"WHY ARE YOU still standing there as if you can't move?" Napairap siya sa tanong na 'yon ni Xavier. Kalalaking tao, marites!Minsan na nga lang siya kiligin hahadlangan pa ng hudyo. Hindi ba puwedeng dinadama niya pa ang mga sinabi sa kaniya ni Xander kaya nakamulala pa rin siya kung saan siya iniwan nito? Pumasok kasi si Xander sa kuwarto nito upang magpalit ng damit, ihahatid na kasi siya nito pauwi sa kanila."Ang strict mo naman, sa kinikilig pa ako masama ba?!" Singhal niya rito. "Kinikilig for what?" Balik tanong nito sa kaniya, hindi naman galit pero mukhang hindi rin papasang mabait. "Anyway... does he invite you? May family dinner kami mamaya.""Family dinner nga diba? Meaning pang pamilya lang." Muli niya itong inirapan saka umingos. "Tsaka bakit? Kapatid ko ba kayo? Hindi naman diba?""I thought you were Xander's girlfriend?" Kumunot ang noo nito saka siya tinitigan na para bang may mali sa kaniya. "Well, buti na lang din hindi ka niya girlfriend. Baka magbago pa ang isip
"Ha?" Hindi siya makapaniwala. Hindi niya inaasahang 'yon ang itatanong sa kaniya ni Xander matapos siya nitong halikan. "A-Ano k-kasi... Xander-""It's okay," nakangiti namang putol nito sa nais niya pang sabihin. "No pressure. Saka mo na lang sagutin kapag handa ka na."Hindi niya maiwasang pagtaasan ito ng kilay dahil parang ganoon din ang sinabi niya rito dati. "Ikaw huh, natututo ka na. Tsaka, sino bang may sabi sa'yo na single ako? Akala ko ba... I'm not your type? Oh ano, limot mo na 'yon?" Tudyo niya pa rito na napapailing na lang habang may ngiti sa mga labi."Why? Are you taken? Are you in a relationship? Si Goyong ba? O 'yong kalbong naghatid-""Hoy grabe kang makapanglait huh! Anong tingin mo sa akin? Hindi ligawin?" Inirapan niya ito. "Baka isang kindat ko lang sa'yo, lumuwang ang garter ng brief mo!"Tinawanan lang siya ni Xander na para bang aliw na aliw sa kagagahan niya. Pero ang totoo, kulang na lang ay pigilan niya ang kaniyang hininga dahil sa bilis at lakas ng kabo
"X-Xander..." Bigla siyang nag panic nang maramdaman niya ang palad ni Xander na malayang hinahaplos ang patag niyang tiyan. "S-Sabi mo kiss lang, bakit may pa-chansing sa tiyan?" Aniya rito.Kaagad namang binawi ni Xander ang kamay nito na humahaplos sa tiyan niya saka nahihiyang yumuko. "S-Sorry... Sorry, please don't get mad." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Xander at pilit na inangat upang salubungin ang tingin nito. Nang tignan siya nito ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil namumula ang buong mukha nito na para bang hiyang-hiya sa kalikutan ng mga kamay nito."Hindi kita isusumbong ngayon kay Mama, pero..." Kinurot niya ng bahagya ang magkabilang pisngi ni Xander saka ito nginitian. "Halik-halik lang muna, bawal pa ang haplos, naka-chansing ka na nga kanina diba? Partida, 'di pa kita sinasagot niyan." Tudyo niya pa rito na halos hindi na makatingin sa kaniya ng diretso."I'm sorry, I didn't mean-""Cherry anak! Aalis na ang Tito Roger mo!" Hindi na naituloy pa ni Xan
Walang dalawang salita na hinila siya ni Xander papasok sa sasakyan nito at nag drive na patungo sa kung saan man siya nito dadalhin."Xander kidnapping 'to huh!" Tudyo niya rito kahit na nakakaramdam siya ng kaba. "Alam ni Mama na ikaw ang huling kasama ko. At para rin sa kaalaman mo, hindi ako tutubusin no'n... alaws kaming arep." Aniya pa."That's okay..." Bahagya siyang nilingon ni Xander saka nginitian bago muling nag-concentrate sa pagmamaneho. "So, okay lang kahit hindi ako tubusin ni Mama sa'yo?""Hindi rin naman kita ipatutubos," baliwalang sagot nito habang tutok na tutok sa daan ang mga mata."Hindi mo maibebenta ang kidney ko kasi may UTI ako. 'Yong puso ko naman, pusong bato. Ang iba ko pang internal organs, 'di ko sure kung healthy pa." Mahabang lahad niya pa bago sumandal at tinitigan si Xander. "Sino na lang ang bibili at mag-t-tiyaga sa akin nito pag nagkataon?""Me..." Nilingon siya ni Xander sabay kinindatan. "...you belong to me, Cherry... sa akin lang."Iyon nama
Hindi pa rin siya makapaniwala na pumasok siya ng in a relationship sa opisina ni Attorney Davidson, tapos lumabas ng married. Goodness! Kung hindi lang guwapo si Xander, baka nagdiklara na siya ng ika limang pandaigdigang gera!Ngayon lang tuloy nag sink-in sa isip niya kung paano niya ba sasabihin sa Mama niya na may asawa na siya at kakakasal lang ngayon? Malamang na raratratin siya no'n. Pupupugin na naman siya sa pangangaral na 'kesyo hindi pa nga raw siya marunong mag laba ng panty niya. Ni magluto ng pagkain ay hindi niya magawa. Yawa!"Bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong sa kaniya ni Xander na hindi niya na naman inintindi. Marami siyang iniisip, kahit aminado naman siyang hindi siya nag-iisip minsan. "Hindi ako sanay na tahimik ka... It bothers me-""Butter?" Maang na napalingon siya kay Xander na nakatutok ang paningin sa daan habang nagmamaneho. Hindi siya sigurado kung tama ba ang dinig niya, pero parang ganoon na nga. "Gusto mo ng butter? Nagugutom ka ba?" Sunud-sunod n
"I'll call you later." Tumango lang si Cherry saka kumaway nang tuluyan ng makapasok si Xander sa sasakyan nito. Ayaw niya pa sana itong pauwiin dahil wala pa ang Mama niya at gusto niya pa itong makasama ng mas matagal. Kaya lang ay tumawag ang ama nito at sinabihan itong pumunta sa opisina ng OGC.Hindi niya naman maaaring pagbawalan ang isa na 'wag ng pumunta, at magtagal pa sa bahay nila. Mukha rin kasing importante ang itinawag ng ama ni Xander kaya naman dali-dali rin itong umalis."'Wag kang mag-emo, hindi bagay sa'yo!" Singhal niya sa kaniyang sarili saka pumasok na sa loob ng kanilang bahay.Nang tignan niya ang orasan ay alas tres pa lang ng hapon. May apat na oras pa siya upang makapagpahinga bago pumasok sa Club-V. Kahit sinabihan na siya ni Xander na 'wag ng pumasok at mag resign na sa Club-V ay hindi naman puwede. Kung gagawin niya 'yon, paano na lang ang Mama niya? Ang bayarin nila at pangangailangan sa araw-araw? Hindi siya puwedeng tumigil sa pagkembot sa gabi dahil
[CHERRY, are you still there?]Nahilot ni Cherry ang kaniyang sentido nang muli niyang marinig ang boses ni Xander. Hindi siya nagkakamali, at alam niyang ang kaniyang asawang si Xander ang nasa kabilang linya.Hindi naman ito galit at wala rin siyang mahimigang kakaiba sa tono nito, pero hindi pa rin siya mapakali. Ayaw niyang magsinungaling pero hindi niya rin naman alam kung paano niya sasabihin dito na halos kaaalis lang ni Ace sa kanila. Ayaw niyang magselos ito sa kaibigan niya na pakiramdam niya'y pinagseselosan ni Xander. "H-hello?" Kinakabahang nag-alibi na lang siya kahit na nga ba labag sa loob niya. "Hello? Xander, ikaw ba yan? Choppy ka! Hindi kita masyadong marinig... tawag ka na lang ulit... tut... tut... tut."Kaagad niyang pinatay ang tawag at nahahapong napa-upo sa kanilang sofa. Napakalakas ng tibok ng puso niya, para bang may naghahabulan na isang libong kabayo dahil sa kaba! First time niyang magsinungaling kay Xander at hindi na dapat 'yon maulit pa. Hindi niya
EKSAKTO alas otso na ng gabi nang makarating si Cherry sa Club-V. As usual, marami na namang customers dahil Friday night na. Umuulan ng alak sa bawat mesa na okupado ng mga parokyano. Nagkalat din ang mga naggagandahan at seksing babae na sumasayaw sa taas ng mga mesa. Ang iba ay mga nakakalong na at ang iba ay nasa dark room na malamang ay pinaliligaya na ang customer nila."Cherry!" Kusang umikot ang mga mata niya ng marinig ang pamilyar na boses ng kaibigan niyang si Bri."Cherry alam mo na ba ang chicka?!" dugtong pa nito habang hawak siya sa siko."Ano ba yan Bri, gabing-gabi at halos kararating ko lang, tsismis kaagad ang ibubungad mo sa akin!" Singhal niya rito saka siya humarap. "Anong latest?""Buwisit ka talaga! Akala mo talaga banal 'tong gagang 'to eh 'no!" Asik naman nito sa kaniya saka sumandal sa hamba ng bar area. "Pero ito na nga ang chicka. Kilala mo si Daisy diba?""Oh anyare kay ateng-""Dedo na!" Natigilan siya at hindi agad naniwala sa pinagsasabi sa kaniya n
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
"I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun
PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi
"BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok