaya na pamilya. Masyado ba iyong mahirap ibigay sa kanya?
Halos limang araw na ang lumipas pero hindi pa rin umuuwi si Katie sa mansyon ng mga Anderson. Ilang missed calls na rin at text ang natanggap niya mula kay Josh, pero ni isa ay wala siya roon nireplyan or sinagot man lang.Matapos siyang pakalmahin ni Jarren sa labas ng bar ay inuwi siya nito sa mansyon nila. She met her father again, at nagkapatawaran sila. Pero ayaw niya muna may makausap na kahit sino. Wala siyang gana sa lahat ng bagay. Gusto niya lang ang mapag-isa at makabawi sa sakit na nararamdaman niya.Bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok si Alba, ang ina ni Jarren at ang kanyang magiging stepmother. Binati siya nito ng ngiti habang hawak ang tray ng pagkain."Nag-aalala na ang daddy mo sayo," panimula nito at naglakad papunta sa kama niya para ilapag ang pagkain. "Hindi siya nakatulog kagabi dahil naririnig niya ang pag-iyak mo."Napalunok si Katie. Wala siya roon magagawa. Kahit gustuhin man niya na huwag na damdamin ang nalaman tungkol sa asawa niya ay bumalik
"That position is too high for me, dad. I don't think magagampanan ko ang tungkulin ko bilang Vice President," natatawang sabi ni Katie nang ialok sa kanya ng daddy niya ang pagiging Vice President ng kompanya."Kung hindi ikaw, sino pa ba ang nararapat maluklok?""Your dad is right, Katie. It's time for you to stepup at maging pamilyar sa kompanya na ikaw rin naman ang magmamana," sang-ayon naman ni Alba at hinagod ang likuran ni Katie.Tumango si Katie at napangiti. "Fine, I'll take it. So what's my first job? Give me a challenging one."It's been a month simula nang pirmahan ni Josh ang divorce paper nila. Hindi man masasabi ni Katie na naka-move on na talaga siya dahil paminsan-minsan ay naiisip pa rin niya si Josh at bigla na lang naiiyak. Pero hindi naman niya hinahayaan na kainin siya nang nararamdaman niya. Kailangan niya panindigan ang desisyon niyang hiwalayan at iwan si Josh."What about... secure the deal with Mr. Tan today?" ngisi ni Alfonso sa anak.Sabay na natawa si Ka
"Katie!"Umalingawngaw ang malakas na boses sa buong mansyon ng pamilya Anderson. Napapikit naman si Katie at malalim na nagbuntong-hininga, kumapit siya nang mahigpit sa mop at inihanda ang sarili sa taong paparating."Ma..." bungad niya sa galit na galit na mother-in-law. Nakapamewang ito at nakaturo sa kanya."Hindi ba't sinabi ko sayo na labhan mo ang marurumi kong damit na ginamit kahapon?" singhal sa kanya ni Divina, ang mother-in-law niya at ina ng kanyang asawa."Nagawa ko na po iyon kahapon pa—"Hindi natapos ni Katie ang sasabihin dahil ibinato sa kanya ni Divina ang mga damit na sinasabi nito."Pero hindi mo inayos ang paglalaba!" Sumugod ito sa kanya at hinila ang buhok niya. "Ang dali-dali lang ng inuutos ko sayo, pero hindi mo pa magawa ng tama! Wala kang kwenta!""M-Ma... nasasaktan po ako," ungol ni Katie at pilit na inaalis ang kamay ng kanyang mother-in-law sa buhok niya. "A-Aray! Masakit po!""Talagang masasaktan ka dahil wala kang silbi sa pamamahay ko!"Katie want