"Katie!"
Umalingawngaw ang malakas na boses sa buong mansyon ng pamilya Anderson. Napapikit naman si Katie at malalim na nagbuntong-hininga, kumapit siya nang mahigpit sa mop at inihanda ang sarili sa taong paparating.
"Ma..." bungad niya sa galit na galit na mother-in-law. Nakapamewang ito at nakaturo sa kanya.
"Hindi ba't sinabi ko sayo na labhan mo ang marurumi kong damit na ginamit kahapon?" singhal sa kanya ni Divina, ang mother-in-law niya at ina ng kanyang asawa.
"Nagawa ko na po iyon kahapon pa—"
Hindi natapos ni Katie ang sasabihin dahil ibinato sa kanya ni Divina ang mga damit na sinasabi nito.
"Pero hindi mo inayos ang paglalaba!" Sumugod ito sa kanya at hinila ang buhok niya. "Ang dali-dali lang ng inuutos ko sayo, pero hindi mo pa magawa ng tama! Wala kang kwenta!"
"M-Ma... nasasaktan po ako," ungol ni Katie at pilit na inaalis ang kamay ng kanyang mother-in-law sa buhok niya. "A-Aray! Masakit po!"
"Talagang masasaktan ka dahil wala kang silbi sa pamamahay ko!"
Katie wanted to cry, but she refused to show any weakness in front of her mother-in-law.
"Maayos ko po nilabhan ang mga damit mo—Pwede mo itanong sa mga kasambahay," giit niya.
"But you used the machine. I wanted it handwashed!" Divina gritted her teeth and pulled Katie's hair again, making her whimper. "Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babae ay ikaw ang pinakasalan ng anak ko! Isa kang inutil!"
Malakas siyang tinulak ni Divina kaya napasubsob siya sa sahig. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak.
"L-Lalabhan ko na lang ulit..." Nakayuko niyang sabi at nanginginig ang mga labi. "Aayusin ko po..."
"Dapat lang! Dahil kapag nakita ko na hindi pa rin maayos ang ginawa mo, ipapakain ko sayo ang mga damit na yan!" Hindi pa ito nakontento at malakas pang pinitik ang kanyang noo. "Pagkatapos mo mag-mop ng sahig ay punasan mo naman ang mga bintana. Magpalit ka na rin ng mga kurtina."
Tango lang ang naging sagot ni Katie. Nang makaalis na si Divina ay muli siyang napabuntong-hininga at hinarap ang malaking salamin sa sala para tingnan ang kaawa-awang sarili roon.
It had been a year since she married Josh Anderson, Divina Anderson's son. She was deeply in love with Josh, and it had been loved at first sight that night.
Abot langit ang kanyang tuwa nang pumayag si Josh na pakasalan siya matapos niyang lumayas sa bahay nila matapos i-anunsyo ng kanyang ama ang muling pagpapakasal, pitong taon matapos mamatay ng kanyang ina.
"Hoy, Katie!" Bagong boses naman ang narinig ni Katie na sumisigaw sa pangalan niya.
"Here we go again," bulong niya sa sarili at pumihit paharap sa paparating na si Jessica, ang sister-in-law niya.
"Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan?" Mataray na bungad ni Andrea at inilagay ang kamay sa bewang. "Kanina pa kita tinatawag! My friends are coming over to the mansion, and I want you to cook for us."
Magluto? Hindi niya iyon trabaho. Marami silang kasambahay rito sa mansyon, kaya bakit siya nag magluluto para sa mga kaibigan nito?
"P-Pero hindi ako marunong magluto, Andrea. Alam mo naman yan... At isa pa, marami naman tayong kasambahay na pwede gumawa," pagdadahilan niya. Kung sa ibang gawaing bahay ay nakakatulong siya rito sa mansyon, kabaligtaran naman non sa pagluluto.
"Marami naman tayong kasambahay?" Andrea scoffed, looking disgusted. "Katie, you'll never be a part of our circle and family. Honestly, I don't even know where you came from. Baka nga sa basurahan ka lang napulot ng kapatid ko."
Sa loob ng isang taon nila bilang mag-asawa ni Josh ay ganito parati ang eksena sa mansyon ng mga Anderson sa tuwing aalis si Josh. Pinaparamdam sa kanya ng mother-in-law at sister-in-law niya na hindi siya ang gusto ng mga ito para kay Josh. Pero hindi siya nagrereklamo, hindi siya lumalaban dahil pamilya ito ng asawa niya. Mahal niya si Josh kaya tinatanggap niya ang lahat ng masasakit na salita mula sa mga ito.
Gusto niyang sumagot at ipagtanggol ang sarili, pero iniisip niyang hindi iyon makakatulong para mas maging madali ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Josh.
Just then, the front door opened. Iniluwa non si Josh, medyo basa ang buhok nito pati na rin ang damit. Napatingin ito sa kanila ni Andrea, pero bago pa ito makapagsalita ay umismid na si Andrea at nagmartsa paalis.
Binitawan ni Katie ang hawak na mop at dinaluhan ang asawa. "Basa ka. Nagpaulan ka ba?" Akmang pupunasan niya ang buhok nito, pero umiwas ito sa kanya.
"Maliligo na ako," anito at nilagpasan siya.
Mabilis naman humabol si Katie kay Josh at patakbong sumunod paakyat ng kanilang silid.
"Ako na ang maghahanda ng pampaligo mo," mabilis niyang sabi at inunahan ang asawa papasok sa loob ng kanilang kwarto.
Hindi naman umimik si Josh at hinayaan lang siya. Pinanood siya nito ihanda ang bathtub na walang mababakas na reaksyon.
"Napaaga ata ang uwi mo?" Sinulyapan ni Katie ang asawa.
"There's a typhoon approaching," tipid nitong sagot at nagsimula na maghubad ng suit at lumusong sa bathtub. Isinandal nito ang ulo sa pader, at ipinikit ang mga mata.
Pinagmasdan ni Katie ang asawa ng ilang minuto. May kakaiba rito na hindi niya mawari. Parang may itinatago ito sa kanya nitong mga nakalipas na araw. Pakiramdam niya ay nanlalamig ito sa kanya.
Lumabas na siya ng banyo at inihanda ang isusuot ni Josh, nang biglang mag-vibrate ang cellphone nito sa bulsa ng pants nito na nasa sahig. Muling niyang sinulyapan ang asawa, bago dinampot ang pants nito at kinuha ang cellphone.
Hindi niya ugali na i-check ang cellphone ng asawa niya, pero sa mga sandaling iyon ay may natutulak sa kanya na basahin ang bagong dating na mensahe.
Katie opened the message. Nalaglag ang panga niya nang mabasa ang nakasulat doon...
From Helena: I enjoyed our date today, baby. Thank you for making me happy. I love you. I'll see you tomorrow.
Si Helena ay ang best friend ni Josh, at siya ring ex-girlfriend ni Josh. Si Helena rin ang gusto ng pamilya ni Josh para kay Josh. Pero nang nagdesisyon si Helena na i-pursue ang pagiging international model nito at manatili sa New York ay naghiwalay sila ni Josh, and Josh was devastated. Gabi-gabi ito nasa bar at naglalasing, na siyang dahilan kung bakit nakakilala ni Katie si Josh. Broken hearted noon si Josh at si Katie naman ay nagrerebelde sa kanyang ama sa desisyon nitong pagpapakasal muli.
Hindi namalayan ni Katie na tumutulo na pala ang luha niya. She was hurt. Masakit, sobra. Hanggang ngayon ay si Helena pa rin pala ang nasa puso ni Josh. Wala pa rin palang puwang para sa kanya.
Pinunas niya ang luha sa pisngi at ibinalik ang cellphone ni Josh sa bulsa ng pants nito nang marinig ang mga ang pag-ahon ni Josh sa bathtub.
Humugot siya nang malalim na hininga, bago hinarap ang asawa. Hindi niya pa ito kaya komprontahin. Hindi pa siya handa sa mga isasagot nito sa tanong niya. Alam niyang nasa harapan na ang katotohanan, pero ayaw iyon paniwalaan ng utak niya.
"Aalis ka na agad? Bakit hindi mo ako ginising para naipaghanda kita ng isusuot mo? Hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tarantang tanong ni Katie kay Josh. Alas sais y media pa lang ng umaga, pero nahanda na agad ang asawa niya para pumasok sa trabaho nito. Kagigising niya rin lang at naabutan ito na handa na umaalis."Hindi na. Magpapabili na lang ako ng kape kay secretary Cris," malamig na bulalas ni Josh at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Lumabas na ito ng kanilang kwarto at mabilis na naglakad pababa ng hagdan. Malakas ang kutob ni Katie na hindi pupunta nang ganito kaaga ang asawa niya sa opisina nito para magtrabaho.Dumampot siya ng susi ng isa sa mga sasakyan ni Josh at dali-daling pumunta sa garahe para sundan ang sasakyan ng asawa niya. At tama nga siya, hindi ang daan papunta sa office ang tinahak ni Josh. Ito ang daan papunta sa rest house ng pamilya Anderson.Anong gagawin ng asawa niya rito? Dito ba nito kikitain si Helena?Sunod-sunod na nga tanong ang gumugulo sa
Halos limang araw na ang lumipas pero hindi pa rin umuuwi si Katie sa mansyon ng mga Anderson. Ilang missed calls na rin at text ang natanggap niya mula kay Josh, pero ni isa ay wala siya roon nireplyan or sinagot man lang.Matapos siyang pakalmahin ni Jarren sa labas ng bar ay inuwi siya nito sa mansyon nila. She met her father again, at nagkapatawaran sila. Pero ayaw niya muna may makausap na kahit sino. Wala siyang gana sa lahat ng bagay. Gusto niya lang ang mapag-isa at makabawi sa sakit na nararamdaman niya.Bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok si Alba, ang ina ni Jarren at ang kanyang magiging stepmother. Binati siya nito ng ngiti habang hawak ang tray ng pagkain."Nag-aalala na ang daddy mo sayo," panimula nito at naglakad papunta sa kama niya para ilapag ang pagkain. "Hindi siya nakatulog kagabi dahil naririnig niya ang pag-iyak mo."Napalunok si Katie. Wala siya roon magagawa. Kahit gustuhin man niya na huwag na damdamin ang nalaman tungkol sa asawa niya ay bumalik
"That position is too high for me, dad. I don't think magagampanan ko ang tungkulin ko bilang Vice President," natatawang sabi ni Katie nang ialok sa kanya ng daddy niya ang pagiging Vice President ng kompanya."Kung hindi ikaw, sino pa ba ang nararapat maluklok?""Your dad is right, Katie. It's time for you to stepup at maging pamilyar sa kompanya na ikaw rin naman ang magmamana," sang-ayon naman ni Alba at hinagod ang likuran ni Katie.Tumango si Katie at napangiti. "Fine, I'll take it. So what's my first job? Give me a challenging one."It's been a month simula nang pirmahan ni Josh ang divorce paper nila. Hindi man masasabi ni Katie na naka-move on na talaga siya dahil paminsan-minsan ay naiisip pa rin niya si Josh at bigla na lang naiiyak. Pero hindi naman niya hinahayaan na kainin siya nang nararamdaman niya. Kailangan niya panindigan ang desisyon niyang hiwalayan at iwan si Josh."What about... secure the deal with Mr. Tan today?" ngisi ni Alfonso sa anak.Sabay na natawa si Ka