Share

Chapter 180

Xyrica’s POV:

Ilang araw ang lumipas at naging ayos na ‘yung pakiramdam ko. Kailangan ko lang talaga ng maayos na tulog tapos kumain sa saktong oras. Hindi na rin ulit ako nakatanggap ng box mula sa hindi ko kilala. At saka hindi ko muna sinunod ‘yung nasa letter hangga’t hindi namin nalalaman ni Cyborg kung kanino galing.

Nagawang ipa-check ni Cyborg ang fingerprints na nasa letter gamit ang iba pang koneksyon ng mga magulang niya, pero wala raw kahit isang fingerprint ang sulat. Sa ibang salita ay malinis ang sulat at matalino ang taong gumawa nito. Ito rin ang isa sa rason kung bakit hindi kami lumapit sa asawa ni Teresa… baka kasi ito ‘yung paraan taong iyon na i-prank kami, kung sino man siya.

At saka patuloy pa rin ang pagtawag ni Cyborg kay Detective Sullivan. Hindi naman nagpatulong sa akin si Cyborg, siguro ay kaya na nila ng pamilya niya na ipahanap ang nawawalang detective. Nag-assume na sila na nawawala ito kasi lagpas isang buwan na itong tumigil sa pagtawag sa pamilya ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status