Share

Kabanata 4

Author: Purpleyenie
last update Last Updated: 2022-09-08 14:13:21

"Bili na kayo!" sigaw ko habang may hawak na pangbugaw sa langaw.

Dito kasi ako sa manukan nagtatrabaho para may makain kami nila mommy sa araw-araw. At para makapag-aral ang mga nakababata kong kapatid. Ako naman kasi ay huminto na sa pag-aaral.

"Bili na kayo, mga suki!" sabi ko bago ako ngumiti.

Kailangan kong galingan para makabenta kami ng marami ngayong araw. Dahil bukod sa sahod kong tatlong daan kada araw, may makukuha akong bonus sa amo ko kapag naubos ko ang benta kong manok.

"Ate! Bili na kayo! Murang-mura, at fresh pa!" sabi ko ulit.

Sa totoo lang, sa likod nang mga ngiti ko ay ang takot na baka habang nandito ako ay may nangyayari na pa lang hindi maganda kay mommy.

"Suki! Ate! Bili na kayo!" pagtawag ko sa kanila.

"Ayon! Kuya, anong pong sa inyo?" nakangiting tanong ko sa limang lalaking lumapit sa mga paninda ko.

Hindi naman sila kaagad sumagot, pero pansin ko ang pagkailang sa kanilang mukha. Mabilis namang napakunot ang aking noo.

"Ano pong sa inyo?" magalang na tanong ko.

"Ah, magkano ang lahat ng manok na 'to?" narinig kong tanong ng isa sa kanila.

Para namang pumalakpak ang tenga ko matapos nang narinig ko.

"Lahat po?" ulit ko pa.

"Gago nito," narinig kong bulong nang isa sa kanila.

Doon lamang ako napatingin sa kanilang lima. Lahat sila ay malinis tignan, mapuputi, at mukhang mayayaman.

Napakunot naman ang noo ko. Hindi naman siguro nila ako niloloko 'no?

"Gago, paano ako makikipag-usap sa kaniya at paano natin siya madadala kung may mga binibenta pa siya?" sabi naman ng lalaking unang nagsalita sa kanila.

Mas lalo namang napakunot ang aking noo.

"Bilisan niyo na! Kayo lang dapat kasi dito, eh. Na-i-expose ang kaguwapuhan ko sa maraming tao," sabi naman ng isa.

"Kapag-umulan dahil sa kahanginan mo, Levi, sasamain ka sa akin," bulong naman ng isa pa sa kanila.

"Kingina niyo! Bilisan niyo na dahil kapag nagtagal pa tayo rito kay boss na tayo mayayari!" sabat naman ng isa.

Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig sa kanila at pilit na intindihin ang kung ano mang pinag-uusapan nila.

"Okay? Ano pong bibilhin niyo?" nakakunot ang mga noong tanong ko.

Bigla naman silang natahimik matapos kong magsalita. Sabay-sabay pa silang tumingin sa akin bago sila ngumiti.

"Bibilhin namin ang lahat ng paninda mo, Miss. Lahat pati 'yong stock mo d'yan. Patay gutom kasi 'tong si Montes kaya kakainin niya lahat 'yan," sabi nang lalaking nasa pinakagilid nila.

"S-sigurado ba talaga kayo? Hindi niyo ba ako ginogoyo?" kinakabahang tanong ko.

"Yes, Miss. Mukha ba kaming manloloko sa mga itsura naming 'to?" nakangiting sabi ng isa.

"Gago, mukha ka kasing nanggogoyo buti pa ako guwapo lang kaya pinaniniwalaan ng lahat," sabat naman ng isa.

Nalilito ako sa kanila.

"Sige na, Miss. Paki-balot at kwenta na lahat. Baka kasi masamain pa 'tong mga chupol na 'to kay boss kapag nagtagal pa tayo rito," sabi no'ng tinawag na Montes bago siya ngumiti.

Kinakabahan man at nagtataka, ginawa ko pa rin kung ano ang sinabi nila.

---

"Saan ba tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko.

Nandito kami ngayon sasakyan na dala nila. Totoong binili nila ang lahat ng manok na itinitinda ko. Tinulungan pa nila ako sa pagbabalot pati na rin sa pagbibilang.

"Kay bossing, Miss. Huwag ka mag-alala hindi ka namin gagawan ng masama. Takot na lang namin 'no," nakangiting sabi no'ng Montes.

Nakaupo ako ngayon sa likod ng driver seat habang pinagigitnaan ng dalawang lalaki.

Napalunok naman ako bago ako napatingin sa mga kamay kong nanginginig na ngayon.

Kainis! Bakit ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon!

Flashback

Tapos na naming bilangin at balutin ang lahat ng manok na binili nila. Hindi naman mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil kanina lang gusto ko lang maubos ang paninda ko, ngayon nandito na. Biglang sa isang iglap ay naubos na.

"Sige na mga gago buhatin niyo na 'tong mga 'to. Ako na kakausap sa kanya," narinig kong sabi nang isang lalaki.

Mabilis naman akong napaharap sa kaniya.

"Thank you, sir," nakangiting sabi ko.

"Salamat din, Miss," sagot naman nito sa akin.

Akma na sana akong magliligpit ng tindahan nang bigla na lamang nagsalita muli ang lalaki.

"Ako nga pala si Jade Luis," pagpapakilala niya. Napakunot naman ang aking noo bago ako napatingin sa mga kamay niya.

"Zelena Artemis Caitlin Harris," sagot ko naman bago ako tumango at ngumiti.

"Actually Miss Zelena nandito kami para tanungin ka kung gusto mo bang sumama sa amin?" biglang tanong niya.

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"B-bakit? Hindi ko naman kayo kilala," kinakabahang tanong ko.

Nakita ko namang napakamot ng ulo niya 'yong Jade raw bago siya tumingin sa akin.

"Mahirap ipaliwanag pero nandito kami para bigyan ka ng trabaho. Trabaho na ngayon mo lang malalaman," sabi niya bago ngumiti.

Napalunok naman ako.

"Paano ko malalaman na hindi niyo ako niloloko?" tanong ko.

Akma na sanang magsasalita 'yong Jade Luis daw nang biglang may sumingit na isa sa mga kasama niya.

"Magtiwala ka na lang sa amin, Miss. Ito," untag niya bago iniabot sa akin ang isang papel. Mabilis namang napakunot ang aking noo.

"A-ano 'to?" naguguluhang tanong ko.

Isa kasing resibo ang iniabot sa akin nang lalaki. Resibo na may nakalagay na pangalan ni mommy, pati na rin ng hospital kung saan ko siya dinala. Nakalagay rin dito ang halaga ng pera na binayaran nila sa hospital.

"'Yan ang bayad sa initial down payment para sa mommy mo. Binayaran na namin bago kami pumunta rito sa palengke at kausapin ka," sagot namang no'ng tinawag ng isang lalaki kaninang Montes.

Napalunok ako bago ako napatingin sa papel na hawak ko. Dahil hindi lang initial payment ang binayaran nila. Binayaran na rin nila ng advance payment ang isang buong buwan na pamamalagiin ni mommy sa hospital.

"B-bakit? A-anong kailangan niyo sa akin? At paano niyo nalamang nasa hospital si mommy?" gulat na gulat na tanong ko.

Ngumiti naman silang lima bago sumagot 'yong Jade Luis.

"Gaya nga nang sabi ko kanina, nandito kami para bigyan ka ng isang magandang trabaho."

End of Flashback

Kaya ito at nakasakay ako sa sasakyan nila habang papunta kami sa isang lugar na hindi ko naman alam.

"Nandito na tayo," narinig kong pag-anunsyo no'ng tinatawag nilang Montes.

Agad akong napatingin sa labas ng kotse. Halos mapanganga naman ako sa gulat dahil sa nakikita ko ngayon.

Nasa harap kami ngayon ng isang malaking building. 

"Welcome to Black Corporation, Miss Zelena," narinig kong sabi ni Jade kaya ako napatingin sa kanya.

"D-dito?" nakakunot noong tanong ko.

Muli silang lahat ngumiti bago tumango.

"P-paano? Hindi ako nag-apply nang trabaho," tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita at mga naririnig ko.

"Mahirap ipaliwanag, Ms. Harris. Pero kapag pumasok na tayo sa loob malalaman mo kung ano ang sagot sa mga tanong mo," sagot naman sa akin no'ng Montes.

Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumango.

----

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa loob ng kompanya. Napakaganda rito. Hindi nababagay ang suot kong damit sa lugar na ito.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Hindi rin mawawala ang mga mapanghusga nilang mga tingin sa akin.

"Nakakahiya," bulong ko.

Narinig ko naman ang marahang pagtawa ni Jade Luis bago niya ako nilingon.

"Don't be," sabi niya bago ako kinindatan.

Ngumiti lang ako sa kanya bago ako tumango.

Pinagigitnaan kasi nila ako no'ng tinawag nilang Montes kanina.

"Nakakahiya," sabi ko ulit matapos naming sumakay nang elevator. Narinig ko naman ang marahan nilang pagtawa bago nila ako tinignang lima.

"Huwag ka mahihiya sa mga 'yon. Pfft," sabi ni Jade bago tumingin sa pintuan nang elevator matapos no'ng bumukas.

Napahinga naman ako ng malalim bago kami naglakad muli.

Halos mapanganga naman ako sa nakikita ngayon ng mga mata ko. Dahil kung maganda sa ibaba, mas maganda naman dito sa itaas.

"We're here," sabi no'ng Montes bago niya binuksan ang pinto.

Mabagal naman silang pumasok papasok sa loob ng opisina kaya naman sumunod na ako.

Hindi ko alam kung bakit abot-abot ang kaba ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin alam kung ilang beses na ba akong lumunok.

"Mr. Black, nandito na po siya," sabi ng isa sa mga lalaking kasama namin kanina pa. Hindi naman humarap sa amin ang lalaki at nanatili lamang na nakatingin sa papel na binabasa niya.

"Good," tanging sabi niya lang.

Napakunot ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking 'to.

"Sibat muna kami, boss. Dito muna kami Miss Zelena," sabi ni Jade bago sumaludo sa akin.

Gusto ko sana silang pigilan na 'wag umalis pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Artemis," narinig kong pagtawag sa akin ng lalaki kanina. Mabilis ko naman siyang tinignan.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan ko ng nakita ang kaniyang mukha.

Siya 'yong lalaki kaninang umaga! Kaya pala pamilyar sa akin ang Black na sinasabi nila!

"I-ikaw!" gulat na sigaw ko. Mabilis namang napakunot ang kanyang noo bago siya tumayo mula sa pagkakaupo at iniabot sa akin ang isang papel.

"A-anong kailangan mo sa akin?" kinakabahang tanong ko.

"Just read the papers, then signed it with this pen," tanging sagot lang niya sa akin.

Hindi naman na ako nagsalita pa at sinunod na lamang ang sinabi niya.

Napakunot naman ang aking noo matapos nang mabasa ko.

"Playmate?" takhang untag ko bago ko siya nilingon.

Nagulat naman ako nang makita ko siyang nakatingin sa akin bago siya ngumiti.

"Yes, Artemis. You're now my fucking playmate."

×××

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lorenzo Pedro Samantha Lalaine
tagal nang update
goodnovel comment avatar
Lorenzo Pedro Samantha Lalaine
tagal nang update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 1

    Nakatayo ako sa tapat ng libingan ni daddy. Ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang death anniversaries niya na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumawa nito sa kanya. "Happy birthday po, daddy. I miss you so much," untag ko bago ako ngumiti. Isang luha rin ang mabilis na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Ang alam ko masaya kami noon. May kaya sa buhay at nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang biglang isang gabi ay may pumasok na magnanakaw sa aming bahay. Wala ako gaanong maalala noong gabing 'yon. Pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni daddy na nagmamakaawa na 'wag kaming galawin ni mommy. Buntis pa lamang si mommy no'n sa mga kapatid kong sina Zeus at Zephyr no'ng mangyari ang araw na 'yon. It was traumatizing. Sampung taong gulang pa lang ako noon, ngayon ay twenty years old na ako. Naaalala ko rin ang pagmamakaawa ni mommy noon na huwag kamin

    Last Updated : 2022-09-08
  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 2

    Tulala lang akong nakaupo ngayon sa upuan katabi ni mommy. Nasa ICU siya ng hospital habang puno ang katawan niya ng iba't-ibang apparatus. Kita ko ang mga benda kung saan siya nasugatan nang dahil sa aksidente. Kita ko rin ang maamo niyang mukha kahit na mukha siyang nahihirapan. "Mommy, magiging maayos ka rin po," naluluhang sabi ko bago ko hinawakan ang kamay niya. Malamig 'yon at tila wala ng buhay. Isang luha ang mabilis na tumulo mula sa aking mga mata. Halos mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito. Si Zeus at Zephyr ay iniwan ko muna sa bahay ng kaibigan kong si Aliah. Malalim akong napabuntong hininga. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong maluha. Ilang oras na rin ang lumipas nang ilabas ng mga nurse si mommy sa loob ng operating room. Pero kahit gano'n, kinailangan ko munang maghintay ng ilang oras bago ako nakapasok dito ngayon kaya naman hinatid ko muna ang mga kapatid ko sa bahay ng kaibigan ko. Masyado pa sila parehong bata para makita ang ganitong pangyayari.

    Last Updated : 2022-09-08
  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung nakakailang shot na ba ako ng alak. Basta alam ko marami na akong nainom. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil hindi ko naman tinitignan ang cellphone ko kanina pa."Isang margarita pa nga," nakangiting sabi ko bago ko inilapag ang baso na kanina ko pa gamit."Ma'am, kaya niyo pa po ba?" narinig kong tanong nang bartender. Mabagal ko namang iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko sa counter"O-oo naman," sagot ko kahit hindi ko na halos maidilat pa ang aking mga mata.Grabe ang epekto sa akin nang alak na 'yon, hilong-hilo ako at halos hindi ko na maiangat pa ang aking ulo.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang makaramdam ako nang pag-ikot ng sikmura ko."Shit," sabi ko bago ako napahawak sa bibig ko. Umiikot din ang paningin ko sa tuwing sinusubukan kong tumayo."Miss, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong nang kung sino pero hindi na ako sumagot pa.Naglakad na lamang ako sa kung saang parte nitong bar hanggang sa may makita akong pinto. Dali-dali ko '

    Last Updated : 2022-09-08

Latest chapter

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 4

    "Bili na kayo!" sigaw ko habang may hawak na pangbugaw sa langaw.Dito kasi ako sa manukan nagtatrabaho para may makain kami nila mommy sa araw-araw. At para makapag-aral ang mga nakababata kong kapatid. Ako naman kasi ay huminto na sa pag-aaral."Bili na kayo, mga suki!" sabi ko bago ako ngumiti.Kailangan kong galingan para makabenta kami ng marami ngayong araw. Dahil bukod sa sahod kong tatlong daan kada araw, may makukuha akong bonus sa amo ko kapag naubos ko ang benta kong manok."Ate! Bili na kayo! Murang-mura, at fresh pa!" sabi ko ulit.Sa totoo lang, sa likod nang mga ngiti ko ay ang takot na baka habang nandito ako ay may nangyayari na pa lang hindi maganda kay mommy."Suki! Ate! Bili na kayo!" pagtawag ko sa kanila."Ayon! Kuya, anong pong sa inyo?" nakangiting tanong ko sa limang lalaking lumapit sa mga paninda ko.Hindi naman sila kaagad sumagot, pero pansin ko ang pagkailang sa kanilang mukha. Mabilis namang napakunot ang aking noo."Ano pong sa inyo?" magalang na tanong

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung nakakailang shot na ba ako ng alak. Basta alam ko marami na akong nainom. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil hindi ko naman tinitignan ang cellphone ko kanina pa."Isang margarita pa nga," nakangiting sabi ko bago ko inilapag ang baso na kanina ko pa gamit."Ma'am, kaya niyo pa po ba?" narinig kong tanong nang bartender. Mabagal ko namang iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko sa counter"O-oo naman," sagot ko kahit hindi ko na halos maidilat pa ang aking mga mata.Grabe ang epekto sa akin nang alak na 'yon, hilong-hilo ako at halos hindi ko na maiangat pa ang aking ulo.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang makaramdam ako nang pag-ikot ng sikmura ko."Shit," sabi ko bago ako napahawak sa bibig ko. Umiikot din ang paningin ko sa tuwing sinusubukan kong tumayo."Miss, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong nang kung sino pero hindi na ako sumagot pa.Naglakad na lamang ako sa kung saang parte nitong bar hanggang sa may makita akong pinto. Dali-dali ko '

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 2

    Tulala lang akong nakaupo ngayon sa upuan katabi ni mommy. Nasa ICU siya ng hospital habang puno ang katawan niya ng iba't-ibang apparatus. Kita ko ang mga benda kung saan siya nasugatan nang dahil sa aksidente. Kita ko rin ang maamo niyang mukha kahit na mukha siyang nahihirapan. "Mommy, magiging maayos ka rin po," naluluhang sabi ko bago ko hinawakan ang kamay niya. Malamig 'yon at tila wala ng buhay. Isang luha ang mabilis na tumulo mula sa aking mga mata. Halos mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito. Si Zeus at Zephyr ay iniwan ko muna sa bahay ng kaibigan kong si Aliah. Malalim akong napabuntong hininga. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong maluha. Ilang oras na rin ang lumipas nang ilabas ng mga nurse si mommy sa loob ng operating room. Pero kahit gano'n, kinailangan ko munang maghintay ng ilang oras bago ako nakapasok dito ngayon kaya naman hinatid ko muna ang mga kapatid ko sa bahay ng kaibigan ko. Masyado pa sila parehong bata para makita ang ganitong pangyayari.

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 1

    Nakatayo ako sa tapat ng libingan ni daddy. Ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang death anniversaries niya na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumawa nito sa kanya. "Happy birthday po, daddy. I miss you so much," untag ko bago ako ngumiti. Isang luha rin ang mabilis na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Ang alam ko masaya kami noon. May kaya sa buhay at nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang biglang isang gabi ay may pumasok na magnanakaw sa aming bahay. Wala ako gaanong maalala noong gabing 'yon. Pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni daddy na nagmamakaawa na 'wag kaming galawin ni mommy. Buntis pa lamang si mommy no'n sa mga kapatid kong sina Zeus at Zephyr no'ng mangyari ang araw na 'yon. It was traumatizing. Sampung taong gulang pa lang ako noon, ngayon ay twenty years old na ako. Naaalala ko rin ang pagmamakaawa ni mommy noon na huwag kamin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status