Share

Chapter 61

My mind wasn’t functioning well. Para bang lumipad sa ibang planeta habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko, nakatitig pa rin sa kanya. Nakakunot ang noo niya, at ang paraan ng pagtitig niya—nakakatakot at nakakamatay. Ang boses niya, malamig pa sa yelo at puno ng awtoridad.

Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nananaginip? Gising siya, pero hindi niya ako kilala. Kitang-kita ko rin ang doktor sa gilid, gulat na gulat katulad ko. Suminghot ako at pinahid ang mga luha ko, sabay senyas sa doktor na lumabas muna. Tumango siya at sumulyap kay Dark bago tahimik na lumabas ng kwarto.

Ngayon, kami na lang dalawa ang natira. Nakatingin siya sa akin, blangko ang kanyang ekspresyon. Nakakunot ang noo niya, at wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko rin ang galit habang nakatingin siya sa paligid, tila di makapaniwala na nasa ospital siya at nakahiga sa kama.

Bukas-sara ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung paano m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status