"D-Dark r-room?" nauutal niyang tanong.
Kahit nga yata kulangot niya ay hindi siya marinig dahil bukod sa halos pabulong ang pagkakatanong niya, para pa siyang ngongo kung magsalita.
Hinawakan ng lalaki ang braso niya at marahan siyang hinila.
"T-Teka sandali lang naman!" Hinila niya rin ang braso niyang hawak nito at umatras ng kaunti. "Masyado ka namang nagmamadali. Hindi pa nga tayo nakakapag-warm up, gusto mo laban na agad! Pagpahingahin mo naman muna ako, mababali na ang tadyang ko sa kagigiling... tsaka masakit na ang paa ko."
Tinaasan lang siya nito ng kilay na para bang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. Mukha rin itong hindi intiresado sa mga pinagsasabi niya.
"Mag getting to know each other muna tayo! Ano? G?" dugtong niya pa.
Xander gently massages the bridge of his nose and then looked at her. "Sa condo ko na lang tayo para mas maayos ang pahinga mo." Anito at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling bumalik sa mga mata niya. "Ano ka ba rito? I mean... don't get me wrong, pero-"
"Dancer," pagpuputol niya. "Prostitute sabi ng mga mayayamang customers. P*kpok naman ang tawag sa akin ng mga tsismosa naming kapitbahay. At p*ta sa mga putanginang inggetera na wala namang ambag sa buhay ko, pero kung mangialam akala mo sila ang dahilan kung paano ako nabuo!" Iningusan niya ito at hindi tinignan. "Ikaw... ikaw na ang bahala kung anong gusto mong itawag sa akin, gandahan mo para maiba-"
"Cherry," anito na nagpatigil sa kaniya. "That's your name, right?" Tumango siya. "Edi 'yon ang itatawag ko sa'yo."
Bahagya lang umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Hindi sila lubusang magkakilala pero wala siyang makitang ano mang panghuhusga sa mga mata nito. Hindi ito katulad ng iba na unang kita palang sa kaniya ay kama na agad ang gustong maging destinasyon nila. At higit pa roon... Parang baliwala rito ang klase o uri ng trabaho niya.
Kahit saan tignan at bali-baliktarin man nito ang panty at bra niya, isa pa rin siyang magdalena sa mapanghusgang mata ng iba. Pero bakit sa lalaki, parang mas mataas pa siya sa kalapati? Parang normal lang siyang babae na dapat na igalang. Sabagay, maganda siya, 'yon talaga walang duda. 'Yon lang naman ang kaya niyang i-ambag... ang kagandahang taglay niya.
Hindi niya tuloy maiwasang tanunging ito dahil sa sobrang kakuryosohan.
"Bakit ba mabait ka sa akin?" Nagtatakang tanong niya. "Ano bang pangalan mo? At ano rin ba ang ginagawa mo rito? Umamin ka nga... type mo ba ako? Kasi kung oo, sabihin mo lang puwede naman nating pag-usapan yan."
Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng lalaki. Seryoso pa rin habang nakatitig sa kaniya. "Hindi ako mabait," seryosong sagot nito sa una niyang tanong bago tumikhim. "Xander, that's my name, and no..." ngumisi ito at muli siyang hinawakan bago bumulong na dinig na dinig niya naman. "...sasabihin ko ulit sa'yo, hindi kita type."
Kaagad na nag-init ang ulo niya sa huling sinabi ni Xander sa kaniya. Okay na sana e, pero may pagbawi pa talaga. Aminado naman siyang maganda siya, papakabog ba siya? Seyempre hindi! At totoo naman kasi talaga, pero hindi niya matanggap na sasabihan siya nitong hindi siya type na para bang kasalanan ang magustuhan siya.
"Eh, engot ka naman pala, e!" Siya na ang humawak sa kamay ito at hinila si Xander palabas ng club. "Kung hindi mo naman pala ako type, bakit mo ako niyayaya sa dark room? Sa condo mo?" Napangisi siya. "At kung akala mo naman ay tatanggi ako, puwes... Ano pang hinihintay mo? Arat na ng makarami!"
Hindi niya na binitawan pa ang kamay ni Xander at hinila na palabas ng Club-V.
Hindi pala type huh! Tignan natin pogi, dahil bago sumapit ang bukangliwayway... Hindi na lang basta type ang mararamdaman mo para sa akin, perfect wife na ako sa iyong paningin. Aniya sa kaniyang isip bago ngumisi.
Pagkalabas nila ng club ay huminto si Cherry at nilingon si Xander. Nagtataka siya sa lalaki dahil hindi naman ito mukhang ordinaryong tao lang. Kung tutuusin, mukha talaga itong galing sa may sinasabing pamilya. Rich kid kung sabihin ng iba, parang 'yong clasmate niya ng elementary na may pa lunch box pang nalalaman, pandesal lang naman ang laman. Kaya naman...
"Nasaan ang kotse mo?" kuryosong tanong niya rito upang masagot ang bumabagabag sa isip niya.
Natigilan naman si Xanded at kumamot sa ulo bago umiwas ng tingin sa kaniya. "Wala." Bagsak ang bibig na napatingin siya rito, hinihintay pa ang mga paliwanag na sasabihin nito sa kaniya. "Sabi ko naman sa'yo, two years from now saka palang ako magiging bilyonaryo. Kaya naman sa ngayon... mag commute na muna tayo. Okay lang ba 'yon sa'yo?"
"Seryoso ba?" Pinasadahan niya ito ng tingin bago nilapitan. "Yang damit mo, original na Lacoste yan kahit mukhang simple. Yang relo mo, Rolex. Hindi ako sigurado kung magkano pero tingin ko ay mahal. Yang sapatos mo naman naghuhumiyaw na Balenciaga." Paglalahad niya. "Hindi ka rin naman mukhang mahirap, lalo na kung ang pagbabasehan ay ang kilos, pananalita, at ang tindig mo. Tapos sasabihin mo sa akin na mag commute na lang tayo dahil wala kang sasakyan? Niloloko mo ba ako?!"
"Hindi kita niloloko, at nagsasabi ako ng totoo. Kung ayaw mong maniwala, okay lang. Hindi naman kita girlfriend para pasikatan, isa pa..." Nginisihan siya nito na para bang aliw na aliw sa kagagahan niya. "...sino bang may sabi sa'yo na may sasakyan ako?"
Natigilan siya. Oo nga naman, sino nga ba kasi ang hangal na nagsulsol sa kaniya na may sasakyan itong si pogi?
Ang ngiti at kaangasang nakaplaster sa labi niya ay nauwi sa ngiwi. "Ah ano kasi... pakiramdam ko lang," aniya, medyo nahihiya at napayuko na lang.
Muli siyang hinila ni Xander at sa pagkakataong 'yon ay naramdaman niyang may inilagay ito sa kaniya. Nang magtaas siya ng mukha'y nagsalubong ang mga mata nila.
"Hindi ko yan bigay sa'yo huh, pahiram lang. Regalo sa akin ni Xavier yan kaya may sentimental value," anito habang inaayos ang kulay itim nitong leather jacket na isinusuot sa kaniya. "Sa ngayon ay kailangan mo yan, ayaw kong mapaaway sa pampasaherong jeep sakali mang bastusin ka dahil sasakay ka roon na nakabra."
Sa sobrang paghanga kay Xander ay napayakap siya rito. Ito kasi ang unang pagkakataon na may taong nagmagandang loob para takpan ang katawan niya upang hindi siya maging tampulan ng tukso at maging takaw gulo. Kung ang iba ay hahayaan siyang tila hubad na sa mata ng iba... si Xander ay hindi.
"Salamat..." halos pabulong niyang sabi. "'Wag kang mag-alala, lalabahan ko 'to kaagad pagkarating natin sa condo mo."
Nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Xander at ngitian ito'y nagulat siya sa reaksyong nasa mukha nito. Bahagyang nakaawang ang labi, nakakunot ang kilay, at nagtataka ang kulay asul nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.
"Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Natigilan ito at bahagyang umiling bago ngumiti. "W-Wala..." Hinawakan na ulit ni Xander ang kamay niya at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.
Hindi naman bumilang ng ilang minuto ay may huminto ng jeep sa kanila, at suwerte pa dahil hindi naman ganoon karami ang pasahero. Lima lang ang laman no'n, tatlong babae at dalawang lalaki. Napasimangot na lang siya ng mapansin niyang nagpa-pa-cute ang tatlong babae kay Xander.
"Type ka no'ng tatlo..." Bahagya niya lang siniko si Xander bago inginuso rito ang tatlong babae na magkakaibigan yata. "...subukan mong tignan yang mga yan babaogin kita!" Aniya pa habang pinanlilisikan ito ng mata.
Ngumiti naman si Xander bago dumukwang sa kaniya. Natigilan siya dahil halos gahibla na lang ang agwat ng labi nito sa labi niya. "Don't worry, hindi man kita type... ikaw pa rin ang tititigan ko," giit nito bago siya ginawaran ng magaang na halik sa pisngi na nagpakabog ng mabilis at malakas sa kaniyang puso.
*****
Makalipas ang halos sampung minuto ay nakarating na sila sa Las Casas. Isang Spanish-style Hotel sa Bataan na pawang may sinasabing pamilya lamang ang nakakatungtong. Tipong mayayaman o sugar daddy lang ang may afford na mag book ng room doon o kaya ay pumirme. Sa madaling salita... anong ginagawa ni pogi sa Las Casas kung isa rin itong dukha?"Bakit dito?" Wala sa loob niyang tanong. "May pambayad ka ba rito? May pera ka ba?" sunod-sunod at nagtataka niyang tanong.Maang na napatingin naman si Xander sa kaniya. Halatang naguguluhan ito sa walang kakuwenta-kuwentang tanong niya. "Why?" Napakamot pa ito sa batok nito. "What's the matter?"Nangunot ang kilay niya. May pa english-english pa kasi ang hudyo, feeling yata nito ay kabilang sila sa mga may sinasabing pamilya rito sa Pilipinas. Napa-isip din siya sandali habang nakatingin sa itaas, inaalala kung ano nga ba ang ibig sabihin ng matter? Nang maalala ay napangiti siya bago bumaling dito at saka palang sumagot. "Matter, is anythi
"Hindi mo na sana ako hinatid. Baka mamaya isipin ng mga tsismosa naming kapitbahay manliligaw kita."Habang naglalakad sa daan ay palinga-linga siya dahil alas sais na rin ng umaga. Malamang na gising na ang mga batikang tsismosa rito sa barangay nila."Sabi mo kasi wala kang pamasahe," sagot naman nito. "Wala ka ring pamalit sa isang libong kinuha mo sa wallet ko, allowance ko pa yan para bukas kaya kailangan kong makuha sa'yo 'yong sukli."Hindi niya ito pinansin at nagdire-diretso na lang sa tindahang malapit sa kanila para sana magpapalit. Pero kapag minamalas nga naman, hayon at gising na ang isang tsismosa na maaga-agang rumuronda."Uy Cherry bago yan ah!" Pinasadahan ni Aling Marites ng tingin si Xander mula ulo hanggang sa pangmalakasan nitong sapatos. Kay aga-aga ay nangunguna na naman ito sa tambayan ng mga ka-tsismisan nito. "Inpernes guwapo, mayaman siguro itong bago mong boyfriend ano? Sa club mo rin ba nakuha ito?" Hinila niya ang manggas ng t-shirt ni Xander upang map
KINAHAPUNAN ay maaga ulit siyang bumangon. Inilabas niya lang ang kulay pula niyang bralette at itim na blazer na siyang uniform nila tuwing Friday. Naglabas lang din siya ng maong short shorts at pagkatapos ay naligo na.Wala siyang masyadong tulog gawa nang pag-aalala sa Mama niya. Hindi kasi ito lumabas ng kuwarto nito at hindi rin kumain. Nang sinilip niya naman ito kanina ay tulala na naman. Wala na talagang pag-asa ang Mama niya, masyado na yatang baliw at bulag sa Papa niya. Ang Tita Rosa niya naman sobrang iskandalosa. Walang pinipiling lugar basta maipahiya lang nito ang Mama niya at seyempre damay siya."Ayoko na talaga sa earth!" Inis na naligo na lang siya ng mabilis.Hinilod niya ang mala-labanos niyang katawan. Shinampoo ang buhok niyang nangungulot na dahil sa stressed niya sa pamilya. Saka nagbabad sa ilalam ng shower. Ilang minuto pa ang tinagal niya sa banyo saka siya natapos at lumabas. Hindi niya na bin-lower ang buhok niya dahil matutuyo rin naman 'yon sa tricy
"P-POGI..." Marahan niyang inalog ang balikat ni Xander na hanggang sa makarating sila ng Kalaklan Gate ay nakapikit pa rin ang lalaki. "Hoy!" pagpipilit pa niya.Olats! Waley talaga. Kahit anong pangungulit niya'y hindi siya pinapansin ng lalaki. Balak niya pa man din sanang magpalibre rito ng pamasahe."X-Xander..." Muli niyang subok. Nakapikit ang mga mata nito kaya naman kitang kita niya ang napakaguwapong mukha nito. Panatag din ang paghinga nito na masasabi mong natutulog talaga ang hudyo.Kung gising si Xander ay makalaglag panty at unhook na ng bra kung tumingin. Ngunit ngayong tulog ito'y daig pa nito ang pinakamaamong panda bear na napapanood niya dati sa discovery chanel."I don't like being watched." Maya-maya ay sambit nito, nakapikit pa rin pero mukhang nagtutulog-tulugan na lang. Amazing!"Papansin! Hindi naman kita pinapanood... tinititigan lang," aniya naman saka ginalaw ang malantik nitong pilik. "Taray! Mas malantik pa sa pilik mata ko."Nagmulat ito ng mga mata sa
"CHERRY BABY!"Muntik pa siyang madulas nang dahil sa malademonyong boses na 'yon. Kahit na maraming tao sa Club-V at halos siksikan sa baba ng stage, hinding-hindi magkakamali si Cherry kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.Nang lumingon siya sa gawing kanan sa ibaba ng intablado ay napabuntong hininga na lang siya. Hindi nga siya nagkamali... Ang tukmol na si X ang tumatawag sa kaniya.Alexis Montemayor o mas kilala bilang X -- anak ng isang mayamang businessman at kaklase niya rin dati. Lumapit ito sa gilid ng stage kung saan siya nakapuwesto at tahimik na sumasayaw."Akin ka mamaya huh... may 1k ako rito, libre ko pa pulutan mo." Nagmamagaling nitong sabi na tila siguradong-sigurado ito na papayag siya."Dagdagan mo ng limang daan! Ikaw pa naman ang RK kong friend tapos isang libo lang ang kaya mong ilapag para sa akin!" Paghihimutok niya naman."Ang mahal naman ng talent fee mo, samantalang may ipapakilala lang naman ako sa'yong bagong sugar papa..." Kuminang kaagad ang mata n
SORRY...'Yon lang ang tanging sinabi sa kaniya ni Xander saka ito umalis na para bang nagmamadali. Na para bang hindi sila naghal!kan at hindi ito ang first kiss niya."Mabango naman ang hininga ko ah!" Pagmamaktol niya sa kaniyang sarili saka nakipagsiksikan sa mga nasa club. "Kulang na nga lang ay nguyain niya ang bibig ko kanina! Itsura mo Xander!" Kahit na wala pa siyang karanasan sa pakikipag relasyon, may alam naman siya sa seduction at pagiging intimate sa lalaki. Isa pa, bukod sa panonood ng R-18 na movies, nag-i-imagine din siya minsan. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang iniwan ni Xander pagkatapos nitong mahalikan ang labi niya."Cherry!" Naagaw ang atensiyon niya mula sa tumawag sa kaniya. Kaagad din itong lumapit at hinawakan siya sa braso.Namamanghang napatitig siya rito. "A-Ate Jewel..." Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito, famous kasi. "Bakit po?"Nginitian naman siya ni Jewel na bahagyang nagpagaang ng nararamdaman niya. Hindi
PIKIT MATA niya na lang tinanggap sa sarili na sa mga oras na 'yon ay wala na siyang kawala. Wala siyang laban. Na kahit ano pang tawag niya sa Papa niya upang humingi ng tulong ay wala na ring mangyayari. Hindi siya maririnig nito. At walang may gustong tumulong sa kaniya.Ngunit lumuwag ang pagkakahawak ng lalaking nasa likuran niya sa kaniyang baywang. Kasabay ng pag lingon niya rito ay siya ring pagbagsak nito sa lapag habang sapo ang tiyan.Nang lingunin niya kung sino ang may gawa no'n sa lalaki ay napaawang ang bibig niya."X-Xander..."Yes! It was him... Xander. Awang ang bibig at hindi siya makapaniwala habang nakatingala sa matangkad na lalaking dumating. Patay sindi ang kulay dilaw na ilaw sa hallway papunta sa silid na nakalaan para sa kaniya, at malabo rin ang kulay pulang ilaw na nagmumula sa stage. Pero kitang-kita niya ang galit sa kulay asul na mga mata ni Xander.Ngunit bakit nasa V.I.P area ang lalaki? Akala niya ay umalis na ito matapos ang halik na pinagsaluhan n
"X-XANDER s-saan ba tayo pupunta?"Nakadalawang ulit na siyang tanong rito kung saan nga ba sila pupunta, ngunit tulad kanina, tahimik lang si Xander.Noong hawakan nito ang pulsuhan niya at ilabas siya mula sa Club-V ay naging tahimik lang ito, at mukhang may malalim na iniisip. Hindi na rin siya nito hinayaang bumalik pa sa pagsasayaw hanggang sa ito na rin ang nagpaalam upang umalis na sila. Hindi niya alam kung saan ba siya dadalhin ni Xander pero panatag naman siya na wala itong gagawing masama sa kaniya. At least, that's what she felt right now. Hindi naman kasi ito mukhang sanggano tulad ng tatlong nangharang sa kaniya.Habang sakay ng jeep ay hindi niya ito maiwasang hindi titigan. Paminsan-minsan ay pinatutunog nito ang mga daliri sa kamay, at umiigting ang panga dahil sa galit. Bagamat kalmado ito sa tuwing mapapatingin sa kaniya, hindi niya pa rin maiwasang isipin na baka apektado rin ito sa nangyari sa kaniya. Na baka, may kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon. O bak
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
"I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun
PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi
"BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok