WALANG pagsidlan ang kasiyahang nadarama ni Jacob dahil sa wakas, ay sinagot na siya ng dalaga. Hindi tuloy niya alam kung paano kikilos ng normal dahil sa sobrang kilig at excitement na nararamdaman.Kasalukuyan na silang bumibiyahe pauwi at dahil hapon na silang lumabas ng forest park, ay naipit sila sa traffic.“Naku Jacob, mukhang matatagalan tayo sa byahe natin ngayon pauwi. Mas lalong humahaba at bumabagal ang daloy ng traffic,” komento ng dalaga habang inaaninag mula sa loob ng sasakyan ang mga nasa harap at likod nilang sasakyan na kapwa nakahinto.“Okay lang ‘yan, hindi ko mararamdaman ‘yan dahil kasama naman kita, eh!” nakangiting tugon niya rito sabay kindat.“Hayan ka na naman sa mga banat at pauso mo!” nakanguso nitong turan pero nakangiti naman.“Hindi lang ‘yan basta simpleng banat at pauso, kundi katotohanan,” muling tugon niya rito.“Tse!” pinagkrus nito ang dalawang braso sa dibdib at pinaikot ang dalawang mga mata.“Ang taray mo naman sweetheart, pero okay lang, mag
HINDI malaman ni Michaela kung paano tatakpan ang mga mata sa nakikitang bagay na nakaumbok sa ibabang bahagi ng binata. Malaki ito at bakat na bakat sa suot nitong fitted na boxer shorts.Parang pumipintig-pintig ito sa tuwing humihinga ang binata. Nahulog tuloy ang binata sa kinahihigaan nitong sofa sa lakas nang ginawa niyang pagsigaw. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa itsura nito, kung sa pagbukas niya nang pinto ay ganoong tanawin ang bubulaga sa kanya?Wala siyang ka ide-ideya na magkasama sila ngayon ng binata sa iisang bubong, at alam niyang kwarto nito ang tinulugan niya. Bumangon ang binata mula sa pagkakahulog sa sofa at kunot ang noong lumingon sa kanya.“Ano ka ba naman, sweetheart. Ang sarap-sarap nang tulog ko rito tapos magsisisigaw ka riyan? Bakit, ano bang nakakatakot ang nakita mo?” nakapamaywang nitong tanong habang nakaharap sa kanya.Imbes na sagutin ang tanong nito ay muling bumaba ang tingin niya sa nakaumbok na harapan nito. Dahil doon ay muli siyang na
MATIIM siyang tinititigan ng dalaga na para bang tinatantiya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. Maya-maya ‘y yumuko ito at nagsimulang magsalita.“Pasensya ka na, ha? Kasi, hindi lang talaga ako sanay na nagigising sa ibang kwarto. Nabigla lang ako kaya nakapagsabi tuloy ako sa ‘yo ng hindi maganda. Napag isip-isip ko kasi, totoo naman lahat ng sinabi mo. Tulog mantika talaga ako kaya once na nakatulog ako, mahirap talaga akong gisingin. At isa pa, may point ka rin dahil nakakahiya naman talaga kay ate Meeny kung gigisingin mo pa siya sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog dahil pagod rin ‘yon sa pag-aasikaso sa mga tao roon at sa pagbabantay ng staff house. At baka mas lalong pagtsismisan pa tayo kapag nakita nilang magkasama tayo lalong-lalo na sa ganoong oras at kalagayan. Sorry kasi, nagmalasakit ka lang naman sa ‘kin pero minasama ko pa,” mahabang paliwanag nito.Napangiti siya dahil hindi naman pala mahirap para rito ang maintindihan ang ipinupunto niya.“Halika nga rito, maupo mu
PAGLABAS ni Michaela ng banyo, ay mabangong amoy ang sumalubong sa kanya na alam niyang nanggagaling sa nilulutong pagkain. Sinundan niya ang pinagmumulan ng amoy, at dinala siya ng kanyang mga paa sa isang mini kitchen.Naabutan niya roon ang binata na nagluluto, nakatalikod ito sa kanyang direksyon kaya wala itong ideya na naroon siya at pinagmamasdan ito. Nakasuot ito ng apron, pero hindi pa rin pala ito nagpapalit ng damit.Suot pa rin nito ang isinuot kahapon na basta na lang nito dinampot nang magsisisigaw siya.Pumasok siya at nilapitan ito. Nakita niya ang niluluto nito, nagpiprito ito ng scrambled egg na may sibuyas at kamatis. Kaya pala humahalimuyak ang amoy nito kahit sa labas. Nang maramdaman nito ang kanyang presensya ay bumaling ito sa direksyon niya.“Sweetheart, nandiyan ka pala. Saglit na lang at maluluto na rin ito. Pagkatapos ay pwede na tayong mag-almusal.”“Marunong ka palang magluto?” namamanghang tanong niya rito.“Oo naman! Bakit, ano ba ang akala mo sa ‘kin,
NATAGALAN si Jacob sa paghuhugas nang kanilang pinagkainan dahil isinama pa niya ang ibang matagal nang hindi niya nagagamit. Paglabas niya ‘y nadatnan niyang tulog ang dalaga sa sofa habang nakabukas ang TV.Pinatay niya ang TV at binuhat ang dalaga papunta sa kwarto niya. Pero this time, pinili niyang tabihan ito kaysa ang muling matulog sa sofa, katulad kagabi.Walang kamalay-malay ang dalaga na magkatabi na sila sa kama at mahigpit pa siyang nakayakap dito. Hindi niya maiwasang madama ang kalambutan ng katawan nito.Bago pa man siya makaramdam ng kakaibang init sa katawan, ay pinili na lang niyang ipikit ang mga mata. Mamaya na lang siya rito magpapaliwanag. Siguradong katakot-takot na sermon na naman ang aabutin niya rito.O, baka nga hindi lang sermon ang abutin niya, baka mabugbog na rin siya. Tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata habang nakayakap siya ng mahigpit sa likuran nito.Pero mukhang nagkamali siya ng hinala dahil pagkagising niya ay ang mukha nitong maganda at may
KINAKABAHAN si Michaela sa gagawing announcement mamaya ni Jacob tungkol sa kanilang relasyon. Panigurado, marami ang hindi matutuwa at magagalit na kapwa niya babaeng emleyado.Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na halos lahat ng kababaihan sa restaurant ay may lihim na pagtingin sa binata, maliban na lang siguro kay Ms. Glydel dahil may anak na ito.Ang akala niya, nang sabihin iyon kahapon nang binata ay nagbibiro lang ito, hindi niya alam na tototohanin pala nito. Abot langit tuloy ang nararamdaman niyang kaba ngayon.Akala pa naman niya ay makakaligtas siya sa mga tsismosang katrabaho, dahil nang ihatid siya kahapon ng binata, ay laking pasasalamat niya dahil walang nakapansin sa kanila at hindi niya rin nakita ang mausisang kaibigan na si Claire.Pero ngayon, tuluyan nang malalantad ang kanilang relasyon kahit kahapon pa lang sila ganap na magkasintahan. Hindi naman halatang masyadong excited ang binata. Naisip niyang sasabay na lang siya sa agos kung anuman ang mangyari.
PAGKATAPOS nang announcement na ginawa ng binata ay muli silang bumalik sa opisina nito. Pero agad din siyang nagpaalam dito na kailangan na niyang bumaba dahil malapit ng mag alas-otso at oras na ng duty niya sa trabaho.“Jacob, kailangan ko nang bumaba, oras na kasi ng duty ko, eh. Busy na sila ngayon para sa opening at kailangan na nandoon ako. Dapat sa ganitong oras ay nandoon na ‘ko sa kitchen area, baka naghihintay na sila sa ‘kin.”“Masyado ka namang nagmamadali, sweetheart. Eh ano naman kung wala ka pa roon, wala namang ibang boss na pwedeng sumita sa ‘yo maliban sa ‘kin. Ang gusto ko nga, dumito ka muna sa tabi ko dahil ito ang unang araw natin bilang magkasintahan.”“Jacob, hindi naman kasi pwede ‘yang gusto mo. Marami akong masasagasaan at maaapektuhang kapwa empleyado. Hindi naman dapat na may kailangang magbago dahil lang sa girlfriend mo na ‘ko. Empleyado mo pa rin ako at dapat na gampanan ko ng maayos ang inilaan mong trabaho sa ‘kin. Ano na lang ang iisipin sa ‘kin nan
MABUTI na lang at naisipang silipin ni Jacob ang dalaga sa CCTV kaya naagapan niyang hindi matuloy ang pananakit dito nang kapwa nito katrabaho. Parang naulit lang ang pangyayari katulad noong ginawa ni Geneva.Halos magdilim ang paningin niya nang makitang inaambahan na ito ng kamay nang babae kaya hinding-hindi niya ito mapapalampas.Pagkapasok niya sa opisina ay hinintay lang niyang makapasok rin ang mga ito kasunod si Michaela bago niya ibinalibag pasarado ang pinto na ikinagulat nang mga ito pati na rin ng dalaga.“Umpisahan niyo nang magpaliwanag and make sure na katanggap-tanggap ang mga sasabihin ninyo sa pandinig ko,” mariing sambit niya sa apat na pawang mga nakayuko.Nagtitinginan ang mga ito na para bang nagpapasa-pasahan kung sino ang unang magpapaliwanag.“Hindi ko kayo pinapunta rito para sayangin ang oras ko. Kanina ang tatapang ninyo at pinagkakaisahan niyo pa si Michaela. I’m pretty sure na may dahilan naman siguro ang eksenang nadatnan ko kanina kaya dapat lang na m
TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la
TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum
NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan
“HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang
NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik
GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya
MASAKIT sa kalooban ni Michaela na parang ang dami-daming excuses ni Vanessa para lamang makaligtas ito sa pagkakakulong. Talagang pati ang pagbubuntis ay ginamit na rin nitong dahilan, may maidahilan lang.Hindi siya papayag na hindi ito magbayad sa ginawa nitong kasalanan sa kanya, pasalamat na nga ito at pinatawad na ito ni Jacob. Pero para sa kanya, nararapat lang na makulong ito. Hindi magbabago ang isip niya kahit anong gawing pakiusap nito.Tuso ito at mapanlamang, alam niya ‘yan. Gagawa at gagawa ng paraan ang babaeng iyon huwag lang makulong. Pero pasensiyahan na lang, dahil nawalan na siya ng konsensiya at pagkaawa para rito.Isang katok ang narinig niya mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok habang nakaharap sa salamin.“Be, ako ito,” wika ng kaibigan niya sa labas.“Pasok ka, Be,” sagot niya.Pumasok ito at umupo sa paanan ng kanyang kama habang pinagmamasdan siya sa pagsusuklay ng buhok.“Be, alam ko kung ano ang nararamdaman mo
MASAYANG naghahanda si Michaela para sa lulutuin niyang dinner katulong ang kaibigan niyang si Claire. Kahit na wala sa tabi niya si Jacob, ay hindi siya nakakaramdam ng pangungulila at pagkabagot dahil sa presensiya ng kaibigan niya at kay nanay Minerva na rin.Kasalukuyan siyang naghahalo ng niluluto niya nang bigla na lang may mga brasong pumupulot sa baywang niya. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang si Jacob iyon sa amoy pa lang nito at tigas ng katawan.Kaya pala kanina pa siya daldal nang daldal, ay walang Claire na sumasagot. Iyon pala’y naroroon na ang binata.“Ang bango naman niyang niluluto mo, sweetheart,” wika nito sa tapat ng tainga niya, bahagya pa nito iyong kinagat na siyang nagpatayo sa mga balahibo niya sa katawan.“Ja-Jacob, nakakahiya! Baka makita tayo nina nanay Minerva at Claire!” kinakabahang wika niya.“Ngayon ka pa ba mahihiya? Eh alam naman nila na magkarelasyon tayo, kaya walang masama sa ginagawa natin ngayon kahit na makita pa man nila tayo,” sagot
ABALA si Jacob sa pagpipirma ng mga papeles sa loob ng kanyang opisina sa kompanya niya sa Maynila. Pinili niyang personal na pumunta roon para naman kahit paano, ay masilayan man lang niya ang mga nangyayari sa loob nito dahil sa sobrang dalang niyang makapunta roon.Tambak pa ang mga pipirmahan niya. Katatapos niya lang sa isang patong, at kinabig niya palapit sa harapan niya ang isang panibagong patong upang ito naman ang pirmahan. Habang kasalukuyan siyang nagpipirma ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Ethan ang tumatawag.“Yes, Mr. Baltazar?” bungad niya sa kabilang linya.“Busy ka ba, Mr. Perkins?” tanong nito.“Yes! I’m here in Manila, sa Perkins Autocar, in my company. Why?” sagot niya habang abala pa rin sa pagpipirma.“Gusto lang sana ulit kitang makausap ng personal. Pero maghihintay ako kung kailan ka may libreng oras.”“About what?” kunot-noong tanong niya.“Hindi ko masasabi sa ‘yo rito, eh. Personal talaga.”“Okay. Bukas, free ako ng umaga, puntah