Share

PROLOGUE

Author: Paupau
last update Last Updated: 2022-11-17 20:42:06

Tunog ng maharot at malakas na musika. Palakpak at sigaw ng kung sino-sinong lalaki. Iba't-ibang kulay ng ilaw, usok at amoy ng sigarilyo, at klase ng inumin ang siyang halos dalawang buwan niya nang pinagtitiisan.

Habang marahang umiindayog sa saliw ng mapang-akit na musika sa gitna ng intablado ay hindi niya na alintana pa ang pagnanasang mababakas sa mukha ng mga parokyano. Hindi naman kasi mahalaga sa kaniya ang iisipin at sasabihin ng iba, ika nga niya sa sarili'y 'kung hindi gigiling, walang isasaing!'

"Cherry!"

Sitsit ng kaibigan at kasamahan niyang si Bri ang bahagyang nagpatigil sa kaniya mula sa gilid ng stage.

Pasimple naman siyang naglakad habang gumigiling pa rin palapit dito. Bago pa makapagsalita si Bri ay inunahan niya na ito pagkalapit niya rito. "Wala pa akong kita, iba na lang ang utangan mo!" Inirapan niya pa ito sa pag-aakalang uutangan na naman siya ng kaniyang kaibigan.

Naghihigpit siya ngayon sa pera dahil ang magaling niyang ama ay wala pang binibigay na ayuda sa kanila ng Mama niya. Hindi na rin siya nakapag-enroll sa Asian Institute of E-Commere o AIE dahil mistula na silang isang kahig isang tuka mag-ina.

Kaya naman ang balak niya sanang pagre-resign sa Club-V ay hindi na natuloy-tuloy pa. Saan naman kasi sila pupulutin ng Mama niya kung sakaling aalis siya sa trabaho at muling itataas ang ga-bundok niyang pride para lang mag-aral ulit?

Sabi kasi ng mga tsismosa nilang kapitbahay, ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan kaya naman na-ingganyo siyang mag-aral ulit. Naniniwala naman siya roon, kaya nga nagsisikap siya. Pero heto siya ngayon... paboritong laruan ng lintek na mga kalalakihan!

"No choice eh! Alangan si Mama ang gumiling-giling dito? Baka naman bali na ang tadyang no'n, wala pa ring kinita sa buong maghapon!" Aniya sa sarili.

Dalawa na ang bill ng koryente nilang siya ang nagbabayad. Nag-reading na naman kaya malamang na for disconnected na sila sa susunod na buwan kapag hindi pa siya nakabayad. Idagdag pa ang tubig, grocery, at ang araw-araw na gastos nila ng Mama niya. Kaya kapag umutang pa ang kaibigan niya, malamang na sa kangkungan ang bagsak nila ng Mama niya.

"Gaga, hindi ah! Babayaran kita mamaya pagka-out natin. Nakajockpot ako kagabi kaya may pangwalwal ako ngayon!" Pagmamalaki nito, pero maya-maya ay napasimangot. "Doon ka nga muna sa table 5. Hindi keri ng beauty ko 'yong customer doon... Isnabero sis! Sabagay, guwapo!" Halos pasigaw pa nitong sabi para lang maintindihan niya.

Sa lakas kasi ng musika sa club kailangan talaga nilang magsigawan para magkarinigan.

"Pangit kasi ng make-up mo, pang bakla!" aniya rito. "May napala ka ba? Binigyan ka?" sunod-sunod niya pang tanong.

Ang pangbuburaot ay gawain na nilang magkaibigan sa mga customers na madaling bolahin. Tamang landian lang, no kiss, no hug, and definitely no sex... himas-himas lang sapat na. Tapos ayon, hiritan mo na ng pera.

"Nganga nga ako sis, problemado yata si pogi." Walang pakialam na hinubad na nito ang paldang suot pati na rin ang blazer. Tanging ang kulay itim na panty at bra na lang nito ang natira bago kinindatan siya. "Gora na, Cherry! Keri ko na rito sa dancefloor, ikaw na muna kay pogi, salamuch!"

Wala na siyang ibang nagawa pa kun'di ang suotin ang palda at blazer na uniform nilang mga dancer dito sa Club-V, bago nagtungo sa table 5 na sinasabi ni Bri.

Kahit madilim at tanging ang ilaw lang ng disco light ang nagsisilbing liwanag sa Club, kitang-kita niya pa rin mula sa kinaroroonan niya ang likod ng lalaking sinasabi ni Bri.

Mukhang matangkad, likod pa lang panglaban na. At ang balikat... parang kaya siyang pasanin kahit saan. Sana lang ay mapasan din nito ang problema niya sa pera. Sugar daddy lang ang peg!

"Papasa naman na akong sugar baby," bubulong-bulong niyang sabi.

Lumapit siya rito at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. "Hi, pogi-"

Natigilan siya at muntik ng masamid sa sarili niyang laway nang lingunin siya nito.

Tulad ng sinabi ni Bri, guwapo nga ang lalaki. Kulay asul ang mga mata na titig palang parang nasa langit ka na. Mapupula ang labi na tila nang-aakit na mahalikan hanggang sa mamaga. Ang ilong naman nito ay tila perpektong padulasan ng mga maliligalig na bata sa Park. Mukhang kahit ilang beses kang mag slide, hinding-hindi bibigay.

"Yes?" Bagot na bagot nitong sabi pero tila musika sa kaniyang pandinig.

Malamig ngunit buong-buo ang boses ng lalaki na para bang nag e-echo pa rin sa tainga niya. Boses palang, makalaglag panty na!

Shocks! Willing akong tumambling, mapasakin lang 'tong si pogi na mukhang yayamanin!

"What can I do for you?" dugtong pa nito. Nakakunot ang makapal nitong kilay, pati na rin ang makinis nitong noo.

"Mahalin mo lang ako, okay na sa'kin kahit ihi na lang ang maging pahinga ko!" Ngiting-ngiting sagot niya naman na para bang nahipnotismo sa mukha ng guwapong lalaki.

Lalong nangunot ang kilay nito at pinakatitigan siya sa mata. "Naka-contact lens ka ba?" Guwapo pero usisero.

"Hindi ah! Original ang mata ko, puso ko lang ang fake. Sabi kasi nito I like you... pero ang totoo mahal na pala kita at doon, sigurado ako!" Banat niya pa na tanging siya lang yata ang kinilig.

Napabuntong hininga ang lalaki at nasapo ang sariling noo, halatang hindi ito natutuwa sa ka-corny-han niya. "Nag-a-adik ka ba?"

"Oo..." aniya sabay kindat. "...tuluyan ng na-adik sa'yo!"

Naiiling na ngumisi na lang ito saka tumungga sa bote ng alak na hawak nito.

Mukhang walang epekto rito ang pagpa-pa-cute niya, pati na rin ang mga banat lines niyang inaral niya pa talaga. Seryoso pa rin kasi ang mukha nito habang pinagmamasdan siya. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting hiya.

Noon pa man kasi ay pulutan na silang mag-ina ng mga kapitbahay nilang tsismosa. Kesyo may lahing Amerikano raw kasi ang tatay niya na nabingwit ng Mama niya sa club dati. Nagpasarap ng ilang linggo, hanggang sa nabuo siya. Nang mailuwal na siya ng Mama niya, daig pa ng tatay niya ang nag champion sa fun run. Umiskapo pagkatapos makabuo!

At sabi pa rin ng mga tsismosa nilang kapitbahay, palibhasa nga Amerikano raw ang kaniyang tatay kaya magkaiba ang kulay ng mga mata niya. Ang light green ay nakuha niya raw sa tatay niyang mangloloko, at ang brown naman ay sa malandi niyang Mama.

Pero ang totoo, bobo lang talaga ang mga kapitbahay nila at hindi alam ang heterochromia. Inuuna kasi ang pakikipagtsismisan sa daan kaysa ang mag-aral... mga hangal!

"'Wag mo akong masyadong titigan na para bang gandang-ganda ka sa akin kahit totoo naman, baka ma-in-love ka sa'kin... ikaw rin 'di kita sasantuhin." Bahagya niyang ikiniling ang kaniyang ulo bago kumindat dito. "Puwede ba akong humirit sa'yo ng pera, gipit lang talaga," aniya pa, nagbabaka sakaling mahuhuthutan niya ang lalaki.

Lalong nangunot ang kilay nito at mukhang nagtataka sa sinabi niya. "Wala pa akong trabaho. But two years from now bilyonaryo na ako, I'll be the Boss of Asia. Puwede kang mangutang, with ten percent interest. Presyong..." Pinasadahan na muna siya nito ng tingin mula ulo pababa. "...magkakilala I think?"

Halos bumagsak naman ang panga niya sa sinabi nito. "Bobo ka ba?! Mangbuburaot lang ako sa'yo, pero hindi ako uutang! Ibig sabihin-"  natigilan siya at napaisip.

Kailangan niya itong maakit para mahiritan niya, at hindi niya magagawa 'yon kung magtataray siya. Kaya naman ngumiti siya ng pagkatamis-tamis bago nangalumbaba sa mismong harap ng lalaki. Lumiyad pa nga para lang makita ang cleavage niyang ga-puwet ng one-month old na baby.

"Gusto mo ba ng kiss? Pero kapalit niyon ay pera. Ano, payag ka? O baka gusto mong lumuhod pa ako sa harapan mo?"

Hindi naman ito kaagad nakapagsalita. Pero ng makabawi ay dumukwang ito sa kaniya na halos isang dangkal na lang ang pagitan ng labi nito sa labi niya. "Really? Willing kang lumuhod sa harapan ko at manalangin?"

"Iba ang niluluhuran ko..." Tinitigan niya ito sa labi pababa sa leeg, hanggang sa balikat, at katawan nitong natatakpan ng mesa bago bumalik ng tingin sa mata nito. "Baka pag nanalangin ako sa'yo, makalimutan mo ang pangalan ng Mama mo."

"Try me." Hindi rin naman nagpakabog ang lalaki at hinaplos pa ang mukha niya. "Tell me... What's your name?" Kuryosong tanong nito habang nakatitig sa magkaibang uri niyang mga mata.

Sumilay naman ang mapang-akit na ngiti sa kaniyang labi bago dinukot ang papel sa loob ng kaniyang bra. "They call me Cherry... But you can call me anytime."

Ibinigay niya rito ang maliit na kaperasong papel, bahagya niya ring hinalikan ang labi nito pagkatapos ay iniwan ito na para bang walang nangyari, at 'yon ang normal na gawin bago pa ito mag demand ng kung anu-ano sa kaniya. Guwapo nga ang lalaki, pero butas din ang bulsang katulad niya. Kaya naman... "Thank you na lang sa everything!"

"CHERRY!!"

Napakurap-kurap ng mata si Cherry ng marinig ang matinis na tinig ng kaniyang Mama habang humahangos na lumapit sa kaniya. Tila ilang minuto rin siyang nawala sa kaniyang sarili at naglakbay ang isip sa nakaraan ng makita sa magazine ang club na pinapasukan niya dati.

"Club-V..." usal niya sa kaniyang sarili.

"Welcome back anak! Magtatagal ka ba rito o baka naman aalis ka rin kaagad?" tanong ng Mama niya habang nakahawak sa braso ng Tito Roger niya.

Kasama ang Tito Roger niya na nanundo sa kaniya sa Airport, at tulad ng Mama niya ganoon din ang tanong nito sa kaniya. Kung mananatili ba siya rito o muling aalis? Hindi niya lang kaagad nasagot dahil nanumbalik na naman ang alaala niya sa lintek na pagsintang pururot niya!

"Huwag ka ng umalis Cherry para nandito ka sa birthday ng Mama mo at sa..." Hinimas nito ang tiyan ng Mama niya. "...baby reveal party para sa kapatid mo."

Namilog ang mga mata niyang napatitig sa Mama niya. "Buntis ka Ma?" Tumango naman ito bilang sagot sa kaniya.

Hindi niya napigilan ang yakapin ito ng mahigpit dahil sa tuwa. Sa wakas ay magkakaroon na siya ng kapatid. Hindi man naging maganda ang simula nila ng Mama niya, masaya pa rin siya na masaya na ito ngayon sa piling ng Tito Roger niya.

"Kaya sana anak dito ka na lang ulit. Miss na miss na kita," anang Mama niya bago marahang kumawala sa pagkakayakap niya.

"Hindi ako mangangako, pero susubukan ko, Ma." Nginitian niya ang ina sabay hinaplos ang tiyan nito.

"Tayo ng umuwi... Welcome back ulit Cherry-"

Naputol ang nais pa sanang sabihin ng Tito Roger niya dahil sa kumpol ng reporters na sumusunod sa kalalabas lang.

[Mrs. Oxford, may idea na ho ba kayo kung sino ang nasa likod ng insidente? Ano hong masasabi n'yo?]

[Mr. Oxford ano hong masasabi n'yo dahil kayo ang tinuturo sa likod ng naturang plane crash?]

Marahan siyang hinila ng Mama niya na nagpabalik sa diwa niya. "Halika na anak."

"Ma, ano hong nangyari?" kuryosong tanong niya rito bago muling sumulyap sa lalaki at babaeng hinahabol ng mga reporters na ngayon ay sumakay na sa kulay itim na kotse. Kilala niya ang lalaki at pamilyar din sa kaniya ang babae.

"Plane crash yata, tapos dalawa sa pasahero ay ang mag-asawang Alfonzo. Eh 'yong anak ng mayamang businessman na si Mr. Xavier Oxford, ang napangasawa ay 'yong kaisa-isang anak ng Alfonzo," paglalahad naman nito.

Kumabog ng mabilis ang dibdib at namawis ang mga palad niya ng marinig mula sa kaniyang ina ang apilyedong Oxford.

Kahit anim na taon na ang nakalipas, kabisado niya pa rin sa isip ang mukha ng kaisa-isang lalaking minahal niya ng sobra. Ang lalaking nag-iwan ng malalim na sugat sa puso niya.

"Ikaw Cherry, wala ka bang balak na makipagkita kay-"

"Ma!" putol niya rito bago inakay na papasok sa sasakyang nasa harap nila na siyang minamaneho ni Tatay Asyong, ang driver ng Tito Roger niya. "Umuwi na tayo."

Tumango naman ito at hindi na nangulit pa. Habang siya naman ay hindi na mapakali dahil parang isang pelikula na nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang lalaking nagpatikim sa kaniya ng tamis at pait ng unang pag-ibig.

*****

Related chapters

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 01

    "KABABAENG TAO INUUMAGA NA NG UWI!!"Napairap siya ng makitang nagkukumpulan na naman sa daan ang mga batikang tsismosa sa kanilang barangay. At seyempre sino pa ba ang pinag-uusapan nila kun'di siya.Cherry Lyn Avante o kilala bilang Cherry. Labimpitong taong gulang, at ang pinakamagandang nilalang na paboritong pulutan mula umaga hanggang kina-umagahan ulit ng mga batikang tsismosa sa kanilang lugar -- Ang Purok 5 Marites Street, brgy. Sta. Maria.Kayo nga ang aga-aga tsismisan kaagad ang alam! Aniya sa sarili habang papalapit sa mga living cctv ng kanilang barangay."Bali-balita kasi na nagtatrabaho yan sa bar. Kow, tignan n'yo nga ang itsura at pananamit, hindi na ako magtataka kung isang araw buntis na yan!"Muli siyang napairap. 'Yong kapitbahay nga namin na sinabihan din akong maagang mabubuntis, ayon at ang anak niya pala ang maagang najontis! Karma is real!"Kung minsan nga hinahatid pa yan ng mga lalaki. Take note, iba't-ibang lalaki! Hindi na lang mahiya, kung anak ko yan b

    Last Updated : 2022-11-17
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 02

    Sunod-sunod at malakas na tunog ng cellphone ang nagpagising kay Cherry. Nang damputin niya ang cellphone niya'y ang legal na asawa ng Papa niya ang nakita niyang tumatawag. Hindi niya 'yon sinagot at hinayaan lang matapos ang tunog hanggang sa mapagod ito sa katatawag. At tama nga siya, hindi bumilang ng isang minuto ay tumigil 'yon. Malamang na badtrip na ang ginang sa katatawag sa kaniya. Muli sana siyang babalik sa pagtulog pero ang lintek niyang cellphone, huminto nga sa katutunog nag mistula namang christmas light na nagpapatay-sindi.Sa inis ay muli niyang kinuha 'yon upang makita lamang na sangkatutak na pala ang missed calls sa kaniya ng ginang. May sampung text din ito na hindi niya pa nababasa. Naihilamos niya sa kaniyang mukha ang palad niya. "Mukhang minurder ni Tita Rosa ang cellphone niya para lang tawagan at i-text ako ah!" Inis niyang sabi.Binuksan niya ang pinakahuling mensahe na siyang unang makikita sa notification niya. Ngunit ng mabasa niya 'yon ay sumama na n

    Last Updated : 2022-11-17
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 03

    EDI HINDI!!Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa sinabing 'yon ng lalaki sa kaniya kanina. Kung makapagsalita akala mo hindi ma-i-in love sa kaniya sa future!"Tignan natin, pogi!" Mariin niyang bulong sa kaniyang sarili.Lalo pang pinag-igihan ni Cherry ang pagsasayaw sa gitna ng intablado. Dumarami na ang customers at malamang na marami siyang makakalog ngayong gabing ito. Nang umalis kasi siya sa mall kanina ay sa Club-V na siya dumiretso. Mas maaga siya ng kaunti sa normal na pasok kaya naman maaga rin siyang nakapagsimula.Dahan-dahan niyang iginigiling ang maliit niyang baywang pababa at pagkatapos ay muling tataas. Ikinikiling niya rin ang kaniyang ulo, dahan-dahang iginagalaw ang makinis niyang balikat, pipikit ng bahagya at pagkadilat ay titingin ng nakakaakit sa mga kalalakihan.Napangisi siya ng may lalaking hindi pa ganoon katanda pero hindi na rin naman masasabing bata ang lumapit sa kaniya. Dumukot ito ng isang libo habang seryosong nakatitig sa kaniya."Pucha! Sa wak

    Last Updated : 2022-11-23
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 04

    "D-Dark r-room?" nauutal niyang tanong. Kahit nga yata kulangot niya ay hindi siya marinig dahil bukod sa halos pabulong ang pagkakatanong niya, para pa siyang ngongo kung magsalita.Hinawakan ng lalaki ang braso niya at marahan siyang hinila. "T-Teka sandali lang naman!" Hinila niya rin ang braso niyang hawak nito at umatras ng kaunti. "Masyado ka namang nagmamadali. Hindi pa nga tayo nakakapag-warm up, gusto mo laban na agad! Pagpahingahin mo naman muna ako, mababali na ang tadyang ko sa kagigiling... tsaka masakit na ang paa ko."Tinaasan lang siya nito ng kilay na para bang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. Mukha rin itong hindi intiresado sa mga pinagsasabi niya."Mag getting to know each other muna tayo! Ano? G?" dugtong niya pa.Xander gently massages the bridge of his nose and then looked at her. "Sa condo ko na lang tayo para mas maayos ang pahinga mo." Anito at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling bumalik sa mga mata niya. "Ano ka ba rito

    Last Updated : 2022-11-23
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 05

    Makalipas ang halos sampung minuto ay nakarating na sila sa Las Casas. Isang Spanish-style Hotel sa Bataan na pawang may sinasabing pamilya lamang ang nakakatungtong. Tipong mayayaman o sugar daddy lang ang may afford na mag book ng room doon o kaya ay pumirme. Sa madaling salita... anong ginagawa ni pogi sa Las Casas kung isa rin itong dukha?"Bakit dito?" Wala sa loob niyang tanong. "May pambayad ka ba rito? May pera ka ba?" sunod-sunod at nagtataka niyang tanong.Maang na napatingin naman si Xander sa kaniya. Halatang naguguluhan ito sa walang kakuwenta-kuwentang tanong niya. "Why?" Napakamot pa ito sa batok nito. "What's the matter?"Nangunot ang kilay niya. May pa english-english pa kasi ang hudyo, feeling yata nito ay kabilang sila sa mga may sinasabing pamilya rito sa Pilipinas. Napa-isip din siya sandali habang nakatingin sa itaas, inaalala kung ano nga ba ang ibig sabihin ng matter? Nang maalala ay napangiti siya bago bumaling dito at saka palang sumagot. "Matter, is anythi

    Last Updated : 2022-11-23
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 06

    "Hindi mo na sana ako hinatid. Baka mamaya isipin ng mga tsismosa naming kapitbahay manliligaw kita."Habang naglalakad sa daan ay palinga-linga siya dahil alas sais na rin ng umaga. Malamang na gising na ang mga batikang tsismosa rito sa barangay nila."Sabi mo kasi wala kang pamasahe," sagot naman nito. "Wala ka ring pamalit sa isang libong kinuha mo sa wallet ko, allowance ko pa yan para bukas kaya kailangan kong makuha sa'yo 'yong sukli."Hindi niya ito pinansin at nagdire-diretso na lang sa tindahang malapit sa kanila para sana magpapalit. Pero kapag minamalas nga naman, hayon at gising na ang isang tsismosa na maaga-agang rumuronda."Uy Cherry bago yan ah!" Pinasadahan ni Aling Marites ng tingin si Xander mula ulo hanggang sa pangmalakasan nitong sapatos. Kay aga-aga ay nangunguna na naman ito sa tambayan ng mga ka-tsismisan nito. "Inpernes guwapo, mayaman siguro itong bago mong boyfriend ano? Sa club mo rin ba nakuha ito?" Hinila niya ang manggas ng t-shirt ni Xander upang map

    Last Updated : 2022-11-24
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 07

    KINAHAPUNAN ay maaga ulit siyang bumangon. Inilabas niya lang ang kulay pula niyang bralette at itim na blazer na siyang uniform nila tuwing Friday. Naglabas lang din siya ng maong short shorts at pagkatapos ay naligo na.Wala siyang masyadong tulog gawa nang pag-aalala sa Mama niya. Hindi kasi ito lumabas ng kuwarto nito at hindi rin kumain. Nang sinilip niya naman ito kanina ay tulala na naman. Wala na talagang pag-asa ang Mama niya, masyado na yatang baliw at bulag sa Papa niya. Ang Tita Rosa niya naman sobrang iskandalosa. Walang pinipiling lugar basta maipahiya lang nito ang Mama niya at seyempre damay siya."Ayoko na talaga sa earth!" Inis na naligo na lang siya ng mabilis.Hinilod niya ang mala-labanos niyang katawan. Shinampoo ang buhok niyang nangungulot na dahil sa stressed niya sa pamilya. Saka nagbabad sa ilalam ng shower. Ilang minuto pa ang tinagal niya sa banyo saka siya natapos at lumabas. Hindi niya na bin-lower ang buhok niya dahil matutuyo rin naman 'yon sa tricy

    Last Updated : 2022-11-25
  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 08

    "P-POGI..." Marahan niyang inalog ang balikat ni Xander na hanggang sa makarating sila ng Kalaklan Gate ay nakapikit pa rin ang lalaki. "Hoy!" pagpipilit pa niya.Olats! Waley talaga. Kahit anong pangungulit niya'y hindi siya pinapansin ng lalaki. Balak niya pa man din sanang magpalibre rito ng pamasahe."X-Xander..." Muli niyang subok. Nakapikit ang mga mata nito kaya naman kitang kita niya ang napakaguwapong mukha nito. Panatag din ang paghinga nito na masasabi mong natutulog talaga ang hudyo.Kung gising si Xander ay makalaglag panty at unhook na ng bra kung tumingin. Ngunit ngayong tulog ito'y daig pa nito ang pinakamaamong panda bear na napapanood niya dati sa discovery chanel."I don't like being watched." Maya-maya ay sambit nito, nakapikit pa rin pero mukhang nagtutulog-tulugan na lang. Amazing!"Papansin! Hindi naman kita pinapanood... tinititigan lang," aniya naman saka ginalaw ang malantik nitong pilik. "Taray! Mas malantik pa sa pilik mata ko."Nagmulat ito ng mga mata sa

    Last Updated : 2022-11-26

Latest chapter

  • The Mafia's Prized Possession    EPILOGUE

    NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 77

    BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 76

    UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 75

    TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 74

    Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 73

    DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 72

    "I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 71

    PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 70

    "BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok

DMCA.com Protection Status