Napansin ni Devon ang mukha ni Seraphina habang masaya silang kumain ng gawa nitong cookies. Agad niya itong hinawakan sa pisngi para tuluyang mapatingin sa kanya ang dalaga.
"Tell me what's bothering you? I'll help you out," nag-aalalang sabi ni Devon sa dalaga at ngumiti naman ito sa kanya.
"I don't want to stay here, I want to work," malungkot na sabi ng dalaga at ayaw pa naman makita ni Devon na nalulungkot ito. Kaya naman umisip siya agad ng paraan para hindi na ito malungkot.
"You can work at my company," saad ni Devon at para namang bata si Seraphina na tumingin kay Devo. Habang pumipikit-pikit pa ang mga mata nito.
"Did you just say your company?" takang tanong ni Seraphina at talagang napagtanto nito na hindi talaga siya kilala ng dalaga.
Hindi niya maiwasang matawa dahil akala niya. Wala ng ibang tao ang hindi nakakakilala sa kanya.
"You're laughing!" hindi makapaniwalang sabi ni Seraphina at patuloy pa rin ito sa pagtawa.
Sino naman ang hindi mag-aakala na hindi siya nito kilala?
Samantalang kilalang-kilala siya ng lahat at kaya naisip ni Devon na kaya siguro gano'n ang trato nito sa kanya.
Hindi man lang ito natatakot magsalita nang kung anu-ano, kahit hindi niya pinag-isipan.
"Bakit hindi ka na lang ngumiti palagi? Ang gwapo mo kaya," dahil sa sinabi ni Seraphina ay gusto niya yakapin ito, pero hindi niya magawa.
"Huy! Ano na Devon? Gusto ko mag-trabaho, sabi mo may company ka?" naka-pout na sabi ni Seraphina at mas lalo pa itong naging cute sa paningin ni Devon, kaya hindi niya ito matanggihan.
"Oo nga diba," sagot sa kanya nito habang nilalaro ni Seraphina ang kanyang mga daliri.
"Ano bang name ng company mo?" tanong ni Seraphina at napangiti lang si Devon sa kanya bago ito sinagot.
"Donovan Industry," simpleng saad niya at kasunod no'n ang panlalaki ng mata ni Seraphina. Habang hindi niya maiwasang mag-isip.
'Donovan Industry? Hindi ba iyon ang pinakasikat na kumpanya sa buong mundo?' isip-isip niya at panay lang naman ang tawa ni Devon sa kanya . Dahil talaga namang napaka-inosente nito.
"Pinakasikat na kumpanya sa buong mundo ba iyon?" inosenteng sabi ni Seraphina at ginulo lang naman ni Devon ang kanyang buhok.
"Alam mo naman pala," tugon nito at talagang hindi makapaniwala ang dalaga sa sinabi nito, tama ang hinala niya. Hindi niya maiwasang mapahawak sa kanyang bibig dahil na rin sa gulat.
"It's okay, hindi mo naman kasalanan na hindi mo alam," pagpapaliwanag ni Devon at hindi niya akalain na nagiging mahinhin siya pagdating sa dalaga.
Kahit na wala naman talaga itong ginawa kung hindi ang sumigaw at maging cold. Pero dahil kakaiba para sa kanya si Seraphina ay talagang ginagawa niya ang lahat para sagutin siya nito.
Kapag dumating ang araw na iyon, talaga namang gagawin lahat ni Devon ang kanyang makakaya. Para protektahan ito at h'wag masugatan kahit daplis lang.
"Pwede bukas na ako mag-work?" Sabay pa cute at tumango lamang si Devon sa dalaga. Kahit ayaw niya naman talaga ito pagawain ng kahit na anong trabaho.
Pero dahil may advantage rin iyon at agad din siya pumayag. Gusto niya rin makita ang mukha ni Seraphina araw-araw.
"Pero may hihilingin lang sana ako," saad ng dalaga at naging alerto naman si Devon.
"Pwede bang h'wag mo ako ilagay sa mataas? Gusto ko parang iyong mga bagong apply sa trabaho?" Request nito sa kanya pero ayaw naman ito ni Devon.
"But I want you here by my side," malungkot na sabi ni Devon pero ginulo lang ni Seraphina ang kanyang buhok.
"Ano kaba Devon! Eh magkasama naman tayo sa bahay. Tapos hindi pa kita sinasagot pero tabi na tayo matulog," seryosong sabi ni Seraphina at natatawa nanaman sa kanya si Devon dahil sa sinabi nito.
Totoo naman na hindi pa nga siya sinasagot ng dalaga pero tabi na sila matulog.
Wala rin namang pakielam si Devon kung ano man ang isipin ng pamilya niya. Basta ang alam niya ay gusto nito ang dalaga. Iniisip pa lang nito na paghihiwalayin sila ng dalaga ay lumalabas na ang pagiging demonyo nito.
Kasunod no'n ang pagtapik ni Seraphina sa kanyang braso. Kanina pa talaga ito lutang simula ng siya ay nasa meeting ng dahil sa babaeng kasama niya ngayon.
"Pumayag kana kasi Devon," pagmamakaawa ni Seraphina at tumango ito sa kanya.
"Okay, basta sabay tayo kakain ng lunch," tugon ni Devon.
"Promise! Pero h'wag natin ipagkakalat na magkakilala tayo ah?" sabi ni Seraphina at napansin naman ito ni Devon na parang bata ang kanyang kausap.
"Bakit naman ayaw mo?" tanong niya habang nagtataka.
"Eh! Ayoko naman na malaman nila na nililigawan ako ng boss nila diba?" Natawa naman si Devon dahil nakita niyang napaka-cute talaga ni Seraphina lalo na sa mga binabanggit niya.
"Okay, ako na ang bahala bukas, kaya h'wag ka ng mag-alala," sabi ni Devon at tuwang-tuwa naman si Seraphina dahil hindi siya mabo-bored sa loob ng bahay.
Kahit hindi naman talaga ito magtrabaho may makikilala pa rin ito. Dahil napakaraming tauhan sa Donovan hacienda at anytime ay pwede naman ito tumulong hanggat gustuhin niya.
_____
Kinabukasan, panay kamot lang si Seraphina sa kanyang ulo. Dahil hindi nito alam kung ano ba ang kanyang susuuitin.
Napakaraming inihanda sa kanya ni Carol Weyn ang mahigit isang taon ng nagiging katulong sa Donovan family. Si Carol ay matanda lamang ng dalawang taon kay Seraphina.
Kaya naman ito ang pinili ni Devon para sa kanyang anghel. Dahil ayaw naman ng demonyo na may makasama itong lalaki bukod sa kanya.
"Carol? Ano ba talaga ang isusuot ko?" tanong ni Seraphina at nakakailang palit na ito ng damit. Habang si Carol ay mahinang tumatawa sa kanya.
"Lady Era, lahat naman po bagay sa inyo," magalang na sabi ni Carol pero hindi nito maiwasang matawa dahil para talaga itong bata.
Pare-parehas naman ang mga ito at agad niyang kinuha ang kulay peach. Ang itsura ng suot niya ngayon ay para siyang attorney at mukhang itong mayaman, dahil sa suot niya.
Lalo na dumagdag pa ang mala-anghel nitong mukha at ang napakagandang buhok nito. Kaya kahit sino ay mapagkakamalan itong mayaman.
"Ang ganda niyo po, Lady Era," puri ni Carol habang pinagmamasdan ang dalaga dahil talagang napakaganda nito.
"Talaga? Salamat," tugon ni Seraphina kahit parang hindi naman niya ito napapansin. Dahil si Seraphina ay para talagang walang alam sa kanyang paligid.
Ultimo sa kanyang sarili ay hindi ito marunong mag-ayos o kahit maglagay lamang ng lipstick.
Kinuha na agad ni Seraphina ang bag na binigay sa kanya ni Devon at isinuot ang high heels na binigay ni Carol.
Ang hindi alam ni Seraphina, ang bag na hawak niya ay nagkakahalaga ng milyong dolyar. At ang mga suot nito ay halos ilang libong dolyar ang halaga.
Dahil si Seraphina ay hindi maalam sa mga ganito. Basta alam niya lamang ang tawag dito.
Masayang bumaba si Seraphina at sinalubong nang mga katulong. Habang ang mga ito ay talagang namangha sa kagandahan ng dalaga at inaamin nilang lahat na, si Venus ang unang taong hinangaan nila dahil sa taglay nitong kagandahan.
Ngayon naman ay hindi sila makapaniwala na mas maganda ang dalaga. Lalo na ngayon at naka-ayos ito.
Si Devon ay tahimik na nag-aantay sa kanya, ay halos hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata. Dahil para sa kanya ay para itong anghel sa lugar ng mga demonyo at kahit sinong titingin dito ay mahuhulog.
"I'm done!" masayang saad ng dalaga kay Devon at umiikot-ikot pa ito. Ngayon si Seraphina ay nakasuot ng pampasok at hindi nito suot ang mga damit ni Devon.
Kahit na gano'n pa man. Nakita pa rin ni Devon na kahit anong suotin ng kanyang anghel, ay bagay pa rin sa kanya.
"Then let's go," tugon ni Devon at ng makasakay na sila sa mamahaling sasakyan nito papunta sa Donovan Industry. Kung saan CEO si Devon Donovan at bago pa man sila makarating dito ay alam na ni Finn ang gagawin. Kahapon ay nalaman niya ang gustong mangyare ng kanyang boss.
Agad niyang ina-sign ang isang taong kilala niyang maayos para makatabi ni Seraphina. Paniguradong siya ang pagagalitan ng kanyang boss kapag napaano ang dalaga.
Iniisip palang ni Finn ang pwedeng mangyare sa kanya ay parang binabawian na siya ng buhay sa takot. Kaya naman habang naghihintay si Finn sa parking lot. Panay ang dasal nito, na sana ay hindi malaman ng iba ang about kay Seraphina. At kung ano ang relasyon nito sa kanilang boss.
Sigurado siya na kapag nalaman ito ng mga empleyado ni Devon. Kahit na sobrang disiplinado nila, hindi maiiwasang kakalat ito sa labas.
Kasunod no'n ang pagpunta ng mga reporters dahil bakit nila palalagpasin ang ganitong eskandalo? Ilalagay sa article na ang ruthless mafia king at cold CEO ng Donovan Industry ay in love na?
Hindi maiwasan ni Finn na mapakamot na lang hanggang sa makarating ang iniintay nito sa parking lot.
"Boss and Lady Era, good morning," bati ni Finn at pagbaba ni Seraphina sa kotse ni Devon, halos ngumanga na ito. Hindi akalain ni Finn na magmumukhang vice president ng Donovan Industry ito.
Naisip nito na bakit naman ganito ang impact sa kanya ng mga damit. Talagang bagay na bagay at hindi niya tuloy maisip na makakapagsinungaling ang isang anghel. Para mapagtakpan niyang wala silang relasyon ng kanyang boss.
"Finn good morning din," masayang bati ni Seraphina at masaya rin makita ni Devon na makitang masaya ang kanyang anghel. Kung hindi man ay handa itong pumatay para maibalik lang ang kanyang mga ngiti.
"Boss, ako na pong bahala kay Lady Era," sabi ni Finn at kumaway lang si Seraphina kay Devon.
"Take care," mahinang sabi ni Seraphina at sumakay na silang dalawa ni Finn sa loob ng elevator papunta sa 10th floor.
"Lady Era, patawarin niyo po ako pero hindi ko kayo pwede tawagin ng ganito kapag maraming tao," paghingi ng paumanhin ni Finn. Dahil magtataka ang mga iba kapag Lady Era pa rin ang tawag niya rito.
"Naiintindihan ko naman Finn, kaya h'wag ka mag-alala," tugon ng dalaga at bumukas na rin ito at bumungad sa kanila ang napakaraming empleyadong nakaupo sa kani-kanilang upuan.
Pag-apak palang ni Seraphina sa loob ng glass na pintuan. Halos malaglag na ang mga mata nito dahil sa ganda ng dalaga.
Isip-isip ni Finn ay hindi na siya magtataka pa. Dahil talaga namang mapapatingin ang kahit na sino sa future wife ng kanyang boss.
"Seraphina, ito si Hailey Buen ang makakatabi mo sa upuan at makakasama," pagpapaliwanag ni Finn sa kanya at maging si Hailey ay natulala sa ganda ni Seraphina.
Alam niya na may inihabilin sa kanya ang sekretarya ng kanilang boss. At hindi nito akalain na ang babaeng ito ay napakaganda at mukhang anghel.
Kaya pati tuloy siya ay natulala habang panay lamang ang tango niya sa mga sinasabi sa kanya ni Finn. Nang maka-alis na si Finn ay agad namang umupo si Seraphina sa tabi nito at nagpakilala.
"Seraphina Laurier," masayang bati ng dalaga at lumabas ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi na hindi inaasahan ni Hailey.
Mas lalong dumoble ang ganda nito. Kaya ng makita niyang kanina pa nakalahad ang kamay ng dalaga sa kanya, agad niya itong kinamayan.
"Hailey Buen, pasensya ka na hindi ko naman akalain na ganito pala kaganda iyong ibibilin sa akin ng sekretarya ni boss." Sabay kamot ni Hailey sa kanyang ulo at natuwa naman si Seraphina dito dahil nakikita niyang mabait si Hailey.
Hanggang sa isang malakas na sigaw ang narinig nila mula sa kanilang likuran. Naging alerto ang lahat at natigil silang tumingin kay Seraphina at tumingin sa kani-kanilang gagawin.
"Trabaho, trabaho, trabaho!" sigaw ng isang babae na nagngangalang Melissa Cortes. Ang supervisor sa kanilang department at ito ang kinatatakutan ng mga empleyado sa floor na ito. Dahil mataas na nga ang posisyon nito ay akala mo pa kung sino.
Marami ang naiinis dito, lalo na ang mga ibang babaeng empleyado dahil nasobrahan ito minsan sa sermon o kaya naman kinakawawa ang ilan.
Dahil nga sa mataas na siya at kinatatakutan pa. Pero ng mapatingin ito kay Seraphina ay mas lalo pa siyang nainis.
Nakita nito kung gaano kaganda ang dalaga at siya lang ang may ibang suot. Ang lahat ng babae rito ay nakasuot ng skirt at nakasuot ng polo.
Samantalang siya ay nakapolo at pants na kulay peach. Kaya hindi niya maisip paano nakapasok ang isang ito rito. Kung ang Donovan Industry ay napakahigpit sa kahit saan pero ang babaeng ito ay nakasuot lang ng kahit na ano.
Agad itong nilapitan ni Melissa para pagalitan dahil hindi pwede ang ganito sa kanya, "Paano nakapasok ang tulad mo sa ganitong kumpanya na hindi nagsusuot ng proper uniform?" malditang tanong nito at tumingin naman sa kanya si Seraphina at naisip nito ang mga ilang paalala sa kanya ni Finn Lucas.
"Ma'am, gumawa naman ako ng letter at sabi ni Sir. Finn, pumayag daw po ang boss na ganitong uniform ang isuot ko sa araw-araw," pagpapaliwanag ni Seraphina at halos mapatingin sa kanya ang lahat na may kasamang pagdududa.
"Imposible! Siguradong nagsisinungaling ka!" sigaw nito at agad na tumayo si Hailey para ipagtanggol si Seraphina.
Alam naman talaga nitong nagsasabi ito ng totoo. Kaya niya rin nagawang tumayo dahil talagang naiinis na rin ito kay Melissa sa sobrang sama ng ugali.
"Ma'am Melissa, ako ang napagbilinan ni Sir. Finn at totoo ang sinasabi ni Seraphina," pagtatanggol ni Hailey sa dalaga at halos maging masama lalo ang timpla ng mukha ni Melissa ng dahil sa narinig niya.
Tumalikod na ito at bumalik sa kanyang pwesto dahil sa inis. Naisip nito na sino ang babaeng ito para lang basta magsuot ng kahit na anong gustuhin.
Kung siya ay hindi makapagsuot ng kung anong damit at talagang nainis pa ito ng todo. Lalo nung lapitan niya si Seraphina at mapadako ang mga mata sa kanyang bag.
Kahit na sinong tumingin dito at kahit walang alam sa mga uri ng bag ay masasabing mahal ito.
Sobrang ganda ng bag na dala-dala ni Seraphina at bumagay pa sa suot nito. Ang kulay ng bag niya ay kulay puti at kumikinang talaga ito sa puti at napakaganda.
Halos hindi maisip ni Melissa na baka isang gold digger si Seraphina. Dahil na rin sa pagmumukha nito. Kahit siya mismo ay hindi maitangging maganda ang dalaga. Kaya bakit lumaki pa ang inis niya sa kanyang sarili.
Para sa kanya ay siya lang ang pinaka-maganda sa lahat ng department. Lahat ay ginagawa niya para gumanda siya at mapantayan niya ang kagwapuhan ng kanilang boss.
Proud na proud itong si Melissa sa kanyang sarili. Dahil s'ya lang naman ang babaeng pinagkakatiwalaan ni Devon na magtimpla ng kanyang gatas.
Ang isip ni Melissa ay mapapalapit ang loob niya sa lalaking ito, kahit na alam niyang nakakatakot ito. Siya lang naman ang mafia king kaya ginagawa ni Melissa ang lahat para mapansin siya ni Devon.
Natapos turuan ni Hailey si Seraphina at madali namang natuto ang dalaga, dahil talagang nakinig itong maigi. Habang busy silang dalawa sa paggagawa, biglang naisip ni Hailey kung may koneksyon ba ang kanilang boss at ito.Naisip niyang hindi naman talaga makakapagsuot ng ganito si Seraphina kung wala silang malalim na relasyon.Kung titignan niya talaga ang mga suot nito at gamit na dala, masasabi niyang hindi ito mumurahin. Sa dala palang nitong bag ay mukha ng original. Palibhasa hindi rin s'ya marunong tumingin ng mamahalin na gamit dahil hindi naman siya mayaman.Pero agad din naman siyang umiling at napaisip.'Baka pinsan ni boss kaya siguro pumayag' isip-isip ni Hailey dahil pwede rin naman at maganda ang mukha nito at maganda rin ang lahi ng mga Donovan.Kaya iyon na lamang ang kanyang naisip, bago tuluyang tumingin sa harap ng computer.Magsisimula n
Masayang humiga sa kama si Seraphina ng matapos itong maglinis ng katawan. Hindi niya alam bakit sobrang komportable ng mga damit ni Devon kapag ito ang kanyang suot. Dahil ngayon ay nakasuot siya ng pajama at t-shirt na pagmamay-ari ni Devon.Kaya ng maalala niya ang halik ni Devon ay hindi maalis ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi. Panay ang ikot niya sa kama habang si Devon naman ang naliligo sa banyo.'Gusto kong kainin na ako ng lupa' isip-isip ni Seraphina kasunod no'n ang pagbukas ng pinto sa banyo. Bumungad sa kanya si Devon na walang pantaas na dami pero may pambaba.Hindi niya maiwasang manlaki ang mata dahil ang six pack abs nito ay kitang-kita. Pati na rin ang tattoo nito sa gilid ng katawan ay nakadagdag ganda.Napansin niyang tumingin sa kanya si Devon kaya agad itong umiwas at tumingin sa iba."Do like the view?" tanong ni Devon at napalunok na lang si Seraphin
Pinagmamasdan nilang lahat ang bagong kasal at sumasakit lalo ang ulo ni Finn Lucas, kung paano niya ngayon pagtatakpan ang dalaga. Hindi tatagal at malalaman rin ng iba na ito ay asawa ng mafia king.Ang takot sa katawan niya ay nagsimula na, dahil baka ang kinakatakot nitong malaman ng kalaban nila at si Seraphina ang gawing pain para kay Devon.Lubos ang pag-iisip ni Finn pero agad din ito naudlot ng marinig niyang magsalita si Hadues, "Brother, ibabalita ko ito kay Mom and Dad," masayang tugon ni Hadues ngunit pinigilan 'to ni Devon."No, you're not going to tell this," protesta ni Devon habang nakatingin sa kanyang asawa."But brother? Mom will gonna kill you if you didn't tell her," kinakabahang sabi ni Hadues at maging si Finn ay natatakot na rin.Hindi nito alam kung ano nga ba ang nasa utak ng kanyang boss. Bakit ayaw nito malaman ni Master Evel at Madam Venus ang
Ang mukha ni Devon ay hindi maipinta, para bang binagsakan ito ng langit at lupa. Nakamasid lamang siya sa kanyang asawa na masayang naliligo kasama si Hailey at Carol. Sabay sandal niya sa higaang kawayan at sa sobrang inis ay panay na lang ang kamot niya sa kanyang ulo.Ilang oras din ang tinagal nila bago makarating sa private pool niya sa Paris. Pagdating palang nila rito ay agad na silang naligo.Lingon dito, lingon doon ang tanging ginagawa ni Devon. At hindi niya kayang sirain ang kasiyahan ng asawa. Lalo na ngayon pa lang ito nakarating sa Paris, kaya hindi niya ma-istorbo.Panay ang isip ni Devon kung paano napunta rito. Akala niya ay si Hailey lang ang kasama nila papuntang Paris pero hindi pala._____At Donovan Hacienda, nakahanda na si Devon at Seraphina papunta sa Paris. Ang maleta ng dalawa ay nakalagay na sa likod ng kotse. Habang sila na lang ang inaantay ni Finn, para maihati
Isang lalaki ang nakasuot ng mamahaling damit at papasok ito sa Donovan hacienda. May takot man sa kanyang katawan ay hindi pa rin maipipinta ang saya. Ang mga katulong sa labas ng hacienda ay agad tumungo at binati siya.Parang bata naman itong sumasaludo sa mga nadadaanan, habang nakasakay sa mamahaling kotse. Naging alerto ang mga katulong ng makita pa lang nila ang sasakyan nito at agad siyang pinagbuksan ng pinto.Nakangiti si Butler Tom ng makita niya ang binata, "Third young master, welcome home," masayang ngumiti si Lucif Donovan ng batiin siya nito at tinignan niya ang hacienda na walang pinagbago.Paniguradong lagot siya sa kanyang inang si Venus, dahil halos limang buwan itong hindi umuwi sa kanilang bahay.Wala pa siyang ginawa kung hindi ang maggala at libutin ang mundo. Habang kasama ang iba't ibang babae na type niya.Pagpasok pa lang ni Lucif sa pinto ay sumigaw i
Hindi na makapag-intay si Lucif na makita ang babaeng tinutukoy ni Butler Tom. Aligaga ito sa pagbaba ng private plane ng Donovan family. Agad niyang hinack ang cellphone ni Hadues para malaman niya kung nasaan sila sa Paris.Madali lang para kay Lucif ang mga ganitong bagay dahil isa siyang hacker. Tuwang-tuwa naman ito ng makita niya kung nasaan sila. Pagbaba pa lang ni Lucif ay dali-dali siyang sumakay sa taxi papuntang resort.Ayaw niyang umalis at bumayahe ng ganito kalayo, lalo na galing pa naman ito sa Japan. Talagang napagod na siya sa byahe ng makauwi sa Donovan Hacienda, sabay wala pa siyang maaabutan pag-uwi.Bakas man ang inis sa mukha ni Lucif at napawi rin ito agad. Nalaman kasi nitong may girlfriend na ang kanilang iniidong kapatid. At hindi siya papayag na ang karibal na si Hadues ang magiging hadlang, para mas lalong mapalapit sa kapatid.Simula ng sila ay lumaki, kahit na ilang taon
Kanya-kanya ang lahat ng makauwi sila sa Donovan hacienda. Hindi rin kasi sila pwede magtagal do'n, lalo na may mga importante rin silang ginagawa. Kahit ayaw ni Lucif magstay sa hacienda ay napilitan ito.May bahid man ng pagkainis sa kanya ay wala itong magawa. Sa tuwing aalis siya ay naaalala niya ang banta ng ina at talagang natatakot siya. Kaya wala siyang magawa kung hindi laruin ang laptop niya.Kahit saan magpunta si Lucif, kanyang dala-dala ang mahiwaga nitong laptop. Kapag wala siyang ginagawa, nagagawa lang nito maghack o gagawin ang misyon na binigay ni Devon.Sa tuwing magbibigay ito ng gawain ay masayang-masaya siya. Gusto talagang niyang tulungan ang kapatid sa madilim nitong gawain.Ang mafia king niyang kapatid ay maraming kaaway. At hindi naman siya magtataka, kung maraming nagtataka sa buhay nito.Silang dalawa ni Hadues ay saksi sa paghihirap ng kapatid pagdat
Ilang oras ang lumipas ng matapos ang trabaho ng lahat. Walang pinansin si Melissa at dumaretso na siya sa bahay. Talagang ibabalita niya ito sa mga magulang niya at sa dalawa nitong kapatid na lalaki. May mga ngiti sa labi ni Melissa ng makarating ito sa kanilang bahay at agad hinanap ang kanyang mga magulang. Nakita niya ito pagpasok pa lang ng bahay, dahil nakaupo ang dalawa sa sala habang masayang kumakain. "Mom and Dad, I'm home," masayang bati nito. Napansin naman ng ama't ina ni Melissa na mukhang maganda ang araw nito. "Honey, come here," tawag ng ina nito at masaya naman siyang umupo sa tabi ng mga magulang. Kasunod no'n ang pagpasok ng dalawa niyang kapatid sa sala at kauuwi lang din nito galing sa kumpanya. Hindi nag-atubiling tawagin ni Melissa ang kapatid para maniwala ito. "Hey! You two, umupo kayo dito may sasabihin ako," mayabang na asta ni Melissa sa dalawang nakatatandang ka
Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.Nagbago kasi ito matapos na mawalan ng mahal sa buhay at palagi na rin nila nakikita na ngumingiti ito paminsan-minsan. Sa paglalakad ni Devon, natigilan ito ng marinig ang ni boses ni Hadues."Brother let's go! Mom is waiting for us." Sabay sakay ni Hadues sa kanyang kotse at naiwan si Devon. Halos lahat din ng katulong nila ay nandoon sa paroroonan na pupuntahan niya. Pero napangiti si Devon ng marinig nito ang isang boses na katulad na katulad ng boses niya."Dad, let's go. I can't wait to visit her," malamig ang boses ng isang batang lalaki at tumango naman si Devon ng sumakay sila sa kotse."Are you ready
Mabilis na kinuha ng mga tauhan ni Zeke si Seraphina. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ni Seraphina. "Ano ba?! Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito at panay ang iyak. Habang si Devon naman ay agad ainapok ang isa sa mga nakahawak sa kanya, pero hindi ito nakagalaw ng tutukan ni Zeke si Seraphina ng baril."I don't want to hurt her. Kaya tumahimik ka d'yan," sambit ni Zeke at itinali nila ito sa upuan. "H'wag n'yong higpitan."Tumigil naman si Devon at kinakabahan itong nakatingin kay Seraphina. Nanganginig maigi ang kanyang mga kamay sa galit. Nang makita nitong tinatali si Seraphina ay agad nakirot ang kanyang dibdib. Wala itong ideya kung paano ito napunta rito, pero masama ang loob ni Devon ng dahil sa nadamay pa ang asawa niya."Let's fight. If I win, you know what to do. If I lose then I will give you my throne," seryosong sabi ni Devon at tumawa si Zeke. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at saka tuman
Nagising si Seraphina at masama ang loob niya. Sa kanyang pagmulat ng mga mata, nakita niyang madilim na ang labas. Napatayo siya at saka tinignan ang balkonahe at sobrang dilim na. Hindi niya alam na sobrang tagal niyang nakatulog at gustong makita ang asawa.Wala sa mood na bumaba si Seraphina habang naiisip ito ng maaari niyang gawin para mapuntahan si Devon. Mayroon na siyang ideya kung nasaan ito ngayon at hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito sa tabi niya. Nang bumaba ito sa first floor ay agad naman naging alerto ang mga katulong at pinaghain ito ng pagkain. Simula kaninang umaga kasi ay hindi kumain si Seraphina at saka ng tanghali. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin ito kakain?Umupo nang dahan-dahan si Seraphina at saka kinain nito ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Tanging pasta lamang ang kinakain nito at saka lutang na lutang. Panay ang isip nito dahil talagang gusto na niyang makita si Devon.&
Natapos na nga ang kasal ni Devon at Seraphina at kauuwi lang nila sa hacienda. Ang mga regalo ng mga bisita ay nasa isang kotse at hindi pa nga ito kasya. Sa dami ng taong dumalo ay bawat isa sa kanila ay may regalo. Kaya naman hindi lamang benteng sasakyan ang ginamit para lang ma-i-uwi ang lahat ng regalo. Samantalang pagod na pagod ang dalawa at sumabay pa si Lucif na sobrang kulit. Nagtatalo nanaman kasi ang dalawang magkapatid at si Venus naman ay hindi maiwasan na mairita."Lucifer!" sigaw ni Venus at saka hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Mabilis na tumakbo ito nang sa gano'n ay hindi mahabol ng ina."You too should go to your room." Sabay turo kay Seraphina at Devon. Kaya naman hindi nag-atubilin si Devon na dalhin ang asawa sa taas at pagbuksan ito ng kwarto."Are you tired? Do you want to sleep?" tanong ni Devon at ginabi na kasi sila sa De Van. Kaya naman maaaring pagod na talaga si Seraphi
Abala ang lahat ng dahil sa dami ng bisita. Ipinakilala rin ni Venus si Seraphina sa iba dahil si Evel naman ay tamad magsalita. Bawat tao na tumitingin kay Seraphina ay hindi maiwasan na mapangiti. Nang dahil na rin sa pagiging masiyahin nito. Maya't maya ito nakangiti sa mga tao at ang napakaputing ngipin nito ay kitang-kita.Sabay napatingin ang lahat sa pinto ng dumating si Mavi at Maru at nasa tabi nila si Lori at Jao. Nalate lang ang dalawa dahil pinagpalit pa nila ito ng damit. Habang ang dalawa naman ay tumatakbo papalapit kay Seraphina."Tita Era!" sigaw nang dalawa at tumingin naman si Seraphina at yumakap ang dalawa sa kanyang magkabilang hita. Habang ang tao sa paligid ay hindi maiwasan na matawa."Kumain na ba kayo? Kain muna kayo. Mavi at Maru, paki-asikaso muna itong mga bata at h'wag lang kayo lalayo." Tumango naman ang kambal at sumama rin agad ang dalawang bata. Habang nakatayo si Sera
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kasal ni Seraphina at Devon. Kasabay no'n ang paglingon ni Devon kay Cole. Parang walang nangyari at naging maayos naman ang kasal ng dalawa. Samantalalang hindi pa rin maiwasan ni Devon ang kabahan habang sila ay papalapit na sa labas ng simbahan. Baka mamaya kasi ay may kung anong nag-aantay sa kanila sa labas. Hinawakang maigi ni Devon si Seraphina at pinagbuksan agad ito ni Devon ng pinto sa kotse.Sumakay parehas ang dalawa at saka nagsalita si Cole, "Boss h'wag na po kayo mag-alala. Sabi ni boss Lucif ay walang kahit na anong trace ni Zeke at Kairo. Wala ring mga tauhan na nagbabantay sa simbahan at mukhang hindi niya planong sumugod ngayon." Sabay tingin nito sa salamin at umiwas ng tingin kay Devon.Hindi na lamang nagsalita si Devon at nakahinga na nga ito ng tuluyan. Hindi maisup ni Devon kung talaga bang wala itong plano ngayon o sa susunod pa talaga, kapag nailabas na ang anghel sa sinapupunan ni Seraphina. Kung
Excited ang lahat ng malaman nila ang about sa kasal ni Devon at Seraphina. Ang mga taong imbitado at kahit nasa ibang bansa pa ito ay naisipan na umuwi sa Pilipinas para lang dumalo. Hindi kasi nila ito palalagpasin at nalaman nilang umibig ang demonyo. Kaya naman bawat bisita ay may nakahandang mamahalin na regalos.Minsan lang ito mangyare, kaya naman talagang pinaghandaan ng lahat ang pagdalo. Habang ang iba't ibang gang ay masaya rin sa balitang nalaman nila. Halos lahat ata ng mga ito ay mapera ng dahil sa under sila ni Devon. Kahit na hindi na kumuha ng ilang daang tao si Devon ay nandito ang mga tauhan niya para protektahan ang dalaga.Kasunod no'n ang isang babae na pumasok sa isang kwarto at namangha ito ng makita niya ang isang babaeng napakaganda at walang iba kung hindi si Seraphina. Talagang napakainosente ng mukha nito at hindi maiwasan na maisip na ito ay galing sa langit at bumaba lamang sa lupa."Lady Era, are you ready?" tano
Hindi pa sumisikat ang araw pero abala na ang lahat. Abala na ang lahat sa pag-aayos ng dahil sa nalalapit na kasal ni Seraphina at Devon. Sa susunod na linggo na kasi ang plano ng lahat at doon na rin nila ipapakilala ang prinsesa ng pamilya. Hindi na sila makapaghintay, lalo na si Venus.Excited ito ito at mas excited pa nga ito sa anak. Talagang maaga itong gumising para lang asikasuhin ang lahat ng invitation. Gusto niyang makakarating dapat ang lahat ng mga taong importante sa kanila at mga business man at business woman na mga kaibigan ng pamilya nila.Samantalang hindi maintindihan ni Evel ang asawa. Alam kasi niyang aakto ito ng ganito. Pero hindi niya inaasahan na gigisingin siya nito ng alas-kwatro para lang sa kasal ng dalawa."Venus, hindi pa dumudungaw ang araw pero ginising mo na ako," inis na wika ni Evel at panay ang kamot nito. Nasira ang tulog nito ng dahil sa ginawa ni Venus. Hindi kasi talaga ito mapigilan at panay ang gising sa k
Napatawa ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Seraphina, pero natigilan din ang lahat ng makita nilang tumatakbo si Venus na may hawak na mga magazines. Excited kasi ito para sa darating na kasal ng dalawa sa susunod na linggo. Kaya naman hindi ito makapaghintay na makapamili na sila at makapaghanda."Era, come here. Tignan mo 'tong mga gowns ang gaganda. Talagang bagay na bagay sa iyo lahat." Hindi mapigilan ni Venus na ipakita kay Seraphina ang mga gown na susuutin nito. Habang ang mga mata ni Seraphina ay napadako sa mga magazines at para itong bata na tumakbo papalapit kay Venus.Ang kinakain nitong donut na pasalubong ni Devon ay biglang nawalan ng saysay. Natuon kasi ang mata nito sa mga magagandang gown at hindi rin naman umangal si Devon dahil si Seraphina na lang naman talaga ang kulang."Magsusuot po ba ako n'yan? Ang ganda naman masyado," manghang sabi ni Seraphina at hindi maiwasan na ngumiti ni Venus at Evel."Dapat lang Era, d