Share

The Mafia Boss' Bedmate
The Mafia Boss' Bedmate
Author: Purpleyenie

Kabanata 1

Author: Purpleyenie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nakatayo ako sa tapat ng libingan ni daddy. Ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang death anniversaries niya na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumawa nito sa kanya.

"Happy birthday po, daddy. I miss you so much," untag ko bago ako ngumiti. Isang luha rin ang mabilis na pumatak mula sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Ang alam ko masaya kami noon. May kaya sa buhay at nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang biglang isang gabi ay may pumasok na magnanakaw sa aming bahay.

Wala ako gaanong maalala noong gabing 'yon. Pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni daddy na nagmamakaawa na 'wag kaming galawin ni mommy. Buntis pa lamang si mommy no'n sa mga kapatid kong sina Zeus at Zephyr no'ng mangyari ang araw na 'yon.

It was traumatizing. Sampung taong gulang pa lang ako noon, ngayon ay twenty years old na ako. Naaalala ko rin ang pagmamakaawa ni mommy noon na huwag kaming idamay. Dahil buntis siya at bata pa ako.

Mabagal kong pinunasan ang luha kong mabilis na tumulo mula sa aking mga mata.

Nasasaktan ako dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari noong gabing 'yon. Wala akong kaalam alam sa totoong nangyari. Sinabi nila na pinasukan kami ng magnanakaw pero wala raw nawawalang gamit sa amin.

Hanggang ngayon palaisipan sa akin ang lalaking 'yon. Alam ko kilala ko siya dahil kung paano niya ako tignan noon ay puno ng galit at the same time ay awa.

"Ate!" pagtawag sa akin ni Zeus. Kaagad ko siyang tinignan bago ako ngumiti.

"Tara na po?" sabi niya bago hinawakan ang aking kamay. Agad naman akong tumango bago ako lumingon muli sa puntod ni daddy.

"Daddy, dito na po kami, ah? Bibisita na lang po kami sa iyo ulit," sabi ko sa kanya bago ako ngumiti at sumunod ng lakad kay Zeus.

"Ate, bakit ka pala nakikipag-usap kay daddy? Hindi ka naman na po niya maririnig, eh. Hindi ba wala naman na siya?" inosenteng tanong sa akin ng aking kapatid.

Bahagya naman akong natawa dahil inosenteng-inosente ang kaniyang tingin sa akin.

"Hindi man na natin kasama si daddy, naririnig naman niya tayo roon," sabi ko kay Zeus sabay turo ng langit.

Bigla naman siyang napangiti bago siya tumango.

"Ang galing naman ni daddy," sabi niya nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Wala naman akong ibang sinabi pa kung hindi tanging ngiti na lamang.

Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad ni Zeus hanggang sa nakita namin si mommy na hawak ang isa ko pang nakababatang kapatid, at bunso, siya rin ang kakambal ni Zeus, si Zephyr.

"Zephyr," untag ko nang makalapit na kaming tuluyan sa pwesto nila ni mommy.

Mabilis naman itong ngumiti.

"Ate, uwi na tayo. Nagugutom na kasi ako," biglang sabi ni Zeus kaya kaagad ko siyang tinignan.

"Anak, 'wag kulitin ang ate," sabi naman ni mommy kaya kaagad ko siyang tinignan.

"Ayos lang po 'yon, mommy. Tara na po at maglakad," sagot ko naman sa kanila bago ko hinawakan ang kamay ni Zeus at nagsimula na kami ulit maglakad papalabas ng sementeryo kung saan nakalibing si daddy.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang bigla kong maramdaman ang paghigpit ng hawak sa kamay ko ni Zeus.

"Ano 'yon, Zeus?" nakangiting tanong ko.

"Ate, bakit nga pala Zelena Artemis Caitlin ang pangalan mo? Bakit nga pala napakahaba? Hindi ka na ba nakaisip ng ibang pangalan?" nagtatakhang tanong nito kaya sabay kaming natawa ni mommy.

Malakas kasi ang pagkakasabi ni Zeus kaya naman maging si mommy ay narinig ang sinabi niya sa akin.

"Nako, kung ako lang talaga ang pumili ng pangalan ko hindi ko pahahabain ng gano'n," natatawang sagot ko.

Parang naguluhan naman bigla si Zeus sa sinabi ko kung kaya't mas natawa ako.

"Ikaw ba ang pumili ng pangalan mo, Zeus?" tanong ko. Napaisip naman siya. Inilagay pa niya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba.

"Hindi ko maalala, ate," sagot naman nito sa akin kaya ngumiti ako ulit.

"Si mommy at daddy ang nagpangalan sa atin," sabi ko bago ako tumingin sa gawi ni mommy. Mabilis namang napangiti si Zeus at parang naintindihan niya ang nais kong iparating.

Akma ko na sanang muling ibubuka ang aking bibig upang magsalita ngunit natigilan ako nang bigla na lamang may mabilis na sasakyan ang dumaan sa kalsada.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na halos kami nakapag-react sa kung ano ang dapat gawin. Tanging sigaw na lamang ang nasabi ko matapos kong makita si mommy na halos lumipad papunta sa kabilang kalsada matapos siyang mahagip ng sasakyan.

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at halos hindi ako kaagad nakagalaw. Tanging sigaw na lamang ng mga kapatid ko ang naririnig ko sa paligid, at ang sigawan ng mga tao.

"M-mommy," untag ko. Nanginginig ang aking boses pati na rin ako.

"Mommy!" naririnig ko ang makailang ulit na iyak at sigaw ng mga kapatid ko.

Si mommy ay nakahiga na sa kalsada at naliligo na sa sarili niyang dugo.

"Jusmiyo! Tumawag kayo ng ambulansya!" narinig kong sigaw ng mga tao.

Mabagal akong naglakad papalapit sa kanya habang umiiyak.

Kanina lang nagtatawanan kami, ngayon nandito na siya, duguan at wala ng malay.

"Tumawag po kayo ng ambulansya! Tulong!" sigaw ko. Patuloy ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mommy.

No! Hindi pwedeng mawala sa amin si mommy.

"Hindi niyo ba nakuha ang plate number?" narinig kong tanong ng isang lalaki ngunit masyado akong nakatutok kay mommy kung kaya't hindi ko na naintindihan pa ang iba nilang pinag-uusapan.

Mabilis akong napahawak sa d*bdib ko nang maramdaman ko ang paninikip no'n dahil sa nakikita ko ngayon.

Hindi maaari!

Lumuhod ako sa tapat ni mommy bago ko hinawakan ang kanyang mga kamay. Hindi rin nagtagal ay nakarinig ako paparating na ambulansya.

Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari. Tanging pagbuhat na lamang kay mommy ang nakita ko bago siya isinakay sa ambulansya.

Nanginginig ang aking mga kamay. Hinawakan ko pa ang kamay nang aking mga kapatid bago kami sumakay sa ambulansya.

---

"Ate, ano na po ang mangyayari sa atin kapag wala na po si mommy?" malungkot na tanong ni Zephyr. Kaagad ko siyang nilingon bago ako napatingin sa pintuan ng Operating Room ng hospital na pinagdalhan kay mommy.

"Hindi mawawala si mommy, Zephyr. Gagaling din siya," sabi ko naman bago ako napatingin sa sapatos na suot ko.

Ayaw kong ipakita sa mga kapatid ko na pati ako ay natatakot at nababahala sa maaaring mangyari sa amin.

Alam kong malakas si mommy, alam ko kaya niyang lampasan ang bagay na ito.

"Tahan na, Zeus," sabi ko kay Zeus na nakaupo ngayon sa kanan ko. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"A-ate, s-si mommy," sabi pa nito. Malalim naman akong napabuntong hininga bago ko niyakap ang dalawa kong kapatid.

"Huwag na kayong umiyak. Magiging maayos si mommy," sabi ko kahit na ako mismo ay nanghihina na at pinanghihinaan na ng loob.

Huwag sana na pati si mommy ay mawala sa amin. Hindi ko kakayanin na pati siya ay iwanan kami.

"Who's the family of the patient?" mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo nang makita ko ang doctor na lumabas mula sa kwarto kung nasaan ngayon si mommy.

"Kami po, doc. Kumusta na po si mommy?" kinakabahang tanong ko.

Nakita ko namang napahinga ng malalim ang doktor na ngayon ay kaharap ko. Tinanggal niya pa ang suot niyang surgical mask bago siya napahinga ng malalim.

Mas bumilis naman ang tahip ng aking dibdib. Hindi ko alam pero mas kinakabahan ako tuwing lumilipas ang oras.

"To tell you honestly hija, hindi mabuti ang lagay ng mommy mo. She suffered a lot of broken bones, from her thighs, legs, arms, and even in her chest. She also suffered a hit on her head. And naapektuhan no'n ang entire system niya. Marami rin ang nawalang dugo sa kanya. While we were performing the surgeries, she stopped breathing during the process. Luckily we were able to resuscitate her, but it lasted for five minutes. And because of that, she's apparently now under coma," tuloy-tuloy na sabi ng doktor.

Napaupo naman ako sa upuan malapit sa akin. Habang umiiyak naman ang aking mga kapatid sa aking tabi.

"Ibig po bang sabihin matagal pa ang hihintayin namin bago po magising si mommy?" naluluhang tanong ko.

"I'm sorry. During those five minutes ay walang dumaloy na dugo sa kanyang ulo. And dahil d'yan, brain hypoxia occured. Maraming brain cells niya ang namatay during those five minutes, we are lucky na buhay pa siya, sadly she's in a deep coma. Just keep praying, and stick on her. She will be needing her family at this time of her life," malungkot na sagot naman sa akin ng doktor.

Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at yakapin na lamang ang dalawa kong kapatid.

"Excuse me, hija. I'm leaving now," sabi pa ng doktor bago ko naramdaman ang pagtapik niya sa aking balikat.

Hindi naman na ako naka-sagot pa. Tanging iyak na lamang ang aking nagawa.

×××

Related chapters

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 2

    Tulala lang akong nakaupo ngayon sa upuan katabi ni mommy. Nasa ICU siya ng hospital habang puno ang katawan niya ng iba't-ibang apparatus. Kita ko ang mga benda kung saan siya nasugatan nang dahil sa aksidente. Kita ko rin ang maamo niyang mukha kahit na mukha siyang nahihirapan. "Mommy, magiging maayos ka rin po," naluluhang sabi ko bago ko hinawakan ang kamay niya. Malamig 'yon at tila wala ng buhay. Isang luha ang mabilis na tumulo mula sa aking mga mata. Halos mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito. Si Zeus at Zephyr ay iniwan ko muna sa bahay ng kaibigan kong si Aliah. Malalim akong napabuntong hininga. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong maluha. Ilang oras na rin ang lumipas nang ilabas ng mga nurse si mommy sa loob ng operating room. Pero kahit gano'n, kinailangan ko munang maghintay ng ilang oras bago ako nakapasok dito ngayon kaya naman hinatid ko muna ang mga kapatid ko sa bahay ng kaibigan ko. Masyado pa sila parehong bata para makita ang ganitong pangyayari.

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung nakakailang shot na ba ako ng alak. Basta alam ko marami na akong nainom. Hindi ko rin alam kung anong oras na dahil hindi ko naman tinitignan ang cellphone ko kanina pa."Isang margarita pa nga," nakangiting sabi ko bago ko inilapag ang baso na kanina ko pa gamit."Ma'am, kaya niyo pa po ba?" narinig kong tanong nang bartender. Mabagal ko namang iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko sa counter"O-oo naman," sagot ko kahit hindi ko na halos maidilat pa ang aking mga mata.Grabe ang epekto sa akin nang alak na 'yon, hilong-hilo ako at halos hindi ko na maiangat pa ang aking ulo.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang makaramdam ako nang pag-ikot ng sikmura ko."Shit," sabi ko bago ako napahawak sa bibig ko. Umiikot din ang paningin ko sa tuwing sinusubukan kong tumayo."Miss, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong nang kung sino pero hindi na ako sumagot pa.Naglakad na lamang ako sa kung saang parte nitong bar hanggang sa may makita akong pinto. Dali-dali ko '

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 4

    "Bili na kayo!" sigaw ko habang may hawak na pangbugaw sa langaw.Dito kasi ako sa manukan nagtatrabaho para may makain kami nila mommy sa araw-araw. At para makapag-aral ang mga nakababata kong kapatid. Ako naman kasi ay huminto na sa pag-aaral."Bili na kayo, mga suki!" sabi ko bago ako ngumiti.Kailangan kong galingan para makabenta kami ng marami ngayong araw. Dahil bukod sa sahod kong tatlong daan kada araw, may makukuha akong bonus sa amo ko kapag naubos ko ang benta kong manok."Ate! Bili na kayo! Murang-mura, at fresh pa!" sabi ko ulit.Sa totoo lang, sa likod nang mga ngiti ko ay ang takot na baka habang nandito ako ay may nangyayari na pa lang hindi maganda kay mommy."Suki! Ate! Bili na kayo!" pagtawag ko sa kanila."Ayon! Kuya, anong pong sa inyo?" nakangiting tanong ko sa limang lalaking lumapit sa mga paninda ko.Hindi naman sila kaagad sumagot, pero pansin ko ang pagkailang sa kanilang mukha. Mabilis namang napakunot ang aking noo."Ano pong sa inyo?" magalang na tanong

Latest chapter

  • The Mafia Boss' Bedmate   Kabanata 1

    Nakatayo ako sa tapat ng libingan ni daddy. Ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang death anniversaries niya na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumawa nito sa kanya. "Happy birthday po, daddy. I miss you so much," untag ko bago ako ngumiti. Isang luha rin ang mabilis na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang lahat. Ang alam ko masaya kami noon. May kaya sa buhay at nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang biglang isang gabi ay may pumasok na magnanakaw sa aming bahay. Wala ako gaanong maalala noong gabing 'yon. Pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni daddy na nagmamakaawa na 'wag kaming galawin ni mommy. Buntis pa lamang si mommy no'n sa mga kapatid kong sina Zeus at Zephyr no'ng mangyari ang araw na 'yon. It was traumatizing. Sampung taong gulang pa lang ako noon, ngayon ay twenty years old na ako. Naaalala ko rin ang pagmamakaawa ni mommy noon na huwag kamin

DMCA.com Protection Status