"X-XANDER s-saan ba tayo pupunta?"Nakadalawang ulit na siyang tanong rito kung saan nga ba sila pupunta, ngunit tulad kanina, tahimik lang si Xander.Noong hawakan nito ang pulsuhan niya at ilabas siya mula sa Club-V ay naging tahimik lang ito, at mukhang may malalim na iniisip. Hindi na rin siya nito hinayaang bumalik pa sa pagsasayaw hanggang sa ito na rin ang nagpaalam upang umalis na sila. Hindi niya alam kung saan ba siya dadalhin ni Xander pero panatag naman siya na wala itong gagawing masama sa kaniya. At least, that's what she felt right now. Hindi naman kasi ito mukhang sanggano tulad ng tatlong nangharang sa kaniya.Habang sakay ng jeep ay hindi niya ito maiwasang hindi titigan. Paminsan-minsan ay pinatutunog nito ang mga daliri sa kamay, at umiigting ang panga dahil sa galit. Bagamat kalmado ito sa tuwing mapapatingin sa kaniya, hindi niya pa rin maiwasang isipin na baka apektado rin ito sa nangyari sa kaniya. Na baka, may kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon. O bak
PAGKALABAS ni Xander mula sa banyo'y pinagmasdan niya na ito. Nakasampay ang tuwalyang ginamit niya at ginamit din ni Xander sa balikat nito. May hawak din itong kulay itim na tela na sadya namang kinalaki ng mga mata niya."Palalaba ko na lang-""Ako na!" Kaagad niyang inagaw ang short at blazer niya na hawak-hawak nito. "Ikaw huh! Type mo ang mga damit ko 'no!" Pinaningkitan niya pa ito ng mga mata upang itago ang kahihiyang nadarama niya."Are you done?""No, I'm Cherry." Sagot niya sabay nginisihan ito at inabot ang platong wala ng laman.Kahit gaano pa kasabaw ang mga banat niya kay Xander, hindi man lang nito pinapatulan. Kung hindi seryoso, tipid na ngiti lang ang lagi nitong tugon."Silly." Napapailing naman nitong sabi. "Do you need something? Are you still hungry? One more glass of water perhaps?" Sunud-sunod pa nitong tanong na sadya namang kinangiwi niya."Required ba talaga na mag english dito sa inyo?" Balik tanong niya naman na kinakunot ng noo nito. "Langya, Xander...
HINDI pa rin makapaniwala is Cherry sa nakikita niya. Ngayong umaga at maliwanag na ang buong paligid ay kitang-kita niya na ang lawak, ganda, at gara ng buong kabahayan nila Xander. Walang sinabi ang bahay ni Magsaysay, Rizal, at kahit ang Palasyo ng Malakanyang. "Eat up..." Agaw ni Xander sa nawiwindang niyang diwa. "...lalamig na ang pagkain.""Xander, puwede ba akong mag apply na katulong dito sa inyo?" Baliwalang tanong niya habang busy pa rin ang mga mata niyang naglilibot sa kusina.Ang lawak ng mesa, pang isang dosena yata pero dalawa lang silang naka-upo at kumakain. May katulong din ang mga ito na hindi niya alam kung ilan ang eksaktong bilang. Basta ang alam niya ay iba ang nagluto ng pagkain, iba ang nag serve, at iba rin 'yong naghuhugas sa lababo.Narinig niya ang pagtikhim ni Xander kaya naman napalingon siya rito. "Ano? Hiring pa ba kayo? Kahit taga suklay na lang ng buhok mo, tatanggapin ko na basta eksakto at hindi delay ang suweldo." Giit niya pa."I can comb my hai
"DITO NA LANG AKO." Aniya kay Xander nang huminto ang jeep na sinasakyan nila sa simbahan. Kaunting lakad na lang papasok at makakauwi na siya. Hindi naman ganoon kalayo, kaya okay lang. Ang hindi okay nang pati si Xander ay bumaba pa ng jeep at nakabuntot sa kaniya.Mataas na ang sikat ng araw. Alas dos na nga yata kung tutuusin, kaya naman malamang na naglipana na sa daan ang mga living cctv sa kanilang barangay. Instant pulutan na naman siya kapag nakita siya ng mga ito at may kasama pang lalaki."Ihahatid kita." Maikli nitong sagot kaya naman humarap siya rito."Kapag hinatid mo ako, pagtsitsismisan tayo. Iisipin nilang boyfriend kita at nadawit sa bar. Okay lang sa akin kasi guwapo ka naman at hindi nakakahiyang irampa. Ang tanong... okay lang ba sa'yo?" Mahabang lahad niya. Ngunit sa hinaba-haba ng pinagsasabi niya, tango lang ang naging sagot nito. "Halika na nga, tigas ng itlog mo!"Hinawakan niya ang laylayan ng damit nito saka hinila na palakad sa bukana ng daan kung saan i
UNEXPECTED...That's what she felt when Xander's lips pressed onto her lips. Napaka-init ng labi nito at ang bango pa ng hininga. Gulat na gulat tuloy siya, hindi niya alam kung tutugon ba siya o hindi.But why did he kiss her?Nakapikit ang mga mata ni Xander habang unti-unting lumalalim ang paghalik nito sa kaniya. Ang kamay nitong kanina ay prenteng nakasandig lang sa sofa ngayon ay nakahawak na sa batok niya ang isa. Habang ang isa naman ay nasa likod niya at marahang hinahaplos ang likod niya pababa sa kaniyang baywang. Itinukod niya ang kamay niya sa dibdib ni Xander, ngunit ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya ng madama niya ang napakabilis na pintig ng puso nito. Nang dahil sa pagkamangha niya at pag-awang ng labi niya ay nagkaroon ng pagkakataon si Xander na ipasok ang dila nito sa bibig niya.Doon pa lang siya napaatras... Kinabahan.Napatigil naman si Xander at dumilat. Nanlalaki ang mata nitong napatigil sa paghalik sa kaniya. Kapwa sila humihingal na dalawa ng tuluy
"ANONG ORAS umuwi ang Mama mo?" tanong sa kaniya ni Xander.Nasa tapat lang sila ng Club-V sa maliit na gotohan at kumakain. Nang yayain siya ni Xander kanina ay ang gotohan sa tapat ng Club-V kaagad ang pumasok sa isip niya. Lagi rin kasi sila ni Bri sa gotohan dati, lalo na pagkatapos ng kanilang duty."Hindi ko alam..." Baliwalang sagot niya. Naalala niya na naman ang Mama niya at ang narinig niya bago siya pumasok. Para ngang naririnig niya pa rin ang impit na ungol ng Mama niya at ng Papa niya hanggang ngayon. Nawalan tuloy siya ng gana."Don't you want the lugaw?" muli nitong tanong na kinataas naman ng kilay niya. Alam niyang hindi biro ang tanong na 'yon ni Xander. Pero hindi niya maiwasang mapangiwi. Parang timang lang kasi pakinggan mula rito ang conyo words. Ganoon pa man, cute pa rin ito. Kung sa iba niya siguro nakaringgan 'yon, baka nasapok niya na ng maaga-aga."Mainit pa eh..." sagot niya na lang para hindi naman nakakahiya rito. "Sige lang kumain ka lang, 'wag kang
"ITATANAN MO AKO?" Gulat na gulat niyang tanong. "Bakit? May pera ka ba? Kaya mo ba akong buhayin? Matakaw ako. Magastos. Tsaka-"She was stunned when Xander give her a quick kiss. "Ang ingay mo." Anito saka siya hinila paalis ng gotohan.Tulala naman siya at daig pa ang nakalaklak ng isang case ng red horse dahil sa nangyari. Hindi siya makapaniwala at hindi rin yata kayang tanggapin ng kaluluwa niya ang katotohanang ninakawan siya ni Xander ng halik upang patahimikin siya. Nang makarating sila sa pinakaparking area ng Club-V ay saka lang siya nahimasmasan. Napaawang ang bibig niya at namamanghang napatingin kay Xander saka sa kulay itim na sasakyang nasa harap niya.Damn! It's a black fucking Tesla!"Saan mo nakarnap 'to?!" Kuryosong tanong niya kay Xander."Advance gift sa akin ni Dad," baliwalang sagot niya. "So paano? Tara na?""Teka, marunong ka bang mag drive? May li-""I got my license when I was 18." Putol nito sa kaniya."Bakit? Ilan taon ka na ba ngayon?" Nagtataka pa ring
ANG HAROT! Habang nanonood sila ng t.v sa sala at nagpapalipas oras ay hindi maiwasang kiligin si Cherry. Sino ba naman ang hindi, pagkatapos ng landian to the max nila at cooking show tutorial, heto siya, prenteng naka-upo habang si Xander naman ay nakahiga at naka-unan sa mga hita niya. Nakaramdam tuloy siya ng pamamalipit ng puson. Naiihi na siya dahil sa landing lumulukob sa kaniyang sistema.Marahan niyang kinaltukan si Xander sa noo upang agawin ang atensiyon nito na tagumpay naman. "Tayo ka..." Aniya. Tumayo naman si Xander, masunuring soon-to-be shota. "Magwiwiwi muna ako."Pinamulahan na naman ng mukha si Xander na kinangiti niya. Hobby na yata nito ang pamulahan ng mukha sa tuwing may awkward moment sa pagitan nilang dalawa. Shy type kuno, pero ang galing manuklaw ng loko."Sandali lang ako... 'wag mo akong ma-mimiss ha!" Tudyo niya pa rito saka tumayo na upang mag banyo.Hindi na siya pumasok pa sa kuwarto ni Xander dahil may banyo rin naman sa malapit sa kusina. Doon na l
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
"I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun
PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi
"BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok