Agad akong tumakbo pauwi sa bahay nang makita ko si Aling Silvia. Paniguradong sa bahay ang punta niya para singilin ako.
Nang makarating ako sa bahay ay kaagad kong isinara ang pinto at nagtago.
"Kaleigh! Isara mo 'yong mga bintana!" sigaw ko sa nakababata kong kapatid.
Kumunot naman ang noo niya pero agad din naman siyang tumakbo para isara ang mga bintana.
Hindi nagtagal nakarinig ako ng mga mabibigat na yabag.
"Kateryna! Nasaan na 'yong ipinangako niyong hulog kahapon?! Nagtatago na naman ba kayong magkapatid?!" sigaw ni Aling Silvia mula sa labas.
Napahinga ako nang malalim bago tinignan ang kapatid ko na nakaupo sa sahig, at nagtatakip ng tenga.
Ito na ang naging buhay naming magkapatid matapos mamatay ng mga magulang namin. Kaming dalawa na ang nagbabayad ng mga utang na naiwan nila sa amin.
"Kateryna!" sigaw muli ni Aling Silvia mula sa labas habang kinakalabog ang pintuan. Ilang beses niya iyong ginawa bago muling sinigaw, at tinawag ang pangalan ko.
"Wala atang tao?" sabi ng isang lalaki sa kalagitnaan ng pagsigaw at pagkalabog ni Aling Silvia sa pintuan namin.
"Palagi na lang walang tao. Kapag nahuli ko ang magkapatid na 'yan, sisiguraduhin kong magbabayad sila ng buo sa akin! Palagi na lang nila akong pinaaasa. Kapag ako nainis, 'yang si Kaleigh ay kukunin ko para maging katulong, at magbayad sa mga utang ng pamilya nila!" narinig kong sigaw ni Aling Silvia mula sa labas.
Sumilip naman ako sa maliit na siwang sa pinto at nakita silang naglalakad na palayo sa bahay.
Napasandal na lamang ako sa pinto nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko.
"Ate," narinig kong untag ni Kaleigh na hanggang ngayon ay nakaupo sa sahig at namumula ang mga mata.
Mabilis akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya.
"Ayos lang 'yan. Makakaalis din tayo rito," sabi ko sa kapatid ko kahit na alam kong mahihirapan kaming gawin 'yon.
Maraming pinagkakautangan sina Mama at Papa. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n karami ang utang nila, ang alam ko lang noon ay pareho silang walang trabaho at palipat-lipat kami ng tinitirahan.
Wala kaming pirmanenteng bahay, hindi ko rin alam kung bakit hindi nagtatrabaho ang mga magulang ko noon.
"Ate, hindi lang si Aling Silvia ang tinataguan natin, ang dami nila. Nakaraan nakasalubong ko si Kuya Reynold at sinisingil na niya tayo, anong gagawin natin?" sabi ni Kaleigh sa pagitan ng pag-iyak. Huminga naman ako ng malalim bago ko siya bahagyang tinulak palayo sa akin.
"Kaya nga ako aalis ngayon, 'di ba? Maghahanap ako ng trabaho," sabi ko.
Bago ko kasi makita si Aling Silvia kanina, paalis talaga ako para mag-apply ng trabaho.
"Aalis ka pa ba? Paano kung makita mo sila d'yan sa labas?" tanong ni Kaleigh habang nakatingin sa akin.
"Hindi nila ako makikita, mabilis kaya ako tumakbo," sabi ko habang pilit na tumatawa.
Ngumiti naman si Kaleigh sa akin. Ginagawa ko ang lahat hindi lang dahil para makabayad ng mga utang nila Mama, kung hindi para na rin mabigyan ng magandang kinabukasan si Kaleigh. Seventeen years old pa lamang siya, at twenty-two years old naman ako. Seven years na rin ang nakalipas nang mamatay ang mga magulang namin.
"Aalis na ako. Isara mo ang pinto, at 'wag kang magpapapasok ng kahit na sino," sabi ko kay Kaleigh bago ako tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang mga gamit ko sa sahig.
"Mag-i-ingat ka, Ate," sabi naman ni Kaleigh habang pinupusan ang luha sa kan'yang mga mata.
Ngumiti muna ako sa kan'ya bago sumilip sa labas, at binuksan ang pinto. Nang masigurado kong wala na talaga sila Aling Silvia ay tuluyan na akong lumabas ng bahay at umalis.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahapon natapos ang kontrata ko sa dati kong trabaho, hindi ako pwedeng magpahinga dahil magugutom kaming magkapatid.
Ngayon, plano kong sumubok mag-apply bilang janitor sa isang sikat at kilalang kompanya sa buong mundo, ang Gunner Corporation.
Wala akong natapos, pero sana palarin ako. Ayaw kong habang buhay nagtatago sa bahay na inuupahan naming magkapatid, at ayaw kong makitang palaging umiiyak sa takot si Kaleigh.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Malayo kasi talaga ang sakayan ng jeep sa lugar namin, pero wala akong pangbayad sa tricycle para agad akong makarating doon.
Napabuntong hininga naman ako bago kinuha ang wallet ko.
"Siguro naman ka---" hindi ko na natapos ang pagbibilang nang bigla na lamang akong nakarinig ng isang kakaibang tunog.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang sasakyan na muntik ng makasagasa sa akin. Napaupo naman ako sa kalsada sa sobrang gulat at takot, pero bago pa man 'yon tumama sa akin ay agad 'yong lumihis papunta sa isang poste.
Ilang segundo muna ang lumipas bago nag-sink in sa akin ang nangyari. Nanginginig ang mga tuhod akong tumayo at naglakad papunta sa kotse. Kailangan kong makita kung ayos lang ba ang driver. Kung hindi niya nailihis ang sasakyan niya, baka nasagasaan na ako.
Hindi ko kasi namalayan na nasa kalsada na pala ako kanina sa sobrang dami kong iniisip.
Napahinga ako ng malalim nang tuluyan na akong makalapit sa sasakyan. Hindi naman masyadong nakadikit ang sasakyan sa poste.
Akma ko na sanang kakatukin ang bintana ng sasakyan para malaman kung maayos lang ba ang driver nang bigla na lamang 'yong bumukas.
"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko habang nakatingin sa lalaki na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
"What the f*ck are you doing, Miss? Do you want to f*cking die?" inis na tanong nito sa akin.
Napakurap ako ng mga mata ko bago ako napatingin sa sasakyan niya na muntikan ng sumalpok sa poste.
"S-Sorry. Hindi ko kasi namalayan na nasa kalsada na pala ako kanina," sabi ko.
Mukhang mayaman ang lalaking 'to. Baka ipakulong ako ng isang 'to kapag nagkamali ako ng sagot.
Hindi siya agad nagsalita pero nakatingin siya sa akin. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya umiwas ng tingin.
"Tss. Hop in," biglang sabi nito.
Nakakaintindi naman ako ng english dahil mahilig naman akong magbasa, at mag-self study pero tama ba ang narinig ko?
"Can't you f*cking hear me? I said, hop in," nakakunot ang noong sabi niya kaya kaagad kong binuksan ang pinto ng sasakyan pero kaagad akong napatigil.
"B-Bakit p-pala ako sasakay?" tanong ko.
Nakita ko namang mas lalong nainis ang lalaki.
"I have to make sure that you are going to pay for the damages of my car," sagot nito bago tumingin sa harapan niya. Napalunok naman ako.
"T-Teka, hindi ka naman tumama sa poste," sabi ko pero hindi siya kumibo.
"At isa pa, w-wala akong per---" hindi ko na natapos pa ang sana ay sasabihin ko.
"Are you going to hop in, or we'll settle this with the authorities?" mahinahon ngunit bakas ang inis sa boses na sabi niya. Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo.
"Pakiusap, wala akong pera pangbayad sa'yo. Paalis pa lang ako dahil maghahanap ako ng trabaho," sabi ko bago ko ipinakita ang folder na hawak ko.
Kumunot naman ang noo niya bago humawak sa manibela at nagsimulang mag-drive. Kinakabahan ako. Ipapakulong na ba ako ng lalaking 'to? Bakit ba kasi hindi ko namalayan na nasa kalsada na ako kanina?
"Where are you going?" tanong nito.
Bakit niya tinatanong? Ipapakulong niya ba talaga ako?
"Tss. I am asking so I know where to drop you off, and also to know where to find you for the payment," seryosong sabi nito.
Napahinga naman ako ng malalim. Dapat kumalma ako. Dahil baka hanggang mamaya madala ko ang kaba na 'to.
"S-Sa Gunner Corporation," sagot ko. Nakita ko namang napakunot ang noo niya.
"Mag-a-apply ako ng trabaho. W-Wala pa akong pera pero kapag nagkaroon ay babayaran kita," dugtong ko pa.
Nalaman ko kasi sa dati kong katrabaho na hiring ang Gunner Corporation.
"What make you suitable to work on that company?" biglang tanong nito.
Napaupo naman ako ng maayos bago tumingin sa labas ng sasakyan.
"Kasi kailangan ko ng maraming pera para makapagbayad sa mga utang na naiwan ng mga magulang ko. At kailangan ko rin ng pera para mabuhay kami ng kapatid ko," sagot ko.
"At ngayon, p-pati na rin para mabayaran ka," sabi ko pa bago tumingin sa gawi niya.
Wala namang naging reaksyon ang kan'yang mukha.
"What's your name? I need it for a police report," sabi niya. Kinabahan naman ako bago ako napahawak sa kamay niya.
"M-Magbabayad ako. H-Hindi mo na ako kailangang i-report sa pulis. Kapag nagkaroon ako ng record hindi na ako makakahanap ng trabaho," pakiusap ko.
Nakita ko namang napaiwas siya ng tingin sa akin bago tumingin sa harapan niya.
"Just tell me your name," seryosong sabi nito sa akin.
"Kateryna D-Davis," kinakabahang untag ko.
Hindi naman na kumibo ang lalaki at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa Gunner Corporation. Agad naman akong bumaba sa sasakyan at pumunta sa bintana ng driver seat. Bumaba naman ang bintana no'n, at sumalubong sa akin ang walang emosyong mukha ng lalaki.
"Kunin ko na lang ang number at pangalan mo para mabayaran kita," sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang dami-dami ko ng dapat bayaran, tapos nadagdagan pa nito.
"Do what you f*cking want," sabi nito bago biglang umalis.
"A-Ano 'yon?" naguguluhang tanong ko.
Napalunok naman ako. Sana hindi talaga ako ipakulong o i-report sa pulis ng lalaking 'yon.
Napahinga ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa entrance ng Gunner Corporation. Sinunod ko lahat ng pinagawa ng guard bago ako nakapasok sa loob ng kompanya.
Halos mapanganga naman ako sa ganda at laki ng loob nito.
Ayos lang sa akin kung magiging tagalinis ako ng lugar na ito, basta magkatrabaho ako.
Matapos kong mamangha sa laki at ganda ng loob ng Gunner Corporation ay kaagad akong naglakad papunta sa lugar na sinabi ng guard na a-apply-an ko.
Nang makarating ako sa isang hall ay may nakita akong mga nakahilera roong mga upuan. Akma na sana akong uupo nang bigla na lamang may isang lalaki ang lumapit sa akin.
"Ms. Kateryna Davis?" tanong nito sa akin habang nakangiti.
Napatingin naman ako sa kan'ya bago bahagyang tumango.
"Sumama ka sa 'kin," sabi nito. Kumunot naman ang noo ko na siyang ikinatawa niya.
"Don't worry hindi ako masamang tao. Wala akong gagawing masama," nakangiting sabi nito.
"Okay. To put you at ease, let me introduce myself. I am Drake Griffin, so shall we go?" sabi nito. Napalunok naman ako bago ako tumango at sumunod sa kan'ya sa paglalakad.
Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit kilala ako ng lalaking sinusundan ko ngayon. Kinakabahan ako pero may nagsasabi sa isip ko na sumunod na lamang ako sa kan'ya.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang sinisipat ang hallway kung saan kami naglalakad. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya bago umiling.
"Sa totoong masamang tao," sagot nito. Napakunot naman ang noo ko at akma na sana akong magsasalita ngunit napatigil ako nang bumukas na ang elevator sa harap naming dalawa. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng isang elevator. Sumakay na ang lalaki kaya naman sumunod na ako sa kan'ya.
Gusto ko sana magsalita pero hindi ko na itinuloy pa. Hindi pa rin kasi nag-pa-process sa isip ko kung ano ang nangyayari.
"Nandito na tayo," biglang sabi ng lalaki sa harapan ko.
Naglakad naman siya palabas ng elevator at pumunta sa nag-iisang malaking pinto sa harapan naming dalawa.
Ngumiti siya sa akin bago niya itinuro ang pinto.
"Pumasok ka lang d'yan, at masasagot ang mga tanong mo kung bakit ka nandito. Good luck!" sabi nito bago tumalikod at kaagad na umalis.
Akma ko sana siyang hahabulin ngunit mabilis siyang nakasakay ng elevator. Napahinga naman ako ng malalim bago tumingin sa pinto at nagkatok. Matapos no'n ay mabagal ko 'yong binuksan.
Tumambad naman sa mga mata ko ang isang malawak na opisina na may nag-iisang mesa sa pinakagilid nito.
Ngunit hindi pa man nag-po-proseso sa utak ko ang nasa paligid ko ay bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko.
"Ms. Kateryna Davis?" sabi ng lalaking nakatalikod habang nakaupo sa isang upuan sa tapat ng mesa.
Bakit parang pamilyar ang boses ng lalaking 'to? Akma na sana akong magsasalita ngunit bigla itong humarap sa gawi ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Ngumisi naman siya nang makita niya ang naging reaksyon ko.
"Kateryna, be my rented wife."
"Kateryna, be my rented wife," sabi ng lalaki kanina na nagpauwang sa labi ko."A-anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko.Kaharap ko ngayon ang lalaking muntik ng makasagasa sa akin at seryoso ang kan'yang mukhang nakatingin lang sa akin."Be my rented wife," ulit nito sa sinasabi niya kanina."R-Rented wife? Anong sinasabi mo?" gulong tanong ko ulit bago tumingin sa table nameplate. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakalagay ro'n."I-Ibig sabihin...." hindi ko na natuloy pa ang sana ay sasabihin ko nang biglang ngumisi ang lalaki sa akin."Yes, I am Everett Gunner. The CEO of Gunner Corporation," sabi nito bago muling sumeryoso ang kan'yang mukha at muling nagsalita."I need someone to be my wife in order for me to get all the money that my father had left before he died. But that f*cking old f*rt left a last will and testament saying he wants me to have a wife before I turned twenty-five, or else I'm going to lose all my money," sabi niya bago tumalikod muli at h
Mahigpit ang hawak ko sa folder na lulan ng kontrata namin ni Everett. Nandito ako ngayon sa Gunner Corporation at naglalakad sa main hall.Kahapon ay nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba ako sa alok na trabaho ni Everett pero ngayon, matapos nang nangyari, sigurado na ako sa papasukin ko."Woah! You really came," narinig kong sabi ni Asher nang makasalubong ko siya sa isang hallway bago makarating ng elevator.Bahagya lang akong ngumiti. Wala ako sa mood ngayong araw, dahil nag-aalala pa rin ako na baka maulit ang nangyari kahapon kay Kaleigh. Kaya gusto ko na lang din talaga matapos ang plano ko sa lugar na 'to."Nasaan si Mr. Gunner?" tanong ko sa kan'ya.Ngumiti naman sa akin si Asher bago siya nagsalita."Ang alam ko may meeting siya ngayong araw. Pero sasabihan ko ang secretary niya para maging aware siya na nandito ka," nakangiti pa ring sabi nito.Tumango naman ako bago ko ipinakita ang folder na hawak ko."Gusto ko siyang makausap tungkol sa mga magiging kondisyon namin
"Let's get married," walang emosyong sabi ni Everett habang hawak ang isang singsing.Hindi naman ako kaagad nakasagot kaya naman lumapit siya sa akin at isinuot ang singsing sa daliri ko.Hindi pa rin nagpo-proseso sa akin ang nakita ko nang bigla siyang nag-snap ng daliri sa harapan ko."Hey, are you f*cking okay?" nakakunot noong tanong nito. Agad naman akong tumango."That's an engagement ring. I'll give you the wedding ring later after we got married," sabi pa nito bago naglakad pabalik sa mesa niya.Napalunok naman ako at napatingin ulit sa singsing na nasa daliri ko."Take care of it. It's a round brilliant cut diamond ring. Don't sell nor put it on a pawn shop to pay off the debts of your parents," sabi ni Everett habang nakaupo at nakatingin sa isang folder sa ibabaw ng mesa niya."K-Kailan tayo ikakasal?" tanong ko. Halos masamid ako sa sarili kong laway sa tanong kong 'yon.Muli akong napalingon sa singsing na nasa daliri ko. Paniguradong mamahalin ang isang 'to. Hindi biro
Nakatingin ako sa labas ng sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang katotohanang kasal na ako."Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay Everett na nakaupo lang sa tabi ko. Mabilis naman niya akong nilingon."On our house," sagot nito. Natigilan naman ako bago ako napatingin sa singsing na nasa daliri ko. Dalawa na ang singsing na nakalagay rito, 'yong isa ay engagement ring, habang ang isa ay ang wedding ring na ibinigay ni Everett sa akin kanina."Puwede bang sa bahay muna ako namin umuwi ngayon?" tanong ko. Hindi pa rin kasi alam ni Kaleigh na kasal na ako. Hindi niya alam na baka hindi ako umuwi ngayon sa bahay.Nakita ko namang mabilis akong nilingon ng lalaking katabi ko pero hindi siya nagsalita. Bigla na lamang niyang iniliko ang sasakyan.Kasali kasi sa kontrata na sa iisang bahay kami titira, pero hindi ko agad naisip ang tungkol sa kapatid ko, na wala siyang kasama sa inuupahan naming bahay."You wouldn't want to be seen by your neighbors wearing you
Nanginginig akong napahawak sa likod ni Everett. Hawak niya pa rin ang kamay ni Mang Ronie, habang si Mang Ronie ay namimilipit na sa sakit."E-Everett..." pagtawag ko sa kan'ya. Agad niyang binitawan ang kamay ni Mang Ronie bago ako hinila.Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay namin, at naririnig ko pa rin ang sigaw at mga mura ni Mang Ronie."A-Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Everett nang huminto kami sa paglalakad. Nasa likuran ko pa rin si Kaleigh."Who's that asshole?" tanong nito. Walang emosyon ang kan'yang mukhang nakatingin sa akin. Napahinga naman ako nang malalim bago ako sumagot."Isa sa mga pinagkakautangan namin," sagot ko."And his name is Ronie?" tanong ulit naman nito sa akin. Tumango naman ako bilang pagsagot. Hindi naman na nagsalita si Everett. Pumunta na lang siya sa passenger seat ng sasakyan at binuksan 'yon. Tinignan ko naman si Kaleigh na hanggang ngayon ay nanginginig sa takot."Tara na muna," sabi ko bago ko siya hinila papasok sa sasakyan. Matapos no'n ay
"Nandito na sila, Boss," pag-anunsyo ko nang makita ko si Liam na may hawak na lalaki habang naglalakad papasok sa hideout namin. Wala namang imik si Everett, ibinaba lang niya ang hawak niyang sigarilyo.Muli akong napatingin kay Liam at sa lalaki na may takip ang mga mata."N-Nasaan ako?" naririnig kong sabi ng lalaki.Matapos kasi ni Hunter malaman kung saan ang location ng bahay ng lalaking nagngangalang Ronie ay agad inutusan ni Everett si Liam at Drake na sunduin ang kan'yang guest.Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang naging atraso ng lalaking 'to kay Everett. Usually kasi kapag si Everett ang nagpahanap sa isang tao, tungkol 'yon o connected 'yon sa mga mafia groups na kaaway namin."Boss," panimula ni Liam. Tumango naman si Everett kaya pinaupo ni Liam ang lalaki sa isang metal chair. Nandito kami ngayon sa kuwarto kung saan ginaganap ang interrogation sa mga nahuhuli naming spy, o goons ng mga kalaban namin.Naglakad naman palapit si Everett sa metal table na pu
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Everett ay agad akong nagligpit sa kusina. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Ito na ba 'yon? Ito ba 'yong honeymoon na tinatawag nila?"Ate, ayos ka lang ba?" tanong ni Kaleigh sa akin kaya napahinga ako nang malalim para mawala ang panginginig ng mga kamay ko."Oo. Pagod lang ako," sabi ko bago ako tumingin sa kapatid ko."Matulog na tayo, 'te. Saan ba tayo matutulog?" tanong naman nito sa akin. Napalunok naman ako bago ako tumingin sa hallway papunta sa sala."Itatanong ko kay Everett. Hintayin mo ako rito," sabi ko bago ako naglakad papunta sa hagdan upang umakyat sa itaas.Nakailang lunok naman ako habang naglalakad paakyat sa taas. At laking gulat ko nang makita ko kung gaano karami ang kuwarto rito."Saan ako magsisimulang magkatok?" bulong ko sa sarili ko bago ako naglakad papunta sa kaliwang parte ng second floor, pero hindi pa man ako nakakarating sa gitna ay nakita ko na si Everett na nakakunot ang noong tingin sa akin.Agad din
Maaga akong bumangon para sana magluto ng umagahan. Pero pagkagising ko ay wala na si Everett sa tabi ko. Sa totoo lang ay hindi ako gaano nakatulog kagabi, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sa naninibago ako sa paligid ko.Akma na sana akong bababa ngunit nagulat ako nang pagtingin ko sa bedside table ay mayroong tatlong pulang bulaklak doon. Mabilis namang kumabog ang dibdib ko nang mabasa ko ang nakasulat sa papel na nasa ilalim ng bulaklak.'I forgot to give you my gift on our wedding day. Hope you like it.'Agad kong kinagat ang pang-ibaba kong labi bago ko kinuha ang isang kwintas malapit sa bulaklak at sulat. Hindi ko talaga malaman kung anong ugali mayroon 'tong si Everett.Matapos kong tignan ang kwintas ay agad ko na ring itinago 'yon at saka ako bumaba."Talaga po, Kuya? Wow! Hindi ko akalain na may-ari na rin pala si ate ng isang sikat na kompanya," narinig kong sabi ni Kaleigh mula sa kusina kaya ako pumunta ro'n. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok nang tuluya
Patuloy lamang kami sa pagtakbo ni Hunter. Maya't maya rin ang mga pagsabog at barilan na narinig ko."A-Ano bang nangyayari? Bakit ba tayo tumatakbo?" sabi ko. Kanina ko pa nahubad ang suot kong heels dahil sa bilis ng pagtakbo namin."Kailangan makapunta tayo kaagad kay boss, Ms. Kateryna," sabi nito bago ako hinila para magtago sa likod ng isang pader."Shh lang. Huwag ka muna gumawa ng ingay, Ms. Kateryna," sabi ni Hunter.Hunter's POVAgad kong hinila para magtago si Ms. Kateryna sa pinaka malapit na pader. Mukhang may mga natira pa ring mga daga kanina.Mabilis kong sinilip si Ms. Kateryna na nagtatago rin sa tabi ko. Nakapikit ang mga mata niya habang nakatakip ang tenga niya.Kaasar! Wala akong ibang magawa kung hindi ang magtago dahil sa dami ng mga nakakasalubong namin. At kabilin-bilinan din ni boss na 'wag ako gagamit ng baril sa harapan ni Ms. Kateryna dahil hindi nito alam ang mundo na ginagalawan namin.Ang kaso, baka sabay naman kaming mamatay nito rito kung patuloy la
Kateryna's POVNakakapit ako sa braso ni Everett habang sabay kaming naglalakad. Hindi ko alam kung nilalamig ba ako dahil sa suot kong damit kaya ako nanginginig, o dahil sa tingin ng mga tao sa amin."You're doing okay," naring kong bulong ni Everett habang patuloy kaming naglalakad papunta sa harapan ng lahat. Huminga naman ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."B-Baka kasi awkward 'yong ngiti ko. Kabilaan pa naman 'yong pag-flash ng mga camera," kunwaring sabi ko. Hindi ko naman alam kung dahil ba 'to sa kaba pero pakiramdam ko bahagyang nagtaas-baba ang balikat ni Everett na para ba siyang natatawa."Your hands are cold," sabi nito. Napatingin naman ako sa mga kamay ko."Hindi lang hands, pati mga paa ko nilalamig at nagpapawis na sa sobrang kaba," sabi ko.Hindi naman kumibo si Everett pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko."Let me warm it up," sabi nito. Napatingin naman ako sa kan'ya, at nakatingin din siya sa akin.Mabilis akong napaiwas ng ti
Kateryna's POVNapatingin ako sa sarili kong repleksyon matapos akong ayusan ng mga babae kanina. Agad akong napalunok nang makita ko ang sarili ko sa salamin.Nakatali ng high bun ang buhok ko, habang nakasuot naman ako ng Allure Black Square Neck Sleeveless Bodycon Midi Dress. Iyan ang sinabi ng babae na pangalan nitong damit na suot ko ngayon. Habang ang heels ko naman ay isang black stiletto.Sa totoo lang, hindi ko ni-minsan naisip na makakapag-ayos ako ng ganito. Hindi ko naisip ni-minsan na maaayusan ako ng ganito."Naks! Ang ganda mo, Kateryna! Iba ang dating mo ngayon kaysa noong sinundo kita no'ng naka-wedding dress ka," sabi ni Drake. Natawa naman ako."Feeling ko nga hindi bagay sa akin," sabi ko bago ako muling tumingin sa reflection ko sa salamin."Bagay sa'yo, trust me. Tara na? Halos seven na rin ng gabi," sabi nito habang nakatingin sa relo na suot niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumango."Tara."----"Nasaan nga pala si Everett?" tanong ko habang nakasakay
Nandito ako ngayon sa sasakyan kasama si Everett. Matapos kong kabisaduhin ang pangalan ng mga boards members, at iba pang konektado sa kompanya ay agad kaming umalis dahil 7 P.M daw ang start ng party."Expect the unexpected later. And also I don't want you to wander around without informing me," sabi ni Everett. Tumango naman ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan.Kung iisiping mabuti, ang bilis ng mga pangyayari pero siguro mainam na rin 'to upang makuha agad ni Everett ang naiwang pera ng Daddy niya."We're here," sabi niya bago inihinto ang sasakyan. Napatingin naman ako sa building na nasa harapan namin.Lumabas naman si Everett ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Tumingin naman ako sa kan'ya bago ako bumaba."Drake will be your company," sabi lang nito bago naglakad paalis. Napahinga naman ako nang malalim habang tinitignan ko siya na naglalakad papalayo sa akin.Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong lungkot, hindi ko alam pero parang nalilito ako sa mga pin