Isang magarang kotse ang papasok sa Donovan hacienda. Habang ang loob nito ay may sakahan at iba't ibang uri ng bulaklak na nakatanim dito. Kapag ikaw ay nakapunta rito ay gugustuhin mong h'wag ng umalis at magstay sa kagandahan ng mga bulaklak.
Hindi lang iyon, pati na rin ang mga taong nasa loob ng Donovan hacienda. Lahat sila ay may mabubuting puso at mahal na mahal nila ang mag-asawang Donovan.
Pati na ang tatlong anak nito na tinuturing nilang master bukod sa una nilang naging master na si Evel Donovan.
Mas lalong ginagalang nila ang asawa nitong si Venus Donovan. Dahil ang babaeng ito ay hindi kayang kagalitan o kamuhian ng kahit sino. Ang ugali nito ay hindi nalalayo kay Seraphina Laurier at sa sobrang bait nito ay mahal na mahal siya ng mga tao.
Kaya halos buong puso nilang pinaglilingkuran ang Donovan family. Dahil parang pamilya na rin ang turing nito sa kanila. Kahit na alam ni Venus na mahirap lamang sila ay hindi niya ito inaapi. Hindi tulad ng ibang mayayaman na kilala nila.
Lubos ang pasasalamat nila dahil sila ay napunta sa mabuting amo. Kahit nakakatakot ang mga ito lalo na ang anak nilang tatlo.
Hanggang sa bumukas ng kusa ang gate ng kanilang bahay. Alam na ng mga ito na parating na si Venus at Evel galing sa business trip sa France.
Isang napakagandang bahay ang bubungad sa kanila. Ang bahay na ito ay hanggang 4th floor kaya kaylangan ng elevator para hindi mapagod. At ang laki ng bahay na ito ay hindi biro. Once na pumasok ka rito ay baka hindi kana makalabas sa sobrang laki.
Kahit si Seraphina ay hindi pa nagagawang libutin ito at kwarto lamang ni Devon ang alam niya. Inaakyat lang naman nila ito gamit ang hagdan. Dahil sa 2nd floor lang naman ito.
Ang pangalawang alam niya ay ang kusina at ang opisina ni Hadues na nasa first floor lang ng kanilang bahay.
Nang makarating si Venus at Evel sa loob ng Donovan hacienda ay agad din sila binati, "Welcome back, Master Evel and Madam Venus." At nagawa lamang tumungo ni Venus habang nasa likod ang kanyang asawa at alam na nilang hindi okay ang kanilang Madam.
Sa loob ng ilang taon ay kilala na nila ito kapag hindi ito okay, dahil ang mukha nito ay napakaseryoso.
Kapag ito naman ay okay, talagang masayahin at bigla pa nilang naalala si Seraphina. Dahil hindi na-inform ni Butler Tom ang about sa dalaga. At natatakot itong pagalitan siya ng demonyo. Gusto niyang ito na ang magsabi mula sa kanyang mga magulang.
"Nandito ba si Devon?" wala sa mood na sabi ni Venus kay Butler Tom habang patungo ito sa kusina para uminom ng tubig.
"May emergency daw po Madam Venus, pero nandito naman si second young master," tugon nito habang nakatingin sa lamesa dahil nakakalat pa ang mga ginamit ni Seraphina.
Ang sahig ay may mga arina pa kaya napahawak na lang sa sintido si Butler Tom at isip-isip nito na mapapagalitan siya.
Mas lalong nawala sa mood si Venus ng makita niyang napakarumi ng kanilang kusina. Ngayon niya lang nakitang ganito ang kanilang kusina kaya agad siyang lumingon kay Butler Tom.
"Bakit ganito karumi ito? Pakitawag ang ilang mga katulong!" halos pasigaw na sabi ni Venus at napansin niya ang palapit na asawa.
"Venus, don't stress yourself," mahinahanong sabi ni Evel at kasunod no'n ang paglapit nang mga katulong para linisin ang mga kinalat ni Seraphina.
Hindi maiwasang maisip ni Butler Tom si Seraphina dahil nasa opisina ito ni Hadues. Pero dahil ang tagal nito mag-abot ng pagkain ay mukhang okay naman ito at hindi pinapagalitan ni Hadues. Wala naman siyang narinig na ingay sa loob ng opisina ng dumaan ito rito.
Hanggang sa paalis na sana si Venus at Evel sa kusina pero agad natigilan si Venus. Dahil kanina niya pa pala naaamoy ang mabangong cookies.
Katulad nito ang amoy na ginagawa ni Seraphina. Kaya pagtingin niya sa lamesa, ay napakaraming cookies na katulad na katulad ng ginagawa ng dalaga.
Si Venus ay hindi nag-atubiling kainin ang isang cookies. Bumilis ang tibok ng puso nito dahil parehas na parehas ang lasa at texture ng cookies.
Pati si Evel ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita kaya kinain niya rin ang isa nito. Alam niyang isang tao lang ang may gawa nito kung hindi si Seraphina.
Sa katabi nito ay nakita nila ang amoy ng kape na katulad ng ginagawa ni Seraphina sa tuwing sila ay nasa bahay ampunan.
Ang "milfee" ni Seraphina na amoy kape pero lasang gatas at halos mataranta si Venus nang matikman n'ya ang gatas sa baso.
"Butler Tom!" sigaw nito at ang mga naglilinis sa kusina ay natakot sa pagsigaw ni Venus at maging si Butler Tom ay napatakbo.
"M-madam," hinihingal na sabi nito.
"Did you make these?" tanong ni Venus at umiling lang si Butler Tom. Habang iniisip niyang mapapahamak ata siya ng dahil kay Seraphina.
"Then who?" seryosong sabi ni Evel kasunod no'n ang masayahing pagsigaw ng isang boses kaya agad din sila napalingon sa dalaga.
"Tita Venus and Tito Evel!" sigaw ni Seraphina na ikinagulat din ng lahat.
Paano nakilala ni Seraphina ang dalawang taong kilalang-kilala sa mundo? Parang wala lamang dito ang pagsigaw niya dahil ayaw na ayaw pa naman nila ito lalo na ni Evel.
Samantalang si Hadues na may hawak na baso sa kanyang kaliwang kamay ay halos mabitawan niya na.
Nagulat ito sa pagsigaw ni Seraphina dahil siya na ang nagprotestang magdadala nang baso. Dahil gusto niya malaman kung paano ginagawa ni Seraphina ang milfee.
Pero dahil do'n nagulat din siya sa pagsigaw nito. Iniisip niyang paano niya nakilala ang mga magulang nito at nagawang batiin ng pasigaw?
Naiisip niya palang na wala nga si Devon sa bahay. Pero ang ama naman nilang si Evel ang nandito at ang kanilang inang si Venus, ay gusto niya ng bumalik sa kanyang kwarto.
"Oh my god! It's really you Era!" masayang sabi ni Venus sa dalaga at niyakap niya ito sa sobrang pag-aalala. Niyakap din ni Evel ang dalaga dahil talagang nag-alala rin ito ng malaman niyang umalis na si Seraphina sa bahay ampunan.
Kaya ang mood ni Venus ay biglang nagbago at naging masaya.
Hanggang sa hindi nila maisip kung sila ba ay namamalikmata ng dahil sa ngumingiti ang dalawa nilang amo sa dalagang 'to?
Si Hadues ay napaisip na rin na hindi talaga basta-basta ang kanyang future sister-in-law. Kahit ngayon palang sila nagkikita ay parang ang mga magulang nito ay pabor na agad sa kanya.
"Era, come here," tawag ni Venus at hinila nito ang dalaga papunta sa kanilang sala para umupo. Hindi nga nagkamali si Venus at Evel na ang cookies at milfee na nasa lamesa ay gawa ni Seraphina.
"Era, hindi mo alam kung gaano kami nag-aalala sa iyo ng Tito Evel mo. Kaya nga ng malaman namin, umalis kami agad sa business trip sa France," malungkot na sabi ni Venus sa dalaga habang ang mukha nito ay gusto ng umiyak.
Nang marinig iyon ni Hadues ay halos malaglag na talaga ang panga niya sa kakanganga.
'Kaya pala ang bilis nila ngayon? Kinansela nila ang importanteng meeting para kay Seraphina?' isip ni Hadues at halos mapakamot na siya sa ulo. Dahil hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang nangyayare. Simula pa kahapon ng dalhin ni Devon ang babae.
"Pagpasensyahan niyo na po ako, sadyang nahihiya na po ako sa kanila kaya umalis na ako," malungkot na sabi ng dalaga.
Ayaw na ayaw pa naman ni Venus makita na ganito ang itsura ni Seraphina. Dahil ang mukha niyang anghel ay tila ba parang may sakit kung titignan. Kaya agad hinawakan ni Venus ang mukha ni Seraphina at ngumiti.
"Hindi ba't sabi ko sa iyo no'n, bakit hindi ka na lang sumama sa amin?" sagot ni Venus at tumango lang ang dalaga. Hanggang sa pumasok sa isipan ni Evel kung paano napunta si Seraphina sa kanilang hacienda.
"Era? Paano ka napunta sa hacienda?" tanong ni Evel at ngayon lang din naisip ni Seraphina na kung hindi siya nagkakamali ay mga magulang ito ni Devon.
"Tito Evel? Tita Venus? Anak niyo po si Devon?" tanong ni Seraphina at nagawa lamang nilang magtinginan. Dahil binanggit niya ang anak nilang walang pakielam sa babae.
"Oo, Era anong problema?" tanong ni Venus pero ngumiti lang ang dalaga.
"Siya po ang nagdala sa akin dito sa hacienda, iniligtas niya po ako nung kinuha ako ng isang lalaki. At dinala sa isang lugar kung saan maraming lalaki at sabi nila may utang daw ito kaya hinuli," pagpapaliwanag ni Seraphina at napapikit na lang ang dalawang mag-asawa.
Hindi nila inaasahang mapupunta ang dalaga sa base na kung saan hindi naman iniisip ni Venus na pwede iyon mangyare.
Hindi pa rin maalis sa isip ni Evel kung sino iyon at gusto niyang malaman. Dahil ang utak ng kanilang anghel ay mababahidan pa ata ng ka-demonyohan na ayaw nilang mangyare.
_____
Ang mukha ni Finn Lucas ay hindi na maipinta dahil sa dami niyang dalang papel. Sumabay pa ang kanyang boss na hindi naman pala nakikinig sa meeting simula pa kanina.
Agad niyang pinunasan ang kanyang pawis at bumalik sa lugar kung saan nandoon ang kanyang boss.
Tahimik itong nag-iintay sa sasakyan dahil gustong-gusto na talaga nitong umuwi. Habang wala namang magawa si Finn kung hindi ang sumunod.
"Faster Finn, I want to go home," mahinahong sabi ni Devon habang nakatingin sa kanyang wallpaper.
Dahil nung hawak ni Seraphina ang kanyang cellphone ay hindi maiwasan ng dalaga na magselfie. Kaya ng makakita si Devon ng magandang kuha ng dalaga, ay agad niya itong ginawang wallpaper at lock screen.
Para sa kanya kahit na hindi niya katabi ang dalaga, at least meron pa rin itong picture sa kanya. Hanggang sa ilang minuto rin ang kanilang tinagal ng makarating sa Donovan hacienda.
Pinagbuksan ni Finn si Devon hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Laking gulat ni Devon ng makita niya si Seraphina, kasama ang kanyang mga magulang.
Hindi ito nag-atubiling lapitan ang dalaga at hilahin mula sa pagkakaupo. Naisip nito na kahit pa magulang niya ang mga ito ay kaya niyang ipaglaban ng buo si Seraphina.
Ang mukha ni Venus ay biglang sumimangot nang makita nito ang itsura ng kanyang anak na si Devon. Parang pati siya ay gustong patayin nito dahil sa paghawak niya sa dalaga.
Hindi naiwasan ni Venus tumayo sa pagkakaupo at hampasin sa braso ang kanyang anak, "Dudukutin ko yang mata mo kung tititigan mo ako ng gan'yan!" pasigaw na sabi nito at natatawa naman si Seraphina habang pinagmamasdang maigi ang dalawa.
Hindi nito alam na ang taong tumutulong sa kanya ay mga magulang pala ni Devon, "Mom! Can you please stop it," inis na sabi ni Devon sa kanyang ina at inawat naman ito ni Evel.
"Habang lumalaki kayo tumitigas ang ulo n'yo!" sigaw ni Venus at halos hindi maisip ni Devon ang ibig sabihin ng kanyang ina.
Pati na rin si Hadues na nasa gilid habang umiinom ng milfee ay biglang natigilan. Alam nitong pati siya ay madadamay sa galit ng kanilang ina.
Dahan-dahan siyang tumayo at gusto niya ng pumunta sa kanyang kwarto para magpahinga. Ngunit, hindi siya nakahakbang pa ng bigla niyang marinig ang pangalan niya.
"Isa ka pa Hadues! Mag-uusap tayo mamaya!" sigaw nito at napabuga na lamang siya sa hangin. Paniguradong sesermunan nanaman siya nito dahil hindi niya nagawang pumasok ngayon.
Paano nga naman siya makakapasok kung ang kanyang iniidolong kapatid ay may mga pagbabago sa kanyang buhay. At ayaw niya itong palagpasin habang naiisip nito si Lucif. Paniguradong hindi niya pa alam ang about sa kapatid nila.
Hindi maipinta ang saya ni Hadues dahil ngayon ay siya ang panalo. Dahil mas may alam siya ngayon kesa kay Lucif.
"Devon, don't tell me? Era is your girlfriend?" tanong ni Evel sa anak at tumingin lang naman si Devon kay Seraphina.
"Nope, but I'm still counting her," proud na sabi ni Devon at tuwang-tuwa naman si Venus ng marinig niya ang sinabi ni Devon.
Hindi niya akalain na ang kanyang anak na walang hilig sa babae. Biglang naihipan ng hangin at naisipan ng manligaw.
"She's the girl that we're talking about in the orphanage," kwento ni Venus sa mga naririto sa loob ng bahay. Ang mga nakarinig sa sinabi nito ay napagtantong hindi talaga basta si Seraphina.
Halos araw-araw nila naririnig ang babaeng tinutukoy ni Venus sa bahay ampunan. Kung gaano ito kabait at ngayon ay mukhang naniniwala sila. Dahil nung unang dalhin ni Devon ito sa bahay ay tila ba may kakaiba na sa dalaga.
Biglang napaisip si Devon sa sinabi ng kanyang ina. Hindi niya akalain na ito ang babaeng tinutukoy niya halos sa pangaraw-araw. At hindi nila maiwasang mabingi kakabanggit sa isang babae sa bahay ampunan na kanilang pinupuntahan tuwing linggo.
Kaya naisip ni Devon kahit na palagi itong sinasabi ng kanyang ina ay hindi siya interesado.
Pero hindi n'ya naman alam na si Seraphina pala ang tinutukoy nito at kung alam niya man. Baka siya na mismo ang pumunta sa bahay ampunan para lagi itong bisitahin.
"Mom, let me talk to Era," seryosong saad ni Devon at tumango lang naman ang kanyang ina. Bago sila umakyat sa kwarto ni Devon at may inutos ito kay Butler Tom na i-akyat sa taas kasunod nila.
Ang ginawa niyang cookies kanina ay gusto niyang ipatikim kay Devon, pati na rin ang milfee nito. Nagdadasal siya na sana ay magustuhan ni Devon ang kanyang ginawa para sa kanya.
"I don't know that you know my mom and dad," saad ni Devon at kasunod no'n ang pagbukas nang pinto.
"Lady Era," tawag ni Butler Tom sa kanya at umalis din naman ito agad.
"Hindi ko rin naman alam na anak ka nila," pagpapaliwanag ni Seraphina at hinila niya ito at itinulak sa kama para mapa-upo.
"Ipapatikim ko pala itong cookies na ginawa ko kanina para sa iyo," nahihiyang sabi ni Seraphina at tumingin naman dito si Devon ng may pagkagulat.
Bakit naman siya nito ipinaggawa ng cookies?
"These is for me?" hindi makapaniwalang sabi ni Devon at tumango lamang ang dalaga. Habang hinihintay niyang kainin ni Devon ang cookies pati ang ginawa nitong milfee.
Walang masabi si Devon dahil ang cookies na kanyang nakain ay napakasarap. Kahit ito ang unang beses niyang kumain ng cookies.
Wala naman siya hilig kumain ng ganito at naisip niyang hindi naman masama ang lasa at talagang masarap.
Baka dahil sa ang taong gusto niya ang gumawa kaya masarap? Pati na rin ang ginawa nitong milfee ay talagang nagustuhan ni Devon.
"It's good! And I thought it's coffee, but it's not," nakangiti si Devon sa dalaga at pinagmamasdan lang ito ni Seraphina habang pinapanood itong kumain.
Naisip ni Seraphina na gumawa ulit ng cookies kapag hindi na s'ya busy sa pagtulong sa hacienda. Plano nitong damihan para mabigyan niya rin ang iba.
Napansin ni Devon ang mukha ni Seraphina habang masaya silang kumain ng gawa nitong cookies. Agad niya itong hinawakan sa pisngi para tuluyang mapatingin sa kanya ang dalaga."Tell me what's bothering you? I'll help you out," nag-aalalang sabi ni Devon sa dalaga at ngumiti naman ito sa kanya."I don't want to stay here, I want to work," malungkot na sabi ng dalaga at ayaw pa naman makita ni Devon na nalulungkot ito. Kaya naman umisip siya agad ng paraan para hindi na ito malungkot."You can work at my company," saad ni Devon at para namang bata si Seraphina na tumingin kay Devo. Habang pumipikit-pikit pa ang mga mata nito."Did you just say your company?" takang tanong ni Seraphina at talagang napagtanto nito na hindi talaga siya kilala ng dalaga.Hindi niya maiwasang matawa dahil akala niya. Wala ng ibang tao ang hindi nakakakilala sa kanya."You're laughing
Natapos turuan ni Hailey si Seraphina at madali namang natuto ang dalaga, dahil talagang nakinig itong maigi. Habang busy silang dalawa sa paggagawa, biglang naisip ni Hailey kung may koneksyon ba ang kanilang boss at ito.Naisip niyang hindi naman talaga makakapagsuot ng ganito si Seraphina kung wala silang malalim na relasyon.Kung titignan niya talaga ang mga suot nito at gamit na dala, masasabi niyang hindi ito mumurahin. Sa dala palang nitong bag ay mukha ng original. Palibhasa hindi rin s'ya marunong tumingin ng mamahalin na gamit dahil hindi naman siya mayaman.Pero agad din naman siyang umiling at napaisip.'Baka pinsan ni boss kaya siguro pumayag' isip-isip ni Hailey dahil pwede rin naman at maganda ang mukha nito at maganda rin ang lahi ng mga Donovan.Kaya iyon na lamang ang kanyang naisip, bago tuluyang tumingin sa harap ng computer.Magsisimula n
Masayang humiga sa kama si Seraphina ng matapos itong maglinis ng katawan. Hindi niya alam bakit sobrang komportable ng mga damit ni Devon kapag ito ang kanyang suot. Dahil ngayon ay nakasuot siya ng pajama at t-shirt na pagmamay-ari ni Devon.Kaya ng maalala niya ang halik ni Devon ay hindi maalis ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi. Panay ang ikot niya sa kama habang si Devon naman ang naliligo sa banyo.'Gusto kong kainin na ako ng lupa' isip-isip ni Seraphina kasunod no'n ang pagbukas ng pinto sa banyo. Bumungad sa kanya si Devon na walang pantaas na dami pero may pambaba.Hindi niya maiwasang manlaki ang mata dahil ang six pack abs nito ay kitang-kita. Pati na rin ang tattoo nito sa gilid ng katawan ay nakadagdag ganda.Napansin niyang tumingin sa kanya si Devon kaya agad itong umiwas at tumingin sa iba."Do like the view?" tanong ni Devon at napalunok na lang si Seraphin
Pinagmamasdan nilang lahat ang bagong kasal at sumasakit lalo ang ulo ni Finn Lucas, kung paano niya ngayon pagtatakpan ang dalaga. Hindi tatagal at malalaman rin ng iba na ito ay asawa ng mafia king.Ang takot sa katawan niya ay nagsimula na, dahil baka ang kinakatakot nitong malaman ng kalaban nila at si Seraphina ang gawing pain para kay Devon.Lubos ang pag-iisip ni Finn pero agad din ito naudlot ng marinig niyang magsalita si Hadues, "Brother, ibabalita ko ito kay Mom and Dad," masayang tugon ni Hadues ngunit pinigilan 'to ni Devon."No, you're not going to tell this," protesta ni Devon habang nakatingin sa kanyang asawa."But brother? Mom will gonna kill you if you didn't tell her," kinakabahang sabi ni Hadues at maging si Finn ay natatakot na rin.Hindi nito alam kung ano nga ba ang nasa utak ng kanyang boss. Bakit ayaw nito malaman ni Master Evel at Madam Venus ang
Ang mukha ni Devon ay hindi maipinta, para bang binagsakan ito ng langit at lupa. Nakamasid lamang siya sa kanyang asawa na masayang naliligo kasama si Hailey at Carol. Sabay sandal niya sa higaang kawayan at sa sobrang inis ay panay na lang ang kamot niya sa kanyang ulo.Ilang oras din ang tinagal nila bago makarating sa private pool niya sa Paris. Pagdating palang nila rito ay agad na silang naligo.Lingon dito, lingon doon ang tanging ginagawa ni Devon. At hindi niya kayang sirain ang kasiyahan ng asawa. Lalo na ngayon pa lang ito nakarating sa Paris, kaya hindi niya ma-istorbo.Panay ang isip ni Devon kung paano napunta rito. Akala niya ay si Hailey lang ang kasama nila papuntang Paris pero hindi pala._____At Donovan Hacienda, nakahanda na si Devon at Seraphina papunta sa Paris. Ang maleta ng dalawa ay nakalagay na sa likod ng kotse. Habang sila na lang ang inaantay ni Finn, para maihati
Isang lalaki ang nakasuot ng mamahaling damit at papasok ito sa Donovan hacienda. May takot man sa kanyang katawan ay hindi pa rin maipipinta ang saya. Ang mga katulong sa labas ng hacienda ay agad tumungo at binati siya.Parang bata naman itong sumasaludo sa mga nadadaanan, habang nakasakay sa mamahaling kotse. Naging alerto ang mga katulong ng makita pa lang nila ang sasakyan nito at agad siyang pinagbuksan ng pinto.Nakangiti si Butler Tom ng makita niya ang binata, "Third young master, welcome home," masayang ngumiti si Lucif Donovan ng batiin siya nito at tinignan niya ang hacienda na walang pinagbago.Paniguradong lagot siya sa kanyang inang si Venus, dahil halos limang buwan itong hindi umuwi sa kanilang bahay.Wala pa siyang ginawa kung hindi ang maggala at libutin ang mundo. Habang kasama ang iba't ibang babae na type niya.Pagpasok pa lang ni Lucif sa pinto ay sumigaw i
Hindi na makapag-intay si Lucif na makita ang babaeng tinutukoy ni Butler Tom. Aligaga ito sa pagbaba ng private plane ng Donovan family. Agad niyang hinack ang cellphone ni Hadues para malaman niya kung nasaan sila sa Paris.Madali lang para kay Lucif ang mga ganitong bagay dahil isa siyang hacker. Tuwang-tuwa naman ito ng makita niya kung nasaan sila. Pagbaba pa lang ni Lucif ay dali-dali siyang sumakay sa taxi papuntang resort.Ayaw niyang umalis at bumayahe ng ganito kalayo, lalo na galing pa naman ito sa Japan. Talagang napagod na siya sa byahe ng makauwi sa Donovan Hacienda, sabay wala pa siyang maaabutan pag-uwi.Bakas man ang inis sa mukha ni Lucif at napawi rin ito agad. Nalaman kasi nitong may girlfriend na ang kanilang iniidong kapatid. At hindi siya papayag na ang karibal na si Hadues ang magiging hadlang, para mas lalong mapalapit sa kapatid.Simula ng sila ay lumaki, kahit na ilang taon
Kanya-kanya ang lahat ng makauwi sila sa Donovan hacienda. Hindi rin kasi sila pwede magtagal do'n, lalo na may mga importante rin silang ginagawa. Kahit ayaw ni Lucif magstay sa hacienda ay napilitan ito.May bahid man ng pagkainis sa kanya ay wala itong magawa. Sa tuwing aalis siya ay naaalala niya ang banta ng ina at talagang natatakot siya. Kaya wala siyang magawa kung hindi laruin ang laptop niya.Kahit saan magpunta si Lucif, kanyang dala-dala ang mahiwaga nitong laptop. Kapag wala siyang ginagawa, nagagawa lang nito maghack o gagawin ang misyon na binigay ni Devon.Sa tuwing magbibigay ito ng gawain ay masayang-masaya siya. Gusto talagang niyang tulungan ang kapatid sa madilim nitong gawain.Ang mafia king niyang kapatid ay maraming kaaway. At hindi naman siya magtataka, kung maraming nagtataka sa buhay nito.Silang dalawa ni Hadues ay saksi sa paghihirap ng kapatid pagdat
Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.Nagbago kasi ito matapos na mawalan ng mahal sa buhay at palagi na rin nila nakikita na ngumingiti ito paminsan-minsan. Sa paglalakad ni Devon, natigilan ito ng marinig ang ni boses ni Hadues."Brother let's go! Mom is waiting for us." Sabay sakay ni Hadues sa kanyang kotse at naiwan si Devon. Halos lahat din ng katulong nila ay nandoon sa paroroonan na pupuntahan niya. Pero napangiti si Devon ng marinig nito ang isang boses na katulad na katulad ng boses niya."Dad, let's go. I can't wait to visit her," malamig ang boses ng isang batang lalaki at tumango naman si Devon ng sumakay sila sa kotse."Are you ready
Mabilis na kinuha ng mga tauhan ni Zeke si Seraphina. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ni Seraphina. "Ano ba?! Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito at panay ang iyak. Habang si Devon naman ay agad ainapok ang isa sa mga nakahawak sa kanya, pero hindi ito nakagalaw ng tutukan ni Zeke si Seraphina ng baril."I don't want to hurt her. Kaya tumahimik ka d'yan," sambit ni Zeke at itinali nila ito sa upuan. "H'wag n'yong higpitan."Tumigil naman si Devon at kinakabahan itong nakatingin kay Seraphina. Nanganginig maigi ang kanyang mga kamay sa galit. Nang makita nitong tinatali si Seraphina ay agad nakirot ang kanyang dibdib. Wala itong ideya kung paano ito napunta rito, pero masama ang loob ni Devon ng dahil sa nadamay pa ang asawa niya."Let's fight. If I win, you know what to do. If I lose then I will give you my throne," seryosong sabi ni Devon at tumawa si Zeke. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at saka tuman
Nagising si Seraphina at masama ang loob niya. Sa kanyang pagmulat ng mga mata, nakita niyang madilim na ang labas. Napatayo siya at saka tinignan ang balkonahe at sobrang dilim na. Hindi niya alam na sobrang tagal niyang nakatulog at gustong makita ang asawa.Wala sa mood na bumaba si Seraphina habang naiisip ito ng maaari niyang gawin para mapuntahan si Devon. Mayroon na siyang ideya kung nasaan ito ngayon at hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito sa tabi niya. Nang bumaba ito sa first floor ay agad naman naging alerto ang mga katulong at pinaghain ito ng pagkain. Simula kaninang umaga kasi ay hindi kumain si Seraphina at saka ng tanghali. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin ito kakain?Umupo nang dahan-dahan si Seraphina at saka kinain nito ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Tanging pasta lamang ang kinakain nito at saka lutang na lutang. Panay ang isip nito dahil talagang gusto na niyang makita si Devon.&
Natapos na nga ang kasal ni Devon at Seraphina at kauuwi lang nila sa hacienda. Ang mga regalo ng mga bisita ay nasa isang kotse at hindi pa nga ito kasya. Sa dami ng taong dumalo ay bawat isa sa kanila ay may regalo. Kaya naman hindi lamang benteng sasakyan ang ginamit para lang ma-i-uwi ang lahat ng regalo. Samantalang pagod na pagod ang dalawa at sumabay pa si Lucif na sobrang kulit. Nagtatalo nanaman kasi ang dalawang magkapatid at si Venus naman ay hindi maiwasan na mairita."Lucifer!" sigaw ni Venus at saka hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Mabilis na tumakbo ito nang sa gano'n ay hindi mahabol ng ina."You too should go to your room." Sabay turo kay Seraphina at Devon. Kaya naman hindi nag-atubilin si Devon na dalhin ang asawa sa taas at pagbuksan ito ng kwarto."Are you tired? Do you want to sleep?" tanong ni Devon at ginabi na kasi sila sa De Van. Kaya naman maaaring pagod na talaga si Seraphi
Abala ang lahat ng dahil sa dami ng bisita. Ipinakilala rin ni Venus si Seraphina sa iba dahil si Evel naman ay tamad magsalita. Bawat tao na tumitingin kay Seraphina ay hindi maiwasan na mapangiti. Nang dahil na rin sa pagiging masiyahin nito. Maya't maya ito nakangiti sa mga tao at ang napakaputing ngipin nito ay kitang-kita.Sabay napatingin ang lahat sa pinto ng dumating si Mavi at Maru at nasa tabi nila si Lori at Jao. Nalate lang ang dalawa dahil pinagpalit pa nila ito ng damit. Habang ang dalawa naman ay tumatakbo papalapit kay Seraphina."Tita Era!" sigaw nang dalawa at tumingin naman si Seraphina at yumakap ang dalawa sa kanyang magkabilang hita. Habang ang tao sa paligid ay hindi maiwasan na matawa."Kumain na ba kayo? Kain muna kayo. Mavi at Maru, paki-asikaso muna itong mga bata at h'wag lang kayo lalayo." Tumango naman ang kambal at sumama rin agad ang dalawang bata. Habang nakatayo si Sera
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kasal ni Seraphina at Devon. Kasabay no'n ang paglingon ni Devon kay Cole. Parang walang nangyari at naging maayos naman ang kasal ng dalawa. Samantalalang hindi pa rin maiwasan ni Devon ang kabahan habang sila ay papalapit na sa labas ng simbahan. Baka mamaya kasi ay may kung anong nag-aantay sa kanila sa labas. Hinawakang maigi ni Devon si Seraphina at pinagbuksan agad ito ni Devon ng pinto sa kotse.Sumakay parehas ang dalawa at saka nagsalita si Cole, "Boss h'wag na po kayo mag-alala. Sabi ni boss Lucif ay walang kahit na anong trace ni Zeke at Kairo. Wala ring mga tauhan na nagbabantay sa simbahan at mukhang hindi niya planong sumugod ngayon." Sabay tingin nito sa salamin at umiwas ng tingin kay Devon.Hindi na lamang nagsalita si Devon at nakahinga na nga ito ng tuluyan. Hindi maisup ni Devon kung talaga bang wala itong plano ngayon o sa susunod pa talaga, kapag nailabas na ang anghel sa sinapupunan ni Seraphina. Kung
Excited ang lahat ng malaman nila ang about sa kasal ni Devon at Seraphina. Ang mga taong imbitado at kahit nasa ibang bansa pa ito ay naisipan na umuwi sa Pilipinas para lang dumalo. Hindi kasi nila ito palalagpasin at nalaman nilang umibig ang demonyo. Kaya naman bawat bisita ay may nakahandang mamahalin na regalos.Minsan lang ito mangyare, kaya naman talagang pinaghandaan ng lahat ang pagdalo. Habang ang iba't ibang gang ay masaya rin sa balitang nalaman nila. Halos lahat ata ng mga ito ay mapera ng dahil sa under sila ni Devon. Kahit na hindi na kumuha ng ilang daang tao si Devon ay nandito ang mga tauhan niya para protektahan ang dalaga.Kasunod no'n ang isang babae na pumasok sa isang kwarto at namangha ito ng makita niya ang isang babaeng napakaganda at walang iba kung hindi si Seraphina. Talagang napakainosente ng mukha nito at hindi maiwasan na maisip na ito ay galing sa langit at bumaba lamang sa lupa."Lady Era, are you ready?" tano
Hindi pa sumisikat ang araw pero abala na ang lahat. Abala na ang lahat sa pag-aayos ng dahil sa nalalapit na kasal ni Seraphina at Devon. Sa susunod na linggo na kasi ang plano ng lahat at doon na rin nila ipapakilala ang prinsesa ng pamilya. Hindi na sila makapaghintay, lalo na si Venus.Excited ito ito at mas excited pa nga ito sa anak. Talagang maaga itong gumising para lang asikasuhin ang lahat ng invitation. Gusto niyang makakarating dapat ang lahat ng mga taong importante sa kanila at mga business man at business woman na mga kaibigan ng pamilya nila.Samantalang hindi maintindihan ni Evel ang asawa. Alam kasi niyang aakto ito ng ganito. Pero hindi niya inaasahan na gigisingin siya nito ng alas-kwatro para lang sa kasal ng dalawa."Venus, hindi pa dumudungaw ang araw pero ginising mo na ako," inis na wika ni Evel at panay ang kamot nito. Nasira ang tulog nito ng dahil sa ginawa ni Venus. Hindi kasi talaga ito mapigilan at panay ang gising sa k
Napatawa ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Seraphina, pero natigilan din ang lahat ng makita nilang tumatakbo si Venus na may hawak na mga magazines. Excited kasi ito para sa darating na kasal ng dalawa sa susunod na linggo. Kaya naman hindi ito makapaghintay na makapamili na sila at makapaghanda."Era, come here. Tignan mo 'tong mga gowns ang gaganda. Talagang bagay na bagay sa iyo lahat." Hindi mapigilan ni Venus na ipakita kay Seraphina ang mga gown na susuutin nito. Habang ang mga mata ni Seraphina ay napadako sa mga magazines at para itong bata na tumakbo papalapit kay Venus.Ang kinakain nitong donut na pasalubong ni Devon ay biglang nawalan ng saysay. Natuon kasi ang mata nito sa mga magagandang gown at hindi rin naman umangal si Devon dahil si Seraphina na lang naman talaga ang kulang."Magsusuot po ba ako n'yan? Ang ganda naman masyado," manghang sabi ni Seraphina at hindi maiwasan na ngumiti ni Venus at Evel."Dapat lang Era, d