HUMINTO sila sa isang private cementery. Napakunot ang kaniyang noo. Ang aga naman pinakita sa kaniya ni Henrik ng kaniyang pupuntahan after 1 year. Alam niyang dito siya patutungo sa lugar na ito, no need na ipakita sa kaniya."Ah, you are showing me my rightful place." Sinabayan niya iyon ng tawa. Wala lang, natatawa lang siya sa katotohanan na mauuna siyang mamatay.Tumiim naman ang mata ni Henrik sa kaniya at matagal siya bago tinitigan bago ito nagsalita. "Don't talk like that, Trie." May pagbabanta sa boses nito.Nagkibit lang siya ng balikat habang ito ay lumabas at pinagbuksan siya ng pintuan. Kinuha rin nito ang basket of flowers sa backseat ng sasakyan."Anong gagawin natin dito? Kung may huli man akong dapat puntahan, iyon ay sementeryo but now, you brought me here first? What's the point? Are you showing me my grave? Well, I'm gladly wanna see it.""Will you shut the fuck up, Trinity!" Tumaas ang boses nito at galit na hinawakan siya sa braso pero may pag-iingat pa rin na
Tahimik lang si Trinity habang nakikinig ng musika mula sa car stereo ni Favio. Napapansin niya ang panay pagsulyap sa kaniya ng binata habang nagmamaneho pero hindi niya ito pinansin. Nakatutok lang ang kaniyang mata sa daan at wala siyang balak magsalita o makipagkwentuhan."Are you... Okay?""Yeah," kiming sagot lang din niya.Tumango lang din si Favio at hindi na muling nagsalita. Nag-focus na ito ulit sa kalsada habang siya, naalala niya ang mga salitang binitawan ni Henrik sa harap ng puntod ng Ina nito.Mapakla siyang natawa. Talaga nga naman nakakatawa ang sitwasyon niya ngayon. Hindi na nga siya mahal ng taong mahal niya, niyayaya pa siyang magpakasal dahil lang sa naramdaman awa.Lihim siyang napabuntong-hinga at binaling ang mata sa bintana ng sasakyan. Pinagmamasdan niya ang bawat establishemento na kanilang nadadaanan."Can we go to any museum?""Yeah, yeah sure.""Thanks Favio."At sandali niyang pinikit ang mata. Hindi na siya napilit ni Henrik na sumakay sa sasakyan ni
Padarag na binagsak ni Henrik ang iniinuman baso ng alak. Nasa counter siya ng pribadong bar at hinihintay niya lang dumating si Serenity. Tinawagan niya ang dalaga na magkita sila nito at ito ang nagsuhestyon ng lugar kung saan sila magkita.Mas nauna siya rito ng kalahating oras at ngayon ay hinihintay na lamang niyang dumating ito. Kilala niya si Serenity. Ito ang may-ari ng pinagtatrabahuan Country's Coffee Shop ni Lianne noon. Inimbita rin siya nito minsan sa birthday celebration nito noon at alam niyang may gusto sa kaniya si Serenity noon pa. Umamin ito sa kaniya nung gabi pagkatapos ng birthday celebration nito pero hindi niya ito tinugon. Lalo na at kay Lianne nakatuon ang kaniyang atensyon noon at nirespito ito noon ni Serenity."Hey!"Lumingon si Henrik sa dalaga na dumating lang ngayon. Humalik ito sa kaniyang pisngi at umupo sa katabi niyang stool. Nag-order ito ng sarili nitong drinks at siya ang nagbayad."So, we've here! What do you want to discuss? Is it the wedding?"
Magaan ang gising ni Trinity nang araw na iyon kahit buong magdamag siyang umiyak. Tiningnan niya muna ang kaniyang sarili sa salamin at nakita niyang namamaga ang kaniyang eyebag pero hindi ang pisngi niya.Mabilis siyang naligo sa umagang iyon at naghanda ng almusal. Hindi na siya nag-abala pang lagyan ng yelo ang namamagang eyebag. Magsusuot na lang siya ng sunglasses mamaya, kunwari cool pa rin siya kahit ang totoo ay malapit na siyang mamamatay.Pupuntahan niya ngayon si Henrik. Mag-uusap silang dalawa! Wala na siyang pakialam sa puso niya, ang malahaga ay si Serenity at ito dapat ang magkatuluyan.Mayamaya pa ay may narinig siyang tatlong mahinang katok. Meron naman siyang door bell pero tinungo niya pa rin ang pintuan. Kung sakaling si Henrik ito, mas mabuti para makapag-usap sila ng masinsinan.Eksaktong pagbukas niya ay hindi si Henrik ang nasa labas, kundi si Favio. May dala itong isang bote ng fresh milk at halatang napadaan lang dahil sa outfit nitong naka-jogging.Namumul
Masayang kausap ni Trinity ang kaniyang aguelo at aguela nang gabing iyon. Totoong masaya siya kapag kaharap ang dalawang matanda dahil alam niyang hindi niya na kailangan umarteng okay sa harap ng mga ito.Nakapagdesisyon din siyang huwag sabihin sa mga ito ang totoong kalagayan niya ngayon. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Mas maganda 'yong mamatay siya na walang nakakaalam at isahan sakit lang ang ibibigay niya sa mga ito.Nakipagkwentuhan muna siya sa mga ito bago siya nagpasyang magpahinga sa kaniyang silid. Ang silid na kung saan andoon lahat ng kabaliwan niya noon ni Henrik. Ang silid niya na lahat ng poster, jersey, stolen pictures ni Henrik ay nakapaskil.Napapikit siya nang tumama ang kaniyang likod sa malambot na kama. Ah, feels heaven! Iba talaga ang kwarto na nakasanayan niya. Ito lang 'yong tanging silid na nagbibigay ng pampakalma sa kaniyang katawan.Inabot niya ang human size unan na si Henrik at niyakap iyon. Hindi na siya nag-abalang palitan o itago ang kabaliwan
Pero sa loob ng pitong araw na iyon, puro pagsusuka at walang gana siyang kumain. Ang tanging kaya lang ilagay sa kaniyang sikmura ay saging at itlog. Maliban doon, wala na. Pati kape ay ayaw dumaan sa lalamunan niya kaya tubig na lang muna din siya.Nag-alala na rin ang aguelo at aguela niya para sa kaniya pero sinabi lang niya sa mga ito na sinat lang hanggang isang araw ay kinausap siya ng kaniyang aguela. Nasa hardin siya noon at tinanong sa kaniya kung sino ang Ama ng kaniyang dinadala.Doon siya halos mawalan ng kulay. Hindi makasagot at gulat na gulat sa naging tanong nito. Kung babalansehin, kasiyahan at excitement ang nakikita niya sa mata ng aguela niya habang siya, mixed emotion.Kaya ngayon, para maputol ang maraming katanungan sa isip niya, nagsadya siyang bumili ng dalawang pregnancy test sa isang grocery store. Kaagad siyang pumasok sa isang banyo at kumuha ng test. Naghintay siya ng ilang segundo at nung lumabas ang resulta, bigla siyang namutla.Nanginig ang kaniyang
"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."Isang masuyong halik ang binigay ni Henrik kay Trinity at kasunod niyon ay palakpakan ng tatlong tao na naging testigo na kasal na sila.Isang civil wedding ang naganap at ang tanging bisita lang ay si Favio, aguela at aguelo niya. Maliban doon, wala ng iba. Siya ang may gusto noon at ayaw niyang maraming makakaalam. Sa isang judge sila kinasal.Nung una ayaw niyang tanggapin ang alok ni Henrik hanggang sa naalala niyang kailangan niya ng tulong. Para sa anak niya. Hindi niya kakayanin ang operasyon. Balak niyang lumuwas sa ibang bansa at magpaopera at kailangan niya ng malaking pera sakali.Kung nung una, okay lang sa kaniya na mamatay siya. Ngayon, huwag muna. Huwag muna!"Congratulations sweety!" Mabilis na lumapit ang aguela at aguelo niya sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.Yumakap din siya sa mga ito. Pinapangako niyang dadalawin niya pa rin ang mga ito kahit mag-asawa na sila ngayon ni Henrik."Congratulation
Napangiti si Trinity nang mabasa niya sa google ang meaning ng kärlek ay ‘love’ sa salitang swedish. Yes, naalala niyang swedish si Henrik at paminsan-minsan nagsasalita ito ng swedish noon pero mas nag-uusap sila sa salitang english at tagalog.Mabilis siyang naggayak sa araw na iyon. Gusto niya sanang magmukmok sa silid na iyon pero baka masanay siya kaya papasyal siya at lalanghap ng hangin.Maraming nagbago sa buhay niya sa isang iglap lang ng mata. Nakakalito nga isipin kung blessings ba talaga itong sakita niyang tumor o hindi. Nakakatawa lang talaga isipin dahil kasama niya sa iisang bubong si Henrik at ngayon ay asawa na siya nito. Hawak niya ang apelyido nito na pinag-aagawan ng ibang babae. Funny to say, pati pa nga ang kaniyang kapatid."Trie?" Tatlong katok sa pintuan ng silid niya ang nagpagising sa kaniyang diwa.Nakaharap pala siya sa salamin at pinagmamasdan ngayon sa life size mirror ang manipis na tiyan. "Wait, wait! I'll be there in a minute." Mabilis niyang kinuha