BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
"REMEMBER, ISANG BALA LANG ANG MAYROON KA. 'WAG KANG PAPALYA!"Sumilay ang pinong ngiti sa kaniyang labi habang tutok na tutok sa kaniyang MAS FR-F2 Sniper scope. Habang nagsasaya ang lahat sa loob ng isang eksklusibong hotel sa Baguio dahil sa mga babaeng sumasayaw sa taas ng mesa, heto siya at nasa tamang puwesto na. Naghihintay na lang ng tamang pagkakataon upang kalabitin ang gatilyo na tatapos sa buhay ng isang matanda na tinaguriang Mafia boss."What are you waiting for? Pull the trigger now!"Inis na tinanggal niya ang wireless earphones na nakalagay sa kaniyang tainga. Nakakunekta 'yon kay Ace na matiyaga ring naghihintay at malamang na nakasilip din sa scope ng sniper nito mula sa isa pang hotel. Ngunit wala siyang pakialam sa inuutos ni Ace sa kaniya dahil alam niya naman ang gagawin. Isa pa, hindi naman siya kaisa sa mga ito.Hindi siya Assasin at hindi rin miyembro ng kung ano mang puwersa na mayroon dito sa Pilipinas. Pero malaki ang utang ng matandang intsek na 'yon sa k
Tunog ng maharot at malakas na musika. Palakpak at sigaw ng kung sino-sinong lalaki. Iba't-ibang kulay ng ilaw, usok at amoy ng sigarilyo, at klase ng inumin ang siyang halos dalawang buwan niya nang pinagtitiisan.Habang marahang umiindayog sa saliw ng mapang-akit na musika sa gitna ng intablado ay hindi niya na alintana pa ang pagnanasang mababakas sa mukha ng mga parokyano. Hindi naman kasi mahalaga sa kaniya ang iisipin at sasabihin ng iba, ika nga niya sa sarili'y 'kung hindi gigiling, walang isasaing!'"Cherry!"Sitsit ng kaibigan at kasamahan niyang si Bri ang bahagyang nagpatigil sa kaniya mula sa gilid ng stage.Pasimple naman siyang naglakad habang gumigiling pa rin palapit dito. Bago pa makapagsalita si Bri ay inunahan niya na ito pagkalapit niya rito. "Wala pa akong kita, iba na lang ang utangan mo!" Inirapan niya pa ito sa pag-aakalang uutangan na naman siya ng kaniyang kaibigan.Naghihigpit siya ngayon sa pera dahil ang magaling niyang ama ay wala pang binibigay na ayuda
"KABABAENG TAO INUUMAGA NA NG UWI!!"Napairap siya ng makitang nagkukumpulan na naman sa daan ang mga batikang tsismosa sa kanilang barangay. At seyempre sino pa ba ang pinag-uusapan nila kun'di siya.Cherry Lyn Avante o kilala bilang Cherry. Labimpitong taong gulang, at ang pinakamagandang nilalang na paboritong pulutan mula umaga hanggang kina-umagahan ulit ng mga batikang tsismosa sa kanilang lugar -- Ang Purok 5 Marites Street, brgy. Sta. Maria.Kayo nga ang aga-aga tsismisan kaagad ang alam! Aniya sa sarili habang papalapit sa mga living cctv ng kanilang barangay."Bali-balita kasi na nagtatrabaho yan sa bar. Kow, tignan n'yo nga ang itsura at pananamit, hindi na ako magtataka kung isang araw buntis na yan!"Muli siyang napairap. 'Yong kapitbahay nga namin na sinabihan din akong maagang mabubuntis, ayon at ang anak niya pala ang maagang najontis! Karma is real!"Kung minsan nga hinahatid pa yan ng mga lalaki. Take note, iba't-ibang lalaki! Hindi na lang mahiya, kung anak ko yan b
Sunod-sunod at malakas na tunog ng cellphone ang nagpagising kay Cherry. Nang damputin niya ang cellphone niya'y ang legal na asawa ng Papa niya ang nakita niyang tumatawag. Hindi niya 'yon sinagot at hinayaan lang matapos ang tunog hanggang sa mapagod ito sa katatawag. At tama nga siya, hindi bumilang ng isang minuto ay tumigil 'yon. Malamang na badtrip na ang ginang sa katatawag sa kaniya. Muli sana siyang babalik sa pagtulog pero ang lintek niyang cellphone, huminto nga sa katutunog nag mistula namang christmas light na nagpapatay-sindi.Sa inis ay muli niyang kinuha 'yon upang makita lamang na sangkatutak na pala ang missed calls sa kaniya ng ginang. May sampung text din ito na hindi niya pa nababasa. Naihilamos niya sa kaniyang mukha ang palad niya. "Mukhang minurder ni Tita Rosa ang cellphone niya para lang tawagan at i-text ako ah!" Inis niyang sabi.Binuksan niya ang pinakahuling mensahe na siyang unang makikita sa notification niya. Ngunit ng mabasa niya 'yon ay sumama na n
EDI HINDI!!Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa sinabing 'yon ng lalaki sa kaniya kanina. Kung makapagsalita akala mo hindi ma-i-in love sa kaniya sa future!"Tignan natin, pogi!" Mariin niyang bulong sa kaniyang sarili.Lalo pang pinag-igihan ni Cherry ang pagsasayaw sa gitna ng intablado. Dumarami na ang customers at malamang na marami siyang makakalog ngayong gabing ito. Nang umalis kasi siya sa mall kanina ay sa Club-V na siya dumiretso. Mas maaga siya ng kaunti sa normal na pasok kaya naman maaga rin siyang nakapagsimula.Dahan-dahan niyang iginigiling ang maliit niyang baywang pababa at pagkatapos ay muling tataas. Ikinikiling niya rin ang kaniyang ulo, dahan-dahang iginagalaw ang makinis niyang balikat, pipikit ng bahagya at pagkadilat ay titingin ng nakakaakit sa mga kalalakihan.Napangisi siya ng may lalaking hindi pa ganoon katanda pero hindi na rin naman masasabing bata ang lumapit sa kaniya. Dumukot ito ng isang libo habang seryosong nakatitig sa kaniya."Pucha! Sa wak
"D-Dark r-room?" nauutal niyang tanong. Kahit nga yata kulangot niya ay hindi siya marinig dahil bukod sa halos pabulong ang pagkakatanong niya, para pa siyang ngongo kung magsalita.Hinawakan ng lalaki ang braso niya at marahan siyang hinila. "T-Teka sandali lang naman!" Hinila niya rin ang braso niyang hawak nito at umatras ng kaunti. "Masyado ka namang nagmamadali. Hindi pa nga tayo nakakapag-warm up, gusto mo laban na agad! Pagpahingahin mo naman muna ako, mababali na ang tadyang ko sa kagigiling... tsaka masakit na ang paa ko."Tinaasan lang siya nito ng kilay na para bang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. Mukha rin itong hindi intiresado sa mga pinagsasabi niya."Mag getting to know each other muna tayo! Ano? G?" dugtong niya pa.Xander gently massages the bridge of his nose and then looked at her. "Sa condo ko na lang tayo para mas maayos ang pahinga mo." Anito at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling bumalik sa mga mata niya. "Ano ka ba rito
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
"I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun
PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi
"BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok