Xyrica’s POV:“Bakit mo naman po natanong kung nakatanggap ba ‘yung kaibigan ko ng death threats?” Tanong naman ni Cyborg kay sir Sebastian.Mukhang pareho yata kami ng iniisip ni Cyborg kasi siya na mismo ang nagtanong kay sir Sebastian sa iniisip ko. At saka hindi naman siguro magtatanong si sir Sebastian kung hindi niya alam ang buong pangyayari, hindi ba? Kung hindi man kilala nina Tyron at ng mama niya ‘yung taong nagpasimuno nito ay baka alam ng amo nila.“I was only wondering since I’ve never encountered something like yesterday,” sagot naman ni sir Sebastian. Kumuha siya ng upuan tapos umupo sa harap namin at nagpatuloy sa pagsasalita, “Kadalasan kasi sa mga customers namin ay pumupunta sa shop namin upang bumili ng bulaklak para ipadala sa mga taong importante sa kanila. They would gladly gave us their names even without thinking because there’s no reason to hide it, to be honest. Pero ‘yung taong bumigay sa ‘yo ng bulaklak ay kabaliktaran sa mga nakasanayan ko.”“Kaya po ba
Xyrica’s POV:Maaasahan talaga si Alver sa trabaho niya. Pagkatapos kasi naming makahingi ng kopya ni Cyborg sa CCTV footage ay pinahanap ko kay Alver ‘yung lalaking nagbayad sa shop. Hindi na ako nagpaliwanag kay Alver at sinabi ko lang na hanapin ‘yung lalaki… at hindi na siya kailanman nagtanong kung sino ang taong ito at kung bakit ko siya hinahanap.Umabot lang si Alver ng dalawang araw upang mahanap ang lahat ng impormasyon na kailangan namin. Mula sa pangalan ng lalaki hanggang sa mga pagkaing bawal nito ay nalaman namin. Hindi pala talaga makakalampas ang kahit na sino kay Alver basta ba’t active lang sa social media.“Maaari na ba akong bumalik sa trabaho ko?” Tanong sa akin ni Alver noong binigay niya ang papel na naglalaman ng impormasyon ng lalaki.Tumango ako at masayang tinanggap ang papel. Tapos nagsalita, “Salamat talaga sa tulong mo, Alver. I didn’t know your talent would come so handy in the future— I just thought you were doing the nerdy stuff for fun.”Umiling si A
Xyrica’s POV:Max didn’t deny that it was him on the video. He, in fact, even let us into his apartment and offered us some refreshments as I asked him a couple of questions. After Max’s girlfriend finished doing her chores, she immediately sat down next to Max. I think she’s also curious why Cyborg and I visited their place without even knowing who they were.Max looked at his girlfriend. And the way he gazed at her is as if he’s giving her an assurance that he’s telling the truth. Then Max started to explain, “Papunta ako niyan sa bahay ng mga magulang ko noong nakita ninyo ako sa video. Hindi kasi ako umuuwi sa amin na wala akong dala kaya bumibili talaga ako ng pagkain o maiinom na maaaring ma-enjoy ng pamilya ko,“Pero sa mga panahong iyon ay hindi na ako nakapunta sa mall kasi nagmamadali ako. And, I hate the idea of coming home empty-handed so I made a stop at the flower shop to buy my mother’s favorite flowers— mas mabuti na iyon kesa wala talaga akong dala. Pagbaba ko ng kots
Xyrica’s POV:Hinayaan ko lang si Cyborg na gawin ‘yung gusto niya kasi hindi niya naman ipinaliwanag sa akin kung ano talaga ang naiisip niya tungkol sa mga sulat. Isa pa… hindi rin ako natatakot na masira ‘yung sulat kasi wala namang fingerprints sa papel. Dahil nakasuot naman pala ng gloves ‘yung mga nagpasimuno nito. Kung ano man ‘yung naiisip ni Cyborg na maaaring humantong sa amin ang salarin ay masaya akong sasang-ayon.“I’m trying to peel the letters off,” Cyborg explained even though I wasn’t asking.I curiously looked at him as he was very gentle with what he was doing. Then I asked, “Tungkol saan ba ang lahat ng ito? Can you at least explain to me what you were thinking just now? Gaano ba ka-importante ito at ginusto mo talagang umalis para lang bumili ng puller?”Tumigil si Cyborg sa ginagawa niya at pinakita sa akin ang sulat. At saka nagtanong, “Nakikita mo ba ito?”I nodded and answered, “Oo, naman. Nakikita ko ‘yung sulat na ginawa mula sa mga cut-out letters.”“It may
Xyrica’s POV:I thought Cyborg had an uncanny plan in mind when he said we needed to try and find out Eric Magnayon’s secret, but I was wrong. Cyborg called one of his family’s detectives, like we always do since we still haven’t heard about Detective Sullivan. He made it clear to dig up Eric’s past and uncover his darkest secrets.Gustong malaman ni Cyborg kung saan at kailan siya ipinanganak, hanggang sa kung bakit siya nag-resign sa pagiging pulis. Nagiging maselan din siya sa mga impormasyong nakukuha niya at gusto niya ‘yung juicy at may mapaggagamitan. Hindi na ako nagreklamo kasi siya naman daw ang magbabayad sa detective na napag-utusan niya. At saka tinutulungan pa rin kasi namin sina miss Ludwig sa ‘paghahanap ni Joy’, hindi ko naman sila pwedeng pabayaan nalang.Hindi namin nilapitan si Eric Magnayon at ‘yung asawa niya kasi maaari kasi nilang itanggi ang lahat ng sasabihin namin sa kanila. Gusto naming maging handa sa oras na haharapin namin sila… at sa oras na magtatanong
Xyrica’s POV:Pagkatapos naming mag-usap tungkol kay dean Steinfeld ay naunang umalis sina Macey, Ami, at Monique kasi pupunta raw sila sa mall ngayon. Sumunod naman si Alver kasi kailangan niyang balikan ang Akinomo Phoenix Gang at niyaya akong sumama sa kanila sa oras na makabalik kami ni Cyborg sa Gangster Academy. Si Spencer naman ay naunang sumakay sa sasakyan ni miss Ludwig, habang si Cyborg ay nasa loob na ng sasakyan niya at hinihintay ako.Hindi ko muna pinaalis si miss Ludwig kasi may pag-uusapan lang kami tungkol kay Joy. Hindi pa ako sigurado kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa sulat kasi hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya. Nakadepende na ito sa sasabihin ni miss Ludwig… kung kumbinsido ako sa sasabihin niya ay baka sabihin ko talaga sa kanya.Bago ko siya kinausap ay lumayo kami ng kaunti sa kinaroroonan nina Cyborg at Spencer. Tahimik namang sumunod si miss Ludwig sa akin at para bang sinusubukang basahin ang mukha ko. Akala niya siguro ay malalaman niya kaag
Xyrica’s POV:The letters I got made miss Ludwig half-convinced that it came from Joy since she had seen her friend lots of time doing such a thing. She even got tons of questions for us even though she knew that Cyborg and I didn’t have a clue. She’s also as puzzled as Cyborg and I— was when we received the letters the first time.“Why would you tell her about the letters and the secret code we cracked when you don’t want her to help us?” Cyborg asked for the ninth time since the other day.“Oh my God, Cyborg. Sa tingin mo ba ay magbabago ‘yung sagot ko dahil lang sa pagtatanong mo sa akin ng ilang beses?” Nagtatakang tanong ko kay Cyborg at umupo sa tabi niyang upuan.“Hindi ko kasi maintindihan kung ano ‘yung gusto mong mangyari,” sagot niya tapos napailing pa habang tinitignan ako.Umiling na rin ako kasi nababagot na ako habang kausap siya. Sasagot na naman kasi ako sa ikasiyam na pagkakataon, “Gaya ng sabi ko sa ‘yo… ginamit ko si miss Ludwig upang kumpirmahin kung galing nga ba
Xyrica’s POV:Nagtanong ako kay Cyborg kung mali ba ‘yung timing ng pagdalaw namin kasi pwede naman kaming dumalaw sa mga susunod na araw pero hindi siya nagsalita. Binalik ko ‘yung tingin ko sa papa niya, seryoso itong nakatingin sa amin tapos tinatapik niya ‘yung mesa gamit ang hintuturo niya. Minasdan ko siyang tumayo sa upuan niya at seryosong lumapit sa amin.Kahit nasa harapan namin ang papa ni Cyborg ay tahimik pa rin kami. Tinapunan niya ako ng tingin pero binalik ulit ito kay Cyborg. Ang hindi lang nila alam ay gusto ko ng umuwi kasi hindi ako komportable sa bahay nila. Kung alam ko palang ganito ang mangyayari edi sana—“Magandang gabi po,” bati ko sa papa ni Cyborg noong tumayo na siya sa harap namin. Yumuko na rin ako kasi ayaw kong makita ‘yung reaksyon ng papa niya.“Son!” Nakangiting sabi ng papa ni Cyborg at niyakap ito.“Hi, dad! It’s been a while,” bati naman ni Cyborg at niyakap ito pabalik.“What the hell happened? Did I feel unnecessary feelings all for nothing? S
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na