Nanginginig akong napahawak sa likod ni Everett. Hawak niya pa rin ang kamay ni Mang Ronie, habang si Mang Ronie ay namimilipit na sa sakit.
"E-Everett..." pagtawag ko sa kan'ya. Agad niyang binitawan ang kamay ni Mang Ronie bago ako hinila.
Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay namin, at naririnig ko pa rin ang sigaw at mga mura ni Mang Ronie.
"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Everett nang huminto kami sa paglalakad. Nasa likuran ko pa rin si Kaleigh.
"Who's that asshole?" tanong nito. Walang emosyon ang kan'yang mukhang nakatingin sa akin. Napahinga naman ako nang malalim bago ako sumagot.
"Isa sa mga pinagkakautangan namin," sagot ko.
"And his name is Ronie?" tanong ulit naman nito sa akin. Tumango naman ako bilang pagsagot.
Hindi naman na nagsalita si Everett. Pumunta na lang siya sa passenger seat ng sasakyan at binuksan 'yon. Tinignan ko naman si Kaleigh na hanggang ngayon ay nanginginig sa takot.
"Tara na muna," sabi ko bago ko siya hinila papasok sa sasakyan. Matapos no'n ay pumunta ako sa gawi kung nasaan si Everett at doon ako umupo.
Napatingin ako kay Kaleigh na sa tingin ko ay unti-unti ng kumakalma. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kan'ya na kasal na ako, at sa isang mayamang tao pa.
Tumingin naman ako sa gawi ng driver seat nang pumasok doon si Everett at nagsimulang magmaneho. Sumandal ako sa upuan bago ako napatingin sa labas. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw, anong oras pa lang pero pakiramdam ko ubos na ang energy ko.
Patuloy lang na nagmaneho si Everett habang nanatili kaming tahimik. Kahit si Kaleigh ay tahimik lang na nakatingin sa labas.
"We're here," biglang sabi ng lalaking katabi ko kaya naman napatingin ako sa bahay na nasa harapan namin. Halos mapanganga naman ako.
Bahay pa ba 'to? Ang laki naman masyado.
"D'yan din ba nakatira ang mga magulang mo?" tanong ko bago ako tumingin sa kan'ya.
"Huh?" untag nito habang nakakunot ang noo.
"Hindi ba? Mga kapatid mo?" tanong ko pa.
"Tss. I don't have a f*cking family. They're all f*cking dead," biglang sabi nito.
Mabilis ko namang sinilip ang kapatid ko sa rear view mirror, baka kasi narinig niya ang mga pagmumura nitong lalaking katabi ko.
"Hindi ko naman alam. Kailangan magalit?" sabi ko.
Ang alam ko lang patay na ang daddy niya, hindi ko naman alam na wala na siyang pamilya.
Muli kong tinignan ang bahay na nasa harapan namin. Ang laki ng bahay na 'to, para na siyang mansyon, kasya ata sampung pamilya rito.
Bumaba na si Everett ng sasakyan matapos niyang mag-park. Binuksan din niya ang pinto kung nasaan ako pati na rin kung nasaan si Kaleigh. Agad akong bumaba at tumingin sa paligid.
Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon dahil oras din ang binilang bago kami nakarating dito.
Malaki ang bahay ni Everett, habang ang garahe naman nito ay may mga nakaparada na sampung sasakyan, at limang motor bike.
"Ate? Sino siya?" tanong ni Kaleigh bago humawak sa braso ko. Tinignan ko naman si Everett na ngayon ay naglalakad na papasok sa main door ng bahay niya.
"Mamaya ko ipapaliwanag sa'yo. Basta pumasok muna tayo ngayon sa bahay niya," sagot ko. Hindi naman kumibo si Kaleigh. Sumunod naman kami sa pagpasok sa loob ng bahay ni Everett.
"Wow!" narinig kong sabi ni Kaleigh nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagkamangha na nararamdaman ko.
Kung maganda na sa labas ang bahay ni Everett, mas maganda pala rito sa loob. Wala kang ibang makikitang kulay maliban sa black, navy blue, hunter green, at white. Napaka-modern tignan ng bahay niya. Kahit mga gamit niya ay gano'n ang kulay, at pati mga gamit niya alam mong mga mamahalin.
"Ate, mayaman ba si kuya?" tanong ng kapatid ko habang nakatingin kay Everett na ngayon ay may kausap sa cellphone. Hindi naman ako nakapagsalita, tanging tango lang ang aking nagawa.
"I'll be back," biglang sabi ni Everett kaya agad akong napahawak sa braso niya. Napatingin naman siya sa kamay ko bago sa akin.
"S-Saan ka pupunta?" tanong ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ko tinatanong, pero gusto kong malaman dahil malay ko ba kung bahay ba talaga 'to ni Everett, baka kung sino ang may ari nito tapos pumasok kami rito.
"I just need to finish some workloads. I'll be back tonight. You can cook, and eat whatever you want on the kitchen," sabi nito bago umalis nang tuluyan. Napahinga naman ako ng malalim.
"Ate? Boyfriend mo ba 'yon?" biglang tanong ni Kaleigh kaya agad akong napatingin sa kan'ya.
"H-Ha? H-Hindi ah!" sabi ko bago ako bumitaw sa pagkakakapit sa akin ni Kaleigh at naglakad papunta sa sofa.
"Weh? Bakit namumula ka?" pang-aasar ng kapatid ko na sinundan ako sa sofa.
"H-Hindi kaya!" sabi ko sabay iwas ng tingin. Nakita ko namang natawa si Kaleigh bago nagtatatalon sa harap ko.
"Ahh! Naalala ko nga pala sabi ni kuya kanina, touch my wife raw!" asar pa nito bago nagtititili sa harap ko.
Napapikit na lang ako dahil sa hiya bago ko itinago ang mukha ko sa kamay ko.
Bakit ba kasi gano'n ang sinabi ng lalaking 'yon kanina?
Asher's POV
"Papunta na raw ba si Boss?" tanong ko.
"Oo raw," sagot naman ni Liam bago hinithit ang hawak niyang sigarilyo.
"Sino nga ulit 'yong pinahahanap ni Bossing?" tanong ni Drake bago humithit din sa hawak niyang sigarilyo.
"Ronie raw. Ang daming Ronie sa mundo, mahahanap mo kaya 'yon, baliw?" tanong ko kay Hunter na busy sa pagtipa sa hawak niyang laptop.
"Tang*na mo! Ikaw lang naman ang weak," sagot naman nito sa akin. Natawa naman ako.
Alam kong imposibleng mahanap ang tao gamit ang pangalan lang, pero kapag si Hunter na ang usupan? Kahit ata nawawala pa noong dekada sitenta mahahanap niyan, eh.
Kabilang kami sa mafia group na under ni Everett, kami ang Gunners. Walang sumusubok na bumangga sa amin, kung mayroon man ay agad naming na-e-eliminate sa underworld. May kan'ya kan'ya kaming posisyon sa grupo namin. Si Hunter ang computer freak, si Drake ang bomb specialist, si Liam ang con artist, at ako? Ako ang pinaka-pogi sa aming lahat.
May mga posisyon kami sa grupo namin, pero lahat kami ay pro sa paggamit ng iba't ibang uri ng mga baril, kahit explosive devices.
"Ano raw ba kasing kaso ng lalaking 'yan?" tanong ni Liam.
"Ewan. Hindi naman niya sinabi," sagot ko bago ininom ang hawak kong alak.
Hindi naman kami gano'n kaagresibo, hindi rin kami basta pumapatay ng kung sinu-sino. Unless may atraso talaga sa amin ang tao. Pero ibang usapan kapag si Everett ang binangga mo.
"Ngayon pa lang natatakot na ako para sa Ronie na 'to. Todas ka talaga kapag si Everett ang nagpahanap sa'yo," iiling-iling na sabi ko.
"Found him!" narinig kong sigaw ni Hunter. At kasabay no'n ay ang pagpasok ni Everett sa loob ng hideout namin habang may hawak na Magnum Research Desert Eagle na baril sa kaliwa niyang kamay.
Napailing na lang ako. Mukhang mahabang gabi na naman ito.
"Nandito na sila, Boss," pag-anunsyo ko nang makita ko si Liam na may hawak na lalaki habang naglalakad papasok sa hideout namin. Wala namang imik si Everett, ibinaba lang niya ang hawak niyang sigarilyo. Muli akong napatingin kay Liam at sa lalaki na may takip ang mga mata. "N-Nasaan ako?" naririnig kong sabi ng lalaki. Matapos kasi ni Hunter malaman kung saan ang location ng bahay ng lalaking nagngangalang Ronie ay agad inutusan ni Everett si Liam at Drake na sunduin ang kan'yang guest. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang naging atraso ng lalaking 'to kay Everett. Usually kasi kapag si Everett ang nagpahanap sa isang tao, tungkol 'yon o connected 'yon sa mga mafia groups na kaaway namin o nangialam sa transaction namin. "Boss," panimula ni Liam. Tumango naman si Everett kaya pinaupo ni Liam ang lalaki sa isang metal chair. Nandito kami ngayon sa kuwarto kung saan ginaganap ang interrogation sa mga nahuhuli naming spy, o goons ng mga kalaban namin. Naglakad naman
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Everett ay agad akong nagligpit sa kusina. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Ito na ba 'yon? Ito ba 'yong honeymoon na tinatawag nila?"Ate, ayos ka lang ba?" tanong ni Kaleigh sa akin kaya napahinga ako nang malalim para mawala ang panginginig ng mga kamay ko."Oo. Pagod lang ako," sabi ko bago ako tumingin sa kapatid ko."Matulog na tayo, 'te. Saan kayatayo matutulog?" tanong naman nito sa akin. Napalunok naman ako bago ako tumingin sa hallway papunta sa sala."Itatanong ko kay Everett. Hintayin mo ako rito," sabi ko bago ako naglakad papunta sa hagdan upang umakyat sa itaas.Nakailang lunok naman ako habang naglalakad paakyat sa taas. At laking gulat ko nang makita ko kung gaano karami ang kuwarto rito."Saan ako magsisimulang magkatok?" bulong ko sa sarili ko bago ako naglakad papunta sa kaliwang parte ng second floor, pero hindi pa man ako nakakarating sa gitna ay nakita ko na si Everett na nakakunot ang noong tingin sa akin.Agad din
Maaga akong bumangon para sana magluto ng umagahan. Pero pagkagising ko ay wala na si Everett sa tabi ko. Sa totoo lang ay hindi ako gaano nakatulog kagabi, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sa naninibago ako sa paligid ko. Akma na sana akong bababa ngunit nagulat ako nang pagtingin ko sa bedside table ay mayroong tatlong pulang bulaklak doon. Mabilis namang kumabog ang dibdib ko nang mabasa ko ang nakasulat sa papel na nasa ilalim ng bulaklak. 'I forgot to give you my gift on our wedding day. Hope you like it.' Agad kong kinagat ang pang-ibaba kong labi bago ko kinuha ang isang kwintas malapit sa bulaklak at sulat. Hindi ko talaga malaman kung anong ugali mayroon 'tong si Everett. Matapos kong tignan ang kwintas ay agad ko na ring itinago 'yon at saka ako bumaba. "Talaga po, Kuya? Wow! Hindi ko akalain na may-ari na rin pala si ate ng isang sikat na kompanya," narinig kong sabi ni Kaleigh mula sa kusina kaya ako pumunta ro'n. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok nang t
Nandito ako ngayon sa sasakyan kasama si Everett. Matapos kong kabisaduhin ang pangalan ng mga board members, at iba pang konektado sa kompanya ay agad kaming umalis dahil 7 P.M daw ang start ng party."Expect the unexpected later. And also I don't want you to wander around without informing me," sabi ni Everett. Tumango naman ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan.Kung iisiping mabuti, ang bilis ng mga pangyayari pero siguro mainam na rin 'to upang makuha agad ni Everett ang naiwang pera ng Daddy niya."We're here," sabi niya bago inihinto ang sasakyan. Napatingin naman ako sa building na nasa harapan namin.Lumabas naman si Everett ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Tumingin naman ako sa kan'ya bago ako bumaba."Drake will be your company," sabi lang nito bago naglakad paalis. Napahinga naman ako nang malalim habang tinitignan ko siya na naglalakad papalayo sa akin.Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong lungkot, hindi ko alam pero parang nalilito ako sa mga pinap
Kateryna's POVNapatingin ako sa sarili kong repleksyon matapos akong ayusan ng mga babae kanina. Agad akong napalunok nang makita ko ang sarili ko sa salamin.Nakatali ng high bun ang buhok ko, habang nakasuot naman ako ng Allure Black Square Neck Sleeveless Bodycon Midi Dress. Iyan ang sinabi ng babae na pangalan nitong damit na suot ko ngayon. Habang ang heels ko naman ay isang black stiletto.Sa totoo lang, hindi ko ni-minsan naisip na makakapag-ayos ako ng ganito. Hindi ko naisip ni-minsan na maaayusan ako ng ganito."Naks! Ang ganda mo, Kateryna! Iba ang dating mo ngayon kaysa noong sinundo kita no'ng naka-wedding dress ka," sabi ni Drake. Natawa naman ako."Feeling ko nga hindi bagay sa akin," sabi ko bago ako muling tumingin sa reflection ko sa salamin."Bagay sa'yo, trust me. Tara na? Halos seven na rin ng gabi," sabi nito habang nakatingin sa relo na suot niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumango."Tara."----"Nasaan nga pala si Everett?" tanong ko habang nakasakay
Kateryna's POVNakakapit ako sa braso ni Everett habang sabay kaming naglalakad. Hindi ko alam kung nilalamig ba ako dahil sa suot kong damit kaya ako nanginginig, o dahil sa tingin ng mga tao sa amin."You're doing okay," narinig kong bulong ni Everett habang patuloy kaming naglalakad papunta sa harapan ng lahat. Huminga naman ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko."B-Baka kasi awkward 'yong ngiti ko. Kabilaan pa naman 'yong pag-flash ng mga camera," kunwaring sabi ko. Hindi ko naman alam kung dahil ba 'to sa kaba pero pakiramdam ko bahagyang nagtaas-baba ang balikat ni Everett na para ba siyang natatawa."Your hands are cold," sabi nito. Napatingin naman ako sa mga kamay ko."Hindi lang hands, pati mga paa ko nilalamig at nagpapawis na sa sobrang kaba," sabi ko.Hindi naman siya kumibo pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko."Let me warm it up," sabi nito. Napatingin naman ako sa kan'ya, at nakatingin din siya sa akin.Mabilis akong napaiwas ng tingin b
Patuloy lamang kami sa pagtakbo ni Hunter. Maya't maya rin ang mga pagsabog at putukan ng baril ang narinig ko."A-Ano bang nangyayari? Bakit ba tayo tumatakbo?" sabi ko. Kanina ko pa nahubad ang suot kong heels dahil sa bilis ng pagtakbo namin."Kailangan makapunta tayo kaagad kay boss, Ms. Kateryna," sabi nito bago ako hinila para magtago sa likod ng isang pader."Shh lang. Huwag ka muna gumawa ng ingay," sabi ni Hunter.Hunter's POVAgad kaming nagtago sa pinaka malapit na pader. Mukhang may mga natira pa ring mga daga kanina.Mabilis kong sinilip si Ms. Kateryna na nagtatago rin sa tabi ko. Nakapikit ang mga mata niya habang nakatakip ang tenga niya.Kaasar! Wala akong ibang magawa kung hindi ang magtago dahil sa dami ng mga nakakasalubong namin. At kabilin-bilinan din ni boss na 'wag ako gagamit ng baril sa harapan ni Ms. Kateryna dahil hindi nito alam ang mundo na ginagalawan namin.Ang kaso, baka sabay naman kaming mamatay nito rito kung patuloy lang kaming tatakbo."T*ngina," b
Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring event. Ilang linggo na rin akong hindi kinikibo ni Everett.Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta matapos naming mag-usap sa kuwarto ay hindi na niya ako kinibo. Simula nang araw na 'yon ay nanatili na lang ako rito sa loob ng bahay niya.Ngayon ang araw na rin ang paglipat ni Kaleigh sa condo na binili ni Everett para sa kan'ya. Binilhan kasi siya ni Everett ng sariling condo malapit sa school na papasukan niya, alam ko rin naman na ginawa lang ni Everett 'yon dahil gaya nga ng sabi niya noon, ayaw niya na may ibang tao maliban sa amin sa bahay niya."Mag-iingat ka palagi," sabi ko sa kapatid ko habang tinutulungan ko siya sa pag-iimpake.Lahat ng gamit at damit ng kapatid ko ay galing kay Everett, na paniguradong ibabawas sa magiging sahod ko."Salamat, ate. Pero paano ka? Paano 'yong mga pinagkakautangan natin?" tanong nito. Ngumiti naman ako sa kan'ya."Ako na ang bahala sa kanila," sabi ko. Ngumiti naman ng malungkot ang ka
Kateryna's POVWala sa sariling naglalakad ako sa hallway ng hospital habang kasabay si Mazy.Wala ako ngayon sa huwisyo dahil bukod sa problema na kinahaharap ngayon ng kompanya ay hindi pa rin gising si Everett.Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin, hindi ko alam kung paano aayusin 'yong nawawalang 3 percent.Kung titignan, maliit lang talaga ang pursyento na 'yon, pero may direktong epekto pa rin 'yon sa kabuuang kita ng Gunner Corporation."What are you thinking? Don't worry, kung ang iniisip mo ay 'yong sa company I'll take care of it myself," biglang sabi ni Mazy kaya mabilis ko siyang nilingon."Thanks but no thanks. I can handle it," sabi ko bago ako tumingin sa harapan ko."B*tch," narinig kong bulong niya pero hindi na ako kumibo pa."I am the new Act---" hindi na ni Mazy natuloy ang sana ay sasabihin niya nang mabilis akong nagsalita."Pwede ba? Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Everett, but know your boundaries. I am the acting chairwoman of the board. I don't ne
Drake's POVMabilis kong sinipat si Ma'am Kateryna dahil kanina pa siya tahimik. Sa totoo lang nakakapanibago siya makitang tahimik."How's Everett, Drake?" biglang tanong ni Ms. Mazy. Mabilis ko naman siya pinasadahan ng tingin."Okay naman, Ms. Mazy. Unconscious pero overall okay naman," sagot ko."That's good to hear. Grabe, I missed him talaga. I can't imagine what he went through, if ako ang kasama niya for sure he won't get ambushed," biglang sabi nito kaya mabilis ko siyang tinignan bago napakunot ang aking noo.Paano nalaman ng babaeng 'to ang nangyari kay boss at Ma'am Kateryna? Hindi kaya siya ang may pakana no'n at nandito siya para hindi halata? Baka nalaman niya ng kasal na si boss?Hindi naman na ako nagsalita pero patuloy pa rin sa pagsasalita si Ms. Mazy kaya panay rin ang sulyap ko kay Ms. Kateryna na nanatiling tahimik habang nakasilip sa bintana."Everett and I visited a lot of tourist spots sa Japan. Grabe, he's still the same. So sweet and caring kaya no'ng umuwi
"I am Mazy Mariz McKenzie, the owner of McKenzie's Empire. Everett Gunner's girlfriend, and also Gunner Corporation's new Acting Chairwoman of the Board," sabi niya habang may isang proud na ngiti.Lalo namang umingay ang paligid namin nang dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako kumibo.Kaya pala pamilyar siya sa akin ay dahil siya si Mazy. Isang beses ko pa lang siya nakita, kaya hindi ko siya nakilala.Bahagya naman akong ngumiti bago ako huminga ng malalim.Kung hindi ko lang alam kung ano ang plano ni Everett sa babaeng 'to, baka lumabas na ako ng kwartong 'to at umuwi. Pero ako ang asawa, kahit hindi tunay ang lahat ng relasyon namin ni Everett, ako ang asawa na nakalagay sa papel kaya ako pa rin ang may karapatan.Ngumiti ako pabalik sa kan'ya bago ako tumango."I see. However, your delusions aren't welcome to OUR company. And your relationship with MY husband wasn't the reason why WE have this meeting. So, if you'll excuse us, the door is open. Anyone who's not part of the board
Mabagal kong iminulat ang mga mata ko, at saka ako tumingin sa lalaking nakahiga pa rin sa harapan ko.Malalim akong napabuntong hininga. Limang araw na, limang araw ng walang malay si Everett."Gumising ka na, Hubby," bulong ko sa kan'ya bago ako naglakad papunta sa mesa upang kumuha ng bimpo.Bahagya ko 'yong binasa ng maligamgam na tubig bago ako naglakad papalapit kay Everett. Marahan kong pinunasan ang kan'yang mukha, kamay, paa, at ang kan'yang katawan."Ilang araw ka ng tulog. Pagod na pagod ka ba?" malungkot na tanong ko bago ako napahinga ng malalim.Akma na sana akong uupo nang bigla na lamang nag-ring ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa malapit sa hospital bed ni Everett.Kunot noo ko namang kinuha 'yon at saka ko tinignan kung sino ang tumatawag."Hello?" bungad ko kay Asher."Hello, Kateryna? Busy ka ba? May biglaang meeting ang board members, at dahil wala si Mr. Gunner ay ikaw ang kailangan humarap sa kanila. Susunduin ka na d'yan ni Drake, 'wag ka mag-alala p
Kateryna's POVMarahan kong iminulat ang mga mata ko bago ako mabagal na tumingin sa paligid. Pero agad akong tumigil sa paggalaw nang dumaan ang paningin ko sa wala pa ring malay na si Everett."Everett..." nanginginig at nanghihinang pagtawag ko sa kan'ya.Nandito ako sa hospital room kung saan siya dinala matapos ng operation niya. Dito na rin ako pinagpahinga matapos akong kuhaan ng dugo.Sa totoo lang ay nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa panghihina, at pagod. Bahagya ring nanginginig ang katawan ko.Alam kong epekto 'to ng pagkuha sa akin ng dugo. Nahihirapan ako, pero handa akong pagdaanan ulit 'to kung ito lang ang paraan para matulungan ko si Everett.Hindi ako pinayagan na mag-donate ng tatlong bags ng dugo dahil isang bag lang ang maaaring i-donate ng isang tao, pero nagawan nila ng paraan para agad kaming makahanap ng dalawa pang bag.Marahan kong kinagat ang pang-ibaba kong labi nang maramdaman ko ang bahagyang pag-init ng mga mata ko, at bago ko naramdaman ang panging
Kateryna's POVNakayuko ako sa sahig habang naghihintay sa labas ng OR kung saan kasalukuyang inooperahan si Everett para tanggalin daw ang mga bala na pumasok sa loob ng kan'yang katawan.Pero papaanong nakaroon siya ng bala sa loob ng katawan niya? May nangyari ba no'ng tulog ako?"Huwag ka mag-alala, Kateryna. Si Mr. Gunner pa ba? Matagal mamatay mga masasamang damo," sabi nito.Tinignan ko naman siya bago ako tumango pero hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko."Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa kan'ya, Asher. Kung alam ko lang na magkakaganito si Everett edi sana hindi na lang ako natulog," sabi ko."Huwag ka naman magsalita na para bang mamamatay si Mr. Gunner, Kateryna. At saka tara na, mag-na-nine na ng umaga hindi ka pa kumakain," sabi nito.Umiling naman ako bilang pagsagot."Wala akong gana, eh," sabi ko bago ko muling nilingon ang pinto ng OR."Bakit ba ang tagal? Alas-tres pa lang ng madaling araw nand'yan na sa loob si Everett," sabi ko. Tumingin din sa pinto
Kateryna's POVNanatili akong nakahiga sa passenger seat habang hinihintay ang pagbabalik ni Everett.Sa totoo lang, gusto ko na talaga lumabas at sumilip sa kung anong nangyayari. Baka kasi nasiraan pala talaga kami tapos malala, para makahingi na ako ng tulong.Marahan kong ibinaba ang bintana sa tabi ko upang sana ay sumilip ngunit hindi ko na nagawa dahil may biglaang na lamang humarang sa akin."Wi--" nagulat naman ako nang biglang dumungaw si Everett.Akma ko na sanang ibubuka ang bibig ko ngunit nagulat ako nang bahagya siyang ngumiti sa akin bago tumalikod.Tatanggalin ko na sana ang suot kong earbuds nang biglang hawakan ng kanang kamay ni Everett ang mga kamay ko. Napatingin naman ako sa mga kamay niya, bago sa kan'yang likod.Bakit gano'n? Bakit malamig ang mga kamay niya, at bahagya siyang nanginginig?"Hubby..." pagtawag ko sa kan'ya. Mabilis niya naman akong nilingon bago siya ngumiti at naglakad papunta sa driver seat at doon naupo.Kunot noong nakatingin naman ako sa k
"Call me whenever you want. Don't wait for me to call you," sabi ni Everett habang nagmamaneho.Wala sa sarili naman akong tumango bilang pagsagot sa kan'ya.Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan niya pauwi na kung saan kami nakatira. Aalis kasi siya, at muling babalik kay Mazy."Wif," pagtawag nito kaya agad ko siyang nilingon."Hmm?" pagsagot ko. Nagulat naman ako nang bigla niyang igilid ang sasakyan at bigla siyang tumingin sa akin."What's the matter?" biglang tanong nito habang titig na titig sa akin.Ngumiti naman ako sa kan'ya bago ako napaiwas ng tingin."Pagod lang ako," sagot ko bago ako napalunok. Pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Everett ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kan'ya."Is this about Mazy?" tanong nito.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako akmang sasagot na sa kan'ya pero naunahan niya ako."She's at the hospital, and I need to go there to accompany her. She's unconscious that's why I went home. And the reason why I need to be by her side before s
"Shall we start our own family?" tanong nito na dahilan para magulat ako."H-Huh? Hindi ba dapat ginagawa 'yan kapag mahal ng dalawang tao ang isa't isa?" tanong ko.Makabuluhang ngumiti naman si Everett bago muling siniil ng halik ang labi ko. Gusto ko sana magsalita pero hindi ko magawa dahil masyadong malikot ang dila niya na nasa loob ng bibig ko."Hmm," ungol ko sa pagitan ng halikan naming dalawa.Patuloy lang kami sa aming ginagawa nang maramdaman ko ang pagsipa ni Everett sa pintuan ng kwarto at ang paglapat ng katawan ko sa malambot na kama.Napalunok pa ako nang makita ko kung paano niya ako tignan.Halos mapugto naman ang hininga ko nang nagsimula siyang halikan ang paa ko, paakyat sa binti ko hanggang sa umabot siya sa shorts ko na siyang nakaharang sa pagkababae ko.Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kmapit sa unan na nasa ulo ko upang doon kumuha ng lakas nang mabilis na hinubad ni Everett ang shorts at undies ko bago nagsimulang halik-halikan ang pagkababae ko."