Share

Kabanata 41

Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang tingin nito nabg bumitaw siya. Tapos niya ng sabihin ang lahat at handa na siyang tumakbo papalayo. Pwede na siyang tumakbo papalayo kasama ang bodyguard niya. Pero bigla siyang nalito nang lumingon sa kaniya si Farhistt at malawak na nakangiti. Bahagya niyang kinurap-kurap ang mata, nabubulag yata siya dahil sa luha niya.

“Alam mo bang...”

“Oo alam ko... Na hindi mo na ako mahal at siya na ang mahal mo,” napatingin siya sa babaeng nagpipigil ngumiti sa tabi nito. Teka, bakit hindi man lang ito nagalit? Dapat kanina na siya nito hinila at pinagmumura. Pero bakit kinikilig pa yata?

“Ikaw lang ang babaeng minahal ko, Odessa. Ang babaeng papakasalan ko.”

“Ayy!” Napayakap siya rito nang wala sa oras. Sunod-sunod na pumutok ang fireworks. Sayang, hindi niya naintindihan masyado ang sinabi ng binata. Ano raw sabi nito? Gagawin siyang flower girl sa kasal? Ang saklap naman! 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status