Xyrica’s POV:Ilang araw ang lumipas at naging ayos na ‘yung pakiramdam ko. Kailangan ko lang talaga ng maayos na tulog tapos kumain sa saktong oras. Hindi na rin ulit ako nakatanggap ng box mula sa hindi ko kilala. At saka hindi ko muna sinunod ‘yung nasa letter hangga’t hindi namin nalalaman ni Cyborg kung kanino galing.Nagawang ipa-check ni Cyborg ang fingerprints na nasa letter gamit ang iba pang koneksyon ng mga magulang niya, pero wala raw kahit isang fingerprint ang sulat. Sa ibang salita ay malinis ang sulat at matalino ang taong gumawa nito. Ito rin ang isa sa rason kung bakit hindi kami lumapit sa asawa ni Teresa… baka kasi ito ‘yung paraan taong iyon na i-prank kami, kung sino man siya.At saka patuloy pa rin ang pagtawag ni Cyborg kay Detective Sullivan. Hindi naman nagpatulong sa akin si Cyborg, siguro ay kaya na nila ng pamilya niya na ipahanap ang nawawalang detective. Nag-assume na sila na nawawala ito kasi lagpas isang buwan na itong tumigil sa pagtawag sa pamilya ni
Xyrica’s POV:Medyo nabitin ako sa sinabi ni Macey kasi hindi niya na dinagdagan ‘yung sinabi niya. Gusto ko sanang magtanong sa kanya kung ano ang nangyari pero nakatingin kasi sa akin si Michiaki. Hindi ko alam kung narinig niya ba ‘yung sinabi ni Macey, basta’t bakas sa mukha niya ang pagtataka.“Macey, pwede bang tumawag ka nalang ulit mamaya kapag natapos na ‘yung last subject? Nasa labas kasi ako ng Laboratory kasi nag-ingay ‘yung cellphone ko sa tawag ni Monique. Mabuti na nga lang at inako ni Michiaki ‘yung cellphone ko kaya hindi kami napagalitan ng teacher,” mahinahon pero pabulong na sabi ko kay Macey.“But I told you already. It’s something important,” sabi ni Macey na hindi mapakali ang tono.I cleared my throat and replied firmly, “And I also told you that you should call me back after the class ended. Alam mo bang kasama ko ngayon si Michiaki? Kung ano man iyang bagay na bumabagabag sa ‘yo ay sina Monique at Ami na muna ang kausapin mo. Pasensya na kung hindi malaki ang
(The Continuation)Xyrica’s POV:Pagkatapos ng huling subject ay nagpaalam kaming dalawa ni Cyborg kina Michiaki. Ang ibinigay naming rason sa Akinomo Phoenix Gang ay pinatawag kami ng mga magulang ni Cyborg kasi birthday ng kapatid niya. Panibagong pagsisinungaling na naman ang sinabi ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ba sila sa sinasabi ko.Pero bago kami umalis ni Cyborg ay nagtext kami nina miss Ludwig, Spencer, at Alver. Upang ipaalam sa kanila na magkikita kami sa convenience store na malapit sa Gangster Academy. Inaasahan kong male-late na naman si Alver kasi maghahanap na naman iyong ng rason para makatakas sa Akinomo Phoenix Gang. Mukhang sina Spencer at miss Ludwig nalang siguro ang makakasama namin sa oras na kakausapin na namin sina Macey.Medyo malakas ang kutob ko na tungkol ito kay dean Steinfeld kasi sina Ami, Macey, at Monique lang namang ang in-charge sa spy cameras. Ano kaya ang sasabihin nila sa amin at hindi sila ma
Xyrica’s POV:Nagtataka ako kung bakit sa akin sila nagtatanong kung ano ang susunod na gagawin. Hindi man lang nila inalis ang mga mata sa akin at mukhang naghihintay kung ano ‘yung sasabihin ko. Kung tutuusin, plano nina Cyborg ang ginawa namin kasi parang tanga ‘yung plano na naisip ko noon. Hihingi pa rin sila ng opinyon sa akin kahit wala naman akong maibigay na tama sa kanila?“One problem at a time,” I could hear Cyborg’s voice over my head.I took a deep breath and asked Cyborg and miss Ludwig, “Saan ninyo inilagay ang mga spy cameras na dala ninyo? Bakit nakita ni dean Steinfeld ang lahat tapos sinira?”I swore I put my spy camera somewhere dean Steinfeld wouldn’t notice. Nilagay ko ang spy camera at listening device sa labas ng silid ni dean Steinfeld kung saan makikita at maririnig namin ‘yung sekretarya niya. Hindi ko lang akalain na malalaman niyang nag-espiya rin kami sekretarya niya. Dean Steinfeld isn’t slow witted like I thought he was.“Nilagay ko ‘yung isa sa likod
Xyrica’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ibinigay na paliwanag ni Alver sa Akinomo Phoenix Gang pero ang sabi niya kasi sa akin ay hindi na ulit ako guguluhin nina Michiaki sa oras na may gawin ako. At saka hindi na rin daw sila nanghihinala sa amin ni Cyborg. Kung hindi ito sinabi sa akin ni Alver ay hindi ko malalaman na nanghihinala rin pala sila kay Cyborg. Hindi naman kasi nagbago ang pakikitungo nila kay Cyborg kahit wala ako.Kung manghihinala man sila kay Cyborg— malamang ay malalaman ko kaagad kasi madali naman sa akin na basahin ang nga galaw ng Akinomo Phoenix Gang. Malalaman ko rin kung mag-susumbong si Cyborg o kaya’y si Alver— pero wala naman akong natanggap na reklamo.Kung babalikan ko rin ‘yung tungkol kay dean Steinfeld, kahit wala na ‘yung spy cameras sa opisina niya ay nagagamit pa rin naman namin ang listening devices ni Alver at ang tracking device ni miss Ludwig. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naintindihan kung bakit hinayaan lang ni Teresa na manatili ang l
Xyrica’s POV:Nagpaalam na sana para umalis ang lalaki na naghatid ng flowers at chocolates pero pinigilan ko muna siya. May mga bagay pa kasi akong itatanong sa kanya tungkol sa sender kasi gusto ko ng malaman kung sino talaga ang gumagambala sa akin nito. Gusto ko ring kausapin ang sender sa personal at itanong kung bakit parang alam niya ‘yung kwento ng buhay ko.“Maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pangalan ng nagbigay sa akin nito? Siya kasi ‘yung taong matagal ko ng hinahanap,” sabi ko sa lalaki noong napigilan ko siyang umalias.“Pasensya na po, ma’am. Pero, hindi po kasi nakasaad sa listahan namin ng nagpapadeliver ang pangalan ng sender. ‘Yung boss ko po kasi ang nakipag-usap sa sender at mukhang hindi nito sinabi ang pangalan niya. Hindi ko rin alam kung bakit,” inosenteng sagot ng lalaki sa akin.“Pero paano ninyo natanggap ‘yung bayad niya?” Tanong ko sa lalaki.Tumingin ito sa kalangitan at mukhang nag-iisip ng malalim. Tapos biglang lumiwanag ang mukha nito sabay sabin
Xyrica’s POV: Nakatulog pala kagabi si Cyborg kaya ang tagal nitong nagsalita. Akala ko pa naman ay nag-iisip lang siya ng malalim at ayaw niyang madisturbo. Nalaman ko nalang na nakatulog pala siya dahil narinig ko siyang humihilik ng kaunti. Pinatay ko nalang ‘yung tawag kasi ayaw kong magising pa siya— at saka gusto ko ring magpahinga siya. Kaninang umaga ko nalang kinausap si Cyborg, noong lumabas ako sa kwarto ko para magpunta sa cafeteria. Humingi naman siya ng pasensya at sinabing hindi niya na raw uulitin. Pinaintindi ko naman sa kanya na okay lang, kasi naiintindihan ko naman. Kasi kung hindi ko naintindihan— malamang ay ginising ko na siya para pilitin siyang makipag-usap sa akin tungkol sa bagong sulat na natanggap ko. Saka lang kami nag-usap tungkol sa plano kong magpunta sa address na ibinigay sa akin ng lalaki noong nasa Cafeteria na kami. Pumayag naman si Cyborg na sumama basta’t siya ‘yung magmamaneho at ang kotse niya ‘yung gagamitin. Hindi na ako tumutol kasi ayaw
Xyrica’s POV:“Bakit mo naman po natanong kung nakatanggap ba ‘yung kaibigan ko ng death threats?” Tanong naman ni Cyborg kay sir Sebastian.Mukhang pareho yata kami ng iniisip ni Cyborg kasi siya na mismo ang nagtanong kay sir Sebastian sa iniisip ko. At saka hindi naman siguro magtatanong si sir Sebastian kung hindi niya alam ang buong pangyayari, hindi ba? Kung hindi man kilala nina Tyron at ng mama niya ‘yung taong nagpasimuno nito ay baka alam ng amo nila.“I was only wondering since I’ve never encountered something like yesterday,” sagot naman ni sir Sebastian. Kumuha siya ng upuan tapos umupo sa harap namin at nagpatuloy sa pagsasalita, “Kadalasan kasi sa mga customers namin ay pumupunta sa shop namin upang bumili ng bulaklak para ipadala sa mga taong importante sa kanila. They would gladly gave us their names even without thinking because there’s no reason to hide it, to be honest. Pero ‘yung taong bumigay sa ‘yo ng bulaklak ay kabaliktaran sa mga nakasanayan ko.”“Kaya po ba