Share

Chapter 187

Xyrica’s POV:

“Bakit mo naman po natanong kung nakatanggap ba ‘yung kaibigan ko ng death threats?” Tanong naman ni Cyborg kay sir Sebastian.

Mukhang pareho yata kami ng iniisip ni Cyborg kasi siya na mismo ang nagtanong kay sir Sebastian sa iniisip ko. At saka hindi naman siguro magtatanong si sir Sebastian kung hindi niya alam ang buong pangyayari, hindi ba? Kung hindi man kilala nina Tyron at ng mama niya ‘yung taong nagpasimuno nito ay baka alam ng amo nila.

“I was only wondering since I’ve never encountered something like yesterday,” sagot naman ni sir Sebastian. Kumuha siya ng upuan tapos umupo sa harap namin at nagpatuloy sa pagsasalita, “Kadalasan kasi sa mga customers namin ay pumupunta sa shop namin upang bumili ng bulaklak para ipadala sa mga taong importante sa kanila. They would gladly gave us their names even without thinking because there’s no reason to hide it, to be honest. Pero ‘yung taong bumigay sa ‘yo ng bulaklak ay kabaliktaran sa mga nakasanayan ko.”

“Kaya po ba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status