Share

Kabanata 2

Author: Purpleyenie
last update Huling Na-update: 2022-09-08 14:12:06

Tulala lang akong nakaupo ngayon sa upuan katabi ni mommy. Nasa ICU siya ng hospital habang puno ang katawan niya ng iba't-ibang apparatus.

Kita ko ang mga benda kung saan siya nasugatan nang dahil sa aksidente. Kita ko rin ang maamo niyang mukha kahit na mukha siyang nahihirapan.

"Mommy, magiging maayos ka rin po," naluluhang sabi ko bago ko hinawakan ang kamay niya. Malamig 'yon at tila wala ng buhay.

Isang luha ang mabilis na tumulo mula sa aking mga mata. Halos mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito. Si Zeus at Zephyr ay iniwan ko muna sa bahay ng kaibigan kong si Aliah.

Malalim akong napabuntong hininga. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong maluha. Ilang oras na rin ang lumipas nang ilabas ng mga nurse si mommy sa loob ng operating room. Pero kahit gano'n, kinailangan ko munang maghintay ng ilang oras bago ako nakapasok dito ngayon kaya naman hinatid ko muna ang mga kapatid ko sa bahay ng kaibigan ko.

Masyado pa sila parehong bata para makita ang ganitong pangyayari. Lalo na si Zephyr na siyang hawak ni mommy no'ng mga oras na nahagip siya ng sasakyan, at halos makaladkad din siya dahil sa bilis nang pangyayari.

Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa glass wall ng ICU, nakatayo roon ang mga pulis na kumausap sa akin kanina.

Kaagad akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Hinubad ko muna ang mga ipinasuot sa akin bago ako pumasok sa loob ng ICU. Hinubad ko rin pati ang surgical mask na ipinasuot sa akin.

Malalim akong huminga bago ko hinawakan ang doorknob ng kuwarto kung saan magsusuot ng dress ang taong papasok o bibisita sa pasyente.

"Kumusta na po? Ano pong balita?" kinakabahang tanong ko. Kaagad namang lumapit sa akin ang pulis at ipinakita sa akin ang papel na hawak niya. Nakalagay roon ang picture ng sasakyang nakahagip kay mommy. Isa iyong kulay pulang delivery van.

"Walang plate number ang sasakyan, ma'am. Kaagad din siyang tumakas kahit na alam niyang may nasagasaan siya. Ni-hindi man lang huminto o bumagal ang takbo niya," sagot sa akin ng pulis bago niya ipinakita sa akin ang video na kuha kung papaano naaksidente si mommy.

May CCTV kasi malapit sa lugar kung saan kami kanina naglalakad. At doon, kitang kita kung paano nangyari ang aksidente.

Kaagad kong ipinikit ang aking mga mata matapos kong makita kung paano nabunggo si mommy at kung papaano siya lumipad papunta sa kabilang kalsada.

Parang dinudurog ang puso ko. Para 'yong paulit ulit na sinasaksak.

"Wala po ba kayong kilalang kaaway ng mommy mo, ma'am?" biglang tanong nang pulis kaya kaagad ko siyang tinignan bago napakunot ang aking noo.

"W-wala naman po akong kilalang kaaway o kagalit ng mommy ko. Dahil nasa bahay lang naman po siya palagi, ako naman po kasi ang nagtatrabaho para sa amin," sagot ko naman.

Napatango naman ang pulis bago niya ibinaba ang cellphone na hawak niya kung saan niya pinakita sa akin ang kuha ng CCTV.

"Hindi lang kasi aksidente ang tinitignan naming anggulo sa kasong ito. Hindi namin isinarado ang posibilidad na baka sinadya ang aksidente upang masaktan ang biktima," sabi naman ng pulis.

Para naman akong nahilo sa bilis ng tibok ng puso ko matapos kong marinig ang sinabi ng pulis.

"Sa ngayon itinuturing namin itong isolated case. Hindi rin namin ito isinasarado sa possibility ng fraud. Dahil hindi pa masabi kung wala ngang foul play sa naturang insidente," patuloy nito sa kanyang sinasabi.

Hindi naman ako agad nakapag-react. Napakapit lang ako sa suot kong damit.

Hindi ko maintindihan ang ibang sinabi ng pulis, pero hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang ibang nais niyang sabihin.

Napalingon ako kay mommy na ngayon ay nakahiga sa kama at nasa gano'n pa ring posisyon. Narinig ko pa ang pamamaalam ng mga pulis sa akin bago ako naiwang mag-isang nakatingin lang sa gawi ni mommy.

Sino ba ang may gawa nito sa 'yo, mommy? Aksidente lang ba talaga ang lahat o may plumano nga talagang manakit sa 'yo?

---

Nakaupo ako ngayon sa lobby ng hospital. Halos maghahating gabi na at wala pa rin akong kain o kahit man lang pahinga.

Malalim akong napabuntong hininga bago ko niyakap ang aking sarili.

Kumusta na kaya ang mga kapatid ko? Hindi naman sila parehong makulit kaya naniniwala akong hindi sila magiging pabigat kay Aliah.

"Excuse me, Miss? Ikaw po ba ang guardian ni Mrs. Harris?" biglang tanong nang isang nurse na ngayon ay nasa aking harap.

Para namang mabilis na kumabog ang dibdib ko.

"B-bakit po?" kinakabahang tanong ko.

"Ipinapatawag po kayo ng cashier," nakangiting sagot naman nito sa akin. Para naman akong binunutan ng tinik matapos kong marinig ang dahilan kung bakit niya ako hinahanap.

"Bakit raw po?" naguguluhang tanong ko.

"For the billings po ni Mrs. Harris, Ma'am," sagot muli nito sa akin.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig mula sa aking narinig.

Ngayon lang kasi pumasok sa isip ko ang tungkol sa bayarin ni mommy rito sa hospital.

"S-sige po, salamat," sabi ko na lang. Ngumiti naman ang babaeng nurse bago siya naglakad papalayo.

Napahinga naman ako ng malalim bago ko kinagat ang pang ibaba kong labi.

Hindi ko alam kung paano ko ngayon mababayaran ang magiging bill ni mommy. Lalo na at maliit naman ang sinasahod ko bilang isang tindera sa palengke.

Napahinga ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa cashier nitong hospital.

"Hello po, pinatatawag niyo raw po ako? Guardian po ako ni Harris," sabi ko sa cashier.

Tumingin lang ito sa akin bago siya ngumiti at tumango.

"Ms. Harris, this is the initial downpayment na kailangan mo pong maibigay para po sa confinement ng patient. Lalo na po sa condition niya," panimula ng cashier bago niya iniabot sa akin ang isang papel.

Halos manlumo naman ako sa presyo na nakikita ko sa mga oras na ito.

"H-hanggang kailan ko po ito maaaring bayaran?" tanong ko.

"Three days, ma'am," simpleng sagot nito sa akin.

Muli akong napatingin sa papel. Saan ako kukuha ng sampung libong piso? Halos sahod ko na ito sa loob ng dalawang buwan.

"P-paano po kung 'di po ako makapagbigay sa loob ng tatlong araw? Ano pong mangyayari?" kinakabahang tanong ko.

Sana naman ay pwedeng magbigay ng promissory note para ma-extend ang pagbibigay ko ng downpayment.

"I'm sorry, ma'am. Pero rules na po kasi 'yon ng hospital na need po ng downpayment before po ma-confine ang pasyente. Pero since emergency po ang nangyari, hindi po ito kaagad naasikaso. Kapag 'di po kasi kayo nakapagbigay ng downpayment within three days, wala po kaming magagawa kung hindi po i-full out ang pasyente," sagot naman nito sa akin. Halos manlumo naman ako matapos nang aking narinig.

"S-sige po, salamat," sabi ko na lang bago ako naglakad papunta sa ICU kung saan nandoon si mommy.

Tumayo lang ako sa glass wall at tinignan siyang nakahiga sa kama. Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi upang pigilan ang luhang gusto ng kumawala sa aking mga mata.

"Mommy, ano pong gagawin ko," bulong ko kahit na alam ko namang hindi ako maririnig ni mommy.

Mabagal akong naglakad papunta sa kalapit na upuan nitong ICU at doon umiyak. Hindi ko alam, drain na ako. Emotionally, physically, at mentally. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon bago ko tinawagan ang numero ni Aliah.

"Sis!" bungad niya sa akin nang sagutin niya ang tawag.

Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Wala akong sinabi na kahit ano, tanging hikbi lamang ang lumalabas sa aking labi.

"Bakit?! Anong nangyari, girl?!" narinig kong untag pa ni Aliah.

Hindi pa rin ako sumagot, patuloy pa rin akong umiyak at inilabas ang lahat ng frustration ko sa kaibigan ko.

"Kalma na, sis. Umuwi ka na lang muna rito sa bahay ko. Tulog na ang mga kapatid mo, magpahinga ka na rin. Ako na lang muna ang magbabantay kay tita d'yan. Nabalitaan ko kasi sa mga kapatid mo na okay naman na ang mommy mo," pagpapatuloy pa niya. Hindi naman ako kumibo.

"M-maraming salamat, sis. May pupuntahan lang ako pagkatapos ay uuwi rin ako mamaya," sabi ko naman sa kaniya bago ko pinatay ang tawag. Narinig kong may sasabihin pa siya pero mas pinili ko na lang na patayin ang tawag.

Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa glass wall ng ICU upang silipin si mommy. Mapait muna akong ngumiti bago ako nagsalita.

"Mommy, ngayong gabi lang. Tatakas muna ako sa problema."

----

Mabagal akong naglalakad ngayon papunta sa isang mataong lugar. Pansin ang makukulay na ilaw na nanggagaling sa bawat establishment na madaraanan ko.

Gabing gabi na pero ang lugar na ito ay buhay na buhay pa.

Malalim naman akong napabuntong hininga bago ako huminto sa tapat ng isang bar. Ito ang unang beses na papasok ako sa ganitong lugar. Ewan ko kung bakit dito ko naisip na pumunta. Umuwi lang ako saglit kanina para magpalit ng damit dahil ang damit ko kanina ay may bahid pa ng mga dugo.

Hindi ko na rin dinaanan pa ang mga kapatid ko dahil ayaw kong magtanong pa sila kung saan ako pupunta na ganito ang itsura.

Suot ko kasi ang dress na nabili ko noon sa ukay-ukay para sa party na pupuntahan ko dapat noon. Naka-itim akong dress. Simple lang at walang kahit anong design, pero dahil above the knee ang sukat nito, kitang kita ang maputi kong balat dito.

Ilang beses akong napalunok bago ako naglakad papasok sa loob ng bar. Ito ang unang beses na iinom ako rito. Gusto ko lang pansamantalang makalayo sa stress, at problema. Sabi kasi noon ni Bea, isa sa mga nagtatrabaho sa palengke, bar daw ang sagot sa mga problema niya noon. Bar daw ang takbuhan niya kapag nilalamon siya ng lungkot.

Mabagal akong naglakad hanggang sa tuluyan akong makapasok sa makulay na loob nito. Ang ilaw ay paiba-iba, at iba iba rin ang maaamoy mo rito sa loob.

Huminga ako ng malalim bago ako naglakad sa counter na nasa gilid nitong bar.

Bago ako maupo sa isang stool dito sa tapat ng bar. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at ang sasabihin kaya naman mas minabuti ko munang pagmasdan ang paligid.

"Hey, gimme margarita, please," narinig kong malanding untag nang babae 'di kalayuan sa akin.

Ngumiti naman ang bartender bago sumagot.

"On the way, ma'am," sagot nito.

Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. Hindi ko nga pala alam kung ano-anu ang mga alak sa isang bar.

"Ano pong maipaglilingkod ko, Miss?" napalunok naman ako nang bigla akong tanungin nang bartender.

T-teka? Paano 'to? Wala akong alam na alak!

"Give me ahh---" panimula ko bago ko inilibot ang aking paningin.

Ano nga ba ang sinabi nang babae kanina?

"Margarita. Isang margarita," sabi ko bago ako ngumiti. Tumango naman ang bartender at saka ginawa ang sinabi ko.

Napatingin naman ako sa kamay kong nanginginig. Sa totoo lang ay natatakot ako dahil iniwan ko si mommy sa hospital. Napahinga naman ako ng malalim bago ko iniiling ang aking ulo.

Ito ang una at huling beses na tatakas ako sa katotohanan. Matapos nito, haharapin ko na ang malungkot kong buhay.

Huwag ka mag-alala, mommy. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ko. Ngayon gabi, uunahin ko muna ang sarili ko. Natapos nito, kayo na ulit ng mga kapatid ko.

×××

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung nakakailang shot na ba ako ng alak. Basta alam ko marami na akong nainom. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil hindi ko naman tinitignan ang cellphone ko kanina pa."Isang margarita pa nga," nakangiting sabi ko bago ko inilapag ang baso na kanina ko pa gamit."Ma'am, kaya niyo pa po ba?" narinig kong tanong nang bartender. Mabagal ko namang iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko sa counter"O-oo naman," sagot ko kahit hindi ko na halos maidilat pa ang aking mga mata.Grabe ang epekto sa akin nang alak na 'yon, hilong-hilo ako at halos hindi ko na maiangat pa ang aking ulo.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang makaramdam ako nang pag-ikot ng sikmura ko."Shit," sabi ko bago ako napahawak sa bibig ko. Umiikot din ang paningin ko sa tuwing sinusubukan kong tumayo."Miss, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong nang kung sino pero hindi na ako sumagot pa.Naglakad na lamang ako sa kung saang parte nitong bar hanggang sa may makita akong pinto. Dali-dali ko '

    Huling Na-update : 2022-09-08
  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 4

    "Bili na kayo!" sigaw ko habang may hawak na pangbugaw sa langaw.Dito kasi ako sa manukan nagtatrabaho para may makain kami nila mommy sa araw-araw. At para makapag-aral ang mga nakababata kong kapatid. Ako naman kasi ay huminto na sa pag-aaral."Bili na kayo, mga suki!" sabi ko bago ako ngumiti.Kailangan kong galingan para makabenta kami ng marami ngayong araw. Dahil bukod sa sahod kong tatlong daan kada araw, may makukuha akong bonus sa amo ko kapag naubos ko ang benta kong manok."Ate! Bili na kayo! Murang-mura, at fresh pa!" sabi ko ulit.Sa totoo lang, sa likod nang mga ngiti ko ay ang takot na baka habang nandito ako ay may nangyayari na pa lang hindi maganda kay mommy."Suki! Ate! Bili na kayo!" pagtawag ko sa kanila."Ayon! Kuya, anong pong sa inyo?" nakangiting tanong ko sa limang lalaking lumapit sa mga paninda ko.Hindi naman sila kaagad sumagot, pero pansin ko ang pagkailang sa kanilang mukha. Mabilis namang napakunot ang aking noo."Ano pong sa inyo?" magalang na tanong

    Huling Na-update : 2022-09-08
  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 1

    Nakatayo ako sa tapat ng libingan ni daddy. Ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang death anniversaries niya na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumawa nito sa kanya. "Happy birthday po, daddy. I miss you so much," untag ko bago ako ngumiti. Isang luha rin ang mabilis na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Ang alam ko masaya kami noon. May kaya sa buhay at nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang biglang isang gabi ay may pumasok na magnanakaw sa aming bahay. Wala ako gaanong maalala noong gabing 'yon. Pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni daddy na nagmamakaawa na 'wag kaming galawin ni mommy. Buntis pa lamang si mommy no'n sa mga kapatid kong sina Zeus at Zephyr no'ng mangyari ang araw na 'yon. It was traumatizing. Sampung taong gulang pa lang ako noon, ngayon ay twenty years old na ako. Naaalala ko rin ang pagmamakaawa ni mommy noon na huwag kamin

    Huling Na-update : 2022-09-08

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 2

    Tulala lang akong nakaupo ngayon sa upuan katabi ni mommy. Nasa ICU siya ng hospital habang puno ang katawan niya ng iba't-ibang apparatus. Kita ko ang mga benda kung saan siya nasugatan nang dahil sa aksidente. Kita ko rin ang maamo niyang mukha kahit na mukha siyang nahihirapan. "Mommy, magiging maayos ka rin po," naluluhang sabi ko bago ko hinawakan ang kamay niya. Malamig 'yon at tila wala ng buhay. Isang luha ang mabilis na tumulo mula sa aking mga mata. Halos mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito. Si Zeus at Zephyr ay iniwan ko muna sa bahay ng kaibigan kong si Aliah. Malalim akong napabuntong hininga. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong maluha. Ilang oras na rin ang lumipas nang ilabas ng mga nurse si mommy sa loob ng operating room. Pero kahit gano'n, kinailangan ko munang maghintay ng ilang oras bago ako nakapasok dito ngayon kaya naman hinatid ko muna ang mga kapatid ko sa bahay ng kaibigan ko. Masyado pa sila parehong bata para makita ang ganitong pangyayari.

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 1

    Nakatayo ako sa tapat ng libingan ni daddy. Ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang death anniversaries niya na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumawa nito sa kanya. "Happy birthday po, daddy. I miss you so much," untag ko bago ako ngumiti. Isang luha rin ang mabilis na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Ang alam ko masaya kami noon. May kaya sa buhay at nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang biglang isang gabi ay may pumasok na magnanakaw sa aming bahay. Wala ako gaanong maalala noong gabing 'yon. Pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni daddy na nagmamakaawa na 'wag kaming galawin ni mommy. Buntis pa lamang si mommy no'n sa mga kapatid kong sina Zeus at Zephyr no'ng mangyari ang araw na 'yon. It was traumatizing. Sampung taong gulang pa lang ako noon, ngayon ay twenty years old na ako. Naaalala ko rin ang pagmamakaawa ni mommy noon na huwag kamin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status