Kinabukasan, si Devon Donovan ay nag-wala sa kanyang kwarto. Napansin nito na wala na sa tabi n'ya ang dalaga.
Naisip n'yang napahimbing ang kanyang tulog. Kaya ngayon ay naging aligaga itong hanapin, kahit saan man sulok ito mag-punta.
Ngayon lang naramdaman ni Devon ang sarili na para siyang taranta ng dahil lamang sa isang babae. Padabog n'yang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto, para hanapin sa baba ang dalaga.
"Where's the woman!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong bahay. Lahat ng katulong ay lumabas sa kanilang lungga kung saan ang lahat ay nasa kusina.
Hindi maiwasan ni Devon na kumunot ang kanyang noo. Lahat ng katulong n'ya ay nasa kusina at sa sobrang galit n'ya ay siya na ang nag-kusang pumunta roon para sermunan sila.
"I said where's the wom-," hindi naituloy ni Devon ang sasabihin ng biglang nawala ang galit sa kanyang katawan. Kasunod no'n ang pagbilis ng kanyang dibdib ng makita ang dalagang nakangiti sa kanya.
"Devon hinahanap mo ba ako?" tanong ng dalaga habang nakangiti ito at si Hadues na tahimik na nagkakape sa kanilang sala. at halos maibuga ang sariling iniinom ng dahil sa sinabi ng dalaga.
'Did he just call him Devon?' tanong ni Hadues sa sarili, dahil walang sinuman ang nagtatangkang tawagin siya sa sariling pangalan.
Isa ito sa mga ayaw ni Devon. Kaya pinagmasdan ni Hadues ang kanyang kapatid na parang isang bata. At hindi makasagot sa simpleng tanong ng dalaga.
"Thank you for saving me Devon," saad ng dalaga, gusto na rin mahimatay ng mga katulong at kasama si Butler Tom.
"Nagluto ako dahil ayoko namang pagsilbihan nila ako kaya eto." Sabay turo nang dalaga sa lamesa kung saan may iba't ibang pagkain na nakahain. Kahit isa ay hindi man lang alam ni Devon ang tawag dito.
"Eldest young master, hindi po namin siya mapigilan kanina, patawarin n'yo po kami," pagmamakaawa ni Butler Tom habang nakatungo ito at pati na rin ang mga katulong.
Pero kahit isang salita ay wala silang narinig kay Devon. Bagkus, hinawakan lamang siya nito sa balikat at nilampasan.
Dahilan na ikagulat ito ng lahat pati na rin si Finn Lucas na kararating lang sa loob ng bahay para sunduin siya.
Nagtataka pa rin si Finn ng makita n'yang hindi pa rin nagpapalit ng damit ang kanyang boss at ang suot nito ay may bahid pa ng mga dugo dahil sa pagbitbit n'ya sa dalaga kahapon.
"Come here and sit," tawag ng dalaga sa kanya at walang nagawa si Devon kung 'di ang umupo sa upuan kung saan itinuro ng dalaga. Kahit na hindi naman siya do'n umuupo.
Ang lahat ng nakakasaksi sa kanila ngayon ay hindi na alam ang gagawin. Ang babaeng ito ay nagagawang utusan ang isang mafia king.
Habang ang isip naman ni Finn, baka umuusok na sa galit ang kanyang boss ng dahil sa pag-utos sa kanya ng babae.
"H'wag na kayo mahiya sumabay na kayo sa amin. Mas marami, mas masaya diba Devon?" masayang sabi ng dalaga habang nakangiti ito kay Devon.
Para bang hindi n'ya kilala ang taong nasa harapan n'ya para sabihin ang mga ganitong bagay.
"Butler Tom," tawag ng dalaga sabay turo sa upuan pero umiling lang ito sa kanya. Kahit kaylan hindi sila sumasabay sa hapagkainan kapag kumakain ang tatlong magkakapatid na Donovan.
"Bakit parang takot na takot kayo sa kanya? Tao lang naman din siya," sabi ng dalaga habang sinusuri ang lalaking nasa harapan n'ya.
"All of you sit down," utos ni Devon sa lahat na ikinagulat nila. Lalo na ng kanyang kapatid na si Hadues.
"I don't want to repeat my words." Devon said with a cold voice at pati na rin si Hadues at Finn ay napaupo sa upuan, kahit ayaw naman talaga nila.
Isang malaking pagkagulat ito sa lahat dahil kahit si Hadues ay hindi sumasabay sa kanyang kapatid na si Devon. Sa tuwing kumakain ito, dipende na lang kung nandito ang kanilang ina dahil hindi ito pumapayag na hindi sabay kumakain ang lahat.
Sa kabilang banda, magsisimula na sana ang lahat kumain ng bigla silang matigilan sa sinabi ng dalaga.
"We should pray first before we eat." Dahilan na parang maging patay ang mga ito sa mga sinasabi ng dalaga at kahit isa sa kanila ay hindi magawang tignan si Devon, dahil baka nag-aapoy na ito sa galit.
"Do you pray before and after eating?" tanong ng dalaga kay Devon pero umiling lang ito na parang bata.
Si Finn at Hadues na nasa pagitan ni Devon ay nangangatal na, "Then starting today you should pray before and after eating," saad ng dalaga at biglang pumasok sa isipan ni Devon ang kanilang ina.
Kapag ito ay nasa hapag-kainan ay walang ginawa kung 'di ang mag-dasal bago at pagkatapos kumain.
"What should I do?" tanong ni Devon sa dalaga dahil hindi n'ya talaga hilig ang mag-dasal.
Bakit naman magagawang mag-dasal ng isang demonyo? Kung tanging pag-patay lamang ang alam nito?
Habang si Hadues na hindi magawang mag-salita. Pero panay lamang ang react sa sinasabi ng kapatid. Hindi maiwasan ni Hadues pagmasdan ang dalaga dahil talagang humahanga siya rito na tulad ng paghanga n'ya sa kapatid n'yang si Devon.
Pero ang paghanga n'ya sa babae ay kakaiba. Ang Devon na kilala nila ay para bang naging isang bata, habang sumusunod sa utos ng magulang.
"Ipikit mo ang iyong mga mata at magpasalamat ka sa d'yos ng dahil sa pangaraw-araw. Humingi ka ng tawag kapag may nagawa kang kasalanan," sagot ng dalaga at pipikit na sana si Devon kaso ng marinig n'ya ang sinabi ng babae ay agad s'yang napaisip.
"Why do I need to thank him? I don't want to," matigas na sabi ni Devon at nag-simula na itong kumain, ayaw n'ya talagang gawin ito.
Ang mga nakaupo sa lamesa ay nararamdaman na ang maitim na aura ng demonyo. Kaya nag-simula na silang kumain bukod sa dalaga.
"It's okay, someday you'll pray for someone's safety." Napatigil si Devon nang marinig n'ya ang sinabi ng dalaga. Hindi n'ya alam kung bakit bigla siyang natakot na para bang may mangyayaring hindi maganda. Pero hindi ito nagpahalata sa dalaga hanggang sa matapos siyang magdasal mag-isa.
Tahimik ang lahat sa hapag kainan habang kinakain ang luto ng dalaga. Hindi maalis ang takot sa kanilang mga mata. Dahil baka may masabi nanamang mali ang dalaga na ikagalit ni Devon. Pero agad na tumingin si Devon sa dalaga ng mag-salita ito.
"Seraphina Laurier ang pangalan ko," nakangiting sabi nito. Si Devon na nakatulala sa dalaga habang paulit-ulit sa isipan n'ya ang napakagandang pangalan nito.
'Seraphina Laurier' isip ni Devon at pagkatapos nilang kumain ay agad n'yang hinila ang dalaga papunta sa kanyang kwarto.
"Seraphina." Devon called her name and Seraphina is looking at him with a bright smile.
"Devon gusto ko magpasalamat ng dahil sa kabutihan mo," pagpapasalamat ng dalaga.
Hindi naman maisip ni Devon kung tama ba ang sinabi sa kanya ni Seraphina. Dahil hindi n'ya maisip na mabuti s'yang tao.
Paano nasabi ng dalaga na mabuti siya? Nang dahil lang sa niligtas n'ya ito, mabuti na agad siya?
Si Seraphina Laurier ay hindi maiwasang mamangha sa taglay na kagwapuhan nito. Ang mukha nito ay para bang ginawa ng isang tao, para malaman nila na maganda ang kalalabasan nito.
Agad din natigilan si Seraphina ng maalala n'yang wala na s'yang tirahan. Umalis siya sa bahay ampunan na kanyang tinitirahan. Dahil nahihiya na s'yang tumira doon at nangakong aalis din kapag nakahanap nang matitirahan.
Hindi maiwasan ni Devon ang mag-alala dahil gusto n'yang pasukin ang utak ng dalaga. Gusto n'yang malaman ang malalim nitong iniisip. Dahil ang mukha nito ay biglang sumimangot.
"What's bothering you?" nag-aalalang tanong ni Devon sa dalaga at mas lalong sumimangot ito.
"I d-don't know where to s-stay," nahihiyang sagot ni Seraphina habang nilalaro ang sariling daliri.
Si Devon naman na hindi mawari ang sarili basta nasabi n'ya ang gustong sabihin sa dalaga, "I think, I like you, Seraphina," mahinang sabi ni Devon at rinig na rinig naman ito ng dalaga.
Dahilan na bumilis ang tibok ng puso n'ya, dahil sa hindi n'ya inaasahang pangyayari, "You said, you like me?" tanong ng dalaga at tumango lamang si Devon sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito.
Napangiti lang sa kanya si Seraphina kaya nag-taka si Devon sa dalaga.
"Why are you smiling? Are you not mad at me for liking you?" magkasunod na tanong ni Devon pero tumawa lang nang mahina si Seraphina.
"Do I need to get mad because you like me?" Seraphina answered with a smile at hindi maiwasan ni Devon hawiin ang buhok nito dahil malapit n'ya ng makain.
"You can live with me and let me court you." Habang pinagmamasdan nito ang dalaga.
Naisip ni Seraphina na bakit hindi diba? Kung alam n'ya namang mabuti ang lalaking ito. Kahit na ngayong araw pa lang sila nakapagusap ni Devon ay feeling n'ya na safe siya kapag ito ang kasama.
"Okay," masayang tugon ng dalaga at hindi maiwasang yakapin ni Devon, sa sobrang saya. Tila ba kahit hindi pa siya sinasagot nito at gusto n'ya ng tumalon sa tuwa.
_____
Sa kabilang banda, ang mag-asawang Donovan ay hindi mapakali. Lalo na si Venus Donovan dahil nalaman nilang umalis na si Seraphina sa bahay ampunan.
Ngayon ay hindi sila mapakali at ipinahanap nito ang dalaga kahit magkano pa ang presyo.
"Evel Donovan! I'm telling you, you need to find Seraphina at any cost!" galit na sabi ni Venus sa kanyang asawang si Evel. Napalunok na lamang ang asawa nito dahil kahit siya ang dating mafia king ay hindi n'ya pa rin kaya ang asawa n'ya na ngayon ay nag-aapoy sa galit.
Kinuha ni Evel ang paborito nitong cookies na gawa ni Seraphina. At agad naman itong bumalik sa pagiging maamong mukha. Kaya nakahinga ng maluwag si Evel habang minamasahe n'ya ang ulo ng kanyang asawa.
"Wala na bang ibibilis to?" reklamo ni Venus dahil ngayon ay nakasakay na sila sa eroplano pabalik sa Donovan hacienda.
Dahil sa sinabi ng madre sa bahay ampunan na umalis si Seraphina at ngayon ay hindi nila makita. Kaya naman nag-atubilin si Venus at Evel na umalis ng France. Kahit hindi pa tapos ang meeting nila about sa bagong project na gagawin.
"We will find Seraphina at any cost okay?" pagpapakalma ni Evel sa asawa at talaga namang sumasakit ang ulo n'ya. Maging siya ay hindi alam ang gagawin.
"You better find him Evel, I'm telling you. I'm telling you," sagot ni Venus at mas lalong sumakit ang ulo n'ya. Dahil naalala n'ya ang anak n'yang pangatlo na si Lucif Donovan.
Si Lucif ang pinakabata sa tatlong magkakapatid, kung si Devon ay isang ruthless mafia at si Hadues naman na gentleman. Si Lucif naman ay isang brat na bata kung saan pagala-gala lang ang alam at humanap ng babae.
"That brat kid Evel," inis na saad ni Venus at mas lalong dumoble ang stress ni Evel dahil sa sinabi ng asawa. Anytime ay siya nanaman ang sisisihin nito sa pag-layas ng kanilang anak.
Venus Donovan is married to a retired mafia king Evel Donovan, and Venus is a very lovely woman that Evel met.
Kaya bakit hindi rin maiwasan ni Evel mag-alala sa dalagang si Seraphina. Iniisip niya kung ito ay anak niya at hindi malabong kay Venus ito magmana.
Dahil si Venus ay isang napakasayang bata at mapagmahal. Kaya nang unang makita ni Evel si Venus, hindi niya maiwasang mahulog. Nagawa niyang itago ang sarili sa babae dahil ayaw nitong malaman na isa siyang masamang tao at iwan siya nito sa takot.
Nagkamali si Evel dahil para kay Venus ay mabuti itong tao. Kaya ngayon ay meron na silang tatlong anak na may iba't ibang personalidad.
_____
Sa kabilang banda, si Hadues na hindi makapaniwala sa nangyayare simula pa kanina. Ngayon ay pinagmamasdan niya pa rin ang kapatid na sumusunod sa utos ni Seraphina.
'I can't imagine that he's my brother Devon Donovan, the ruthless mafia is now in love with a woman' isip ni Hadues habang nainom nang kape sa gitna ng katanghalian.
"How is it? Am I pretty?" tanong ni Seraphina kay Devon habang umiikot at suot nito ang isang pajama at t-shirt ni Devon.
Ayaw nitong pasuutin ng kahit na anong damit ang dalaga, kung hindi niya damit ang susuutin. Kaya naman naintindihan agad ni Seraphina ang gustong ipabatid sa kanya ni Devon at ito na lamang ang kanyang sinuot.
Tila ba si Devon Donovan ay nagiging possessive kay Seraphina. Kahit na pumayag pa lang itong ligawan siya.
Hindi niya lubos maisip na kapag nakasuot ang dalaga ng sando at short. Nagwawala na agad ang demonyo sa kanyang katawan. At hindi siya magdadalawang-isip na patayin lahat ng taong titingin sa katawan nito at sa mala-anghel na mukha ni Seraphina.
"Of course you are," reply ni Devon habang masayang pinapanood ang dalaga. Ngayon ay hindi niya maisip na palihim siyang mapapangiti na hindi niya naman talaga ginagawa.
Si Hadues na nakaramdam ng pagtaas ng balahibo. Dahil sa hindi niya alam kung siya ba ay namamalikmata sa kanyang nakita. Hinawakan niya ang braso niya para himasin ito sa sobrang takot.
'Did the Demon smiled?' isip-isip ni Hadues dahil hindi ito makapaniwala na ngumiti ang demonyo na kinatatakutan ng kahit na sino.
Mismong siya ay hindi pa nakikitang ngumiti ang isang Devon Donovan na kilala bilang isang demonyo.
Hindi maiwasan ni Hadues na kilabutan sa kanyang nakita at nagawa niya na lamang pumunta sa kanyang office.
Silang tatlong magkakapatid ay may sari-sariling opisina sa loob ng kanilang bahay. Lalo na ang mga ito ay may kanya-kanyang kumpanya bukod sa bunso nila.
Walang iba kung hindi si Lucif Donovan ang Third young master ng Donovan family.
Kung ang dalawa niyang kapatid ay nasa 20's lamang ito naman ay 18 years old at walang planong mag-trabaho sa sariling kumpanya. Hindi tulad ni Devon at Hadues na masasabing capable sa pag-hawak ng business.
Kilala si Lucif na isang playboy. Pero hindi pa rin ito nagpapatalo kay Hadues. Dahil ayaw niyang nalalamangan siya nito sa kapatid nilang si Devon.
Parehas nilang iniidolo ang kapatid, hindi dahil sa isa itong mafia king. Kung hindi isa talaga siyang malakas at talagang kahanga-hanga kapag nakita mo siyang makipaglaban.
Sa tuwing magkasama silang tatlo ay hindi nila maiwasang magpaligsahan. Kahit hindi alam ni Devon ang pinaggagawa nitong dalawa.
Minsan ay naiisip ni Devon kung may problema ba ang dalawang ito at kaylangan na magpatingin.
Dahil minsan ay bigla-bigla siyang sinasalubong para batiin o kaya naman sabay silang magdadala ng iba't ibang pagkain at gatas nito. Hindi naman siya nainom ng kape hindi tulad ni Hadues na mahilig sa kape.
Hindi inaasahan ni Devon ng biglang tumawag si Finn sa kanya. Nagkaroon daw ng problema sa kumpanya nito at kaylangan siya.
Kaya ang ngiti nito sa mga labi habang pinagmamasdan si Seraphina ay biglang nawala. Dahil gusto niyang makita ang dalaga bawat sigundo at agad niyang hinila si Seraphina sa bakuran kung saan walang tao, maliban sa kanilang dalawa.
"Something's bothering you Devon?" mahinahong tanong ni Seraphina sa kanya. Pero hinawakan lang ni Devon ang mga pisngi nito gamit ang dalawa niyang kamay.
"I have an emergency, call me if you need anything okay?" tugon ni Devon at ibinigay niya ang cellphone na kahapon n'ya binili. Plano niya talagang bigyan ito ng cellphone, para kapag busy siya ay matatawagan niya ito anytime.
"D-Did you buy this for me?" hindi makapaniwalang sabi ng dalaga kay Devon. Hindi na rin naituloy ni Devon ang sasabihin ng bigla siya nitong yakapin. Dahilan na mas lalo siyang nate-temp mag-stay at h'wag umalis sa tabi ng dalaga.
Kahit anong gawin ni Devon ay hindi nito maipaliwag ang nararamdaman. Hindi man lang alam ni Seraphina na malaking impact kay Devon ang kanyang pagyakap.
Agad na umalis sa pagkakayakap si Devon kahit ayaw niya na talagang bitawan ito. Gusto niya sanang halikan ang dalaga, pero ayaw nitong matakot ito. At ayaw niyang madaliin ang dalaga lalo na pumayag palang itong ligawan siya.
"Thank you, take care," sabi ni Seraphina habang kuma-kaway ito at napangiti rin naman siya ng umalis na si Devon at sumakay sa kotse.
Ang nararamdaman ni Seraphina ngayon ay kakaiba. Tila gusto niyang maihi sa hiya nang dahil sa ginawa niya.
Alam niya namang kakapayag niya lang magpaligaw kay Devon, talagang kinikilig na ito.
Hindi niya maisip na ito pala ang sinasabi sa kanya ng mga madre sa bahay ampunan. Balang araw ay makakatagpo siya ng lalaking gugustuhin siya kahit unang beses mo palang ito makita.
Mukhang tama naman sila dahil kahit unang beses niya palang nakita si Devon ay hindi niya maiwasang magkagusto. Hindi dahil sa gwapong lalaki ito, kung hindi sa pagtulong nito sa kanya nang isang araw.
Agad na rin pumasok si Seraphina sa loob nang bahay. At masaya nilang pinagmamasdan ang dalaga. Nakikita nilang mabait ang magiging future wife ng kanilang unang amo.
Lalo na para talagang anghel ito na bumaba sa langit sa sobrang bait. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Seraphina, because the Seraphim or Seraphina are the highest-ranking angels of God.
Kinakabahan si Butler Tom at ang mga ibang katulong sa bahay. Hindi nila mapigilan si Seraphina sa pagtulong, kahit na pagbawalan nila ito. Napahawak na lang si Butler Tom sa kanyang sintido dahil talaga namang napakakulit nito.Habang busy si Seraphina sa pagliligpit nang plato. Biglang pumasok sa isip niya si Devon at kaaalis lamang.Naisip nitong ipaggawa niya ng cookies si Devon dahil baka magutom ito pagdating sa bahay.Nginitian lamang ni Seraphina ang mga tao sa bahay dahil alam n'ya namang napakakulit niya. Ang gusto niya lang naman ay tumulong at hindi maging isang palamunin sa loob ng bahay."Lady Era," tawag sa kanya ni Butler Tom habang nakabantay lang ito sa likuran. Panay ang kulit nito sa kanya na ikinakatawa niya ng palihim."Lady Era, parurusahan kami ni Eldest young master," sabi ng isang katulong pero ngumiti lang ito dito at huminga ng malalim.&n
Isang magarang kotse ang papasok sa Donovan hacienda. Habang ang loob nito ay may sakahan at iba't ibang uri ng bulaklak na nakatanim dito. Kapag ikaw ay nakapunta rito ay gugustuhin mong h'wag ng umalis at magstay sa kagandahan ng mga bulaklak.Hindi lang iyon, pati na rin ang mga taong nasa loob ng Donovan hacienda. Lahat sila ay may mabubuting puso at mahal na mahal nila ang mag-asawang Donovan.Pati na ang tatlong anak nito na tinuturing nilang master bukod sa una nilang naging master na si Evel Donovan.Mas lalong ginagalang nila ang asawa nitong si Venus Donovan. Dahil ang babaeng ito ay hindi kayang kagalitan o kamuhian ng kahit sino. Ang ugali nito ay hindi nalalayo kay Seraphina Laurier at sa sobrang bait nito ay mahal na mahal siya ng mga tao.Kaya halos buong puso nilang pinaglilingkuran ang Donovan family. Dahil parang pamilya na rin ang turing nito sa kanila. Kahit na alam ni Venus na ma
Napansin ni Devon ang mukha ni Seraphina habang masaya silang kumain ng gawa nitong cookies. Agad niya itong hinawakan sa pisngi para tuluyang mapatingin sa kanya ang dalaga."Tell me what's bothering you? I'll help you out," nag-aalalang sabi ni Devon sa dalaga at ngumiti naman ito sa kanya."I don't want to stay here, I want to work," malungkot na sabi ng dalaga at ayaw pa naman makita ni Devon na nalulungkot ito. Kaya naman umisip siya agad ng paraan para hindi na ito malungkot."You can work at my company," saad ni Devon at para namang bata si Seraphina na tumingin kay Devo. Habang pumipikit-pikit pa ang mga mata nito."Did you just say your company?" takang tanong ni Seraphina at talagang napagtanto nito na hindi talaga siya kilala ng dalaga.Hindi niya maiwasang matawa dahil akala niya. Wala ng ibang tao ang hindi nakakakilala sa kanya."You're laughing
Natapos turuan ni Hailey si Seraphina at madali namang natuto ang dalaga, dahil talagang nakinig itong maigi. Habang busy silang dalawa sa paggagawa, biglang naisip ni Hailey kung may koneksyon ba ang kanilang boss at ito.Naisip niyang hindi naman talaga makakapagsuot ng ganito si Seraphina kung wala silang malalim na relasyon.Kung titignan niya talaga ang mga suot nito at gamit na dala, masasabi niyang hindi ito mumurahin. Sa dala palang nitong bag ay mukha ng original. Palibhasa hindi rin s'ya marunong tumingin ng mamahalin na gamit dahil hindi naman siya mayaman.Pero agad din naman siyang umiling at napaisip.'Baka pinsan ni boss kaya siguro pumayag' isip-isip ni Hailey dahil pwede rin naman at maganda ang mukha nito at maganda rin ang lahi ng mga Donovan.Kaya iyon na lamang ang kanyang naisip, bago tuluyang tumingin sa harap ng computer.Magsisimula n
Masayang humiga sa kama si Seraphina ng matapos itong maglinis ng katawan. Hindi niya alam bakit sobrang komportable ng mga damit ni Devon kapag ito ang kanyang suot. Dahil ngayon ay nakasuot siya ng pajama at t-shirt na pagmamay-ari ni Devon.Kaya ng maalala niya ang halik ni Devon ay hindi maalis ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi. Panay ang ikot niya sa kama habang si Devon naman ang naliligo sa banyo.'Gusto kong kainin na ako ng lupa' isip-isip ni Seraphina kasunod no'n ang pagbukas ng pinto sa banyo. Bumungad sa kanya si Devon na walang pantaas na dami pero may pambaba.Hindi niya maiwasang manlaki ang mata dahil ang six pack abs nito ay kitang-kita. Pati na rin ang tattoo nito sa gilid ng katawan ay nakadagdag ganda.Napansin niyang tumingin sa kanya si Devon kaya agad itong umiwas at tumingin sa iba."Do like the view?" tanong ni Devon at napalunok na lang si Seraphin
Pinagmamasdan nilang lahat ang bagong kasal at sumasakit lalo ang ulo ni Finn Lucas, kung paano niya ngayon pagtatakpan ang dalaga. Hindi tatagal at malalaman rin ng iba na ito ay asawa ng mafia king.Ang takot sa katawan niya ay nagsimula na, dahil baka ang kinakatakot nitong malaman ng kalaban nila at si Seraphina ang gawing pain para kay Devon.Lubos ang pag-iisip ni Finn pero agad din ito naudlot ng marinig niyang magsalita si Hadues, "Brother, ibabalita ko ito kay Mom and Dad," masayang tugon ni Hadues ngunit pinigilan 'to ni Devon."No, you're not going to tell this," protesta ni Devon habang nakatingin sa kanyang asawa."But brother? Mom will gonna kill you if you didn't tell her," kinakabahang sabi ni Hadues at maging si Finn ay natatakot na rin.Hindi nito alam kung ano nga ba ang nasa utak ng kanyang boss. Bakit ayaw nito malaman ni Master Evel at Madam Venus ang
Ang mukha ni Devon ay hindi maipinta, para bang binagsakan ito ng langit at lupa. Nakamasid lamang siya sa kanyang asawa na masayang naliligo kasama si Hailey at Carol. Sabay sandal niya sa higaang kawayan at sa sobrang inis ay panay na lang ang kamot niya sa kanyang ulo.Ilang oras din ang tinagal nila bago makarating sa private pool niya sa Paris. Pagdating palang nila rito ay agad na silang naligo.Lingon dito, lingon doon ang tanging ginagawa ni Devon. At hindi niya kayang sirain ang kasiyahan ng asawa. Lalo na ngayon pa lang ito nakarating sa Paris, kaya hindi niya ma-istorbo.Panay ang isip ni Devon kung paano napunta rito. Akala niya ay si Hailey lang ang kasama nila papuntang Paris pero hindi pala._____At Donovan Hacienda, nakahanda na si Devon at Seraphina papunta sa Paris. Ang maleta ng dalawa ay nakalagay na sa likod ng kotse. Habang sila na lang ang inaantay ni Finn, para maihati
Isang lalaki ang nakasuot ng mamahaling damit at papasok ito sa Donovan hacienda. May takot man sa kanyang katawan ay hindi pa rin maipipinta ang saya. Ang mga katulong sa labas ng hacienda ay agad tumungo at binati siya.Parang bata naman itong sumasaludo sa mga nadadaanan, habang nakasakay sa mamahaling kotse. Naging alerto ang mga katulong ng makita pa lang nila ang sasakyan nito at agad siyang pinagbuksan ng pinto.Nakangiti si Butler Tom ng makita niya ang binata, "Third young master, welcome home," masayang ngumiti si Lucif Donovan ng batiin siya nito at tinignan niya ang hacienda na walang pinagbago.Paniguradong lagot siya sa kanyang inang si Venus, dahil halos limang buwan itong hindi umuwi sa kanilang bahay.Wala pa siyang ginawa kung hindi ang maggala at libutin ang mundo. Habang kasama ang iba't ibang babae na type niya.Pagpasok pa lang ni Lucif sa pinto ay sumigaw i
Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.Nagbago kasi ito matapos na mawalan ng mahal sa buhay at palagi na rin nila nakikita na ngumingiti ito paminsan-minsan. Sa paglalakad ni Devon, natigilan ito ng marinig ang ni boses ni Hadues."Brother let's go! Mom is waiting for us." Sabay sakay ni Hadues sa kanyang kotse at naiwan si Devon. Halos lahat din ng katulong nila ay nandoon sa paroroonan na pupuntahan niya. Pero napangiti si Devon ng marinig nito ang isang boses na katulad na katulad ng boses niya."Dad, let's go. I can't wait to visit her," malamig ang boses ng isang batang lalaki at tumango naman si Devon ng sumakay sila sa kotse."Are you ready
Mabilis na kinuha ng mga tauhan ni Zeke si Seraphina. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ni Seraphina. "Ano ba?! Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito at panay ang iyak. Habang si Devon naman ay agad ainapok ang isa sa mga nakahawak sa kanya, pero hindi ito nakagalaw ng tutukan ni Zeke si Seraphina ng baril."I don't want to hurt her. Kaya tumahimik ka d'yan," sambit ni Zeke at itinali nila ito sa upuan. "H'wag n'yong higpitan."Tumigil naman si Devon at kinakabahan itong nakatingin kay Seraphina. Nanganginig maigi ang kanyang mga kamay sa galit. Nang makita nitong tinatali si Seraphina ay agad nakirot ang kanyang dibdib. Wala itong ideya kung paano ito napunta rito, pero masama ang loob ni Devon ng dahil sa nadamay pa ang asawa niya."Let's fight. If I win, you know what to do. If I lose then I will give you my throne," seryosong sabi ni Devon at tumawa si Zeke. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at saka tuman
Nagising si Seraphina at masama ang loob niya. Sa kanyang pagmulat ng mga mata, nakita niyang madilim na ang labas. Napatayo siya at saka tinignan ang balkonahe at sobrang dilim na. Hindi niya alam na sobrang tagal niyang nakatulog at gustong makita ang asawa.Wala sa mood na bumaba si Seraphina habang naiisip ito ng maaari niyang gawin para mapuntahan si Devon. Mayroon na siyang ideya kung nasaan ito ngayon at hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito sa tabi niya. Nang bumaba ito sa first floor ay agad naman naging alerto ang mga katulong at pinaghain ito ng pagkain. Simula kaninang umaga kasi ay hindi kumain si Seraphina at saka ng tanghali. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin ito kakain?Umupo nang dahan-dahan si Seraphina at saka kinain nito ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Tanging pasta lamang ang kinakain nito at saka lutang na lutang. Panay ang isip nito dahil talagang gusto na niyang makita si Devon.&
Natapos na nga ang kasal ni Devon at Seraphina at kauuwi lang nila sa hacienda. Ang mga regalo ng mga bisita ay nasa isang kotse at hindi pa nga ito kasya. Sa dami ng taong dumalo ay bawat isa sa kanila ay may regalo. Kaya naman hindi lamang benteng sasakyan ang ginamit para lang ma-i-uwi ang lahat ng regalo. Samantalang pagod na pagod ang dalawa at sumabay pa si Lucif na sobrang kulit. Nagtatalo nanaman kasi ang dalawang magkapatid at si Venus naman ay hindi maiwasan na mairita."Lucifer!" sigaw ni Venus at saka hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Mabilis na tumakbo ito nang sa gano'n ay hindi mahabol ng ina."You too should go to your room." Sabay turo kay Seraphina at Devon. Kaya naman hindi nag-atubilin si Devon na dalhin ang asawa sa taas at pagbuksan ito ng kwarto."Are you tired? Do you want to sleep?" tanong ni Devon at ginabi na kasi sila sa De Van. Kaya naman maaaring pagod na talaga si Seraphi
Abala ang lahat ng dahil sa dami ng bisita. Ipinakilala rin ni Venus si Seraphina sa iba dahil si Evel naman ay tamad magsalita. Bawat tao na tumitingin kay Seraphina ay hindi maiwasan na mapangiti. Nang dahil na rin sa pagiging masiyahin nito. Maya't maya ito nakangiti sa mga tao at ang napakaputing ngipin nito ay kitang-kita.Sabay napatingin ang lahat sa pinto ng dumating si Mavi at Maru at nasa tabi nila si Lori at Jao. Nalate lang ang dalawa dahil pinagpalit pa nila ito ng damit. Habang ang dalawa naman ay tumatakbo papalapit kay Seraphina."Tita Era!" sigaw nang dalawa at tumingin naman si Seraphina at yumakap ang dalawa sa kanyang magkabilang hita. Habang ang tao sa paligid ay hindi maiwasan na matawa."Kumain na ba kayo? Kain muna kayo. Mavi at Maru, paki-asikaso muna itong mga bata at h'wag lang kayo lalayo." Tumango naman ang kambal at sumama rin agad ang dalawang bata. Habang nakatayo si Sera
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kasal ni Seraphina at Devon. Kasabay no'n ang paglingon ni Devon kay Cole. Parang walang nangyari at naging maayos naman ang kasal ng dalawa. Samantalalang hindi pa rin maiwasan ni Devon ang kabahan habang sila ay papalapit na sa labas ng simbahan. Baka mamaya kasi ay may kung anong nag-aantay sa kanila sa labas. Hinawakang maigi ni Devon si Seraphina at pinagbuksan agad ito ni Devon ng pinto sa kotse.Sumakay parehas ang dalawa at saka nagsalita si Cole, "Boss h'wag na po kayo mag-alala. Sabi ni boss Lucif ay walang kahit na anong trace ni Zeke at Kairo. Wala ring mga tauhan na nagbabantay sa simbahan at mukhang hindi niya planong sumugod ngayon." Sabay tingin nito sa salamin at umiwas ng tingin kay Devon.Hindi na lamang nagsalita si Devon at nakahinga na nga ito ng tuluyan. Hindi maisup ni Devon kung talaga bang wala itong plano ngayon o sa susunod pa talaga, kapag nailabas na ang anghel sa sinapupunan ni Seraphina. Kung
Excited ang lahat ng malaman nila ang about sa kasal ni Devon at Seraphina. Ang mga taong imbitado at kahit nasa ibang bansa pa ito ay naisipan na umuwi sa Pilipinas para lang dumalo. Hindi kasi nila ito palalagpasin at nalaman nilang umibig ang demonyo. Kaya naman bawat bisita ay may nakahandang mamahalin na regalos.Minsan lang ito mangyare, kaya naman talagang pinaghandaan ng lahat ang pagdalo. Habang ang iba't ibang gang ay masaya rin sa balitang nalaman nila. Halos lahat ata ng mga ito ay mapera ng dahil sa under sila ni Devon. Kahit na hindi na kumuha ng ilang daang tao si Devon ay nandito ang mga tauhan niya para protektahan ang dalaga.Kasunod no'n ang isang babae na pumasok sa isang kwarto at namangha ito ng makita niya ang isang babaeng napakaganda at walang iba kung hindi si Seraphina. Talagang napakainosente ng mukha nito at hindi maiwasan na maisip na ito ay galing sa langit at bumaba lamang sa lupa."Lady Era, are you ready?" tano
Hindi pa sumisikat ang araw pero abala na ang lahat. Abala na ang lahat sa pag-aayos ng dahil sa nalalapit na kasal ni Seraphina at Devon. Sa susunod na linggo na kasi ang plano ng lahat at doon na rin nila ipapakilala ang prinsesa ng pamilya. Hindi na sila makapaghintay, lalo na si Venus.Excited ito ito at mas excited pa nga ito sa anak. Talagang maaga itong gumising para lang asikasuhin ang lahat ng invitation. Gusto niyang makakarating dapat ang lahat ng mga taong importante sa kanila at mga business man at business woman na mga kaibigan ng pamilya nila.Samantalang hindi maintindihan ni Evel ang asawa. Alam kasi niyang aakto ito ng ganito. Pero hindi niya inaasahan na gigisingin siya nito ng alas-kwatro para lang sa kasal ng dalawa."Venus, hindi pa dumudungaw ang araw pero ginising mo na ako," inis na wika ni Evel at panay ang kamot nito. Nasira ang tulog nito ng dahil sa ginawa ni Venus. Hindi kasi talaga ito mapigilan at panay ang gising sa k
Napatawa ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Seraphina, pero natigilan din ang lahat ng makita nilang tumatakbo si Venus na may hawak na mga magazines. Excited kasi ito para sa darating na kasal ng dalawa sa susunod na linggo. Kaya naman hindi ito makapaghintay na makapamili na sila at makapaghanda."Era, come here. Tignan mo 'tong mga gowns ang gaganda. Talagang bagay na bagay sa iyo lahat." Hindi mapigilan ni Venus na ipakita kay Seraphina ang mga gown na susuutin nito. Habang ang mga mata ni Seraphina ay napadako sa mga magazines at para itong bata na tumakbo papalapit kay Venus.Ang kinakain nitong donut na pasalubong ni Devon ay biglang nawalan ng saysay. Natuon kasi ang mata nito sa mga magagandang gown at hindi rin naman umangal si Devon dahil si Seraphina na lang naman talaga ang kulang."Magsusuot po ba ako n'yan? Ang ganda naman masyado," manghang sabi ni Seraphina at hindi maiwasan na ngumiti ni Venus at Evel."Dapat lang Era, d