Isang lalaki ang nakasuot ng mamahaling damit at papasok ito sa Donovan hacienda. May takot man sa kanyang katawan ay hindi pa rin maipipinta ang saya. Ang mga katulong sa labas ng hacienda ay agad tumungo at binati siya.
Parang bata naman itong sumasaludo sa mga nadadaanan, habang nakasakay sa mamahaling kotse. Naging alerto ang mga katulong ng makita pa lang nila ang sasakyan nito at agad siyang pinagbuksan ng pinto.
Nakangiti si Butler Tom ng makita niya ang binata, "Third young master, welcome home," masayang ngumiti si Lucif Donovan ng batiin siya nito at tinignan niya ang hacienda na walang pinagbago.
Paniguradong lagot siya sa kanyang inang si Venus, dahil halos limang buwan itong hindi umuwi sa kanilang bahay.
Wala pa siyang ginawa kung hindi ang maggala at libutin ang mundo. Habang kasama ang iba't ibang babae na type niya.
Pagpasok pa lang ni Lucif sa pinto ay sumigaw i
Hindi na makapag-intay si Lucif na makita ang babaeng tinutukoy ni Butler Tom. Aligaga ito sa pagbaba ng private plane ng Donovan family. Agad niyang hinack ang cellphone ni Hadues para malaman niya kung nasaan sila sa Paris.Madali lang para kay Lucif ang mga ganitong bagay dahil isa siyang hacker. Tuwang-tuwa naman ito ng makita niya kung nasaan sila. Pagbaba pa lang ni Lucif ay dali-dali siyang sumakay sa taxi papuntang resort.Ayaw niyang umalis at bumayahe ng ganito kalayo, lalo na galing pa naman ito sa Japan. Talagang napagod na siya sa byahe ng makauwi sa Donovan Hacienda, sabay wala pa siyang maaabutan pag-uwi.Bakas man ang inis sa mukha ni Lucif at napawi rin ito agad. Nalaman kasi nitong may girlfriend na ang kanilang iniidong kapatid. At hindi siya papayag na ang karibal na si Hadues ang magiging hadlang, para mas lalong mapalapit sa kapatid.Simula ng sila ay lumaki, kahit na ilang taon
Kanya-kanya ang lahat ng makauwi sila sa Donovan hacienda. Hindi rin kasi sila pwede magtagal do'n, lalo na may mga importante rin silang ginagawa. Kahit ayaw ni Lucif magstay sa hacienda ay napilitan ito.May bahid man ng pagkainis sa kanya ay wala itong magawa. Sa tuwing aalis siya ay naaalala niya ang banta ng ina at talagang natatakot siya. Kaya wala siyang magawa kung hindi laruin ang laptop niya.Kahit saan magpunta si Lucif, kanyang dala-dala ang mahiwaga nitong laptop. Kapag wala siyang ginagawa, nagagawa lang nito maghack o gagawin ang misyon na binigay ni Devon.Sa tuwing magbibigay ito ng gawain ay masayang-masaya siya. Gusto talagang niyang tulungan ang kapatid sa madilim nitong gawain.Ang mafia king niyang kapatid ay maraming kaaway. At hindi naman siya magtataka, kung maraming nagtataka sa buhay nito.Silang dalawa ni Hadues ay saksi sa paghihirap ng kapatid pagdat
Ilang oras ang lumipas ng matapos ang trabaho ng lahat. Walang pinansin si Melissa at dumaretso na siya sa bahay. Talagang ibabalita niya ito sa mga magulang niya at sa dalawa nitong kapatid na lalaki. May mga ngiti sa labi ni Melissa ng makarating ito sa kanilang bahay at agad hinanap ang kanyang mga magulang. Nakita niya ito pagpasok pa lang ng bahay, dahil nakaupo ang dalawa sa sala habang masayang kumakain. "Mom and Dad, I'm home," masayang bati nito. Napansin naman ng ama't ina ni Melissa na mukhang maganda ang araw nito. "Honey, come here," tawag ng ina nito at masaya naman siyang umupo sa tabi ng mga magulang. Kasunod no'n ang pagpasok ng dalawa niyang kapatid sa sala at kauuwi lang din nito galing sa kumpanya. Hindi nag-atubiling tawagin ni Melissa ang kapatid para maniwala ito. "Hey! You two, umupo kayo dito may sasabihin ako," mayabang na asta ni Melissa sa dalawang nakatatandang ka
Halos mapasabunot na si Finn Lucas sa kanyang buhok at talaga namang binibigyan siya ng stress ni Seraphina. Nagtangka lang naman itong sasama sa ibang lalaki kapag hindi siya dinala kay Devon. Biglang sumakit ang ulo ni Finn at iniisip pa lang nito na dadalhin niya si Seraphina ay siya naman ang pagagalitan ni Devon. "Lady Era, may business nga po si Boss," pagpapaliwanag ni Finn at hindi matigil si Seraphina. Alam kasi nitong papayag din si Finn kapag gumawa siya ng kalokohan. "Dapat siya nga ang susundo sa akin ngayon, bakit ikaw?" Parang bata ito at hindi na alam ni Finn ang gagawin. Simula ng makarating siya dito sa parking lot, puro pagtatalo lang ang ginawa nila. "Lady Era, dapat nasa bahay na tayo." Hindi makapaniwala si Finn sa kakulitan ni Seraphina at ayaw talaga nito magpatalo sa kanya. Napabuntong hininga si Finn at gagawa siya ng paraan para makauwi sila sa bahay. Pero nagulat ito ng biglang tumakbo si Seraphina at nagawa niyang
Nakita ni Devon kung gaano kasaya ang asawa habang inaasikaso si Lori. Katatapos lang nito maligo at inaayusan na ng buhok at damit. Bigla tuloy niyang naisip na gusto na rin niyang magka-anak."Let me help you with this." Sabay suot ni Seraphina ng headband sa ulo ni Lori. Komportable ang dalawa habang nakasuot ng ternong pantulog. Sabay rin kasi naligo ang dalawa dahil parehas silang marumi.Nagawa pang umikot-ikot ni Lori at wala na ang takot sa kanyang mga mukha, hindi tulad kahapon. Hindi na naisip ni Lori ang nangyare sa kanila ng kuya niyang si Cole. Hinalikan naman ni Devon ang asawa bago sila tuluyang lumabas ng kwarto. Habang pababa sila sa hagdan, napatingin si Venus at Hadues dito, nakita nila kung gaano kasaya ang dalawa.Para sa lahat ang dalawang ito ay sobrang perfect na, paano pa kung magkaka-anak sila?Mahihiya na sana si Lori kaso bigla siyang tinawag ni Venus at halos mapatitig din ito sa ganda ng nasa harapan niya, "Come here honey, w
Kinabukasan, abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho. Dahil magkakaroon ng party event sa venue ni Devon Donovan. Ang venue na ito ay kilala dahil ang may ari ay sikat din. Maging si Seraphina ay hindi pa nakikita ang sinabing venue ni Melissa."Lady Era, taon-taon may event sa De Van na ginaganap," paliwanag ni Hailey habang nag-aayos silang dalawa ng mga dapat i-print. Ang pangalan ng venue ay De Van at hindi naiiba ang venue nila tuwing may event."Anong event naman 'yon?" Dahil sa bago lang si Seraphina, wala itong alam sa mga event na nangyayare.Iba-iba rin kasi ang event kada taon at minsan lang maulit. Dipende pa rin kay Devon kung ano ang plano nito. Lahat ng empleyado sa Donovan Industry ay dapat nandoon. May mga iba ring bisita, tulad ng mga sikat na kumpanya bukod sa Donovan Industry."Dipende 'yon Lady Era, at saka wala pang nababanggit si Melissa. Paniguradong wala pang sinasabi si boss." Sabay abot ni Hailey ng mga tapos ng print kay Serap
Alam ni Seraphina na naiinis si Hailey pero hindi nito maintindihan bakit siya nagagalit, kahit na nag-sorry naman si Melissa."Hailey, hindi mo dapat ginawa 'yon." Pinagsabihan ni Seraphina ang kaybigan at nagawa naman tumingin ni Hailey na may halong pag-aalala."Lady Era, pagpasensyahan n'yo na ako, sadyang sobra na 'yon at hindi n'yo lang napapansin." Napakamot sa ulo si Seraphina at hindi nito maintindihan ang sinabi ng kaybigan."Anong ibig sabihin mo? Hindi ko kasi maintindihan." Puno pa rin ng pagtataka ang mukha nito. Napabuntong hininga si Hailey at nakalimutan niyang mabait at inosente ang kanyang kaybigan."Wala po 'yon." Pasimpleng saad ni Hailey at siya na mismo ang kumuha ng bag ni Seraphina. Para hindi na nito makita ang pagmumukha ni Melissa na inis na inis sa nangyare.Kasunod no'n ang pagdating ni Finn, nagmadali ito nang makitang may mantya nanaman ng kape ang anghel, "Lady Era, bakit may mantya nanaman ang coat n'yo?" Sabay sur
Ang dalawang kapatid ni Devon ay wala sa bahay, si Hadues ay pumasok sa sarili nitong kumpanya at inutusan niya si Lucif at Cole na mag-asikaso sa iba't ibang gang. Tanging ang bagong kasal na mag-asawa lang ang nasa bahay kasama si Lori. Gusto sanang pumasok ni Devon dahil inaasikaso nila ang fashion event para sa susunod na linggo. Ngunit naisip niyang busy silang dalawa at walang time para lumabas.Naglakad si Devon papuntang kusina at napangiti ito sa kanyang nakita. May apron si Lori at Seraphina at tinuturaan nito ang bata kung paano magbake ng cookies."Good morning, eldest young master." Bati ni Butler Tom sa kanyang unang amo at parang bingi lang ito."Ang galing mo naman po." Sabay hinawi ni Seraphina ang buhok ni Lori dahil malapit n'ya na itong makain. "Magaling din si Lori." Sabay punas sa mukha nito na puno ng arina.Natawa naman silang dalawa at napansin ni Seraphina ang isang aura muna sa gilid nila. Paglingon niya agad niya itong nilapita
Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.Nagbago kasi ito matapos na mawalan ng mahal sa buhay at palagi na rin nila nakikita na ngumingiti ito paminsan-minsan. Sa paglalakad ni Devon, natigilan ito ng marinig ang ni boses ni Hadues."Brother let's go! Mom is waiting for us." Sabay sakay ni Hadues sa kanyang kotse at naiwan si Devon. Halos lahat din ng katulong nila ay nandoon sa paroroonan na pupuntahan niya. Pero napangiti si Devon ng marinig nito ang isang boses na katulad na katulad ng boses niya."Dad, let's go. I can't wait to visit her," malamig ang boses ng isang batang lalaki at tumango naman si Devon ng sumakay sila sa kotse."Are you ready
Mabilis na kinuha ng mga tauhan ni Zeke si Seraphina. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ni Seraphina. "Ano ba?! Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito at panay ang iyak. Habang si Devon naman ay agad ainapok ang isa sa mga nakahawak sa kanya, pero hindi ito nakagalaw ng tutukan ni Zeke si Seraphina ng baril."I don't want to hurt her. Kaya tumahimik ka d'yan," sambit ni Zeke at itinali nila ito sa upuan. "H'wag n'yong higpitan."Tumigil naman si Devon at kinakabahan itong nakatingin kay Seraphina. Nanganginig maigi ang kanyang mga kamay sa galit. Nang makita nitong tinatali si Seraphina ay agad nakirot ang kanyang dibdib. Wala itong ideya kung paano ito napunta rito, pero masama ang loob ni Devon ng dahil sa nadamay pa ang asawa niya."Let's fight. If I win, you know what to do. If I lose then I will give you my throne," seryosong sabi ni Devon at tumawa si Zeke. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at saka tuman
Nagising si Seraphina at masama ang loob niya. Sa kanyang pagmulat ng mga mata, nakita niyang madilim na ang labas. Napatayo siya at saka tinignan ang balkonahe at sobrang dilim na. Hindi niya alam na sobrang tagal niyang nakatulog at gustong makita ang asawa.Wala sa mood na bumaba si Seraphina habang naiisip ito ng maaari niyang gawin para mapuntahan si Devon. Mayroon na siyang ideya kung nasaan ito ngayon at hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito sa tabi niya. Nang bumaba ito sa first floor ay agad naman naging alerto ang mga katulong at pinaghain ito ng pagkain. Simula kaninang umaga kasi ay hindi kumain si Seraphina at saka ng tanghali. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin ito kakain?Umupo nang dahan-dahan si Seraphina at saka kinain nito ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Tanging pasta lamang ang kinakain nito at saka lutang na lutang. Panay ang isip nito dahil talagang gusto na niyang makita si Devon.&
Natapos na nga ang kasal ni Devon at Seraphina at kauuwi lang nila sa hacienda. Ang mga regalo ng mga bisita ay nasa isang kotse at hindi pa nga ito kasya. Sa dami ng taong dumalo ay bawat isa sa kanila ay may regalo. Kaya naman hindi lamang benteng sasakyan ang ginamit para lang ma-i-uwi ang lahat ng regalo. Samantalang pagod na pagod ang dalawa at sumabay pa si Lucif na sobrang kulit. Nagtatalo nanaman kasi ang dalawang magkapatid at si Venus naman ay hindi maiwasan na mairita."Lucifer!" sigaw ni Venus at saka hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Mabilis na tumakbo ito nang sa gano'n ay hindi mahabol ng ina."You too should go to your room." Sabay turo kay Seraphina at Devon. Kaya naman hindi nag-atubilin si Devon na dalhin ang asawa sa taas at pagbuksan ito ng kwarto."Are you tired? Do you want to sleep?" tanong ni Devon at ginabi na kasi sila sa De Van. Kaya naman maaaring pagod na talaga si Seraphi
Abala ang lahat ng dahil sa dami ng bisita. Ipinakilala rin ni Venus si Seraphina sa iba dahil si Evel naman ay tamad magsalita. Bawat tao na tumitingin kay Seraphina ay hindi maiwasan na mapangiti. Nang dahil na rin sa pagiging masiyahin nito. Maya't maya ito nakangiti sa mga tao at ang napakaputing ngipin nito ay kitang-kita.Sabay napatingin ang lahat sa pinto ng dumating si Mavi at Maru at nasa tabi nila si Lori at Jao. Nalate lang ang dalawa dahil pinagpalit pa nila ito ng damit. Habang ang dalawa naman ay tumatakbo papalapit kay Seraphina."Tita Era!" sigaw nang dalawa at tumingin naman si Seraphina at yumakap ang dalawa sa kanyang magkabilang hita. Habang ang tao sa paligid ay hindi maiwasan na matawa."Kumain na ba kayo? Kain muna kayo. Mavi at Maru, paki-asikaso muna itong mga bata at h'wag lang kayo lalayo." Tumango naman ang kambal at sumama rin agad ang dalawang bata. Habang nakatayo si Sera
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kasal ni Seraphina at Devon. Kasabay no'n ang paglingon ni Devon kay Cole. Parang walang nangyari at naging maayos naman ang kasal ng dalawa. Samantalalang hindi pa rin maiwasan ni Devon ang kabahan habang sila ay papalapit na sa labas ng simbahan. Baka mamaya kasi ay may kung anong nag-aantay sa kanila sa labas. Hinawakang maigi ni Devon si Seraphina at pinagbuksan agad ito ni Devon ng pinto sa kotse.Sumakay parehas ang dalawa at saka nagsalita si Cole, "Boss h'wag na po kayo mag-alala. Sabi ni boss Lucif ay walang kahit na anong trace ni Zeke at Kairo. Wala ring mga tauhan na nagbabantay sa simbahan at mukhang hindi niya planong sumugod ngayon." Sabay tingin nito sa salamin at umiwas ng tingin kay Devon.Hindi na lamang nagsalita si Devon at nakahinga na nga ito ng tuluyan. Hindi maisup ni Devon kung talaga bang wala itong plano ngayon o sa susunod pa talaga, kapag nailabas na ang anghel sa sinapupunan ni Seraphina. Kung
Excited ang lahat ng malaman nila ang about sa kasal ni Devon at Seraphina. Ang mga taong imbitado at kahit nasa ibang bansa pa ito ay naisipan na umuwi sa Pilipinas para lang dumalo. Hindi kasi nila ito palalagpasin at nalaman nilang umibig ang demonyo. Kaya naman bawat bisita ay may nakahandang mamahalin na regalos.Minsan lang ito mangyare, kaya naman talagang pinaghandaan ng lahat ang pagdalo. Habang ang iba't ibang gang ay masaya rin sa balitang nalaman nila. Halos lahat ata ng mga ito ay mapera ng dahil sa under sila ni Devon. Kahit na hindi na kumuha ng ilang daang tao si Devon ay nandito ang mga tauhan niya para protektahan ang dalaga.Kasunod no'n ang isang babae na pumasok sa isang kwarto at namangha ito ng makita niya ang isang babaeng napakaganda at walang iba kung hindi si Seraphina. Talagang napakainosente ng mukha nito at hindi maiwasan na maisip na ito ay galing sa langit at bumaba lamang sa lupa."Lady Era, are you ready?" tano
Hindi pa sumisikat ang araw pero abala na ang lahat. Abala na ang lahat sa pag-aayos ng dahil sa nalalapit na kasal ni Seraphina at Devon. Sa susunod na linggo na kasi ang plano ng lahat at doon na rin nila ipapakilala ang prinsesa ng pamilya. Hindi na sila makapaghintay, lalo na si Venus.Excited ito ito at mas excited pa nga ito sa anak. Talagang maaga itong gumising para lang asikasuhin ang lahat ng invitation. Gusto niyang makakarating dapat ang lahat ng mga taong importante sa kanila at mga business man at business woman na mga kaibigan ng pamilya nila.Samantalang hindi maintindihan ni Evel ang asawa. Alam kasi niyang aakto ito ng ganito. Pero hindi niya inaasahan na gigisingin siya nito ng alas-kwatro para lang sa kasal ng dalawa."Venus, hindi pa dumudungaw ang araw pero ginising mo na ako," inis na wika ni Evel at panay ang kamot nito. Nasira ang tulog nito ng dahil sa ginawa ni Venus. Hindi kasi talaga ito mapigilan at panay ang gising sa k
Napatawa ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Seraphina, pero natigilan din ang lahat ng makita nilang tumatakbo si Venus na may hawak na mga magazines. Excited kasi ito para sa darating na kasal ng dalawa sa susunod na linggo. Kaya naman hindi ito makapaghintay na makapamili na sila at makapaghanda."Era, come here. Tignan mo 'tong mga gowns ang gaganda. Talagang bagay na bagay sa iyo lahat." Hindi mapigilan ni Venus na ipakita kay Seraphina ang mga gown na susuutin nito. Habang ang mga mata ni Seraphina ay napadako sa mga magazines at para itong bata na tumakbo papalapit kay Venus.Ang kinakain nitong donut na pasalubong ni Devon ay biglang nawalan ng saysay. Natuon kasi ang mata nito sa mga magagandang gown at hindi rin naman umangal si Devon dahil si Seraphina na lang naman talaga ang kulang."Magsusuot po ba ako n'yan? Ang ganda naman masyado," manghang sabi ni Seraphina at hindi maiwasan na ngumiti ni Venus at Evel."Dapat lang Era, d