HINDI mapilit ni Danica ang sarili na makatulog. Ang katabi niyang kaibigan ay tulog na samantalang siya ay binabagabag pa rin ng mga alalahanin. Marami na siyang naisakripisyo at hindi hahayaang mawala na lang lahat ng pinaghirapan. Muling umukil sa kaniyang isipan ang kasunduang namagitan sa kanilang dalawa ng estokadang abuela ni Steven.
"Isang taon ang ibibigay ko sa iyo upang maibigay ang gusto ko. Kailangan bago matapos ang palugit na iyan ay mabigyan mo ako ng apo mula kay Steven. Kapag nabuntis ka na ay madali na lang e arrange ang kasal ninyong dalawa."
"Fuck that old woman!" she cursed in her mind. Hindi sapat ang pagiging malapit niya kay Rita para mangyari ang lahat ng gusto niya. Toso ang matanda at nagmana dito si Steven.
"Ahhhhh!" impit na hiyaw ni Danica pero naipit iyon sa kaniyang lalamunan dahil ayaw niyang makalikha ng ingay at baka magising si Rita. Napasabunot ang dalawang kamay sa sariling buhok dahil sa inis na nadarama.
One month ago lang niya nalamang may problema ang kaniyang ovary kaya hindi siya mabuntis-buntis. Bukod sa kailangan pa niyang lasingin si Steven bago siya magalaw nito ay 50/50 ang chance na mabuntis siya. Kung hindi lang sana siya pini-pressure ng matanda ay hindi niya maisip ang bagay na ito ngayon. Nungka niyang ipain si Nicole at ilapit ito sa pamilya ni Rita.
"This is all your fault kaya bagay lang sa iyo ang magdusa!" kausap niya sa kaniyang sarili at naging matalim ang tinging ipinukol sa kawalan. Tila ba naroon si Nicole at nangungutya ang tinging ipinupukol sa kaniya kaya lalong yumabong ang inis niyang nadarama.
Bata pa lang siya ay naiingit na siya kay Nicole kahit kaibigan ang turing dito. She look perfect kahit sa pamilya at siya ay nagmumukhang linta lang na dumidikit dito. Ayaw niyang habangbuhay na ganoon lang ang buhay niya. Naiinis siya sa mga magulang niya dahil walang pangarap sa buhay na yumaman. Mabuti na lang at paborito siya ng ina ni Nicole dahil likas siyang matalino kaysa kay Nicole. Iyon ang advantage niya sa kaibigan. Ginagawa niya ang lahat upang makuha ang atensyon ng taong gusto niya.
Napangisi si Danica habang sinasariwa ang nakaraan. Isa siyang mabait at huwaraang anak sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Pero hindi niya gusto ang kaawaan siya. She hated that feelings! Walang ginagawang masama sa kaniya si Nicole pero ayaw niya dito sa kaloob-looban niya dahil taglay nito ang mga bagay na wala siya. And now, she hate her more dahil kailangan na naman niyang gamitin ito upang maisakatuparan ang pinakamalaking minimithing mapasakanya.
Nagising si Nicole dahil sa sobrang sakit ng kaniyang ulo. Parang binibiyak iyon. Dumagdag pa ang sakit ng katawan nang gumalaw siya. "Arghhhh! What happened?" nalilito niyang tanong sa sarili habang nanatiling pikit ang mga mata.
Wala siyang matandaan kung bakit nakakaramdam siya ng sakit sa ulo at katawan ngayon. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata upang tignan ang paligid. Nagsalubong ang mga kilay dahil hindi pamilyar sa kaniya ang silid. Dahan-dahan siyang bumangon ngunit agad ding napatda nang mapansin ang bulto ng tao sa kaniyang tabi.
Natutop ni Nicole ang sariling bibig gamit ang palad upang pigilan ang pag-alpas ng malakas na singhap nang makilala ang lalaking katabi. Pakiramdam niya ay lumaki ang ulo na kanina pa sumasakit nang pagtingin sa sarili ay walang saplot. Mabilis niyang hinagilap sa isipan kung ano ang nangyari kagabi at naroon siya ngayon sa kama kasama ang nobyo ng kaibigan.
"Oh my God! What have I done?" naibulong niya sa sarili habang nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi pa man siya naka recover sa natuklasan ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Danica.
"Ano ang ibig sabihin nito?!" Nanlalaki ang mga mata ni Danica at nang-uusig ang ang tinging ipinukol kay Nicole.
Hindi alam ni Nicole kung ano ang isasagot sa kaibigan. Nanginig siya dahil sa takot at pagkahiyang nadarama. Maging siya ay nalilito at hindi pa rin makapaniwala kung bakit naroon siya sa silid ni Steven. Hindi niya magawang igalaw ang katawan. Humigpit ang kapit niya sa kumot na nakatabing sa dibdib dahil wala siyang suot na kahit ano sa katawan.
"Hayop ka! Traitor!" tangkang susugurin ni Danica si Nicole ngunit nagising si Steven.
"What's wrong with you?" galit na tanong ni Steven kay Danica dahil nagising siya sa ingay nito.
"Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo!" Umiiyak na sumbat ni Danica sa binata.
Nalilitong pinagmamasdan ni Steven ang pag-iyak ng nobya. Nang marinig ang paghikbi ng isa pang babae ay doon lang siya natauhan. Marahas niyang nilingon ang katabi na mukhang pinagsakluban ng langit ang mukha at mukha itong miserable.
"Why you're still here?" malamig at walang emosyon sa tinig ng binata na dumagdag lamang sa bigat na nadarama ni Nicole.
Kahit masakit ang katawan ay pinilit ni Nicole ang gumalaw at isinuot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Pero bago pa niya maayos ang sarili ay sinugod na siya ni Danica. Sinampal siya nito sa magkabilang pisngi kasunod ng paghila sa kaniyang buhok. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkasampal nito sa magkabila niyang pisngi. D*****g siya sa sakit pero hindi nanlaban dahil aminado siyang may kasalanan dito. Ramdam niya ang pagkamuhi nito sa kaniya at pinanuod lamang sila ng lalaki.
"What the hell is happening here?!" gulat na tanong ni Rita nang maabutan ang tagpo sa loob ng silid. Nagising siya na walan na sa tabi ang kaibigan kaya naisip niyang puntahan ang silid ng kapatid.
Mabilis na nagbihis si Steven at inawat na si Danica at baka mapatay nito ang kaibigan nito. " Enough, Danica. Let's talk about it properly." Mahinahon niyang kausap dito.
Galit na tinabig ni Danica ang kamay ng nobyo at lalong lumakas ang hagulhol ng iyak.
"Hayop kang babae ka! Sinasabi ko na nga ba at may intensyon kang ahasin ang kapatid ko mula sa kaibigan ko!" Galit na sinugod ni Rita si Nicole nang makabawi sa pagkagulat sa nakita.
Hindi alam ni Steven kung maawa ba kay Nicole nang makitang napagtulongan ito ng dalawa. Wala siyang nagawa kundi ang hilahin ang katawan nito at itago sa kaniyang likuran upang matigil ang pananakit dito ng kaniyang kapatid.
"Huwag mong sabihing kinakampihan mo ang gold digger na babaeng iyan?" Galit na dinuro ni Rita si Nicole na nanatiling nakayuko ang ulo at mukhang basang sisiw na nagtago sa likuran ng kapatid.
"Enough!"
Natahimik si Rita nang tumaas ang boses ng kapatid. Nasa mukha rin nito ang galit at alam niyang nagpipigil pa ito ng bad temper nito.
"Maniwala kayo, hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito. Ang natandaan ko lang ay hinatid mo ako dito, Danica." Nagpasaklolo siya sa kaibigan at nagmamakaawa ang tingin dito. Ngunit lalo lamang itong nagalit sa kaniya.
"Sinasabi mo bang ako ang nagdala sa iyo sa silid na ito? Tingin mo ba ay ganoon na ako katanga Nicole para dalhin sa silid ng boyfriend ko?" Nanlilisik ang mga mata ni Danica at tangkang aabutin muli ang buhok ni Nicole ngunit humarang si Steven.
"I said enough!" Bulyaw ni Steven bago binalingan ang babaeng nasa likuran. "And you!"
Napapiksi si Nicole at biglang lumayo sa lalaki nang humarap ito sa kaniya.
"Nagtagumpay ka sa plano mo ngayon. Pero ito ang tatandaan mo, may nangyari lamang sa atin dahil sa drogang pinainum niyo sa akin!"
Natutop ni Rita at Danica ang sariling mga bibig sa natuklasan. Galit ang pandidiri ang nadarama nila ngayon para kay Nicole.
"You're the worst woman that I've ever met at huwag kang mangarap na pananagutan ko ang nangyaring ito sa atin. Hindi ka karapat-dapat na maging ina ng mga anak ko kaya umalis ka na sa harapan ko bago pa kita makaladkad palabas!"
Parang kulog at kidlat ang bawat salitang binitawan ni Steven na tumama sa puso ni Nicole. Dahil sa kahihiyan at takot dito ay mabilis siyang tumalima. Pero bago siya makalampas kay Danica ay nakita niya ang paghulma ng kakaibang ngiti sa labi nito. Habang naglalakad palabas ng hotel ay magulo ang kaniyang isipan. Naipagpasalamat niya at nagawa pa rin niyang bitbitin ang maliit niyang bag. Nanatiling nakayuko ang ulo niya at hindi magawang salubongin ang mga nagtatanong na tingin ng mga taong nadaraanan sa hallway.
Bakit hindi siya pagtitinginan? Magulo ang buhok niya at alam niyang nagkalat din ang make up sa kaniyang mukha dahil galing siya sa pag-iyak. Ang suot niya ring dress ang hindi na maayos ang pagkakasuot sa kaniyang katawan.
Dumiritso muna si Nicole sa isang palikuran at inayos ang sarili. Ayaw niyang magmukhang kawawa at makita ng ina sa miserable niyang hitsura.
Nang wala na ang babae ay pabagsak na umupo sa kama si Steven. Hinilot ang noo dahil ngayon niya naramdaman ang epikto ng nangyari kagabi. Hinayaan niyang tahimik na umiiyak si Danica habang inaalo ito ni Rita. Wala siyang dapat ipaliwanag, siya si Steven Scout, hindi mahalaga sa kaniya ang damdamin ng ibang babae maliban sa kaniyang abuela at kapatid.
Naawa si Rita sa kaibigan, siya ang nasasaktan para dito sa inaasta ng kapatid. Sa ugali ng kapatid ay alam niyang wala itong balak na amuin ang kaniyang kaibigan o humingi ng patawad dahil sa nagawa nito. Isa pa ay mukhang biktima lang din ang kapatid ng babaeng iyon.
"Gusto ko munang mapag-isa."
Banaag ang sakit na nadarama sa mga mata ni Danica nang magsalubong ang tingin nila ni Steven. Humihingi siya ng paliwanag dito ngunit nanatili lang ito sa pagpakita ng panlalamig.
"Ahm Danica, halika umuwi na muna tayo. Huwag kang mag-alala, maging maayos din ulit kayo ni Kuya."
Nakakaunawang tumango si Danica sa kaibigan. Kilala ni Rita ang kapatid nito kaya alam niyang nakakabuti ngang huwag piliting magsalita ang binata. Baka pati siya ay ipagtulakan nito palayo sa buhay nito kapag ipilit niya ang kaniyang gusto ngayon.
"Rita, ikamamatay ko kung mawala sa buhay ko si Steven!" muling humagulhol ng iyak si Danica nang nasa sasakyan na sila ng kaibigan.
"Huwag mong isipin iyan dahil hindi ko hahayaang mangyari iyan! Ikaw lang ang gusto kong mapabilang sa pamilya ko at gagawin ko ang lahat upang hindi magtagumpay ang ambisyosang babaeng iyon!"
Iihim na nagbunyi ang kalooban ni Danica sa mga narinig. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak sa balikat nito hanggang makarating sa sarili niyang condo unit.
"Gusto ko munang mapag-isa." Pinigilan niya si Rita nang tangkang sasamahan siya hanggang sa loob.
"Promise me na wala kang gagawin na hindi maganda sa sarili mo!" seryuso ang mukha ni Rita at nag-aalala pa rin siya sa kaibigan. Kung siya ang nasa kalagayan nito ay baka nakapatay na siya ng tao.
Ngumiti siya kay Rita upang mapanatag ito. "I love my self," biro niya dito pero mapait ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi. "At tsaka ayaw kong makita kang malungkot kapag nawala ako."
Naluluhang niyakap muli ni Rita ang kaibigan. Muling naalala ang nangyari noong maliliit pa sila at pareho silang na trap sa isang lugar na malayo sa kabahayan.
"Please take care of yourself. Kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako." Bilin ni Rita sa kaibigan bago ito hinayaang makababa mag-isa sa sasakyan.
Malungkot na sinundan ni Rita ng tanaw ang kaibigan hanggang makapasok ito sa loob ng naturang gusali ng condominiums.
MAGULO ang isipan na nagpahatid si Nicole sa isang taxi driver pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. Hindi niya alam paano at saan magsimula upang magkaroon ng linaw ng lahat ng naganap sa hotel. Biktima lamang din siya pero walang maniniwala dahil kahit sa sarili ay hindi niya rin alam paano ipaliwanag na napunta siya sa silid ni Steven. Lalo na ang bagay na nangyari sa kanila ng binata.Gusto ng sumabog ng kaniyang puso dahil sa pinaghalong emosyon. Siya ang agrabayado kung tutuusin dahil nawala ang pinakakaingatan niyang puri sa isang iglap lamang. Ang malala pa ay hindi niya asawa o boyfriend ang taong nakauna sa kaniya.Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad na nakatukod sa kaniyang hita. Naipagpasalamat na lamang niya at mabait ang driver. Pinahiram pa siya nito ng jacket nang mapansin na nilalamig siya."Nandito na po tayo, Ma'am." Untag ng driver sa kaniyang pasahero nang tumapat sila sa adress na ibinigay nito sa loob ng subdivision."Salamat po." Inabot niya sa driver
Lumipas ang mahigit isang buwan na naging tahimik ang bubay ni Nicole. Naging secretary siya ni Mang Kanor na ngayon ay tinatawag niyang Tatay. Tumigil na rin ito sa pagmamaneho ng taxi dahil nagawa na umano nito ang misyon, ang makaligtas ng buhay ng babaeng napariwara ang buhay. At siya nga iyon at itinuring siyang anak nito. Wala siyang inilihim dito maliban sa kung sino ang nakagalaw sa kaniya."Mukhang namumutla ka, hindi ka ba nakapag-almusal?" nag-aalalang puna ni Kanor kay Nicole.Hindi magawang sumagot ni Nicole sa ginoo dahil nakaramdam siya ng panlalamig sa mga kamay at paa. Pero pinagpapawisan siya gayong hindi naman mainit ang paligid."Ang mabuti pa ay dalhin na kita sa hospital upang masuri ang iyong kalagayan."Nang lumapit sa kaniya si Mang Kanor ay biglang naduwal si Nicole. Hindi niya nagustohan ang pabangong gamit nito gayong dati pa niya iyon naaamoy. Tutop ang sariling bibig na tumakbo siya papasok ng bathroom.Malungkot na sinundan ng tingin ni Kanor ang dalaga.
"ALAM kong pinapahanap mo ang kaibigan ko." Mahinahon ngunit may himig galit ang boses ni Danica sa pakipag-usap kay Steven.Naging matiim ang tinging ipinukol ni Steven sa nobya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunsensya para dito bilang nobyo niya. Wala itong ginawang masama sa kaniya kundi ang mahalin siya at ang kaniyang kapatid. Nawalan na rin siya ng oras dito bilang nobyo nito at ngayon ay nalaman pa ang pagpapahanap niya sa kaibigan nito.He felt guilty dahil nanatili ito sa kaniyang tabi sa kabila ng nangyari sa kaniya at kaibigan nito. Tama ito na pinahahabap niya si Nicole. Gusto lamang niyang makasiguro na hindi ito nabuntis. Kung mabuntis man ay hindi siya makakapayag na maging bastardo ang bata at lumaking hindi siya kilala."Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa inyong dalawa dahil umamin siya sa akin." Tukoy ni Danica kay Nicole."Where is she?" mabilis na tanong ni Steven dito. Ayon sa kaniyang assistant ay hindi na pumasok ng kompanya ang babae mula nang ara
MAPAIT na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicole pagkarinig sa conversation sa pagitan ng mga magulang at Danica. Kalaunan ay tumawa siya ng pagak na ipinagtaka ni Soledad. Ang akala nito ay nasisiraan na siya ng bait."Ganiyan ka rin ba sa sarili mong anak?" nang-uuyam na tanong ni Nicole kay Soledad."Wala akong anak kaya huwag mo akong tanongin." Inis na sagot ni Soledad dito.Muling tumawa si Nicole sa ginang."Kaya pala magkasundo kayo ni Danica. Siguro nagnakaw ka rin ng anak ng iba kaya ka nawalan ng trabaho?" pagpatuloy niyang pang-aasar sa ginang.Galit ang nararamdaman ngayon ni Nicole at dissapointment para sa mga magulang. Hindi manlang nag-alala ang mga ito sa kaniya kahit para sa maging apo ng mga ito. Hindi manlang ng mga ito pinahahalagaan ang kaniyang damdamin. Mas naawa pa kay Danica kaysa sa kaniya at hindi naisip na maaring kailangan niya rin ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.Sa halip na magalit ay ngumiti ng pang-aasar si Soledad sa babae. Nasaktan siya sa sin
"ANO ba naman iyan? Matanda ka na talaga at naging ulyanin!" pang-aasar ni Gardo sa ginang."Kung iyang binubunganga mo riyan ay tinutulongan mo akong maghanap?" angil ni Soledad dito habang hinahanap sa paligid ang cellphone. Hindi na niya matandaan kung saan iyon nailapag dahil nataranta na kanina."Mamaya mo na iyon hanapin, ito na muna ang gamitin mo!" Inabot ni Gardo ang kaniyang cellphone sa kasama.Nanatiling nakapikit lang si Nicole pero alam niyang bini-video siya ni Soledad. "Pakiusap, alagaan niyong mabuti ang aking anak. Alam kong hindi na ako magtatagal..."Mabilis na pinutol ni Soledad ang pag-record sa video bago pa madugtongan iyon ni Nicole."Pero sana ay buhayin ninyo ang tatlo kong anak." Pagpapatuloy na pakiusap ni Nicole sa dalawa habang lumuluha. Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalawa."Ako na ang magdadala sa bata dahil hindi ka naman marunong magmaneho. Hanapin mo ang cellphone mo at tawagan si Ma'am Danica para ipaalam na hindi maganda ang lagay ng bata." N
NAGMAMADALING nagbihis si Danica at tinawagan muli si Gardo nang may maalala."Ang bata, kumusta sila?" tanong ni Danica habang naghahanda sa pag-alis."Nasa incubator ang bata, Ma'am. Ang isa naman ay nandito inaalagaan ni Soledad at parehong babae ang kambal." sagot ni Gardo sa dalaga."Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko kagabi?" usisa pa rin ni Danica at ang tinutukoy ay si Soledad."Naku, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na po si Soledad at matanda na kaya madaling kapitan ng nerbyos. Nataranta na siya kagabi at hindi natandaan kung saan naipatong ang cellphone. Isa pa ay hinabol niya si Nicole kaya hindi na niya naisip na tawagan ka."Pinaniwalaan ni Danica ang kwento ni Gardo. Naging kampante umano ang ginang na hindi na magawang makatayo ni Nicole dahil sa sobrang nanghina ito matapos manganak. Gumamit ito ng bathroom at paglabas ay wala na ang babae. Napangisi si Danica, hanga siya sa lakas ng loob ni Nicole at nagawang lumaban hanggang sa huli ng hininga nito."Matapos niyo si
"Mga hayop sila!" Nangangalit ang mga bagang ni Kanor nang marinig ang binalita sa kaniya ni Tony. Inutusan niya itong alamin ang kilos ng tunay na pamilya ni Nicole."Ang alam po nila ay si Nicole ang abong isinaboy nila sa dagat. Malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito, Sir. Nakita ko po si Mr. Steven Scout at ang abuela nito.""Kung ganoon ay dapat ko nga lang na itago si Nicole sa kanila. Kung sino man ang tunay na salarin sa nangyari sa kaniya, siya na lang ang makakapagsabi." Napalitan ng lungkot ang nadarama ni Kanor nang bumalik ang atensyon sa dalagang natutulog. Bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito. Pero hindi pa ito nagigising mula nang matagpuan nila."Narinig ko pong tinawag nilang Danica ang babaeng kasama ni Mr. Scout." Pagpapatuloy na kuwento ni Tony sa ginoo.Naningkit ang mga mata ni Kanor at naikuyom ang mga kamao pagkarinig sa pangalan ng taong huling binangit ni Nicole. "Huwag mo hahayaan sa kamay ni Danica ang mga anak ko.""Mga anak? " mahinang bigkas
"I'M so happy for you!" Patakbong nilapitan ni Rita si Danica at niyakap ito ng mahigpit."Thank you!" naluluhang gumanti ng yakap si Danica sa kaibigan. Bumaling siya ng tingin sa matanda pagkatapos at nagpasalamat dito."From now on, you can call me, Grandma."Bagama't hindi nakangiti ang matanda ay ramdam naman ni Danica na bukal sa loob nito ang mga sinabi."Yehey! Magkakaroon na rin po ba ako ng baby brother kapag kasal na kayo ni Mommy, Daddy? " inosinteng tanong ni Daniela sa ama.Unti-unting napalis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila Danica at Rita pagkarinig sa tanong ng bata kay Steven.Nalilitong pinakatitigan ni Daniela ang ama nang napatikhim ito. Kapag ganoon ang ama ay alam niyang ayaw nitong sagutin ang kaniyang tanong. Lumipat ang paningin niya sa ina, masama ang tingin nitong ipinukol sa kaniya. Mabilis siyang sumiksik sa mga braso ng ama at itinago doon ang kaniyang mukha. Natatakot siya kapag nagagalit sa kaniya ang ina. Sinasaktan siya nito at sinasabihan
"Daniela, anak, iligtas mo ako! Huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa iyo!" pagmamakaawa ni Danica, nang ilabas na siya mula sa basement.Niyakap ni Nicole ang anak at alam niyang nalulungkot ito at naaawa kay Danica. Ang dalawang anak ay hindi na nila pinalabas pa upang hindi makita ang huli."Daniela, kapag hindi mo pinigilan ang daddy, hindi mo na ako makita kahit kailan!" Pananakot ni Danica sa bata habang pinanlalakihan ito ng mga mata.Naaawang tinitigan ni Daniela ang kinilalang ina. Malungkot siya dahil ito pa rin naman ang kinalakhan niyang ina."Sorry pero bad ka. Mula noon ay tinatakot mo po ako. Magbago na po kayo upang mapatawad nila Daddy at Lola."Nang tumawa si Danica ay itinalikod na ni Nicole ang anak at ayaw niyang makita nito ang mukhang nasisiraan ng bait na ang babae."Ilayo niyo na iyan dito at sa kulungan ang diritso. Hindi totoong nababaliw na ang babaeng iyan." Utos ni Steven sa pulis na may hawak kay Danica."No... Kayo ang dapat makulong dahil sinaktan nin
Mabilis na tinurukan sa braso ng nurse si Danica. Ilang segundo pa ay unti-unti itong nanghina at dilat ang mga matang nakatitig sa lahat."Iyan ang nababagay sa isang katulad mo. Iupo niyo na iyan sa wheelchair." Utos ni Gaven sa tauhan.Binuhat ni Steven si Nicole, at inupo ito sa sofa bago hinarap si Gaven. "Talagang plano mong paralisahin si Danica?""Hindi ko kasi mapaghindian ang lola mo at mga bata. Gustong pumunta rito at makita kayo." Paliwanag ni Gaven.Tumakbo palabas ng bahay si Rita nang malaman na naroon ang mga pamangkin. Agad na tumulo ang kaniyang mga luha nang makita ang tatlong hawak kamay at naglalakad na papasok ng bahay. Una niyang niyakap ay si Natasha at binuhat ito.Nahihiya pa rin si Natasha at overwhelmed sa pinapakitang pagmamahal ng lahat sa kaniya.Walang kurap ang nakamulagat na mga mata ni Danica, nang makita si Natasha, at buhat ni Rita. Tahimik na napaluha siya at hindi magawang ibuka ang bibig. Maging ang mga paa at kamay ay hindi niya rin maigalaw. S
"HEY, ayos lang ako." Nakangiting hinawakan niya ang palad ni Steven."Bakit hindi mo ako tinawag? Paano kunh hindi agad ako nakabalik? Alam mong baliw ang babaeng iyon at gusto kang mawala sa kaniyang landas!"Napalabi si Nicole at galit pa rin ang binata. Sa kanilang dalawa ay mukha ito ang totoong may phobia. Hinila niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ang seryuso pa rin nito kahit ngumiti na siya rito. Nang umiwas ng tingin ito sa kaniya ay sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad. Mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.Napabuntonghininga si Steven sa pagitan ng halik nila ng dalaga. Mabilis na natunaw ang galit at pag-alala dahil sa halik nito. Pinalalim niya ang halik sa labi nito at parang uhaw na sinibasib ng halik at ginalugad ang loob ng bibig nito gamit ang kaniyang dila."Uhmm, Steven!" Tinampal niya da balikat ang binata nang maglumikot na rin ang isang kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt, habang ang halik ay bumaba sa kaniyang halik.Isang mala
"BAKIT ka hindi makapali? Hindi ka ba natutuwa at ramdam mo na ngayon ang pag-alala ni Kuya Steven sa iyo? Ayaw ka niyang palabasin at iniisip niya ang iyong kaligtasan." Pinalungkot pa ni Rita ang tono pero nakangiti kay Danica."Hindi ko kailangan ang opinion mo!" angil ni Danica pero sa mahinang tinig lamang dahil nasa paligid lang si Steven."Ayaw mong samahan kita ngayon? Ikaw din, baka magtaka si Kuya kapag nakitang hindi kita dinadamayan.""Leave me alone!" Nanlisik na ang mga mata ni Danica dahil sa gigil kay Rita."May problema ba kayong dalawa?"Biglang nag-iba ang timpla ng mood no Danica nang marinig ang tinig ni Steven. Pero ayaw pa rin niya itong kausapin at gusto niyang iparamdam sa lalaki na galit siya at nagseselos kay Nicole."Kuya, bakit kasi dito mo inuwi si Nicole? Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi mo manlang ba isinasaalang-alang ang kaniyang damdamin bilang iyong fiancee?"Kung noon ay natutuwa si Danica sa pagtatangol sa kaniya ni Rita, ngayon ay kinaiinisan
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Danica mula sa masamang panaginip. Iginala niya ang tingin sa paligid at mataas na pala ang araw. Mabilis na kinuha qng cellphone nang maalala ang panaginip. Masama kutob niya at ang panaginip ay nilingkis siya ng ahas."Ma'am kailangan po namin ng pera at may sakit ang anak ko."Nadagdagan lamang ang pagkasira ng gising ni Danica pagkabasa sa message ng taong nag-aalala sa batang bihag niya. Kahapon pa ito humihingi ng pera sa kaniya ngunit hindi niya mapadalhan dahil hindi siya makalabas. Wala namang credit line or application online na maaring makatanggap ng pera ang mga ito."Masama rin ang kalagayan ni Brando at wala nang panggastos sa kaniyang gamot. Kapag hindi po kayo nagpadala hanggang bukas ay benta namin ang batang ito sa kaniyang ama."Pakiramdam ni Danica ay nanlaki ang kaniyang ulo pagkabasa sa bagong message ng tauhan. Galit niyang tiwanagan ito."Mabuti naman at magparamdam na kayo.""Pinagmamalakihan mo ba ako?" singhal niya sa lalak
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po
MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"DADDY Gaven, gising na po ang kapatid ko!" Ang lapad ng ngiti ni Sean habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mukha ng kapatid.Nabawasan ang takot na nadarama ni Natasha nang makilala ang batang nagpakilala sa kaniyang kapatid. Tumingin siya sa lalaking lumapit sa kanila, "siya ba ang tatay natin?" nahihiya at pabulong niyang tanong kay Sean.Nakangiting umiling sa Sean, "pero parang tatay na rin natin siya kasi siya ang nagpalaki sa akin. Puwede mo rin siyanh tawaging, daddy.""Pero paano kita naging kapatid?" biglang nagulohan si Natasha dahil lumaki siyang walang alam sa tunay niyang pagkatao."Mahabang kuwento at hindi nakbubuti sa iyo ang makinig. Basta, ang matandang nagpalaki sa iyo ay isang masamang tao. Kinuha ka niya noong baby ka pa kaya nagkahiwalay tayo. Pero huwag kang mag-alala, hindi tumigil si Mommy hanggang sa mahanap ka."Napangiti si Natasha at naluluha sa kaalamang may kapatid siya at mga magulang. Naging maayos naman ang buhay niya sa kinikilalang abuela. Pero an
GALIT na bumalik sina Toby kung saan iniwan ang batang lalaki. Halatang nagsinungaling ito sa kanila dahil wala roon ang kanilang bihag."Huwag kumilos, ibaba ang mga baril niyong hawak!""Shit!" sabay na napamura ang dalawang lalaki nang makitang pinalibutan sila ng mga armadong kalalakihan."Ano po ang kasalanan namin sa inyo? Bakit niyo kami hinuhuli?" lakas-loob na tanong ni Toby sa lalaking nagkakabit ng posas sa kanila ngayon."Sa presento na kayo magtanong at magsalita, hala, lakad!" Tinulak ng pulis ang dalawang lalaki dahil ayaw humakbang.Hindi tumigil sa paghahanap si Gaven kay Sean. Nag-ingay na siya nang masigurong nahuli na ang mga kidnaper."Sean? Nasaan ka?"Nakigaya na rin ang iba upang madali nilang mahanap ang bata."Daddy Gaven?" nag-aalangan pa rin si Sean na lumabas mula sa pinagkublihan. Nagtago siya doon kanina nang makitang bumalik ang dalawang lalaki.Mabilis na nilapitan ni Gaven ang bata kung saan ito nagtatago. "Oh my God! Salamat at ligtas ka!" Lumuluha na