Patuloy lang kaming naglakad ni Everett. Ngunit agad akong naging alerto nang ilabas niya Glock17 Gen5 9mm Semi Automatic Pistol na kinuha niya sa loob ng suot niyang coat."People just f*cking know when to f*cking pissed me off," narinig kong sabi nito."Alam mo na ba, boss?" tanong ko. Hindi naman ito sumagot kaya napailing na lang ako.Kababata ko si Everett, close naman kami nito ang kaso lumayo ang loob niya sa amin matapos siyang i-train ni tito Warren. Palagi rin siyang nakangiti, at masaya kagaya ng mga normal na bata. Pero nagbago ang lahat ng 'yon nang patayin si tita Eliza, ang mommy ni Everett.Naging brutal ang pagkamatay ni tita kung kaya't gano'n na lamang ang naging galit ni tito Warren. At 'yon na rin ang naging mitsa upang magbago nang tuluyan si Everett."Wew," sabi ko nang barilin diretso sa ulo ni Everett ang apat na lalaking nandito ngayon sa fourth floor. Sinilip ko pa ang eyepiece para makita kung saan nakatutok ang Barrett M82 ng isang lalaking binaril ni Evere
Sabay kaming pumasok ni Vivian sa bahay nila. Malaki ang bahay nila, halos mansyon na nga 'to pero hindi kasing laki ng bahay ni Everett.Nakita ko si tita na seryosong nakatayo sa veranda nila habang may kausap sa cellphone."What do you mean? He cannot just have her like that!" narinig kong sabi niya. Agad namang tumingin sa akin si Vivian."Mom? Kateryna's here," sabi ni Vivian. Agad namang tumingin sa akin si tita Coreen bago niya pinatay ang tawag. Mabilis din siyang lumapit sa akin."Nasaan kayo ni Kaleigh? Nag-alala ako sa inyo," sabi nito bago ako niyakap. Bahagya naman akong ngumiti.Ganito palagi sa amin si tita Coreen kahit na no'ng namatay na sina Mama."Ah, stay-in po ako sa trabaho ko," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil totoo namang stay-in ako sa bahay ni Everett, dahil ako ay rented wife niya.Tinignan naman ako ni tita Coreen bago niya ako pinaupo."Saan naman 'yon, iha?" tanong niya habang titig na titig sa akin."Mom, phone cal
Mabagal akong naglalakad habang patuloy na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Aling Glo.Pero bakit naman gagawin 'yon ni Everett? Bakit naman niya papatayin si Mang Ronie?At isa pa sa iniisip ko ang sinabi sa akin ni Vivian, pati ang biglaang pagbabago niya no'ng nasa loob na kami ng bahay nila. Pati na rin ang kakaibang kilos ni tita Coreen."Kateryna," agad akong napatingin sa harapan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Hindi ko alam pero nawala lahat ng kaba na mayroon ako kanina, pero nanatili pa ring mabilis ang tibok ng puso ko."Everett," untag ko. Bumaba naman siya sa sasakyan niya bago siya tumayo sa harapan ko. Napalunok naman ako habang nakatingin sa kan'ya.Nandito kami ngayon sa kalsada kung saan kami unang nagkita, kung saan una ko siyang nakilala."It's getting late. Let's go home," sabi nito bago inilahad ang kamay niya sa harap ko. Napatingin naman ako ro'n bago sa kan'yang mukha.Bakit ganito? Bakit kahit may chance na siya nga ang pumatay kay
"Happy first monthsary and more to go, Kateryna," sabi ni Everett habang may hawak na bulaklak sa harapan ko. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko kinuha ang bulaklak.Naglakad kami papunta sa mesa na nakalagay sa gitna. Napapalibutan 'yon ng mga red roses at candles. Napatingin pa ako sa buong paligid bago ko ibinalik ang tingin ko sa kan'ya. Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko.Hinila niya ang upuan para makaupo ako, ngumiti naman ako sa kan'ya. Akala ko aalis na siya sa harapan ko pero nagulat ako nang bigla akong may naramdamang malamig na bagay sa leeg ko.Agad ko 'yong hinawakan. Isa 'yong kwintas, halos mapanganga naman ako sa ganda nito."Kakabigay mo pa lang sa akin ng kwintas," sabi ko sa kan'ya bago ako tumingin sa kan'ya. Ngumiti naman siya bago tumingin sa akin."The first necklace was a customized design that I chose myself," sabi ni Everett habang nakatingin sa suot kong kwintas na regalo niya sa akin para sa kasal nam
Marahan kong iminulat ang mga mata ko bago ako napatingin sa paligid.Nandito na pala ako sa kuwarto ko sa bahay ni Everett. Sa sobrang pagod ko kasi kagabi ay hindi ko namalayang sa loob ng kotse na pala ako nakatulog.Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Everett sa akin kagabi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko 'to kaya hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko.Napatingin naman ako sa bag ko na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Kinuha ko 'yon at binilang ang lamang pera ng wallet ko.Hindi niya rin binawasan ang sahod ko sa mga nagastos niya sa amin ni Kaleigh. Sa bagay, ito ang unang beses na sumahod ako, baka ibawas niya 'yon sa mga susunod kong sahod.Napahinga ako nang malalim bago ako napatingin sa bulaklak na nakapatong sa sofa na nandito sa kwarto. Tumayo pa ako upang lumapit at makuha 'yon. Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa bulaklak.Normal pa ba 'tong nararamdaman ko? O nararamdaman ko lang 'to dahil
Mabilis na lumapit sa amin si Everett habang masamang nakatingin sa dalawang gwardya na may hawak sa mga braso ko."What the f*ck are you doing?" tanong nito bago ako inalis mula sa mahigpit na pagkakahawak nila."Sir, that woman entered your office. Fortunately, I saw her before she could do anything wrong. I guess she's a thief," sabi ng babae habang tinuturo ako."So, you're the m*ron who asked these two d*mwit to drag my wife?" galit na tanong ni Everett bago ako tinignan.Hindi naman ako nakapagsalita, tanging pagyuko na lamang ang nagawa ko.Tama, kahit anong ayos ang gawin sa akin, o gawin ko, lalabas pa rin talaga kung saan ako nagmula.Nakita ko namang nagulat ang babae at ang dalawang guard."P-Pasensya na Sir. Nautusan lang kami ni Ma'am Clineth," sabi ng guard bago tumingin sa babae."I-I'm sorry, Sir. But, wife?" tanong ng babae. Kaagad naman siyang tinignan ulit ni Everett."Any f*cking problem, Rios?" tanong naman pabalik ni Everett.Agad namang ngumiti ng pilit ang bab
Nandito ako ngayon sa kusina at naghuhugas ng baboy para sa lulutuin kong ulam. Plano ko sanang magluto ng makakain namin ni Everett dahil after ko umalis kanina ay wala pa akong kain.Ito na rin ang paraan ko para makalimutan ang nangyari kanina sa opisina."What are you doing?" narinig kong tanong ng isang lalaki malapit sa akin. Mabilis ko siyang nilingon.Nakasandal siya sa mesa habang may hawak na mansanas, at kinakain 'yon."Magluluto ako ng ulam. Hindi pa pala tayo kumakain," sabi ko."I see. Who taught you to cook?" tanong nito bago lumapit sa akin. Mabilis ko naman siyang pinasadahan ng tingin.Nakasuot na siya ng white fitted shirt, at isang itim na sweatpants. Agad ko namang iniiwas ang paningin ko sa kan'ya nang maalala ko ang ginawa niya kanina."Walang nagturo sa akin pero no'ng buhay pa ang mga magulang ko, nakikita ko kung paano magluto si mama," sagot ko. Hindi naman na siya sumagot kaya mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin."Hindi ka na ba papasok?" tanong ko."Na
"Saan ba tayo mamimili?" tanong ko bago ko inilibot ang paningin ko.Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan. Matapos kasi namin kumain ay umalis na rin kami para mamili ng mga stocks sa bahay ni Everett."At the the mall," sagot nito kaya agad ko siyang nilingon."Mall? Bakit sa mall pa? Ang mahal kaya do'n!" sabi ko habang nakatingin sa kan'ya. Hindi naman siya kaagad kumibo pero mabilis niya akong pinasadahan ng tingin."Where do you prefer to buy then?" tanong nito. Napahawak naman ako sa baba ko bago nag-isip."Sa palengke!" sabi ko habang nakangiti. Nakita ko namang titig na titig siya sa akin bago kumunot ang kan'yang noo."Hell, no!" sabi nito bago biglang nag-park ng sasakyan sa gilid kaya napakunot ang noo ko."Mas mura kaya sa palengke. Marami pang uri ng mga isda, at gulay. Pwede pa tayo humingi ng tawad," sabi ko. Nakita ko namang mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya."Tawad? Why would we beg for f*cking forgiveness?" inis na tanong nito na siyang nagpakunot ng noo ko
Kabilaan ang sigawan ng mga lalaki habang tuwang-tuwang nakatingin sa monitor kung saan kitang-kita ang nasusunog na bahay kung nasaan kanina si Everett.Nanatili naman akong nakatayo at nakatulala lang sa gilid habang pinagmamasdan ang tawanan nila."Ms. Kateryna, tara na," narinig kong bulong ng kung sino sa gilid ko. At nang tignan ko kung sino 'yon, bumungad sa akin ang mukha ni Liam.Pero wala akong maramdaman, pakiramdam ko namanhid ako. Ang kaninang masakit na katawan ko ay hindi ko na maramdaman, pero damang-dama ko ang kirot mula sa dibdib ko.Muli kong nilingon ang mga lalaking nagsisigawan bago ko ibinalik ang tingin ko sa monitor."Pinatay niyo si Everett," sabi ko bago ako tumingin muli sa paligid. Tumingin naman sila sa akin bago sila tumawa."Bakit? Anong akala mo sa amin? Bubuhayin talaga 'yong gagong 'yon? Asa!" sabi pa ng lalaki bago tumawa muli at nakipag-apir sa katabi niyang lalaki.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko,
Napatingin ako sa papel na hawak ko bago sa gate na nasa harapan ko. Tingin ko nasa tamang lugar naman ako.Pinasadahan ko pa ng tingin ang folder na nakapatong sa dashboard ko na naglalaman ng information tungkol sa mafia group na kumuha kay Ms. Kateryna.Base kay bossing, ang pangalan ng mafia group na 'to ay Wilboe Mafia. Bago lamang sila sa underground pero bumabangga na sila ng mga malalaking grupo, kaya naman hibang sila para pagka-interest-an ang asawa ni Mr. Gunner.Gusto kasi nila na mapansin ng iba pang malalaking mafia groups para kuhain sila at maging ka-alyansa dahil sa pagiging affronting nila. Kaso, nagkamali sila ng napili.At ang rason kung bakit nandito ako ay para makita ko kung maayos lang si Ms. Kateryna at masigurado ang kaligtasan niya.Tinignan ko ang itsura ko sa rear view mirror. Napangiti ako ng bahagya nang makita kong maayos naman na ang itsura ko.Matapos no'n ay agad akong bumaba ng sasakyan at lumapit sa gate. Napatingin naman sa akin ang mga lalaking
Kateryna's POVMabagal kong idinilat ang mga mata ko habang nakasandal ako sa matigas na bagay.Umiikot ang paningin ko at pakiramdam ko ano mang oras ay mabubuwal ako mula sa pagkakaupo."Mabuti naman at gising ka na," sabi ng isang lalaki na nasa harapan ko.Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Mabilis ko siyang tinignan at ang iba pang mga lalaking nakapalibot sa akin. May kakaibang ngisi sa labi niya habang nakapatong ang isa niyang paa sa papag kung saan ako nakaupo."Gising!" sabi ng isa bago ko naramdaman ang pagtama ng malamig na tubig sa buong katawan ko."Tignan natin kung tutulungan ka ba ng Gunner na 'yan," sabi ng lalaki na bumuhos sa akin ng tubig bago tumawa ng malakas.Sabay-sabay silang nagtawanan habang nakatingin lang sa akin.Mabilis na tumibok ang puso ko. Gusto ko sanang magsalita pero may takip ang bibig ko ng damit at tape.Iniiling ko ang ulo ko upang pigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung takot ba ako sa m
Agad akong bumaba sa sasakyan ko nang makarating ako sa Gunner Corporation. I'd been spying them since they met Kateryna, so I know where to find them.Mabilis akong umikot sa likod ng building at pumasok sa pinakatagong pinto. Isa ito sa dinadaanan ng mga tauhan ni Gunner, dahil meron din silang hideout sa loob mismo ng Gunner Corporation.I moved swiftly to ease my rapid heart. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila kay Kateryna, I can't be nosy yet to that mafia group dahil bago pa lang ako.I smiled nang ma-realize kong wala gaanong tao rito sa loob.Gunner's indeed smart dahil maliligaw ka sa lugar na 'to kapag hindi mo alam kung saan dapat pumunta. Good thing dahil namanmanan ko na pumasok dito ang isa sa tauhan niya."Move and I'll make sure you won't fucking see the sunrise anymore," coldly he said. Napalunok ako dahil sa kung gaano kaseryoso ang boses nito.I knew him dahil madalas siyang topic ng Nox, and I knew him dahil siya ang isa sa mafia boss na kinatatakutan ng karam
"What are you doing here, Mazy?" tanong ni Everett sa babaeng nasa harap namin. Muli ko namang tinignan ang babae na nanatiling nakatingin din kay Everett habang may kakaibang ngiti. "I missed you," biglang sabi nito bago mabilis na naglakad palapit sa lalaking katabi ko. Napatingin naman ako kay Everett bago sa kamay naming magkahawak nang bitawan niya 'yon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko paulit-ulit na sinaksak ang dibdib ko at pakiramdam ko pinatay ako ng paulit-ulit. "I missed you," sabi ulit ng babae habang nakangiti at yakap kay Everett. "What are you doing here?" muling tanong ng lalaking katabi ko pero matamis munang ngumiti ang babae bago nagsalita. "I just missed you. You suddenly stop calling me, is there any problem?" sagot nito bago hinalikan sa labi si Everett. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon, habang paulit-ulit pa ring sinasaksak ang dibdib ko. Bahagya akong napaatras nang nakatingin sa kanila. Pinagtitinginan ka
Asher's POV "Kapagod," narinig kong untag ni Liam bago siya naupo sa katapat kong sofa. "Tapos ka na?" tanong ko sa kan'ya. Tumango naman siya bago bugnot na pumunta sa kusina. "Problema no'n?" tanong ko bago ko nilingon si Hunter na nakasimangot. "Anong nangyari sa inyo? Bakit pang-biyernes santo mga mukha niyo?" natatawang tanong ko. "Tangina. Ang dami pala talagang utang nila Ms. Kateryna. Hindi maubos-ubos 'yong mga dumadating kanina, feeling ko nga 'yong iba nagkukunwari na lang," sagot ni Hunter bago naupo sa tapat ko. Muli akong natawa bago ko ininom ang hawak kong alak. Napag-utusan kasi sila ni Everett na bayaran na ang ibang pagkakautang ni Kateryna. No'ng una ayaw niyang bayaran dahil baka raw umalis na lang bigla ang rented wife niya, pero ngayon? Lahat pinabayaran niya. 'Paano kaya kung magbayad si Kateryna sa mga 'yon?" tanong ko. "Sinabihan na namin sila na kapag pumunta sa kanila si Ms. Kateryna para magbayad, 'wag na nila tanggapin 'yong bayad," sagot ni Hunte
Patuloy akong hinalikan ni Everett habang isa-isa niyang hinuhubad ang suot naming dalawa.Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa kaliwang dibdib ko."Hmm, Everett," ungol ko bago ko kinagat muli ang pang-ibaba kong labi.Kabilaan naman ang paghalik na ginawa niya sa labi at sa leeg ko. Halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang sarap at kiliti na nararamdaman ko.Bigla naman akong napaigik nang maramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin papunta sa ibabaw ng mesa niya. Isang mabilisang igilid niya ang mga nakapatong na gamit do'n upang maiupo niya ako nang maayos."'Y-Yong pinto," sabi ko habang nakatingin sa pinto.Hindi naman kumibo si Everett pero may kung ano siyang pinindot sa gilid ng mesa bago niya nilislis ang suot kong dress."Ohhh," mahinang ungol ko nang maramdaman ko ang mainit niyang labi sa kanang dibdib ko.Sinisipsip at hinalik-halikan niya ang dalawang dibdib ko bago ko naramdaman ang daliri niya na lumalakbay p
Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak ni Everett nang makapasok na kami sa loob ng opisina niya."What's the matter?" tanong niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.Bakit ba kasi bini-big deal ko masyado 'yong tungkol sa ex-girlfriend niya?"Wala naman. Aalis kasi ako ngayon, pupunta ako sa dati naming bahay. Hindi pa ako tapos magbayad sa mga utang namin," sabi ko bago ko siya nilingon.Nakakunot pa rin ang noo niyang nakatingin sa akin."Aalis na ako," sabi ko pa pero nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang kamay ko."Wait! Tell me, are you mad?" tanong nito habang hawak ang kamay ko kaya naman napatingin ako ro'n."Hindi," sagot ko bago ako akmang bibitaw na sa hawak niya ngunit bigla niyang bahagyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko."Are you mad because I called off our supposed visit to your restaurant?" tanong nito na naging dahilan para ako naman ang mapakunot ang noo."Your?" tanong ko ulit.Tumango naman siya bago ako bahagyang hinila papunta sa mesa niya.Iniabot niya s
Mabilis kong inayos ang suot kong damit nang marinig ko ang mga yabag na papunta rito sa kwarto ko."Ms. Kateryna?" narinig kong pagtawag ng kung sino kaya agad na kumunot ang noo ko bago ako naglakad papunta sa pinto at binuksan 'yon."Asher? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya nang siya ang bumungad sa akin. Kinamot naman niya ang kan'yang ulo."Ah, si Everett kasi may biglaang meeting. Sabi niya ako na lang daw ang sumundo sa'yo," sabi nito kaya naman bahagya akong tumango.Ang usapan kasi namin ni Everett kagabi ay lalabas kami para kumain sa bagong bukas niyang japanese restaurant."Gano'n ba? Kung gano'n naman pala saan tayo pupunta?" tanong ko. Ngumiti naman si Asher bago nagkamot muli ng ulo."Sa Gunner Corporation. Sabi niya may kailangan daw siyang asikasuhin kaya kailangan ka niya mamaya," sagot nito sa akin bago siya ngumiti.Tumango naman ako bilang pagsagot kahit na may kirot akong nararamdaman sa dibdib ko.Matapos kasi namin umuwi ni Everett no'ng nakaraang li