PAGKATAPOS nang announcement na ginawa ng binata ay muli silang bumalik sa opisina nito. Pero agad din siyang nagpaalam dito na kailangan na niyang bumaba dahil malapit ng mag alas-otso at oras na ng duty niya sa trabaho.“Jacob, kailangan ko nang bumaba, oras na kasi ng duty ko, eh. Busy na sila ngayon para sa opening at kailangan na nandoon ako. Dapat sa ganitong oras ay nandoon na ‘ko sa kitchen area, baka naghihintay na sila sa ‘kin.”“Masyado ka namang nagmamadali, sweetheart. Eh ano naman kung wala ka pa roon, wala namang ibang boss na pwedeng sumita sa ‘yo maliban sa ‘kin. Ang gusto ko nga, dumito ka muna sa tabi ko dahil ito ang unang araw natin bilang magkasintahan.”“Jacob, hindi naman kasi pwede ‘yang gusto mo. Marami akong masasagasaan at maaapektuhang kapwa empleyado. Hindi naman dapat na may kailangang magbago dahil lang sa girlfriend mo na ‘ko. Empleyado mo pa rin ako at dapat na gampanan ko ng maayos ang inilaan mong trabaho sa ‘kin. Ano na lang ang iisipin sa ‘kin nan
MABUTI na lang at naisipang silipin ni Jacob ang dalaga sa CCTV kaya naagapan niyang hindi matuloy ang pananakit dito nang kapwa nito katrabaho. Parang naulit lang ang pangyayari katulad noong ginawa ni Geneva.Halos magdilim ang paningin niya nang makitang inaambahan na ito ng kamay nang babae kaya hinding-hindi niya ito mapapalampas.Pagkapasok niya sa opisina ay hinintay lang niyang makapasok rin ang mga ito kasunod si Michaela bago niya ibinalibag pasarado ang pinto na ikinagulat nang mga ito pati na rin ng dalaga.“Umpisahan niyo nang magpaliwanag and make sure na katanggap-tanggap ang mga sasabihin ninyo sa pandinig ko,” mariing sambit niya sa apat na pawang mga nakayuko.Nagtitinginan ang mga ito na para bang nagpapasa-pasahan kung sino ang unang magpapaliwanag.“Hindi ko kayo pinapunta rito para sayangin ang oras ko. Kanina ang tatapang ninyo at pinagkakaisahan niyo pa si Michaela. I’m pretty sure na may dahilan naman siguro ang eksenang nadatnan ko kanina kaya dapat lang na m
“Halika sweetheart, maupo muna tayo,” paanyaya niya sa dalaga.Medyo nangangalay na kasi siya sa pagkakatayo. Sabay silang umupo sa couch ng hindi ito pinapakawalan nang yakap.Isinandal niya ang ulo nito sa kanyang balikat habang hinahaplos ang buhok nito sa likod.“Hindi na kita papayagang bumaba at magtrabaho ngayong araw, sweetheart. Dumito ka na lang muna sa opisina kasama ako. Kaya huwag mo nang tangkaing maki-usap sa ‘kin dahil hindi rin naman ako papayag.”Hindi ito sumagot sa sinabi niya. Para bang may malalim itong iniisip. Kung ano man iyon, ay wala siyang ideya.Pero maya-maya ay nagsalita na rin ito.“Ahm, Jacob, kailangan ba talagang sisantehin mo sila agad-agad? I mean, hindi ko naman kinu-question ang desisyon mo dahil alam ko naman na magaling kang magdesisyon. Nakakaawa naman kasi sila lalo na ‘yong mga pamilya nila na tanging sila lang ang inaasahan.”Napabaling tuloy siya rito kasabay ng pangkunot ng noo.“So, naaawa ka sa kanila? Paano na lang kung nasaktan ka nil
NANATILING nasa tabi lang si Michaela ng binata kahit na nakakaramdam na siya ng pagkainip, naubos na lang niyang kalkalin ang napakaraming collection nito ng magazine para maghanap ng magugustuhan niyang basahin.Ngunit wala sa mga iyon ang nakaagaw ng atensyon niya kaya ang nangyari, ay panay ang hikab niya. Pinipilit siya ng binata na matulog pero todo tanggi siya dahil ayaw niya naman itong iwanan ng mag-isa habang nagpipirma ng ga-bundok na papeles.Pagdating ng tanghali ay sabay silang kumain doon mismo sa loob ng opisina. Nagpaakyat na lang ito ng mga pagkain nila na galing din naman mismo sa restaurant.Nang magsimula ulit ito sa pagpipirma nang mga papeles pagsapit ng ala una ay naisipan na lang niyang manood ng TV, hininaan lang niya ang volume, iyong sapat lang na marinig niya dahil baka makaistorbo naman siya rito.Nawili siya sa panonood ng TV kaya hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.Maya-maya ‘y nakarinig sila ng tatlong mahihinang katok na magkakasunod. Tatayo na
SABAY silang bumaba ng binata at dahil magpapalit pa siya ng damit, ay nauna na ito sa kanya sa sasakyan at doon na lamang daw siya nito hihintayin, siya naman ay dumiretso na ng locker room.Hindi nga si Michaela nagkamali nang inakala dahil naabutan niya roon ang kaibigan na kasalukuyang nagbibihis ng uniform.“Hoy, babae! Marami kang dapat na sabihin sa ‘kin at ipaliwanag! Dapat detalyado at totoo lahat, ah! Iyong wala kang makakalimutan!” bungad agad nito sa kanya.“Grabe ka naman maka-demand! Hindi naman halatang masyado kang atat sa mga nangyayari sa love life ko. Sobra-sobra talaga ‘yang pagiging tsismosa at matabil mo! Doon ko na lang sa ‘yo ikukwento ang lahat sa staff house para walang ibang makarinig.” Ganti naman niya rito.“Bakit ba naman kasi magka-iba tayo ng shift! Makapag-request nga kay sir Jacob na pagsabayin na lang tayo, sabihin ko na lang na, para may magbabantay sa ‘yo, incase, may ibang manligaw o lalapit na ibang lalaki sa ‘yo,” nakangising sambit nito sabay
NAGUGULUHAN na si Michaela sa takbo nang usapan ng dalawa. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pakikinig sa isiping baka makakuha siya ng clue kung sino nga ba talaga ang Nessa na palaging bukambibig ni Geneva.“Bakit, ano nga ba ‘ng naging ambag mo maliban sa naging alalay at sunud-sunuran ka sa lahat ng gusto ni Nessa? At ‘yong tungkol sa kanya, kung nagmakaawa man ako sa ‘yo noon para tulungan ako na mahanap siya kung saang lupalop man siya nagpunta, iba na ngayon. Dahil wala na ‘kong pakialam sa kanya kung saan man siya naroon,” Sabi ng binata.“Bakit? Dahil ba sa Michaela na ‘yon kaya ka nagkakaganyan? Kaya gusto mo na lang itapon at kalimutan ang pinagsamahan ninyo noon ng halos ilang taon? Noong umalis siya at lumayo, marami kang hindi alam sa kanya, Jacob. At kapag nalaman mo ang ibig kong sabihin, baka hindi ka magdalawang-isip na iwanan ‘yang babae mo ngayon para bumalik sa kanya.”Bigla na lang nag-iba ang awra ng binata dahil sa mga binitiwanng salita ni Geneva. Lumapit ito sa b
AYAW dapuan ni katiting na pagkaantok si Jacob kahit na malalim na ang gabi. Pilit na nagsusumiksik sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Geneva.Tama naman kasi talaga lahat nang mga sinabi nito sa kanya patungkol kay Vanessa. Ang unang-unang babae sa buhay niya at una niya ring pinag-alayan ng kanyang tapat at totoong pagmamahal.Hing school pa lang sila noon nang maging magkarelasyon sila. Matanda lang siya rito ng isang taon. Cheerleader ito ng kinabibilangan niyang basketball team na siya naman ang captain ball, kaya nagkamabutihan sila dahil na rin sa madalas na pagsasama at pagkikita na nauwi sa isang seryosong relasyon.Sila rin ang tinagurian bilang campus king and queen. Sikat na sikat sila sa campus na halos walang studyante ang hindi nakakakilala sa kanila.Maliban sa gwapo siya at maganda ito, ay kilala rin ang mga pamilya nila lalo na pagdating sa usaping negosyo kaya nakadagdag iyon sa kasikatan nila.Pero dahil mga magulang nito ang nagmamay-ari ng school, ay
NAKATULUGAN na ni Michaela ang pag-iyak. Nagising siya ng ala-una ng madaling araw dahil sa pagkalam nang kanyang sikmura. Naalala niyang hindi pa pala siya nakapaghapunan bago nakatulog.Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa pantry para maghanap ng pagkain kung may natitira pa ba. Mabuti na lang at may nakita pa siyang pritong isda at ginisang gulay na sitaw na natatakpan sa mesa.Isinalang niya ang mga ito sa microwave para initin, habang iyong rice cooker naman ay isinaksak niya para na rin initin ang kanin.Iyon ang maganda sa katiwala ng staff house dahil namo-monitor nito ng maayos ang mga occupant simula sa kalinisan ng bawat silid, kaligtasan ng bawat isa at pati na rin sa pagkain.Katulad ngayon, kahit na hindi siya nakasabay sa mga kumain kanina ay may natira pa na alam niyang para sa kanya talaga.Habang kumakain siya ay siya namang pagpasok ng kaibigan niyang si Claire. Halatang kadarating lang nito dahil hindi pa ito nakakapagpalit ng damit at sukbit pa nito
“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat
“HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh
HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h
KINABUKASAN ay maagang nagising si Michaela. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement sa kaisipang balak na niyang kausapin ng maayos si Jacob. At hihingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi magandang salitang nabitiwan niya rito.Paglabas niya ng silid ay dumiretso agad siya patungo sa silid ng binata. Kumatok siya sa pintuan nito. Ngunit nagulat siya nang si nanay Minerva ang nagbukas ng pintuan.“Nanay Minerva, kailan po kayo dumating?” tanong niya sa matanda.“Kaninang madaling araw lang, hija. May kailangan ka ba kaya ka naparito sa kwarto ni Jacob?”“Ah, gusto ko po sanang kausapin si Jacob,” nahihiyang pag-amin niya rito.“Naku anak, kanina pa siya umalis pagdating ko rito! Bakit, hindi pa ba kayo nagkakausap simula nang umalis ako?”Yumuko lang siya sa halip na sagutin ang tanong nito.“Halika, pumasok ka muna,” paanyaya nito sa kanya.Pumasok naman siya. Iginala niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid, malinis ito at kaunti lamang ang mga naroong gamit. M
SAMANTALANG nagngi- ngitngit naman si Michaela sa galit nang iwanan siyang mag-isa ni Jacob sa terrace. Babawian niya sana ito ngayon sa pamamagitan ng mga salita dahil mukhang may gana siyang kausapin ito nang pasumbat.Pero mukhang siya ang nabawian dahil mukhang hindi ito interesadong kausapin siya. Akala ba niya ay gusto nitong kausapin niya ito? Ano ang nangyari at iniwanan siya?“Bwisit!” sigaw na lang niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sobrang inis sa binata.Sobra talagang nag-iinit ang ulo niya ngayon at parang hindi niya kayang lumipas ang gabi ng hindi niya naaaway ang binata. Kaya ang ginawa niya ‘y tinungo niya ang direksyon patungo sa kwarto nito at malalakas na katok ang pinakawalan niya sa pintuan. Hindi naman nagtagal at binuksan naman nito ang pintuan.“Ano? May kailangan ka ba?” malumanay na tanong nito at nakatingin sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Siguro dahil nakainom ito.“Oo! Marami! Kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa ‘yo! Ang kapal m