If there's one thing Asianna hated the most, that is leaving. Leaving and left something she started to love and started to feel at ease with behind. Mga bagay at mga taong natutunan na niyang pahalagahan.
Ever since she was a kid until she grows up, all she can remember is that they always leave. They don't stay and live permanently in one address. Hindi na niya mabilang kung nakailang lipat na sila mula noon. And now it's happening again. Nakatakda na naman silang umalis. She was speechless when her Mom told her earlier to pack her things dahil aalis na sila sa bahay na iyon. Sa bahay na wala pang isang taon nilang tinitirhan. And after saying that so casually, tumalikod ito na para bang normal na pag alis lang ang kanilang gagawin. No further words. No explanation. Basta sinabi lang nitong mag impake siya. And that they are leaving at dawn tomorrow. That was all. And because she already turn her back on her after saying that, she was left there with the same unanswered question she has since they started to moved from one place to another from the time she couldn't remember anymore. With a heavy heart, she roam her eyes at the four corners of the room. Ang buong akala niya, magtatagal na siya sa kwartong iyon, hindi pa rin pala. "Sianna, tapos ka na bang--" Her mother, as she open the door halted her step when she saw her just sitting on her bed. Inikot nito ang mga mata, and her brows furrowed as she realized that she didn't pack her things yet. Bumaling ito sa kanya. "Bakit hindi mo pa inimpake ang mga gamit mo? Di ba sinabi kong aalis tayo bukas ng madaling araw. Bakit--" She coldly darted her eyes on her. "What is the reason this time Mom? I mean the real reason?" tiim ang mga labing tanong niya. Hindi na pwedeng hindi niya marinig mula rito ang totoong dahilan. Hindi na siya bata para maging sunod-sunuran nalang dito oras na sabihin nitong aalis na naman sila at lilipat. "And please, kahit ngayon lang maging tapat kayo sa akin." dugtong niya sa seryosong tinig. Umangat ang tingin nito sa mukha niya. Hindi man sabihin, alam niyang nagulat ito. Hindi sa tanong niya kundi sa kalamigan ng kanyang boses. Hindi ito nakapagsalita agad. But she look at her as if she wanted to tell her something. At naghintay siya. Pero sa di malamang dahilan ay hindi nito itinuloy, bagkus iniwas nito ang tingin bago humakbang papasok sa loob ng kanyang kwarto. Dumako ito sa kanyang closet at ito na mismo ang naglabas ng kanyang mga damit. Kinuha nito ang maleta niya sa ilalim ng kama, binuksan at pagkatapos ay isinilid doon ang mga damit niyang hawak-hawak nito. "Maaga pa tayo bukas. Susunduin tayo ni Enzo at ihahatid sa airport. Alas siyete y medya ang flight natin papuntang Davao. Pagdating natin doon--" "So, it is Davao this time.." she chuckled sarcastically. Lumunok ito. But as always, she just turn her head and pretend that she didn't heard her. "Tell me, are we playing hide and seek all this time mom?" Natigilan ito. "Hindi pa nga tayo umaabot ng isang taon dito sa Quezon, ngayon sa Davao na naman tayo titira? Ilang buwan naman kaya tayo doon? And where is our next destination after? Cebu? Zamboanga? O baka naman sa ibang bansa na? Wala na bang katapusan itong pagtatago natin?" "We're not hiding Asianna." She said not looking at her. "Kung ganoon ano ang tawag ninyo sa palagi na nating ginagawang ito? You told me that we're aren't in hiding, but we are always running away from one place after another? Hindi pa ba kayo napapagod sa ganito? Masahol pa tayo sa kriminal na nagtatago sa batas! And everytime you plan to leave, you've always told me to pack without giving me heads on. Agad-agad na para bang hinahabol tayo at dadamputin ano mang oras!" "Our lease on this house was over. Iyon ang dahilan kaya tayo aalis!" "Huh!" She smirked, almost roll her eyeballs. Wala na ba talaga itong ibang maidadahilan sa kanya kundi iyon? "You can always pay it. We're not broke, aren't we?" Tiningnan niya ito ng may paghahamon. Nagbabakasakaling sa pagkakataong ito ay sasabihin na nito sa kanya ang pinakatago-tago nitong lihim. Ang lihim na hindi nito masabi-sabi sa kanya. Ang lihim na noon pa man ay kuryoso na siyang malaman. "Please Sianna, huwag ng maraming tanong. Sundin mo nalang ang--" "Tell me, nalaman na naman ba ng pamilya ni Dad ang kinaroroonan natin kaya aalis na naman tayo?" Sa pagkakataong iyon tila ito napako sa kinalalagyan. She saw her winced and swallowed. Noon pa man, may kutob na siyang iyon ang dahilan. Na may unang pamilya ang kanyang ama at isang kabit lamang ang kanyang ina kaya ganoon nalang sila kung magtago. Hindi iisang beses niyang itinanong iyon dito noon. "Are you and dad having an affair behind his wife back?" She remember she first asked that when she was just twelve years old. Noong mga panahong nagsisimula na siyang magtaka kung bakit palipat-lipat sila ng tirahan at hindi nila palaging nakakasama ang kanyang ama. She asked that because it was the only reason she thought possible. Pero ikinaila iyon ng kanyang ina. "We are his only family. The legal one. Wala ng iba. Keep that always on your mind." She never believed it back then, but she kept silent. Sinarili na lamang niya ang inisip niyang iyon dahil isinalang-alang niya rin ang nararamdaman nito. If what she thought was true, alam niyang masakit iyon dito. That's why she kept silent. But now... its already pissing her off. Pero mas nairita yata ang kanyang Mama. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na walang ibang pamilya ang dad mo? He and I are married. Ipapakita ko pa ba sayo ang marriage contract namin para maniwala kang hindi ako kabit?" "Then at least tell me why we are always running away? Alam kong may matinding dahilan kaya tayo palipat-lipat ng tinitirhan. Could you at least tell me what is it so that I'll understand?" Nagtagis ito ng bagang pagkunway yumuko at mariing pumikit. At sa mapait na boses ay nagsalita. "I hope I could tell you everything Sianna. I'm almost at the edge too. Hirap na hirap na ako kung alam mo lang. Pero mas mahirap para sa akin na sabihin sayo ang lahat. Yes, I know you're not a kid anymore that we can always fool, pero hindi pa ako handa,h hindi ko pa kaya.." Umangat ang tingin nito sa kanya. "So can you please give me a little time? I promise, I'll tell you everything, okay?" She winced. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mga mata nito. And the way her voice sound like almost begging mahihinuha niyang hindi nga marahil madali para rito na sabihin sa kanya ang kung ano mang lihim nito sa likod ng kanilang paiba-iba ng tinitirhan. And seeing her like this, tormented and in disdain, all of her questions melted like candle in a dessert sun. Gaano ba talaga ka karumal-dumal ang katotohanang iyon para mahirapan ito ng ganito? Lumunok siya pagkunwa'y malalim na bumuntong hininga. Siguro nga, may tamang pagkakataon para malaman niya ang lahat. Unfortunately, that time wasn't now. "Sa pagkakataong ito ba makakasama na natin siya? Or is it the two of us again?" Instead she asked. Hindi na naman siguro krusyal ang tanong na iyon. Kahit iyon lang, masagot nito. "Does he have a plan on seeing us before we leave? O kagaya lang din ng dati na bibisitahin niya lang tayo once in a blue moon sa kung saan lupalop tayo ng Pilipinas lilipat?" She saw how her mother grip tightened on her luggage. "You know that he's busy. Umuuwi naman siya sa atin kapag hindi siya abala." Sagot nitong pagkunwa'y muling ibinalik ang atensyon sa pag-iimpake. She could sense that she's avoiding her yet again. Ah, mababaliw na talaga siya. She hope that she would at least tell her about him so she would have even a little clue, pero pati iyon ay ipinagkakait nito sa kanya. And it was always like this. Everytime she asked about her father, palagi din itong umiiwas. She always act as if it was a sin to know any details about him. It was the reason why she thought that maybe they're just his iligitimate family. Ngunit alam niyang hindi rin nagsisinungaling ang kanyang ina ng sabihin nitong sila lamang ang pamilya ng kanyang ama. She is secretive, yes, but never a lier. Pero nasaan na nga ba ngayon ang kanyang Papa? Even that, she wasn't able to tell her. Magmula ng magkaisip siya, mabibilang lang yata ang pagkakataong nagkita sila ng kanyang ama. Even in the most important occasion of her and her moms life, he rarely come at kung kailan hindi na siya umaasa na uuwi ito, magugulat nalang siya na naroroon ito sa kung saan man silang bahay na nakatira. Their situation is nothing in ordinary. Noon pa man alam niyang may mali and as much as she wanted to know the truth it feels like the more it slip away from her. At sa huli, tulad rin noong mga nagdaan, wala rin siyang magawa kundi iimpake ang kanyang mga gamit at maghanda para sa isa na namang paglalakbay. Isang paglalakbay na walang kasiguruhan kung ano ang naghihintay na bukas para sa kanilang mag ina. Ngunit may bukas pa nga bang dadating sa kanila kung hindi pa man nagbubukang-liwayway ay nagimbal nalang sila ng dumating si Enzo, armado at puno ng dugo ang katawan!"Nasaan siya? Bakit mo siya iniwan?!" Nasa kalagitnaan na ng gabi ng maalimpungatan siya sa ingay na narinig mula sa labas. At hindi pa man niya naididilat ng maayos ang kanyang mga mata ay narinig niya ang histerikal na boses ng kanyang Mama. Ang boses nitong nagpagising ng tuluyan sa kanyang diwa. Dahil doon napabangon siyang bigla at napatakbo sa pinto ng kanyang kwarto at lumabas. Her mom was in hysterics as she cling into the man's arm infront of her na para bang kung hindi nito iyon gagawin ay matutumba ito. Iyon ang tagpong nadatnan niya. Her mom was desperately crying infront of Enzo. Na nong masilayan niya ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. "Enzo!" Nakita niya pa ang gulat na rumehistro sa mata ng mga ito ng lingunin siya. Pero hindi niya na iyon masyadong binigyan ng pansin. Tuloy-tuloy ang ginawa niyang pagtakbo papunta sa mga ito. Palipat-lipat ang mga mata niya sa kanyang Mama na noo'y luhaan at puno ng pangamba ang mukha at kay Enzo mismo na puno ng pula
"Kailangan kong bumalik.. si Mommy.. si Dad.. Enzo babalik ako..." Paos niyang sambit habang nagpupumilit na kumawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Enzo. "E--Enzo ano ba! Bitiwan mo ako! Babalik ako sabi eh!" "Sianne hindi natin pwedeng gawin iyon! Mapapahamak tayo!" "Wala akong pakialam! Hindi ko sila pwedeng iwan! Hindi ko sila iiwan!" She tried to struggle again, but his hold of her is firm and tight. Wala talaga itong balak na bitawan siya kahit maubos man ang lakas niya sa kakapiglas. Bagkus ay mahigpit siya nitong niyakap. He is trembling too. Kung sa takot rin o dahil sa simpatiya sa kanya hindi niya alam. "Sabi mo magiging okay lang sila.. sabi mo walang mangyayari sa kanila.." Halos wala ng boses na sabi niya. Her tears are blinding her as she watched the blazing fire infront of her. If it was a nightmare, can please someone wake her up? "Hanapin ninyo si Lorenzo at ang anak ni Anton! Hindi pa nakakalayo ang mga iyon!" A voice as fierce as the fire thun
"Mukhang alam na nila na dito tayo papunta. We need to get out of here before they'll find us." Madilim ang mga mata at tagis ang bagang na sabi ni Enzo. Inayos nito ang pagkakasukbit ng armalite nito na tila inihahanda na nito ang sarili para gumanti ng putok. "Let's go this way, Sianne." He pull her once again. This time, to the opposite direction kung saan mas makapal at matataas ang mga talahib. Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong tumutol. They run into that dark side of the woods not minding the sharp torn of those unknown bushes slashing her flesh. Kahit ang mga matutulis na bato na kanyang natatapakan ay hindi na rin niya alintana. Those sharp rocks and twisted roots of the trees is adding an extremely pain into her already swollen feet. "Sa dulo ng gubat na ito ay ang highway. Pilitin mong makarating doon at humingi ka ng tulong. Sa ganitong oras may mga iilan ng dumadaang sasakyan ng mga magsasaka na papuntang bayan upang mag deliver ng kani-kanilang mga panind
"Sianne, siya si Lorenzo. Simula sa araw na ito, dito na siya sa atin titira." Isang patpatin na batang lalake ang nadatnan niya sa kanilang bahay ng umuwi siya mula sa pinapasukang paaralan. Kasama itong umuwi ng kanyang ama mula sa ilang buwan na naman nitong hindi pagpapakita sa kanila. "Say hi to him Sianne.." nakangiting sabi ng kanyang Mama na inakay pa siya. Pero pumiglas siya. Tiim ang mga labi lang niyang tiningnan ang kaharap na noo'y tahimik lang din at blanko ang ekspresyon. "Pasensiya ka na Enzo, hindi kasi sanay si Sianne na may ibang tao kaming nakakasama sa bahay." Umangat ang tingin nito sa kanyang ama pagkunwa'y kiming ngumiti. "O-Okay lang po tito Anton.." sagot nito saka muling ibinalik sa kanya ang mga mata. She smirked. Her eyes were on her Father's hand. Magiliw itong nakaakbay sa balikat ng kaharap. "Papasok na po ako sa room ko mommy." sabi niyang hindi na tinapunan ng tingin ang mga kaharap. Tuloy-tuloy ang ginawa niyang paghakbang at walang lin
Pero hanggang kailan nga ba mananatili sa puso ni Sianne ang panibugho at pagkairita na nararamdaman nito para kay Enzo? "Mommy! Mommy!" Nanginginig na sigaw ni Sianne habang matulin ang takbo. Sa kanyang braso ay sukbit niya ang backpack na halos hinihila na lamang niya. She is crying histerically. Hindi na siya nag abalang lumingon sa sumusunod sa kanya sa takot na baka maabutan siya nito sa oras na lumingon siya. She continue her run while screaming mercy. At mas lalo pang nadagdagan ang takot niya sa naririnig niyang sunod-sunod nitong tahol na tila galit na galit. The black dog eyes shows no mercy. He is running after her angrily as if he wanted to devour her alive. "Mommy! Daddy!" She cried again. Deep inside her, she is wishing earnestly for someone to help her. But seems like no one has heard her. Walang katao-tao ang daan kung saan siya naroroon. "Aghh" Alam niyang may hangganan ang lakas niya. At kasabay ng huling sigaw niyang iyon ay ang tuluyan niyang pagbag
"Enzo!" Hinihingal at pabiglang napabangon mula sa kinahihigaan kama si Asianna para lamang mapakunot-noo ng mapansin ang hindi pamilyar na kwarto kung saan siya naroroon. "You're awake." Isang baritonong boses ang narinig niyang nagsalita. Agad niyang inangat ang ulo sa pinagmulan niyon. Isang bulto ang nasilayan ng kanyang mga mata na kampanteng nakadekwatro sa couch kanugnog ng malawak na kwartong iyon. Ibinababa nito ang hawak na papeles sa gitnmg mesa at tumayo. She just stare at him blankly, wondering who the hell is that man. Nang humakbang ito palapit sa kinaroroonan niya ay sinundan niya lamang ito ng tingin. Still in faze. "Kumusta ang pakiramdam mo? Gusto mo bang tumawag ako ng Doctor?" Nang marinig niya muli ang malamig at baritono nitong boses ay saka pa lamang siya tila natauhan. Napapitlag siya. He's already on the side of bed. She swallowed. Inangat niya ang kanyang tingin papunta sa mukha nito and the first that capture her attention is his eyes. Its
As she follow him, her eyes also wander around. Hindi niya mapigilan ang sarili na gawin iyon dala na rin siguro ng katanungan kung nasaan siya sa mga sandaling iyon. And as she do so, all she can see around her is luxury. Mula sa kwartong pinanggalingan niya hanggang doon sa pasilyo ng hinuha niyang ikalawang palapag. The chandelier, the antique vases on each of the corners and the paintings hanging on the wall, lahat ng iyon ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata. And seeing all of that, she knew that the man infront of her is no ordinary person. The luxury infront of her tells it all. As well as the man himself. She continue to follow him, and as she take her every step, her eyes darted on his back. Sa likod nitong tila moog na hindi kayang itumba ng kahit na ang pinakamalakas na bagyo. He has broad and firm shoulder, matangkad din ito sa karaniwang lalake at solido ang pangangatawan. Nababakat iyon sa suot nitong puting t-shirt. Marahan lang nitong inihahakbang ang mga paa, n
"Maraming salamat ulit. Hinding-hindi ko makakalilimutan itong tulong na ginawa mo sa akin." Sabi niya ng huminto ang sasakyan di kalayuan sa terminal ng jeep papunta sa kanilang bario. Nasa bayan na sila ng San Diego. Pero mula doon ay sasakay pa siya ng jeep papunta sa bario nila. A thirty minutes ride perhaps. Nag presinta naman kanina si Rigen na ihatid siya hanggang sa kanila pero mariin niya iyon tinanggihan. Ayaw na niyang higit na maka abala pa sa mga ito. She had already done enough of that last night. Isa pa, hindi naman mismo si Rad ang nag offer. Kahit nga ang pagsabay niyang ito papunta sa bayan ng San Diego ay si Rigen lamang ang nag alok. "May business meeting si Rad sa San Diego, sumabay ka nalang sa amin." Alok nito kanina. Nakapagpalit na siya ng damit, a pair of jeans and shirt. Courtesy of the man Rad asked to buy for her earlier. Magpapaalam na sana siya sa mga ito ng alukin siya ni Rigen. Saglit na dumako ang sulyap niya kay Rad. He was busy tal
"Where are we going?"Di niya napigilang tanong habang binabaybay nila ang kalsada papunta sa kung saan. Infront of them and on the side walk is the busy people who come and goes. Hindi na siya nakapagtanong kanina ng sabihin nito na may pupuntahan sila. Para saan pa? Kung sa huli ay ito rin naman ang masusunod.But the deafening silence inside the car is overbearing. Kaya kahit nakapikit ito ay naglakas-loob siyang magtanong. She tilted her head and look at him in puzzle. Nanatili pa rin itong nakapikit. Seems like he falls asleep. Kaya ibinaling niya ang tingin kay Rigen na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Tiningnan siya nito sa front mirror. A faint smile plaster his lips."The answer to your question mrs. Romanov." mapaglarong sabi nito matapos na ihinto ang SUV.Nang idako niya ang mga mata sa labas, doon lang niya napagtanto na nasa parking lot sila ng isang kilalang mall. Hindi man lang niya iyon napansin.Magtatanong pa sana siya kung ano ang kanilang ginagawa doon ng maunah
She tried to cast the incident of captain Jimenez on her mind and play the lovable wife of Radley as he introduce her to his employees.Pinilit niyang ngumiti kahit sa kaloob-looban niya ay puno siya ng mga pangamba.Hindi na rin niya gaanong binigyan ng pansin ang mga nagtataas ng kilay sa kanyang presensiya. Some welcome her with joy and acknowledge her as Radley's wife. She also knew that some of the woman there envied her, pero ang iba mahahalata talaga sa mukha ang disgusto.But she don't care anymore either they welcome her or not, she won't stay that long anyway. Kung siya nga ang tatanungin hindi na niya nanaising ipakilala pa siya nito sa lahat. If it must, she wanted to stay in low profile para wala ng masyadong tanong kapag dumating ang araw ng kanilang paghihiwalay.Kaya lang alam niyang imposible na mangyari iyon. Radley is known in the society, at mahirap takasan ang mata ng social media. Isa pa, kung nais nilang maging kapani-paniwala ang kanilang palabas lalo na sa mat
'Man was found dead by a local farmer early this morning at sitio Buena in the municipality of San Diego.' Iyon ang headline ng balitang di sinasadyang nakita niya sa isang newspaper na nasa ibabaw ng mesa. Pero ang higit na nagpanginig sa kanyang mga kamay ay ng makita ang malinaw na larawan ng lalake sa ibabang bahagi. One with clearer picture in his police uniform, at ang sa kabila naman ay ang larawan kung saan nakita ang bangkay nito. Hindi na niya kailangan basahin ang detalye ng pangalan dahil kilalang-kilala niya ang mukhang iyon kahit isang beses pa lamang niyang nakita. Si kapitan Jimenez ng bayan ng San Diego! Sa gulat ay nabitawan niya ang newspaper. Naging sanhi iyon para umangat ang tingin ni Radley sa direksyon niya. Hindi niya man ito nakikita alam niyang nakarehistro sa mga mata nito ang pagtataka habang nakatingin sa kanya. She remain her terrified eyes at the newspaper on the floor. Doon ding napukaw ng kanyang atensyon ang petsa ng pangyayari. It happened th
The moment Serrah turn her gaze, her smile immediately fades and her eyes narrowed. Halatang-halata na hindi nito nagustuhan ang kanyang pagdating, at marahil hindi din inaasahan.And the feeling is mutual. Dahil sa mga sandaling iyon hindi niya rin inaasahan na dadatnan niya ito doon sa opisina ni Radley lalo na ang makitang kumportableng-kumportable itong nakaupo na para bang sanay na sanay na ito doon."Oh hi... it's nice to see you again Sianne." Sabi nitong sabay tayo. Malapad na ang ngiti nito sa labi na para bang nagagalak itong makita siya. Ngunit ang mga mata nito ay naroroon pa rin ang kislap ng kadiliman. Hindi nito iyon nagawang itago.She chuckled at herself. The worst actress of the century.Ikinataas niya rin ng kilay ng makitang halos lumuwa na ang dib-dib nito sa suot, at ang lalaylayan ng damit ay hindi halos umabot sa gitna ng hita nito, showing her flawlessly legs. At ang baywang nito, is that naturally small o ipinagawa nito iyon? She didn't noticed it when they
Sinubukan pa rin kontakin ulit ni Asianna si Enzo sa lumipas na mga araw. Nagbabaka-sakali siyang makakausap na niya ito kahit saglit lang. Ngunit kagaya ng mga nauna na niyang subok ay ganoon pa rin ang kanyang naririnig sa linya ng kanyang cellphone. Either unattended or out of coverage area.At sa tuwina, sa panlulumo lamang nauuwi ang bawat subok na kanyang ginawa. Magkagayon man hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niya darating din ang araw na muli silang magkikita. Because Radley is also doing his part to look for him.Ilalapag na sana niya ang cellphone sa mesa ng tumunog iyon. Lumitaw sa screen ang pangalan ni Radley na siyang tumatawag sa kanya sa mga sandaling iyon.Tatlong araw din itong nanatili sa penthouse dahil sa sugat nito. Kanina lang itong pumasok sa opisina dahil may kailangan itong ayusin.At dalawang oras pa lang yata buhat ng umalis ito."Hello..""Be ready in thirty minutes. Papunta na si Rigen diyan para sunduin ka. I will introduce you to the employee
Her inside started to panic. Dali-dali niyang inihakbang ang mga paa patungo sa hagdan pagkunwa'y halos takbuhin na ang pagbaba. Wala na siyang pakialam kung matalisod siya o mamali ng hakbang. Ang nais niya lamang sa mga sandaling iyon ay ang makalapit agad rito."Hey, dahan-dahan lang!"Narinig niya pang saway ni Radley. Agad din itong humakbang upang salubungin siya. But she didn't listen. Tumakbo pa rin siya. Nagsisimula na siyang manginig. Just a few days ago, she experienced the same scenario. Kay Enzo, sa kanyang Daddy.. ang ayos ng mga ito ng makita niya. Parehong duguan. And now... It happened again."I'm okay Sianna. Don't run!" Sumigaw na si Radley. Pero gahibla nalang ang kanyang narinig. Blangko na ang kanyang utak. The moment she saw the blood, ang agad na pumasok sa kanyang isip ay ang katako-takot na sinapit nina Enzo at ng kanyang ama.Nang makalapit ay agad na sinalo ni Radley ang nanginginig niyang katawan. If he didn't do it, baka humandusay na siya."Hey, look
Mula sa kinatatayuan ay kagat-labi niyang minasdan si Radley habang abala ito sa pakikipag-usap kay Rigen sa cellphone nito habang nakatayo doon sa bintana.They are in the middle of their hot kiss when his phone rings na naging dahilan ng pagputol ng kanilang pingsasaluhang halik na sigurado niyang mauuwi sana sa isang mainit na pagt*t*lik kung hindi lang naistorbo.Noong una ay wala marahil itong balak na sagutin ang tawag dahil hindi nito iyon pinansin. But the caller is persistent kaya sa huli ay napilitan itong tumigil sa paghalik sa kanya at kinuha iyon.Tiningnan pa siya nito bago nito sinagot ang tawag. And the only thing she heard is him mentioning Rigen name before he distance himself and walk towards the window.At dahil mukhang seryoso ang pag-uusap ng dalawa ay nagdesisyon siyang lumabas na lamang sa silid na iyon. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakarating sa pinto ng maramdaman niya ang presensiya ni Radley sa kanyang likod. Tumigil siya at bumaling rito. "There'
Hindi nalang isinatinig ni Asianna ang pumasok sa isip na iyon. Until Radley was done doing the dishes, she remain on her seat watching him silently."A-Ano 'to?" Kunot noong angat niya ng tingin rito. Pagkunwa'y muling ibinalik sa paper bag na nasa office table nito.She may sound stupid dahil malinaw namang makikita sa labas ng paper bag ang logo ng isang sikat na brand ng cellphone. Pero hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin sa kanyang tanong. At alam niyang alam din ni Radley kung ano ang kanyang tinutukoy.Matapos ang kanilang agahan ay inilibot siya nito sa buong loob ng penthouse gaya ng sinabi nito kahapon sa kanya. The guestrooms, his exercise room, the pool on the left wing, and the master bedroom kung saan siya nito dinala kagabi. He showed her every room, maliban sa isa. His 'private room'. Kung bakit hindi nito iyon ipinakita sa kanya ay wala siyang ideya. Or it could be that he knew that she already saw it last night kaya hindi na ito nag abalang dalhin siya doon.A
"Hello... Sino ka? Sino ka!" Pero wala ng sagot mula sa kabilang linya. Tanging tunog ng pagbaba ng telepono nalang ang kanyang naririnig. Kunot-noong tiningnan niya pa ang hawak bago iyon ibinalik sa lalagyanan. The caller was a male. She has no idea who it was dahil bago niya napagsino ang boses nito ay ibinaba na nito ang telepono na tila nagmamadali. Ni hindi nga yata umabot ng dalawang segundo ng ito'y nagsalita. Ni hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong mag hello. Because the moment she lifted the telephone, he immediately talk and gave her warning. In one full rush sentence. Ngunit hindi lang iyon, ang ipinagtataka niya ng labis ay ng maisip na tila alam ng caller na siya agad ang sasagot sa telepono. Hindi na naalis sa kanyang isip ang tawag na iyon. Naiwan iyon ng katanungan sa kanyang utak na hindi niya alam kung paano sagutin. Who was that man? Bakit binigyan siya nito ng babala? At paanong nangyaring tila kilala siya nito? It was all a puzzle to her. Isang p