Hindi nakapag-decide si Trinity kung anong damit ang susuotin sa harap ng life size mirror. Para pa rin siyang namamalikmata ngayong malaki ang binawas ng kaniyang timbang. Anim na buwan, anim na buwan niyang nakuha ang ganitong katawan na matagal niya nang pinagarap para mapansin lang ng isang Henrik Gustavvson.Ngayon hourglass na ang dating bilog niyang katawan, nagkaroon na rin siya ng kompyansa sa sarili. Mahirap maging kumpulan ng tukso. Paboritong subject sa biology na parang isa siyang hayop at paborito i-bully ng mga kaklase niya noon.Nagpasalamat siya na nakilala niya si Amara. Kung hindi dahil sa dalaga na palaban, baka nanatili siyang matabang balyena at outcast palagi sa kahit saang school. Isa si Amara sa naging inspirasyon niyang magpapayat at hindi niya pa nakalimutan 'yong binili nilang gayuma sa Quiapo.“This one.” Mabilis niyang dinampot ang itim na damit kung saan litaw na litaw ang kaniyang maliit na beywang at makinis na likod. Seductive siyang tingnan sa damit
[Nakaraan]----------Palinga-linga si Trinity, hindi mahagilap ng kaniyang mata si Henrik. Matapos niya itong hayaan na umiyak sa bleacher, iniwan siya nito at nung humabol siya papalabas, nakasakay na ito ng taxi.Hindi na siya nakasunod kay Henrik dahil nawala na ito ng tuluyan at gusto niyang mainis kung bakit hinayaan niyang mawala sa mata niya ang lalaki. Wala siyang magawa kundi ang bumalik sa mansyon ng Williamson. Inisip niya kung saan niya hahagilapin ang lalaki.Mabuti na lang at may concern siyang pinsan na ngayon ay nandito sa isang sikat at pribadong bar nagtatrabaho. Dahil alam nitong matindi ang tama niya sa lalaki, sinabihan siya nito na ando'n si Henrik. Kaya wala siyang sinayang na oras, agad siyang pumunta sa bar na sinasabi ng kaniyang pinsan. Nagsuot siya ng red wine low cut dress na labas ang tiyan at cleavage. Tamang classy at sexy lang para sa tulad niyang Canadian at may light brown na mata.Muntikan pa siyang hindi pinapasok dahil napagkamalan siyang under
“Who are you?!”Naalimpungatan si Trinity nang marinig ang boses na iyon galing kay Henrik. Hubot-hubad silang dalawa sa ilalim ng comforter na tumatabing sa kanilang katawan. Mabilis itong umalis sa kaniyang tabi at nag-ikot ng tingin.“The hell am I?! Fuck!” Napamura ito lalo nung sulyapan nito ang suot na wristwatch. “Practice! Shit!” Nagmadali itong magsuot ng damit at pantalon. Ne hindi siya nito nagawang sulyapan para makita ang kaniyang mukha. “I'm fucking late! I'm fucking late.” Tinakbo nito ang pintuan.“Henrik wait!” Nagmadaling hinabol niya ito. Wala siyang pakialam sa kaniyang kahubaran. Masakit ang kaniyang magkabilang hita lalo na sa pagkababae niyang kinuha nito kagabi.Nang maabutan niya ang lalaki, mahigpit niya itong niyakap sa likuran. Natigilan naman ito at matagal bago nakaimik. Pilit nitong pinoproseso ang nangyari sa pagitan nila kahit halata naman na may nangyari sa kanila kagabi. Humarap ito sa kaniya at bahagya itong nagulat nang makita ang buong mukha niya.
Nanghihinang napasandal si Trinity sa upuan ng kaniyang maliit na opisina sa Trinia's Hideout. Ang lakas pa rin ng tibok ng kaniyang puso. Kung hindi siya nakainom agad ng maraming tubig, baka naa nahimatay na siya.Isabay pa ang kaniyang ulo ngayon na parang pinukpok na naman sa sobrang sakit. Kulang na lang ay ibangga niya ito sa pader para lang mawala. Masakit na nga ang kaniyang puso, pati ba naman ang kaniyang ulo ay nakikisabay rin?Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang tumunog ito. Text galing kay Henrik. Nagtatanong ito kung ano ang problema.Pinatay niya ang kaniyang cellphone at napatingin sa kesame. Para naman sirang plaka na naglalaro sa kaniyang utak ang masarap na pinagsaluhan nilang dalawa kagabi. Kung pagkain si Henrik, hindi siya kailanman magsasawa rito.Kapagkuwan ay nagpasya siyang lumabas. Hindi makakatulong sa kaniya ang magmukmok at magtago sa opisina niya. Pero bago iyon, kinuha niya sa kaniyang bag ang isang botelya ng gamot. Kumuha siya roon ng isang pir
"Are you sure? You sounds like you're following me here.""Really?" Lumarawan naman ang amusement sa mata nito nang tingnan siya.Mas lalong lumalim ang kunot ng kaniyang noo. So, tama siya na sinusundan siya nito dahil sa klase ng ngiti nito na parang bata na nahuli sa kasalanan nagawa."Okay-okay, I admit it. I followed you here. Is that a crime?"Inirapan niya ang lalaki. Hindi sila magka-close kaya bakit siya sinusundan nito? Stalker ba ito? Kaagad niya itong tinalikuran at nagpunta sa kabilang hallway.Kaya siya nagpunta rito ay para mag-relax ang kaniyang utak at puso, hindi para dagdagan ng sama ng loob. Naiinis lang siya sa pagmumukha ni Favio. Kahawig na kahawig ito kay Henrik at mas lalo lang sumakit ang kaniyang puso."Alone? Need companion? I can tour you here."Nqpairap lang siya sa hangin. Nakatadhana ba silang magkita ng lalaking ito ngayon araw? Dahil kung oo, pwede paki-undo? Mag-stay na lang siya buong araw sa kaniyang restaurant."From your eyes, I can see pain and
Napasulyap si Trinity sa wallclock. 6:30 at ready na siya para sa dinner date nila ni Henrik. Mag-taxi na lang siya mamaya pag-uwi. Tinatamad siyang magmaneho ng kaniyang sasakyan papunta sa lokasyon kung saan sila kakain dalawa.Suot niya ay isang sexy black plunging neckline dress. Silk ang tela niyon kaya hulma na hulma ang kaniyang katawan. Tamang make up lang din ang kaniyang nilagay at hinayaan niyang naka-messy bun ang buhok.Aalis siya exactly 7 p.m, ayaw niyang magmukhang hinahabol si Henrik kahit 'yon naman talaga ang totoo. Kahit sa sarili niya, may respito pa rin siya. Iyon na lang yata ang natitira dahil kung pagmamahal ang usapan, naibigay niya na lahat sa lalaki.Napangiti siya nang tumungtong ang oras sa alas-syete. Kaagad niyang kinuha ang purse at lumabas ng kaniyang apartment.Andoon na rin sa labas naghihintay ang kaniyang binook na sasakyan. She's ready!Pagpasok pa lang niya sa nasabing restaurant, napalingon lahat ng mga taong nandoon. Mapababae man o lalaki. La
Hindi alam ni Trinity kung paano natapos ang gabing iyon na parang okay lang sa kaniya. Nagawa pa niyang sumabay at tumawa sa mga pabirong banat ni Favio. Pasimpleng hinampas-hampas pa niya ang balikat nito sa paraan hindi siya apektado sa presinsya ni Serenity at Henrik.Bakit ba siya masasaktan? Special friend lang naman siya, eh. Wala siyang karapatan masaktan in the first place dahil siya itong fiancee ngayon ni Henrik kung tinanggap niya ang proposal ng kaniyang Ama.Bullshit! Gusto niyang sumigaw sa galit pero may magagawa ba ang kaniyang galit kapag ginawa niya iyon? O, pwede niya ba lapitan si Serenity o ang kaniyang Ama na pumapayag na siya?Hindi. Hindi niya gagawin iyon. May respito siyang natitira sa kaniyang sarili kahit sobrabg laki ng kaniyang pagsisisi.Dapat pala, nakinig muna siya. Tiningnan niya muna kung sino ang lalaki na ibig sabihin ng kaniyang Ama.Kung sabagay, hindi niya hawak ang kaniyang buhay. Kahit magiging kaniya si Henrik, hindi niya alam kung magtataga
"That's how I see it, dude. Trie is madly in love with you. Can't you see the angst in her eyes as she speaks? "Hindi kumibo si Henrik. Sinabi na sa kaniya ito noon ni Trinity na mahal siya nito pero hindi niya binigyan ng pansin. Iisa lang ang nasa puso niya, si Lianne. Ang hirap kalimutan ng babae kahit anong pilit niya, hindi niya basta-basta naalis sa kaniyang sistema ito."I'm talking to you, hey!" Binato siya ni Favio ng tubig.Katatapos lang ng practice nila sa araw na iyon at tipong dumaan ang pinsan niyang si Favio para manood saglit."I prefer not to speak.""Why not? Trie is head over heels in love with you, and you can't see it?""I already knew it, but let's not talk about her; after all, my heart beats for someone I can't have, and it fuck me like hell.""Fuck you like hell?" Natawa naman si Favio. "And yet you allow yourself to get married with her sister?""I don't worry about marriage; I can divorce her after a year. That's how business works. It was a favor requeste