Nahigit ni Zerus ang kaniyang hininga nang simulan niyang tanggalin ang bala. Sa tabi niya, ang plangganitang may lamang tubig at alcohol.
Fuck! Fuck!
Napapikit siya ng mariin nang matanggal niya ang balang nakabaon sa kaniyang hita.
Halos mapugto ang kaniyang hininga sa sakit pero ininda niya iyon. Sunod na kaniyang ginawa, binuhusan ang sugat ng maraming alcohol. Putangina! Hindi niya mapigilang magmura sa isip.
Agad niyang pinunit ang suot na tshirt at tinali sa kaniyang hitang may sugat para maampat ang pagdugo. Sisiw lang ito kung tutuusin pero baka makalimutan ni Satanas ang kontrata nila at bigla siya nitong sunduin nang wala sa oras.
Napasandal siya sandali sa malamig na tipak na bato nang tanggalin niya ang towel sa bibig. Pinipilit niyang habulin ang kaniyang hininga. May isang bala pa siyang tatanggalin sa gilid ng kaniyang tiyan.
Sandali niyang pinikit ang m
NAPAIGIK si Zerus nang magmulat siya ng mata. Kumikirot ang kaniyang tagiliran pero hindi sapat na rason iyon para siya ay bumangon at muling tanggalin ang swerong nakatusok sa kaniyang kamay. Nababagot siya sa isiping nakahiga siya sa kama na parang taong masakitin. Ilang segundo siyang napatitig sa kawalan bago nagpasya siyag bumangon. Bumaling ang kaniyang tingin sa bintana at dinig niya ang mga boses ng mga kabataan.Walang emosyong tiningnan niya ang IV fluid, konti na laman nito. Hindi siya nagdalawang isip na tinanggal ang swero sa kamay at paika-ikang tinungo ang bintana. Wala siyang pakialam sa sugat niya sa kaniyang hita.Hinawi niya ang manipis na kurtinang nakatabing at mula sa kaniyang kinatatayuan, nakikita niya ang mga batang nasa edad lima hanggang sampo na masayang naglalaro ng habulan. Sa paligid, may dalawang mga babaeng Madreng nagbabantay.Nag-ikot siya ng tingin at hinanap ng kaniyang mata ang babae. Napa
NAGING normal ang buhay ni Zerus sa Baryo Felopina. Sa loob ng isang linggo niyang pananatili sa simbahan, kasama ang mga Madre at kabataang inabandona... Marami siyang napagtanto sa sarili. Pero sa ngayon, sa kaniya lang muna iyon.“Hijo...”“Kayo pala, Manong.” Napasulyap siya sa matandang lalaki na unang tumulong sa kaniya. Kung hindi dahil dito, nasa ilalim na siya ng lupa ngayon at inaagnas.“Lumalamig na ang kanin. Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala sa talon malapit sa kweba.”Hindi na siya sumagot. Tumayo siya at kahit papaano, medyo gumagaling na ang kaniyang mga sugat. Wala siyang alalay nang humakbang siya papunta sa maliit na kubong pagmamay-ari ni Manong Ben. Mag-isa lang ito sa bahay at kakamatay lang ng asawa nito nung nakaraang taon. Hindi pinagpala ng anak kaya mag-isa lang sa buhay.“Kumusta na ang sugat mo? Hindi na ba masyadong masakit? Katakot-t
"Mr. Hearst? Tulog ba kayo?"Pinigilan ni Zerus ang sariling 'wag magmulat ng mata, kahit natutukso siyang buksan ang nakapinid niyang mata at pagmasdan ang inosenteng kagandahan ng babae. Mula sa malambing nitong boses na parang hinahaplos ang kaniyang malamig na puso at sa munting galaw nito na laging nagpapasinghap sa kaniya sa tuwing nasusulyapan ito.Sa ilang araw niyang pananatili, isa lang ang gusto niyang mangyari. Ang makaalis agad sa Baryo Felopina. Mahaba na ang dalawang linggong pananatili. Hindi rin siya sigurado kung safe at ligtas pa ba ang buhay niya sa mga araw na iyon. Hindi basta-basta ang kaaway niyang si Hayes at Fortocarrero pero mautak siya. Mas mautak siya pagdating sa ganitong bagay.“Mr. Fender Hearst...”“Nakita mo ba natutulog ang tao?” paasik na tanong niya. Gumuhit pagkainis sa kaniyang boses.“Mukhang hindi naman kayo natutulog. Nagsasalita kayo
NAPAKISLOT si Blesy nang makita niya si Mr. Fender Hearst na nakaupo ulit sa ilalim ng malaking kahoy kinabukasan at malayang natutulog. Hindi ang lalaki ang kaniyang pasya sa lugar na iyon kung bakit siya nagpunta. Nakasanayan niya ng pumunta ro'n tuwing sabado at manguha ng mga nagagandahang bulaklak para sa simbahan at halamang gamot.Mga ilang dipa ang layo niya sa lalaki at kitang-kita niya ang banayad na pagkakatulogMay tinatago ang lalaki, ramdam niya iyon. Pero bilang isang babaeng magiging ganap na Madre balang-araw, hinayaan niya na lamang ito kung kailan ito gustong magkwento. Kahit gusto niya itong tulungan at ibalik ang pananampalataya sa Diyos. Isa sa rason kung bakit mas pinili nitong tumira sa bahay-kubo ni Manong Ben at hindi sa simbahan. Ramdam niya ang malaking galit na nanahan sa puso nito.“Nakakaawa siya...” halos pabulong iyon na lumabas sa kaniyang bibig. Totoong naaawa siya sa lalaki at tanging dasal
Naliligo na siya sa malakas na ulan nang mga sandaling iyon pero hindi siya tumigil. Wala siyang pakialam sa ulan. Ang gusto lang niya ay makita ang babae. Panay ang kaniyang tawag sa pangalan nito at ang sumasagot ay ang malakas na kidlat at kulog. Galit ang langit sa kaniya at ramdam niya ito.Saan ka ba, Blesy? Damn it!Napamura siya nang muling nagalit ang kalangitan at gumuhit ang mahabang kidlat. Napailing-iling na lamang siyang nagpatuloy hanggang sa napahinto siya at napamura ng mas malutong.“Putangina! Blesy!” Mabilis pa sa orasan ang kaniyang pagbaba sa may kataasang bangin. Hindi niya inalintana na pwede siyang mahulog dahil sa lakas ng ulan at madulas ang mga bato. Agad niyang niyakap ang babaeng walang malay habang nasa tabi ang mga bulaklak na pinitas nito. “Hey, hey! Wake up. Blesy!” Tinapik niya ang namumutlang pisngi ng babae pero walang tugon mula rito.Nahulog ito. Iyon an
Walang sagot mula rito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya at alam niya ang nasa utak nito nang mga sandaling iyon. Takot. Takot ang nararamdaman nito laban sa kaniya. Nababasa niya at parang sinuntok ang kaniyang puso sa kislap ng mga mata nito.“Ano ka ba talaga? Anong klaseng tao ka?”Malakas ang lagaslas ng ulan pero malinaw ang kaniyang pandinig. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kamao habang nakatitig sa babae. Nanatili sila sa gano'ng sitwasyon.“Takot ka sa'kin, hindi ba?” usal niya sa mga katagang iyon na lalong mas nagpadagdag ng takot sa pagkatao ng babae.“Bigyan mo ako ng rason kung bakit hindi kita dapat katakutan.”Natawa siya ng mapakla at dumistansya rito. “Gusto mong maunang umuwi sa simbahan, right? Sige, umuwi ka na.”Nayakap nito ang sarili at ilang beses na napatingin sa kaniya. Tinitimbang ang kaniyang sinabi, “Isa kang mamatay-tao.”
“Sister, kinakausap ka ni Mother Jean.”Tulirong napatingin siya sa matandang Madre. Nag-alala ang mukha nitong nakatingin sa kaniya at hinihintay siyang magsalita.“Tinatanong ka ni Mother Jean kung anong nangyari kahapon at bakit walang malay kang pangko ni Mr. Hearst.”Nagyuko siya ng ulo at humingi ng pasesnya sa matandang Madre. Sinabi niya ang totoong nangyari kung bakit pero hindi niya sinabi 'yong hinalikan siya ng lalaki. pinangaralan siya nito at pinayuhang mag-ingat sa susunod. Tanging tango lang ang kaniyang naging sagot kay Mother Jean.“Magpahinga ka na ulit. Papadalhan kita rito kay Sister Pearl ng sopas at gamot para mainitan 'yang tiyan mo.”Tumango siya at tumalikod na ang dalawa. Naiwan siyang mag-isa sa silid. Nagpasya siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili kung okay na ba siya. Ngayon lang niya nararamdamang mataas ang kaniyang lagnat nang salatin niya an
“Hey brother, what do you want for dinner? Bloody head of a corrupt senator or dinuguan ng manyakis na police? Choose.” Itinaas nito ang isang ulo ng kilalang senator sa bansa, duguan at dilat ang mata. Habang sa kabilang kamay ay ang tupperware na alam niyang dugo ang laman. Nakasuot ito ng pulang surgical gloves at pulang apron.Napahilot siya sa sintido. Gusto niyang magpahinga at heto, ang kapatid niyang walang balak pagpahingain ang kaniyang buong gabi. Ramona is a pyscho. Batid niya na iyon.“Will you fucking throw that away from me, Ramona? Let me rest.”Napangisi ito. “What kind of rest? 'Yong rest in peace na ba na sa hukay ang gusto mo? You know I could give it easily. Humiling ka lang, isusunod kita sa senador na ito,” sumulyap ito sa bitbit na ulo sa kabilang kamay nito. Bahagya pa itong natawa at napaismid. “Corrupt. Rapist. Hmm, what else? Addict. Kaya hindi pinapatagal ang mga ganitong tao, right bro
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy