Napasulyap si Trinity sa wallclock. 6:30 at ready na siya para sa dinner date nila ni Henrik. Mag-taxi na lang siya mamaya pag-uwi. Tinatamad siyang magmaneho ng kaniyang sasakyan papunta sa lokasyon kung saan sila kakain dalawa.Suot niya ay isang sexy black plunging neckline dress. Silk ang tela niyon kaya hulma na hulma ang kaniyang katawan. Tamang make up lang din ang kaniyang nilagay at hinayaan niyang naka-messy bun ang buhok.Aalis siya exactly 7 p.m, ayaw niyang magmukhang hinahabol si Henrik kahit 'yon naman talaga ang totoo. Kahit sa sarili niya, may respito pa rin siya. Iyon na lang yata ang natitira dahil kung pagmamahal ang usapan, naibigay niya na lahat sa lalaki.Napangiti siya nang tumungtong ang oras sa alas-syete. Kaagad niyang kinuha ang purse at lumabas ng kaniyang apartment.Andoon na rin sa labas naghihintay ang kaniyang binook na sasakyan. She's ready!Pagpasok pa lang niya sa nasabing restaurant, napalingon lahat ng mga taong nandoon. Mapababae man o lalaki. La
Hindi alam ni Trinity kung paano natapos ang gabing iyon na parang okay lang sa kaniya. Nagawa pa niyang sumabay at tumawa sa mga pabirong banat ni Favio. Pasimpleng hinampas-hampas pa niya ang balikat nito sa paraan hindi siya apektado sa presinsya ni Serenity at Henrik.Bakit ba siya masasaktan? Special friend lang naman siya, eh. Wala siyang karapatan masaktan in the first place dahil siya itong fiancee ngayon ni Henrik kung tinanggap niya ang proposal ng kaniyang Ama.Bullshit! Gusto niyang sumigaw sa galit pero may magagawa ba ang kaniyang galit kapag ginawa niya iyon? O, pwede niya ba lapitan si Serenity o ang kaniyang Ama na pumapayag na siya?Hindi. Hindi niya gagawin iyon. May respito siyang natitira sa kaniyang sarili kahit sobrabg laki ng kaniyang pagsisisi.Dapat pala, nakinig muna siya. Tiningnan niya muna kung sino ang lalaki na ibig sabihin ng kaniyang Ama.Kung sabagay, hindi niya hawak ang kaniyang buhay. Kahit magiging kaniya si Henrik, hindi niya alam kung magtataga
"That's how I see it, dude. Trie is madly in love with you. Can't you see the angst in her eyes as she speaks? "Hindi kumibo si Henrik. Sinabi na sa kaniya ito noon ni Trinity na mahal siya nito pero hindi niya binigyan ng pansin. Iisa lang ang nasa puso niya, si Lianne. Ang hirap kalimutan ng babae kahit anong pilit niya, hindi niya basta-basta naalis sa kaniyang sistema ito."I'm talking to you, hey!" Binato siya ni Favio ng tubig.Katatapos lang ng practice nila sa araw na iyon at tipong dumaan ang pinsan niyang si Favio para manood saglit."I prefer not to speak.""Why not? Trie is head over heels in love with you, and you can't see it?""I already knew it, but let's not talk about her; after all, my heart beats for someone I can't have, and it fuck me like hell.""Fuck you like hell?" Natawa naman si Favio. "And yet you allow yourself to get married with her sister?""I don't worry about marriage; I can divorce her after a year. That's how business works. It was a favor requeste
Ang nag-alalang mukha ni Favio ang namulatan ni Trinity nang magising siya. Kaagad niyang tiningnan ang kaniyang kamay para lang mapangiwi sa nakitang may nakasaksak na IV fluid doon."Great! Now you awake."Hindi niya pinansin si Favio. Nakatutok ang kaniyang atensyon sa IV fluid. Gusto niya itong tanggalin pero nanginginig ang kaniyang kaliwang kamay. Hindi niya kayang tanggalin."Don't think about it, Trinity; you need to rest.""I'd like to rest at home.""Don't overdo it.""I'm fucking serious here! I'll rest at home, so please go get the Doctor for me, or I'll damn pull this damn thing." Tinutukoy niya ay ang dextrose sa kaniyang kamay. Tinanggal din niya ang oxygen na nakakabit sa kaniyang ilong. Mas lalo lang siyang kinain ng kaniyang anxiety sa isipin nandito siya sa loob ng Hospital na ito."Such a noisy." naiiling na anas nito pero sinunod ang kaniyang gustong mangyari. Lumabas ito at ilang minuto lang ay may pumasok na Doctor, kasunod ng Doctor si Favio.Nakapamulsa si Fav
Isa, dalawa, tatlong boses ang kaniyang naririnig na nag-uusap. Nanatiling madilim pa rin ang kaniyang paligid o dahil nakapikit ang kaniyang mata? Alam ni Trinity na nasa Hospital siya. Hindi na ito biro o isang panaginip. Totoong nasa isang silid siya ngayon ng Hospital dahil sa amoy at tunog ng monitoring device."Are you two related to her?""Yes."Gusto niyang magmulat pero sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam."That's good to hear, considering Trinity is a quite private woman who doesn't want anyone to know about her health.""Can you elaborate?" Boses ito ni Henrik.Wait, Henrik? Anong ginagawa ni Henrik dito kung gano'n? Gusto niyang pilitin magising pero ayaw makisama ng kaniyang katawan."I feel bad for her."" Napabuntong-hinga ang Doctor. "There's a chance her mind is awake and aware of what we are talking right now. I propose that we go to my office so that I can properly explain everything."Hindi!Gusto niyang pigilan ang kaniyang Doctor sa anuman balak nitong sabihin pe
Kaagad tumiim ang kaniyang tingin sa gwapong mukha ni Henrik. Hawak-hawak nito ang kaniyang isang kamay at kung tama ang kaniyang nababasa, nag-alala ang mukha nitong nakatunghay sa kaniya."W-what are you doing here?""Really? You are asking me that?" May bahid na galit ang boses nito pero saglit lang iyon. "How are you feeling right now, Trinity?"Umilap ang kaniyang mata. Gusto niyang bawiin ang kaniyang kamay na hawak nito pero wala siyang lakas para gawin iyon. Bakit hindi niya gusto ang pag-alala na nasa mukha nito?"I'm fine. What did my doctor say?""We'll talk about it later. Right now, all you need is rest."Hindi siya sumagot. Saka niya naalala si Favio kaya mabilis niyang nilibot ang tingin para hanapin ang binata at nakita niya itong nakaupo sa sofa, nakatingin sa kanila. Especially sa kaniya."Favio...""Yeah?" Bahagya itong ngumiti."Sorry I made you worry but thank you...""Don't mention it."Tumango siya at muling binalik ang tingin kay Henrik saka niya naalala si Ser
Pero imbes na sa bahay ni Henrik, sa kaniyang apartment siya nagpahatid. Hindi siya nito napilit na isama siya sa bahay nito. Dahil una-una, ano ang gagawin niya roon? Ang magpabigat sa lalaki?Kaya niyang umarteng normal ang kaniyang buhay. After this, balik ulit siya sa trabaho niya sa Trinia's Hideout. Balik ulit siya sa pagiging chef niya at pagiging may-ari.Sinabi niya rin kay Henrik na gusto niyang mapag-isa at huwag na siya nitong alalahanin pa.She's okay at kaya niyang patunayan ang salitang okay lang siya. Tumor lang 'yan. Maganda siya."I'll stay here tonight. I don't care kung ayaw mo."Hindi niya na kinontra ang sinabi ni Henrik. Kaya lang nito ginagawa ito dahil naawa ito. Sige, hayaan niyang maawa ito. Magsasawa rin ito.KINABUKASAN, gumising pa rin siya na naayon sa kaniyang schedule. Hindi na rin siya nagtaka nung magisnan niyang wala si Henrik sa sala. Malamang maaga itong nag-jogging sa labas o kaya nag-work out. Kahit anong gawin nito, wala siyang pakialam.Nag-ex
Isang oras siyang nagmukmok sa kaniyang silid. Nung handa na siya, saka siya lumabas na bihis na bihis na. Nagsuot siya ng isang sexy wine dress na halos labas ang kaniyang likod at dibdib. Naglagay din siya ng makapal na make up at mataas na stilettos. Kahit sa ganoon paraan, matakpan ang totoong nararamdaman niya ngayon.Kinulot niya ang kaniyang buhok at nagmistula siyang misteryuso sa kaniyang aura ngayon. Dinampot niya ang kaniyang bag kung saan andoon ang phone at gamot niya.1 year? 2 year? Nah, mahaba pa 'yan kaya gagawin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin at kakalimutan niya si Henrik. Mahal niya? Oo, pero kakalimutan niya.Eksaktong paglabas niya ng apartment, nakita niya ng naghihintay si Henrik sa tabi ng elevator. Nakapamulsa. Suot nito ay fitted navy blue shirt at pants. Bagets na bagets ito tingnan habang may suot na cap sa ulo.Huminga siya ng malalim. Nag-unahan na naman sa pagtibok ang kaniyang puso kaya kailangan niyang pakalmahin ito at baka hindi niya mapigi