MAGULO ang isipan na nagpahatid si Nicole sa isang taxi driver pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. Hindi niya alam paano at saan magsimula upang magkaroon ng linaw ng lahat ng naganap sa hotel. Biktima lamang din siya pero walang maniniwala dahil kahit sa sarili ay hindi niya rin alam paano ipaliwanag na napunta siya sa silid ni Steven. Lalo na ang bagay na nangyari sa kanila ng binata.
Gusto ng sumabog ng kaniyang puso dahil sa pinaghalong emosyon. Siya ang agrabayado kung tutuusin dahil nawala ang pinakakaingatan niyang puri sa isang iglap lamang. Ang malala pa ay hindi niya asawa o boyfriend ang taong nakauna sa kaniya.Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad na nakatukod sa kaniyang hita. Naipagpasalamat na lamang niya at mabait ang driver. Pinahiram pa siya nito ng jacket nang mapansin na nilalamig siya."Nandito na po tayo, Ma'am." Untag ng driver sa kaniyang pasahero nang tumapat sila sa adress na ibinigay nito sa loob ng subdivision."Salamat po." Inabot niya sa driver ang pera at hindi na kinuha ang sukli.Pagkababa ng sasakyan ay mabibigat ang mga hakbang na pumasok siya sa gate ng kanilang bahay. Ang akala niya ang makapagpahinga sandali ang kaniyang isipan pagkapasok. Ngunit mas malaking dagok pa sa kaniyang buhay pala ang naghihintay pagkaharap niya sa ina."Haliparot ka!" Galit na sinugod ni Rox ang anak at hinila ang buhok nito na magulo na."A-aray, Ma! Ano po ang kasalanan ko...""Nagtatanong ka pa!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Rox sa pisngi ng anak.Masama ang loob na sinalubong niya ang galit na tingin ng kaniyang ina. May kutob na siya kung bakit ito nagagalit sa kaniya ngayon. Sa halip na maawa sa hitsura niya ay lalo lang ito nagagalit sa kaniya."Paano mo nagawa iyon kay Danica? Mahabaging langit! Wala siyang ginawang masama sa iyo para sirain ang pangarap niya at agawin ang lalaking tanging pangarap na makasama sa kaniyang buhay!" nanginginig sa galit ang boses ni Rox.Tikom ang bibig na napailing si Nicole habang humahakbang paurong upang dumistansya sa ina. "Anak mo ba talaga ako, ma?"Napatda si Rox sa kinatayuan at napatitig sa anak. "Paano mo naisip na itanong iyan sa akin? Nasisiraan ka ba talaga ng bait na babae ka? At sino sa tingin mo ang maging ina mo bukod sa akin?""Kung husgahan mo ako noon pa man ay ganoon na lang. Ni hindi mo pinapakinggan ang panig ko bago mo ako saktan at usigin." Masama ang loob na sumbat niya sa ina."Huwag mong ibahin ang usapan!" Bulyaw ni Rox sa anak. Hanggang ngayon ay naglalaro pa sa isipan niya ang sakit na nadarama ni Danica.Tumawag sa kaniya ito kanina at umiiyak. Nang e kwento nito ang lahat ay awang-awa siya dito at nagalit sa kaniyang anak."Hindi ko rin po alam," nakayuko ang ulo na sagot niya sa ina."Wala kang kwentang anak at kaibigan! Lumayas ka rito at huwag babalik hangga't hindi naayos itong sinira mong relasyon!"Kinakabahan na sinundan ni Nicole ang ina na pumasok sa kaniyang silid. Hindi niya ito magawang pigilan nang walang ingat na inalis ang mga damit niya sa cabinet at itinapon iyon sa sahig. Wala siyang nagawa kundi ang lumuha at ipasok sa maliit na maleta ang mga damit."Tandaan mo, hindi ka muling makakaapak sa pamamahay na ito hangga't hindi naayos ang sinira mong relasyon sa iyong kaibigan!" Nakapameywang na bulyaw ni Rox sa anak.Mabilis na nagpalit ng damit si Nicole sa harapan ng ina at walang salitang nilisan ang silid. Ang ama na nakatayo sa gitna ng sala ay tahimik pero nasa mukha rin nito ang disappointment. Hilam ng luha ang kaniyang mga mata na lumabas ng kanilang tahanan. Hindi niya malaman kung saan pupunta ng mga oras na iyon."Saan po ang punta mo ngayon, Ma'am?" magalang na tanong ng lalaki na siyang nagmamaneho ng taxi.Napamaang si Nicole sa sasakyang tumigil sa kaniyang harapan. Nakilala niya ito kaya napanatag ng kaunti ang kaniyang kalooban."Sakay na Hija." Nakangiting anyaya ng ginoo sa dalaga. Kanina nang isakay niya ito mula sa isang hotel ay alam niyang kailangan nito ng tulong. Hindi ito nagsasalita pero ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito."Salamat po!" hindi na siya nag-aksayang itago ang tunay na nadarama. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay napahagulhol siya ng iyak.Naiintindihan ni Kanor ang pinagdadaanan ng dalaga. Binagalan lamang niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at hinintay na kusang maglabas ng saloobin sa kaniya upang gumaan ang pakiramdam nito.Ilang minuto pang pinalipas ni Nicole bago tuloyang nahamig ang sarili. Kahit papaano ay hindi siya pinabayaan ng panginoon. May iba pa ring tao ang nagmamalasakit sa kaniya kahit hindi siya kilala niti."Bakit mo po ako tinutulongan?" naitanong niya sa lalaking may edad na rin. Tantya niya ay kaedaran ito ng kaniyang ama sa edad na forty eight."Nakikita ko sa iyo ang anak ko." Malungkot na sagot ni Kanor sa dalaga. Nagpakilala siya dito at ganoon din ito sa kaniya."Nasaan po siya ngayon?" interesadong tanong niya sa ginoo. Na curious siya dahil mukhang malungkot ito nang banggitin ang pangalan ng anak nito."Wala na siya," napaluha siya nang maalala ang anak na namatay dalawang taon na ang nakalipas."Sorry po." Naawa siya bigla sa ginoo. Ramdam niyang mahal na mahal nito ang anak at bigla siya nakaramdam ng inggit. Mahal din siya ng ama pero hindi niya ramdam ang suporta nito sa kaniya."Napabayaan ko ang aking anak at napabarkada sa mga adik. Dahil sa kapabayaan ko ay nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot at nabiktima ng gang rape."Muling napaluha si Nicole dahil sa awa sa lalaki. Ramdam niya ang pagsisisi nito at sinisisi ang sarili kaya nawala ng maaga ang anak nito."May matutuloyan ka ba?" pag-iiba ni Kanor ng kanilang paksa.Malungkot na umiling si Nicole. Ayaw niyang tumuloy sa nakakakilala sa kanila ni Danica dahil tiyak tulad ng ina ay huhusgahan lang din siya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat na dinadala ng kaniyang kalooban."Pwede kang tumuloy sa bahay, huwag kang mag-alala dahil may kasamabahay akong kasama sa bahay."Mukhang mapagkatiwalaan ang lalaki kaya sumama na si Nicole dito. Dinala siya nito sa Quezon City at nagulat siya nang makita ang bahay nito. Hindi niya akalain na isa palang may ari ng mga taxi ang lalaki. Naging libangan lamang nito ang pagbebeyahe minsan gamit ang isa sa taxi na pag-aari nito. Ang swerte niya at siya ang naging pasahero nito nang araw na iyo. Naintindihan niya ang motibo nito kung bakit gusto siyang tulonga. Ayaw nitong matulad siya sa anak nito na namayapa na."Mula ngayon ay ituring mong tahanan itong bahay ko. May isa pa akong anak pero namamalagi siya sa ibang bansa.""Maraming salamat po! Hulog po kayo ng langit sa akin!" dala ng katuwaan ay napayakap siya sa ginoo.Itinuring ni Kanor na anak si Nicole at naging maayos ang pagtanggap ng kasamambahay niya sa dalaga. Lahat doon ay itinuturing niyang kapamilya."Nakita niyo na ba?" tanong ni Danica sa tauhan makalipas ang ilang oras. Pinahanap niya si Nicole, hindi niya akalain na palayasin ng mga magulang ito dahil sa isinumbong niya sa mga ito. Hindi pwede ito mawala dahil baka mabuntis ito."Wala po siya sa mga lugar na itinuro niyo, Ma'am na maari niyang puntahan." Sagot ng lalaki kay Danica mula sa kabilang linya."Bwesit!" Naibato niya ang cellphone sa kama dahil walang magandang balita ang tauhan. Pinakontak niya rin ang cellphon ni Nocole sa tauhan ngunit hindi makuntak.Sa mansion ng mga Scout ay nagkagulo ang magkapatid dahil nagnamatigas si Steven na ayusin ang relasyon kay Danica."Ano na naman bang kagulohan ito?" galit na sita ni Donya Asuncion sa dalawang apo nang makitang nagtatalo ang dalawa."Lola!" nagpapasaklolo na lumapit si Rita sa abuela. Dalawang araw na mula nang mangayri ang sa hotel. At hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ng bahay si Danica at walang ginagawang hakbang ang kapatid.Napabuga ng hangin sa bibig si Steven dahil sa kakulitan ng kapatid. Wala sa bukabolaryo niya ang manuyo ng babae dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Wala siyang oras magpaliwanag pa sa kung ano ba talaga ang nangyari. Sapat na ang alam ng mga ito na ginamitan siya ng droga kaya may nangyari nang gabing iyon. Mabilis na iwinaksi ni Steven sa isipan nang muling maalala ang babaeng nakaniig."Lola, kausapin mo si Kuya. You know naman po how much important Danica is to me. She's my savior and at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan at ang kapatid ko pa ang dahilan." Pagsusumamo ni Rita sa abuela.Napabuntonghininga ang donya habang napapailing ng ulo. Alam na niya ang nangyari sa hotel. Pero hindi siya nakaramdam ng awa kay Danica. Hanggang ngayon ay nagdududa pa rin siya sa pagkatao nito kaya hindi niya sinasang-ayunan an gusto ni Rita na ikasal na ang babae at kapatid nito."Tawagan mo ang kaibigan mo, sabihin mong kailangan ko siyang makausap." Utos ni Asuncion sa apong babae.Napasimangot si Rita sa naging sagot ng abuela. Kahit matanda na ito ay taglay pa rin nito ang pagiging cold hearted. Mabuti na lang at hindi siya nagmana dito."Kuya?!" inis na tawga niya sa kapatid nang tumalikod na ito."I had meeting to attend." Emotionless na tugon ni Steven sa kapatid at humalik muna sa noo ng abuela bago tuloyang umalis.Nagdadabog na tumalikod na rin si Rita upang sundin ang utos ng abuela."Kumain ka na ba?" tanong ni Rita sa kaibigan nang sagutin nito ang kaniyang tawag."I'm doing fine."She sigh nang marinig ang kulang sa buhay na boses ni Danica. "Ipapasundo kita sa driver. Gusto kang makasalo ni Lola ngayong lunch."Napasimangot si Danica nang marinig ang pangalan ng matanda. Alam niyang pinaganda lamang ng kaibigan sa kaniyang pandinig ang kagustohan ng matanda na makausap siya."Pero kung hindi ka pa handa humarap sa ibang tao...""Mas maganda nga sigurong harapin ko na ang lahat ng ito upang hindi na ako nalulungkot."Ngumiti si Rita kahit hindi nakikita ng kausap. Masaya siya dahil kahit papaano ay nakaka move on na kaibigan at sinusunod ang kaniyang payo. Naintindihan niya ito kung naisip na maaring mabuntis ang babae at gamitin iyon upang mapikot ang kaniyang kapatid.Pagdating ni Danica sa mansion ay magalang siyang bumati sa matanda. At tama nga siya ng hinala nang manduan siya nitong sumunod sa opisina nito na naroon lang din sa loob ng bahay ng mga ito.Apologetic ang ngiting iginawad ni Rita sa kaibigan nang magsalubong ang kanilang mga paningin.Mabilis na sumunod si Danica sa donya sa takot na magalit ito kaoag mabagal ang kaniyang maging kilos."Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nabalitaan ko ang nangyari sa hotel at gusto kong malaman kung ano na ang plano mo ngayon?"Hindi nagpatinag si Danica sa nang-aarok na tingin bg matanda. Buo ang loob na sinagot niya ito at hindi hinihiwalay ang paningin sa mga mata nito na alam niyang gustong basahin ang tunay niyang saloobin."Tuloy po ang kasunduan. Hindi isang kaibigan ko lamang ang makakabuwag sa pagmamahal ko kay Steven.""Paano kung naunang mabuntis ang kaibigan mo? Sa pagkakaalam ko ay walang ginamit na protection ang aking apo nang galawin niya ang babaeng iyon.""Hindi niyo naman po siguro hahayaang sa isang mapanlinlang na babae mapunta ang iyong apo, hindi po ba?" nanghahamon niyang tugon sa matanda."Huh! Matalino ka at alam mo kung paano makipag kumpitensya sa kalaban. Hindi ko babawiin ang unang napagkasunduan. Pero huwag kang umasa na hahayaan kong lumaking bastardo ang magiging apo ko sa babaeng iyon kung mabuo man." Pinangunahan na niya ang babae.Ang totoo ay nagsimula na si Asuncion na alamin ang background ng babae. Maliit lamang ang bilang ng kanilang angkan. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang dugong nanalaytay sa kalalakihan nila ay kakaiba. Hindi active ang mga ito sa sex kung hindi compatible sa ka relasyon. Kaya nga naisip niyang dapat mabuntis muna si Danica bago niya hahahayaang mapabilang ito sa kaniyang angkan. Kailangan niyang masiguro na mayroong magmamana para sa next generation ng kanilang angkan."Naintindihan ko po." Lapat ang mga ngiping tugon ni Danica sa donya."Good! Maari ka ng umalis."Yumukod muna ang ulo ni Danica bago tinalikuran ang matanda. Lihim na nagpupuyos ang kalooban dahil nalalagay sa alanganin ang lahat ng kaniyang plano.Lumipas ang mahigit isang buwan na naging tahimik ang bubay ni Nicole. Naging secretary siya ni Mang Kanor na ngayon ay tinatawag niyang Tatay. Tumigil na rin ito sa pagmamaneho ng taxi dahil nagawa na umano nito ang misyon, ang makaligtas ng buhay ng babaeng napariwara ang buhay. At siya nga iyon at itinuring siyang anak nito. Wala siyang inilihim dito maliban sa kung sino ang nakagalaw sa kaniya."Mukhang namumutla ka, hindi ka ba nakapag-almusal?" nag-aalalang puna ni Kanor kay Nicole.Hindi magawang sumagot ni Nicole sa ginoo dahil nakaramdam siya ng panlalamig sa mga kamay at paa. Pero pinagpapawisan siya gayong hindi naman mainit ang paligid."Ang mabuti pa ay dalhin na kita sa hospital upang masuri ang iyong kalagayan."Nang lumapit sa kaniya si Mang Kanor ay biglang naduwal si Nicole. Hindi niya nagustohan ang pabangong gamit nito gayong dati pa niya iyon naaamoy. Tutop ang sariling bibig na tumakbo siya papasok ng bathroom.Malungkot na sinundan ng tingin ni Kanor ang dalaga.
"ALAM kong pinapahanap mo ang kaibigan ko." Mahinahon ngunit may himig galit ang boses ni Danica sa pakipag-usap kay Steven.Naging matiim ang tinging ipinukol ni Steven sa nobya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunsensya para dito bilang nobyo niya. Wala itong ginawang masama sa kaniya kundi ang mahalin siya at ang kaniyang kapatid. Nawalan na rin siya ng oras dito bilang nobyo nito at ngayon ay nalaman pa ang pagpapahanap niya sa kaibigan nito.He felt guilty dahil nanatili ito sa kaniyang tabi sa kabila ng nangyari sa kaniya at kaibigan nito. Tama ito na pinahahabap niya si Nicole. Gusto lamang niyang makasiguro na hindi ito nabuntis. Kung mabuntis man ay hindi siya makakapayag na maging bastardo ang bata at lumaking hindi siya kilala."Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa inyong dalawa dahil umamin siya sa akin." Tukoy ni Danica kay Nicole."Where is she?" mabilis na tanong ni Steven dito. Ayon sa kaniyang assistant ay hindi na pumasok ng kompanya ang babae mula nang ara
MAPAIT na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicole pagkarinig sa conversation sa pagitan ng mga magulang at Danica. Kalaunan ay tumawa siya ng pagak na ipinagtaka ni Soledad. Ang akala nito ay nasisiraan na siya ng bait."Ganiyan ka rin ba sa sarili mong anak?" nang-uuyam na tanong ni Nicole kay Soledad."Wala akong anak kaya huwag mo akong tanongin." Inis na sagot ni Soledad dito.Muling tumawa si Nicole sa ginang."Kaya pala magkasundo kayo ni Danica. Siguro nagnakaw ka rin ng anak ng iba kaya ka nawalan ng trabaho?" pagpatuloy niyang pang-aasar sa ginang.Galit ang nararamdaman ngayon ni Nicole at dissapointment para sa mga magulang. Hindi manlang nag-alala ang mga ito sa kaniya kahit para sa maging apo ng mga ito. Hindi manlang ng mga ito pinahahalagaan ang kaniyang damdamin. Mas naawa pa kay Danica kaysa sa kaniya at hindi naisip na maaring kailangan niya rin ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.Sa halip na magalit ay ngumiti ng pang-aasar si Soledad sa babae. Nasaktan siya sa sin
"ANO ba naman iyan? Matanda ka na talaga at naging ulyanin!" pang-aasar ni Gardo sa ginang."Kung iyang binubunganga mo riyan ay tinutulongan mo akong maghanap?" angil ni Soledad dito habang hinahanap sa paligid ang cellphone. Hindi na niya matandaan kung saan iyon nailapag dahil nataranta na kanina."Mamaya mo na iyon hanapin, ito na muna ang gamitin mo!" Inabot ni Gardo ang kaniyang cellphone sa kasama.Nanatiling nakapikit lang si Nicole pero alam niyang bini-video siya ni Soledad. "Pakiusap, alagaan niyong mabuti ang aking anak. Alam kong hindi na ako magtatagal..."Mabilis na pinutol ni Soledad ang pag-record sa video bago pa madugtongan iyon ni Nicole."Pero sana ay buhayin ninyo ang tatlo kong anak." Pagpapatuloy na pakiusap ni Nicole sa dalawa habang lumuluha. Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalawa."Ako na ang magdadala sa bata dahil hindi ka naman marunong magmaneho. Hanapin mo ang cellphone mo at tawagan si Ma'am Danica para ipaalam na hindi maganda ang lagay ng bata." N
NAGMAMADALING nagbihis si Danica at tinawagan muli si Gardo nang may maalala."Ang bata, kumusta sila?" tanong ni Danica habang naghahanda sa pag-alis."Nasa incubator ang bata, Ma'am. Ang isa naman ay nandito inaalagaan ni Soledad at parehong babae ang kambal." sagot ni Gardo sa dalaga."Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko kagabi?" usisa pa rin ni Danica at ang tinutukoy ay si Soledad."Naku, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na po si Soledad at matanda na kaya madaling kapitan ng nerbyos. Nataranta na siya kagabi at hindi natandaan kung saan naipatong ang cellphone. Isa pa ay hinabol niya si Nicole kaya hindi na niya naisip na tawagan ka."Pinaniwalaan ni Danica ang kwento ni Gardo. Naging kampante umano ang ginang na hindi na magawang makatayo ni Nicole dahil sa sobrang nanghina ito matapos manganak. Gumamit ito ng bathroom at paglabas ay wala na ang babae. Napangisi si Danica, hanga siya sa lakas ng loob ni Nicole at nagawang lumaban hanggang sa huli ng hininga nito."Matapos niyo si
"Mga hayop sila!" Nangangalit ang mga bagang ni Kanor nang marinig ang binalita sa kaniya ni Tony. Inutusan niya itong alamin ang kilos ng tunay na pamilya ni Nicole."Ang alam po nila ay si Nicole ang abong isinaboy nila sa dagat. Malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito, Sir. Nakita ko po si Mr. Steven Scout at ang abuela nito.""Kung ganoon ay dapat ko nga lang na itago si Nicole sa kanila. Kung sino man ang tunay na salarin sa nangyari sa kaniya, siya na lang ang makakapagsabi." Napalitan ng lungkot ang nadarama ni Kanor nang bumalik ang atensyon sa dalagang natutulog. Bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito. Pero hindi pa ito nagigising mula nang matagpuan nila."Narinig ko pong tinawag nilang Danica ang babaeng kasama ni Mr. Scout." Pagpapatuloy na kuwento ni Tony sa ginoo.Naningkit ang mga mata ni Kanor at naikuyom ang mga kamao pagkarinig sa pangalan ng taong huling binangit ni Nicole. "Huwag mo hahayaan sa kamay ni Danica ang mga anak ko.""Mga anak? " mahinang bigkas
"I'M so happy for you!" Patakbong nilapitan ni Rita si Danica at niyakap ito ng mahigpit."Thank you!" naluluhang gumanti ng yakap si Danica sa kaibigan. Bumaling siya ng tingin sa matanda pagkatapos at nagpasalamat dito."From now on, you can call me, Grandma."Bagama't hindi nakangiti ang matanda ay ramdam naman ni Danica na bukal sa loob nito ang mga sinabi."Yehey! Magkakaroon na rin po ba ako ng baby brother kapag kasal na kayo ni Mommy, Daddy? " inosinteng tanong ni Daniela sa ama.Unti-unting napalis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila Danica at Rita pagkarinig sa tanong ng bata kay Steven.Nalilitong pinakatitigan ni Daniela ang ama nang napatikhim ito. Kapag ganoon ang ama ay alam niyang ayaw nitong sagutin ang kaniyang tanong. Lumipat ang paningin niya sa ina, masama ang tingin nitong ipinukol sa kaniya. Mabilis siyang sumiksik sa mga braso ng ama at itinago doon ang kaniyang mukha. Natatakot siya kapag nagagalit sa kaniya ang ina. Sinasaktan siya nito at sinasabihan
"SAAN ka ba galing na bata ka?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa anak habang yakap ito ng mahigpit."I'm sorry, Mommy kung pinag-alala kita ng husto." Gumanti ito ng yakap sa ina. Noon pa man ay ramdam niyang may kinatatakutan ang ina at ayaw nitong mawalay siya sa paningin nito lalo na kapag nasa public place sila."Promise me na hindi mo na uulitin ito. Hindi ka pamilyar sa lugar na ito kaya you should ask mommy first kung may pupuntahan ka man o gagawin."Sobrang seryuso ng tono ng ina maging ang mukha kaya hindi na siya nagsalita pa. Itinaas niya ang kanang kamay at tumango bilang pangako dito. Pero ang isang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran at naka cross finger. Ngumiti pa siya sa ina upang pawiin na ang sa kung anong agam-agam sa isipan nito. Kahit bata pa siya ay mabilis niyang matandaan ang lahat ng bagay kahit ang isang lugar. Hindi siya ang tipo ng bata na kapag nawala sa paningin ang ina sa crowded na lugar ay iiyak at matatakot.Nakangiting inakay na niya ang anak pab
"Daniela, anak, iligtas mo ako! Huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa iyo!" pagmamakaawa ni Danica, nang ilabas na siya mula sa basement.Niyakap ni Nicole ang anak at alam niyang nalulungkot ito at naaawa kay Danica. Ang dalawang anak ay hindi na nila pinalabas pa upang hindi makita ang huli."Daniela, kapag hindi mo pinigilan ang daddy, hindi mo na ako makita kahit kailan!" Pananakot ni Danica sa bata habang pinanlalakihan ito ng mga mata.Naaawang tinitigan ni Daniela ang kinilalang ina. Malungkot siya dahil ito pa rin naman ang kinalakhan niyang ina."Sorry pero bad ka. Mula noon ay tinatakot mo po ako. Magbago na po kayo upang mapatawad nila Daddy at Lola."Nang tumawa si Danica ay itinalikod na ni Nicole ang anak at ayaw niyang makita nito ang mukhang nasisiraan ng bait na ang babae."Ilayo niyo na iyan dito at sa kulungan ang diritso. Hindi totoong nababaliw na ang babaeng iyan." Utos ni Steven sa pulis na may hawak kay Danica."No... Kayo ang dapat makulong dahil sinaktan nin
Mabilis na tinurukan sa braso ng nurse si Danica. Ilang segundo pa ay unti-unti itong nanghina at dilat ang mga matang nakatitig sa lahat."Iyan ang nababagay sa isang katulad mo. Iupo niyo na iyan sa wheelchair." Utos ni Gaven sa tauhan.Binuhat ni Steven si Nicole, at inupo ito sa sofa bago hinarap si Gaven. "Talagang plano mong paralisahin si Danica?""Hindi ko kasi mapaghindian ang lola mo at mga bata. Gustong pumunta rito at makita kayo." Paliwanag ni Gaven.Tumakbo palabas ng bahay si Rita nang malaman na naroon ang mga pamangkin. Agad na tumulo ang kaniyang mga luha nang makita ang tatlong hawak kamay at naglalakad na papasok ng bahay. Una niyang niyakap ay si Natasha at binuhat ito.Nahihiya pa rin si Natasha at overwhelmed sa pinapakitang pagmamahal ng lahat sa kaniya.Walang kurap ang nakamulagat na mga mata ni Danica, nang makita si Natasha, at buhat ni Rita. Tahimik na napaluha siya at hindi magawang ibuka ang bibig. Maging ang mga paa at kamay ay hindi niya rin maigalaw. S
"HEY, ayos lang ako." Nakangiting hinawakan niya ang palad ni Steven."Bakit hindi mo ako tinawag? Paano kunh hindi agad ako nakabalik? Alam mong baliw ang babaeng iyon at gusto kang mawala sa kaniyang landas!"Napalabi si Nicole at galit pa rin ang binata. Sa kanilang dalawa ay mukha ito ang totoong may phobia. Hinila niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ang seryuso pa rin nito kahit ngumiti na siya rito. Nang umiwas ng tingin ito sa kaniya ay sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad. Mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.Napabuntonghininga si Steven sa pagitan ng halik nila ng dalaga. Mabilis na natunaw ang galit at pag-alala dahil sa halik nito. Pinalalim niya ang halik sa labi nito at parang uhaw na sinibasib ng halik at ginalugad ang loob ng bibig nito gamit ang kaniyang dila."Uhmm, Steven!" Tinampal niya da balikat ang binata nang maglumikot na rin ang isang kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt, habang ang halik ay bumaba sa kaniyang halik.Isang mala
"BAKIT ka hindi makapali? Hindi ka ba natutuwa at ramdam mo na ngayon ang pag-alala ni Kuya Steven sa iyo? Ayaw ka niyang palabasin at iniisip niya ang iyong kaligtasan." Pinalungkot pa ni Rita ang tono pero nakangiti kay Danica."Hindi ko kailangan ang opinion mo!" angil ni Danica pero sa mahinang tinig lamang dahil nasa paligid lang si Steven."Ayaw mong samahan kita ngayon? Ikaw din, baka magtaka si Kuya kapag nakitang hindi kita dinadamayan.""Leave me alone!" Nanlisik na ang mga mata ni Danica dahil sa gigil kay Rita."May problema ba kayong dalawa?"Biglang nag-iba ang timpla ng mood no Danica nang marinig ang tinig ni Steven. Pero ayaw pa rin niya itong kausapin at gusto niyang iparamdam sa lalaki na galit siya at nagseselos kay Nicole."Kuya, bakit kasi dito mo inuwi si Nicole? Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi mo manlang ba isinasaalang-alang ang kaniyang damdamin bilang iyong fiancee?"Kung noon ay natutuwa si Danica sa pagtatangol sa kaniya ni Rita, ngayon ay kinaiinisan
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Danica mula sa masamang panaginip. Iginala niya ang tingin sa paligid at mataas na pala ang araw. Mabilis na kinuha qng cellphone nang maalala ang panaginip. Masama kutob niya at ang panaginip ay nilingkis siya ng ahas."Ma'am kailangan po namin ng pera at may sakit ang anak ko."Nadagdagan lamang ang pagkasira ng gising ni Danica pagkabasa sa message ng taong nag-aalala sa batang bihag niya. Kahapon pa ito humihingi ng pera sa kaniya ngunit hindi niya mapadalhan dahil hindi siya makalabas. Wala namang credit line or application online na maaring makatanggap ng pera ang mga ito."Masama rin ang kalagayan ni Brando at wala nang panggastos sa kaniyang gamot. Kapag hindi po kayo nagpadala hanggang bukas ay benta namin ang batang ito sa kaniyang ama."Pakiramdam ni Danica ay nanlaki ang kaniyang ulo pagkabasa sa bagong message ng tauhan. Galit niyang tiwanagan ito."Mabuti naman at magparamdam na kayo.""Pinagmamalakihan mo ba ako?" singhal niya sa lalak
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po
MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"DADDY Gaven, gising na po ang kapatid ko!" Ang lapad ng ngiti ni Sean habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mukha ng kapatid.Nabawasan ang takot na nadarama ni Natasha nang makilala ang batang nagpakilala sa kaniyang kapatid. Tumingin siya sa lalaking lumapit sa kanila, "siya ba ang tatay natin?" nahihiya at pabulong niyang tanong kay Sean.Nakangiting umiling sa Sean, "pero parang tatay na rin natin siya kasi siya ang nagpalaki sa akin. Puwede mo rin siyanh tawaging, daddy.""Pero paano kita naging kapatid?" biglang nagulohan si Natasha dahil lumaki siyang walang alam sa tunay niyang pagkatao."Mahabang kuwento at hindi nakbubuti sa iyo ang makinig. Basta, ang matandang nagpalaki sa iyo ay isang masamang tao. Kinuha ka niya noong baby ka pa kaya nagkahiwalay tayo. Pero huwag kang mag-alala, hindi tumigil si Mommy hanggang sa mahanap ka."Napangiti si Natasha at naluluha sa kaalamang may kapatid siya at mga magulang. Naging maayos naman ang buhay niya sa kinikilalang abuela. Pero an
GALIT na bumalik sina Toby kung saan iniwan ang batang lalaki. Halatang nagsinungaling ito sa kanila dahil wala roon ang kanilang bihag."Huwag kumilos, ibaba ang mga baril niyong hawak!""Shit!" sabay na napamura ang dalawang lalaki nang makitang pinalibutan sila ng mga armadong kalalakihan."Ano po ang kasalanan namin sa inyo? Bakit niyo kami hinuhuli?" lakas-loob na tanong ni Toby sa lalaking nagkakabit ng posas sa kanila ngayon."Sa presento na kayo magtanong at magsalita, hala, lakad!" Tinulak ng pulis ang dalawang lalaki dahil ayaw humakbang.Hindi tumigil sa paghahanap si Gaven kay Sean. Nag-ingay na siya nang masigurong nahuli na ang mga kidnaper."Sean? Nasaan ka?"Nakigaya na rin ang iba upang madali nilang mahanap ang bata."Daddy Gaven?" nag-aalangan pa rin si Sean na lumabas mula sa pinagkublihan. Nagtago siya doon kanina nang makitang bumalik ang dalawang lalaki.Mabilis na nilapitan ni Gaven ang bata kung saan ito nagtatago. "Oh my God! Salamat at ligtas ka!" Lumuluha na