Halos hindi kami makapaniwalang lahat sa laman ng isang tila golden box na regalo.
“Totoo ba ’tong nakikita ko?” tanong ni Lianna.
“Nanlalabo na ba ang mga mata ko?” ayon naman kay Veronica at inaayos pa ang salaming suot.
Maya-maya’y tumawa ang dalawang lalaking kasama namin.
“Hindi kayo binibiro ng box sadyang wala talaga siyang laman.” Halos hindi matigil na tawa ni Apollo.
“Astrid, is this a joke? Ang ganda ng lagayan pero walang laman? Kung sino man ang nagbigay nito busted-in mo na! Pakiusap lang!” panenermon niya habang tinuturo ang walang lamang box. “Kanina pa ako nati-trigger nang ihatid ’yan dito pero pinaasa lang pala ako,” halos pagmamaktol niya.
Itinikom ko ang
Tatakpan ko na sana ang box nang may nahulog mula sa takip nito. Isang nakatuping notepad na ipinagtaka ko. At nang buksan ko ito at mabasa ay halos lumuwa ang mga mata ko... ‘Good morning lady of my dreams, sunshine of my day, and stars of my night. Look in the mirror and you will see my future wife.’ Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang matapos basahin iyon. Walang ’ya! Buti na lang at hindi ito nakita nina Veronica at Lianna. NAPATAKIP ako sa aking bibig at nang hindi ko na kinaya pang pigilan ay humagalpak ako ng tawa. I didn't expect that Mr. Fonteverde is the king of all cornies living in this earth. Napahawak na ako sa aking tiyan dahil sa katatawa at nang mahimasmasan ay napatayo ako ng tuwid. At sa pagtayong iyon ay hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin. Mr. Fonteverde is already standing in front of me and almost reach my lips that I lost my balance. Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng balanse ay nahawakan niya na ako sa aking
Sa labas pa lang ng isang classical garden ay rinig na rinig na ang mabining tugtugin mula sa iba’t ibang klase ng instrumentong tinutugtog ng orchestra.Ang Sky Garden Restaurant and Hotel ay nagmistulang hardin sa kalangitan sa ganda ng disenyong angkop para sa tulad kong nangangarap ng isang mala-fairy tale na date noong kabataan ko pa lang. Inilibot ko ang aking paningin habang papasok sa maliwanag na paligid. Halos mapanganga ako sa ganda ng buong paligid. Mula sa tumpok ng mga bulaklak na tila ba ako ay nasa isang hardin, iba’t ibang makukulay na chandelier na nagbibigay kulay sa daan at mala-carpeted na daanang inaapakan ko ngayon. Napapikit ako sa saliw ng mabining tugtugin na nagmumula sa loob.I was wearing an open back black dress that matched the atmosphere tonight. Mas importante pa rin sa akin ang kasimplihan pero may dating pa rin kun
Kapuwa nag-aalab ang aming katawan dahil sa mapupusok na halik na aming pinagsasaluhan. Hindi ko alam kung kailan o paano nangyari. Ang naalala ko lang ay sinunggaban niya ako ng halik na tinugon ko naman. His kisses are so passionate yet gentle that you can’t refuse. Nang lumapat ang aking likod sa malambot na kama ay humiwalay siya sa akin. Kapuwa kami hapong-hapo dahil doon. It was intense na gusto mong humiling ng isa pa. Ipinagdikit niya ang mga tungki ng ilong namin at pagmulat ko’y nagtagpo ang aming mga paningin. “Aren't we’re old, are we?” hapong-hapo niyang tanong. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti. He’s cute. “Oo naman. May mga anak na nga tayo. Bakit?”
“Agghh!” sigaw ni Herald nang matalo siya sa laro na ahedres ng kaniyang kakambal sa tulong ng kanilang ama. “You lose again,” tawa ng kaniyang kakambal habang tinuturo siya. Nakikitawa rin si Alas sa kanila habang ako ay nasa kusina at sinisilip sila. Narito sila sa tinitirhan namin. Nang sinundo ko si Herald kanina ay sumama sa akin si Hera at sumunod na lang sa unit si Alas pagkatapos ng kaniyang outdoor meeting. Napapadalas na ang pagpunta nila rito. Hindi na rin sinusundo ni Manang Olivia si Hera sa school tuwing hapon dahil paniguradong sasama lang sa akin ang bata at pupuntahan naman ng kaniyang ama sa amin para sunduin. Pero sa halip na sundo ay napapababad naman si Alas dito. Pabor na pabor talaga sa kaniya ang laging pagsama sa amin ni Hera tuwing uwian. Na
“Mommy, who's that?” tanong ni Herald kung kaya’t binalingan ko siya. Ngunit nagulat na lang ako nang biglang tinulak ni Jemuel pabukas ang pinto.“Surprise!” sigaw niya.At sa hindi inaasahang mabubungaran ay napahinto siya. Unti-unti ay kumupas ang malawak na ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Puno ng kaguluhang tumingin sa akin si Jemuel. Wala akong nagawa kundi ang ilayo sa kaniya ang aking paningin at inilipat kay Alas na ngayon ay nakapukol na rin ang paningin sa akin. Ang tinging itinapon ko sa kaniya ay isang pakiusap. Pakiusap na siya na ang bahalang magpaliwanag kay Jemuel sa nasaksihan niya ngayon.“Tito Jemuel!” Ang sigaw na iyon ni Herald ang tanging bumasag sa katahimikang iyon.Humarap na lang si Jemuel sa an
Ava’s P.O.V Napuno ng palakpakan ang buong paligid dahil sa eleganteng bisita ng Fonteverde Corporation. Mr. Robert Davies, kagaya ng sinabi ni Apollo ay isa sa pinakapipitagan at halimaw na tao pagdating sa mundo ng pagnenegosyo. Ang nilaanan namin ng buong panahon at effort noon ni Sir Oliver para makuha ang proyekto na isinasagawa na namin ngayon. Ang pinakamalaking isda na nahuli namin. Bakit siya naririto ngayon? Sa dinami-rami namin rito ay imposible naman sigurong makita niya ako. Kaya kahit papaano ay nababawasan ang kaba na lumulukob sa akin. “Everyone, you may now be seated. Let's now listen to what our Chief Executive Officer has to say. Mr. Fonteverde?” Matapos tawagin ng tagapagsalita si Alas ay tumayo
“You, stop there!”Napalingon kaming lahat sa harapan nang biglang sabihin iyon ni Mr. Fonteverde. Namilog na lamang ang mga mata ko nang nakatutok na kay Apollo ang dulo ng kaniyang hintuturo. Maski si Apollo ay naituro rin ang kaniyang sarili. Maging siya ay gulat na gulat. Tumingin siya sa buong paligid at doon lamang niya nakumpirma na siya nga ang tinuturo ni Mr. Fonteverde.“He’s a guy not a girl.”“Huwag mong sabihin na siya ang tinutukoy ni Mr. Fonteverde?”“Is this real? Mr. Fonteverde pointing to a guy.”At marami pang kung ano-anong komento ang narinig ko mula sa mga tao sa paligid.Nang maibalik ko ang paningi
MUST READ: Read at your own risk.“You’re my son's best friend, right? The disgrace woman na tinulungan ng aking anak. What's your plan, woman?”Natigilan ako sa aking kinatatayuan dahil sa kaniyang sinabi. Iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid. Sinuri ko kung may nakarinig ba sa sinabi niya.“As far as I remember my son’s bestfriend is not named Astrid Ramirez,” sabi niya.Muli ay napatingin ako sa kaniya. Nakangisi na siya sa akin ngayon.“After using my son, now my nephew,” dagdag pa niya.Halos manginig ang mga tuhod ko at gusto na lang umupo. Hindi na rin matahan sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Ang malaman na may taong nak