"ALAM kong pinapahanap mo ang kaibigan ko." Mahinahon ngunit may himig galit ang boses ni Danica sa pakipag-usap kay Steven.
Naging matiim ang tinging ipinukol ni Steven sa nobya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunsensya para dito bilang nobyo niya. Wala itong ginawang masama sa kaniya kundi ang mahalin siya at ang kaniyang kapatid. Nawalan na rin siya ng oras dito bilang nobyo nito at ngayon ay nalaman pa ang pagpapahanap niya sa kaibigan nito.He felt guilty dahil nanatili ito sa kaniyang tabi sa kabila ng nangyari sa kaniya at kaibigan nito. Tama ito na pinahahabap niya si Nicole. Gusto lamang niyang makasiguro na hindi ito nabuntis. Kung mabuntis man ay hindi siya makakapayag na maging bastardo ang bata at lumaking hindi siya kilala."Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa inyong dalawa dahil umamin siya sa akin." Tukoy ni Danica kay Nicole."Where is she?" mabilis na tanong ni Steven dito. Ayon sa kaniyang assistant ay hindi na pumasok ng kompanya ang babae mula nang araw na may nangyari sa kanila."Ayaw sabihin at wala na rin sa kanila dahil pinalayas siya ng sarili niyang mga magulang."Nangunot ang noo ni Steven sa narinig. Hindi niya lubos maisip na may ganoong mga magulang sa anak."Hindi mo kilala ang kaibigan ko. Mapaghangad siya at hindi makuntinto sa kung anong mayroon siya. Hindi lang ito ang unang beses na inagawan niya ako." Malungkot na pahayag ni Danica.Nakaramdam ng awa si Steven sa dalaga nang makita sa mga mata nito kung gaano ito nasaktan ng itinuturing na tunay na kaibigan."Nagagalit siya sa akin dahil hinayaan kitang palayasin ng araw na iyon. Ang inaasahan niya ay piliin ko ang pagkakaibigan namin kaysa sa iyo." Lalong bumalatay ang lunkot sa mukha ni Danica.Ramdam ni Steven ang bigat sa dibdib ng dalaga habang binabalikan nito ang nangyari. Mabilis niyang inalo ang dalaga at pilit nitong itinatago sa kaniya ang pagluha nito."Alam mo kung paano ko pahalagahan ang pagkakaibigan, Steven. Saksi ka sa pagmamahal ko sa iyong kaibigan kahit nagkalayo kami ng mahabang panahon." May himig panunumbat niyang pagpapatuloy sa pagsasalita."I'm sorry, " ani Steven at nakunsensya siya. Nag-sorry siya hindi dahil sa may nangyari sa kanila ng kaibigan nito. Kundi dahil nasira ang pagkakaibigan nito at ng babae dahil sa kaniya."No, wala kang kasalanan. Ako ang dapat sisihin dahil hinahayaan ko siyang gawin ang bagay na ito sa akin noon pa man. Sinanay ko siya na laging pinagbibigyan.""Ayaw kong dagdagan ang sama ng loob mo pero kailangan ko siyang mahanap. Kailangan kong masiguro na hindi nagbunga ang nangyari sa amin." Paliwanag niya dito kahit hindi siya obligado.Pilit na pinatili ni Danica ang lungkot sa kaniyang mukha kahit bigla siyang nakaramdam ng galit. Sa pananalita ng binata ay mukhang naging compatible ito sa katalik at naisip na maari itong mabuntis. Sa tatlong beses na may nangyari sa kanila ay never nitong naisip na maari siyang mabuntis."Sa ugali ni Nicole ay ikinalulungkot ko na hindi niya ibibigay sa iyo ang bata ng walang kapalit. At nakakasiguro ako na ang kalayaan mo ang hingin nito dahil mautak siya." Pagpatuloy niyang paninira sa pagkatao ni Nicole sa binata.Napatiim ng bagang si Steven at hindi nagustohan ang narinig. Walang sino man ang maaring dumikta sa kaniya ng dapat gagawin. Kung hindi madaan sa santong dasalan ang kausap ay kaya niyang idaan sa santong paspasan."Kailangan ko lang ay ang anak ko at hindi siya kasama. Kaya kong kunin ang bata sa ayaw at sa gusto niya!"Napangisi si Danica nang wala na sa harapan si Steven. Dali-dali siyang umalis at bumalik sa kaniyang opisina. Ang ganda ng pagka record niya sa huling katagang binitiwan nito. Naisip niyang e-send ang record sa iniwang bantay ng kaibigan. Hindi siya maaring pumunta doon ngayon dahil baka may makasunod sa kaniya. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang iwan niya doon si Nicole. Updated siya sa nangyayari at may cctv rin ang silid nito upang masiguro na hindi ito makagawa ng hindi maganda para lang makatakas.Nawawalan na ng pag-asa si Nicole na makaalis sa pinagkulongan sa kaniya ni Danica. Napipilitan lang siyang kumain para sa kaniyang ipinagbubuntis. Ayaw niyang mamatay ito kasama siya. Nalungkot siya sa isiping maaring maiwan niya ito sa pangangalaga ni Danica. Ramdam niyang hindi siya bubuhayin ni Danica kapag nakapanganak na siya."May bagong surpresa si Ma'am Danica para sa iyo." Nakangising bungad ng katulong kay Nicole pagkapasok ng silid.Nanatiling tikom ang bibig ni Nicole at hindi na kinakausap ang babae. Napagod na siya sa pagmamakaawa dito na hayaan na siyang makaalis at maawa sa kaniyang magiging anak.Binuksan ni Soledad ang cellphone nito at ipinakita kay Nicole ang pinasa ni Danica sa kaniya. Itinudo ang volume upang malinaw na marinig ang nasa video."Hello, Dear. Kumusta na ang anak ko na nasa iyong sinapupunanan?"Naikuyom ni Nicole ang kamao pagkakita sa mukha ng babaeng itinuring na kaibigan at kapamilya. Mukhang masaya ito sa ibabalita nito sa kaniya."Ayos lang na magalit ka sa akin at paglihian ako para naman maging kamukha ko ang baby." Nang-aasar ang ngiti ni Danica habang tuwid ang tingin sa camera.Mabilis na iniwas ni Nicole ang mata sa video ngunit hinila ni Soledad ang kaniyang buhok at sapilitang itinapat sa kaniyang mukha ang screen ng cellphone."Alam na ni Steven na buntis ka dahil sinabi ko. Tiyak na matutuwa ka kaya ipaparinig ko sa iyo ang naging reaction niya." Itinaas ni Danica ang isang cellphone at itinapat sa gamit nitong pang-video."Kailangan ko lang ay ang anak ko at hindi siya kasama. Kaya kong kunin ang bata sa ayaw at sa gusto niya!"Naglapat ang mga ngipin ni Nicole dahil sa galit na nadarama. Hindi niya ganoon kilala ang pagkatao ng lalaki pero tanda niya ang boses nito kahit hindi nakikita ang mukha. Katulad ni Danica ay wala rin itong puso. Ngayon niya naisip na marahil ay hindi aksidente lamang ang nangyari sa kanila ng binata. Maaring kasabwat ito ni Danica at parehong bata lamang ang habol.Kung sakali man na makatakas siya doon ay sisiguraduhin niyang hindi sila mahanap ni Steven. Kalimutan na niya ang lahat maging ang pamilya para lang hindi mawalay ang anak sa kaniya. Ayaw niyang matulad sa kaniyang buhay ito. Ang lumaki na salat sa pagmamahal ng sariling mga magulang.Alam ni Nicole na may nakatutok sa kaniya na camera sa loob ng silid. Kailangan niyang makapag-isip ng paraan upang hindi magtagumpay ang dalawa na mailayo sa kaniyang ang anak paglabas nito. Wala siyang ibang maasahan ngayon kundi ang sarili lamang. Malabong ipahanap siya ng mga magulang. Si Tatay Kanor naman ay tiyak na mahirapan sa paghahanap sa kaniya dahil wala itong idea na mangyari ito sa kaniya. Marahil ay masama na rin ang tingin nito sa kaniya ngayon dahil bigla siyang nawala.Pinapanuod ni Danica ang reaction sa mukha ni Nicole mula sa cctv. Natuwa siya dahil kita sa mukha nito na nasaktan ito sa mga narinig.Pinaubaya na ni Donya Asuncion ang pagpahanap sa babaeng nakaniig ng apo nang mabalitaan na pinahahanap din nito ito. Tulad ni Steven ay importante sa kanila ang bata.Pumunta si Danica sa bahay nila Nicole at inunahan ang tauhan ni Steven."Danica, Hija! Mabuti at napadalaw ka. Ang akala ko ay tuloyan nang lumayo ang loob mo sa amin dahil sa ginawa ni Nicole." Naluluhang sinalubong ng yakap ni Rox ang inaanak."Alam niyo naman pong hindi ko kayo matiis." Nakangiting gumanti siya ng yakap sa ginang."Halika sa loob, tiyak na matutuwa ang Ninong Joey mo kapag nakita ka!"Masiglang sumunod si Danica sa ina ni Nicole. Walang pinagbago ang bahay, maaliwalas pa rin at kumpleto sa gamit. Nang makita siya ng ginoo ay sabik din itong yumakap sa kaniya."Sana ay napatawad mo na ang aming anak sa ginawa niya sa iyo, Hija." Umaasam na wika ni Rox."Isa po siya sa dahilan kung bakit ako nagpunta dito." Lumambong ang aura sa mukha ni Danica. Sa hitsura niya ngayon ay talagang makukunsensya ang mag-asawa sa kaniya at mainis sa anak ng mga ito."Kung may maitutulong kami ay sabihin mo lang," ani Joey."Una po sa lahat ay patawad pero hindi ko kayang mawala sa akin si Steven. Hindi ko kayang pagbigyan ang hiling ni Nicole na ipaubaya sa kaniya ang nobyo ko dahil buntis siya." Tuloyang tumulo ang mga luha sa mata ni Danica. Makikitang sobra siyang nahihirapan sa sitwasyon.Natutop ni Rox ang sariling bibig gamit ang isang palad nito. Hindi niya lubos maisip na magawang manamantala ng kabaitan ng kaniyang anak. Hindi naman sila nagkulang sa pagsuporta financial dito para maghangad ng pag-aari ng iba."Hindi ko po akalain na mag-take advantage siya sa aking sakit." Nagkatunog ang iyak niya at sinapo ang sariling mukha upang itago ang miserable niyang buhay.Mabilis na lumapit si Rox sa kinaupuan ng dalaga at niyakap ito. Bilang isang babae ay naintindihan niya ang nararamdaman nito."Bakit po ganoon siya sa akin? Sa halip na maawa siya sa akin dahil may problema ang aking ovary ay sinamantala niya iyon para maagaw ang lalaking pinakmamahal ko! Alam niyang naghahangad ng anak ang pamilya ni Steven pero hindi ko pa maibigay iyon.""Hindi ko alam na dumadanas ka ng ganyan paghihirap ngayon, Hija. Naintindihan kita at hindi ko gusto ang ginawa ng anak ko. Kahit buntis na siya ay hindi namin kunsintihin para lang matupad ang kaniyang pangarap." Napaluha na rin si Rox dahil sa awa kay Danica. Kung nasa harapan lang niya ngayon si Nicole ay tiyak na nasaktan na niya ito at pinaluhod sa harapan ng kaibigan nito."Nahihirapan na po ako na kumbinsihin siya. Nagtatago po siya ngayon at ayaw ibigay ang bata kay Steven kapag hindi siya pinakasalan. Ninang, paano na ako kapag nagtagumpay si Nicole? Buong buhay ko ay alam mong namalimos na lang ako ng atensyon mula sa inyo. Alam ninyo po na gusto kong magkaroon ng buong pamilya at si Steven lang ang minahal ko ng ganito. Saan pa ako kukuha ng lakas kung maliit na nga ang chance ko na magkaanak tapos nawala pa sa akin ang lalaking mahal ko?"Maging si Joey ay napaluha dahil naaawa kay Danica. Hinawakan niya ang balikat nitong yumuyogyog na dahil sa labis na pag-iyak."Hindi namin hahayaang mangyari iyan, Hija. Huwag kang mag-alala, Kakausapin namin siya kapag umuwi siya dito. Kung tatangapin ni Steven ang bata at ikaw ang tatayong ina ay hindi ka na niya siguro iiwan." Pang-aalo ni Joey sa dalaga."Tama ang naisip ng iyong ninong, Hija. Kung gusto mo ay kakausapin namin si Steven upang hindi ka niya ipagpalit alang-alang sa bata. Kami na ang bahala kay Nicole upang ibigay niya ang bata sa iyo at ikaw ang siyang tatayong ina.Pakiramdam ni Danica ay nakalutang na siya sa sobrang saya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng mag-asawa. Pero kailangan niyang supilin ang saya na nadarama ng mga oras na iyon. Lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak at buong pusong nagpasalamat sa mga ito."Alam na ba nila Mama at Papa mo ang nangyaring ito?" malungkot na tanong ni Rox sa dalaga. Nasa probinsya ang mga magulang nito at mas gustong mamuhay roon kasama ang mga alagang hayop. Sa kanila na tumira si Danica mula nang maka graduate ito ng highschool hanggang sa college.Sunod-sunod na iling ang itinugon ni Danica sa mag-asawa. "Alam niyo naman po na wala silang interest sa buhay ko noon pa man.Nalungkot si Rox para sa dalaga. Kaya ito napamahal ng husto sa kaniya dahil mas mahal siya nito kaysa sa sarili nitong mga magulang. Hindi niya alam kung bakit nasasabi ni Dolores na isang suwail na anak si Danica."Huwag ka ng malungkot, nandito kami ni Ninong mo para suportahan ka. Ipapahanap ko si Nicole at kumbinsihin. Alam kong may kabutihan pa rin sa puso ng anak ko at maaawa rin siya sa iyo."Gustong mapaismid ni Danica sa huling tinuran ng ginang. Iyon ang pinakaayaw niya, ang makuha ang isang bagay dahil sa awa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang hindi makita ng ginang ang galit na nakapaloob sa kaniyang puso.Pagkaalis ni Danica ay agad na nag-utos ang mag-asawa sa tao ng mga ito upang hanapin ang anak. nila.MAPAIT na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicole pagkarinig sa conversation sa pagitan ng mga magulang at Danica. Kalaunan ay tumawa siya ng pagak na ipinagtaka ni Soledad. Ang akala nito ay nasisiraan na siya ng bait."Ganiyan ka rin ba sa sarili mong anak?" nang-uuyam na tanong ni Nicole kay Soledad."Wala akong anak kaya huwag mo akong tanongin." Inis na sagot ni Soledad dito.Muling tumawa si Nicole sa ginang."Kaya pala magkasundo kayo ni Danica. Siguro nagnakaw ka rin ng anak ng iba kaya ka nawalan ng trabaho?" pagpatuloy niyang pang-aasar sa ginang.Galit ang nararamdaman ngayon ni Nicole at dissapointment para sa mga magulang. Hindi manlang nag-alala ang mga ito sa kaniya kahit para sa maging apo ng mga ito. Hindi manlang ng mga ito pinahahalagaan ang kaniyang damdamin. Mas naawa pa kay Danica kaysa sa kaniya at hindi naisip na maaring kailangan niya rin ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.Sa halip na magalit ay ngumiti ng pang-aasar si Soledad sa babae. Nasaktan siya sa sin
"ANO ba naman iyan? Matanda ka na talaga at naging ulyanin!" pang-aasar ni Gardo sa ginang."Kung iyang binubunganga mo riyan ay tinutulongan mo akong maghanap?" angil ni Soledad dito habang hinahanap sa paligid ang cellphone. Hindi na niya matandaan kung saan iyon nailapag dahil nataranta na kanina."Mamaya mo na iyon hanapin, ito na muna ang gamitin mo!" Inabot ni Gardo ang kaniyang cellphone sa kasama.Nanatiling nakapikit lang si Nicole pero alam niyang bini-video siya ni Soledad. "Pakiusap, alagaan niyong mabuti ang aking anak. Alam kong hindi na ako magtatagal..."Mabilis na pinutol ni Soledad ang pag-record sa video bago pa madugtongan iyon ni Nicole."Pero sana ay buhayin ninyo ang tatlo kong anak." Pagpapatuloy na pakiusap ni Nicole sa dalawa habang lumuluha. Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalawa."Ako na ang magdadala sa bata dahil hindi ka naman marunong magmaneho. Hanapin mo ang cellphone mo at tawagan si Ma'am Danica para ipaalam na hindi maganda ang lagay ng bata." N
NAGMAMADALING nagbihis si Danica at tinawagan muli si Gardo nang may maalala."Ang bata, kumusta sila?" tanong ni Danica habang naghahanda sa pag-alis."Nasa incubator ang bata, Ma'am. Ang isa naman ay nandito inaalagaan ni Soledad at parehong babae ang kambal." sagot ni Gardo sa dalaga."Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko kagabi?" usisa pa rin ni Danica at ang tinutukoy ay si Soledad."Naku, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na po si Soledad at matanda na kaya madaling kapitan ng nerbyos. Nataranta na siya kagabi at hindi natandaan kung saan naipatong ang cellphone. Isa pa ay hinabol niya si Nicole kaya hindi na niya naisip na tawagan ka."Pinaniwalaan ni Danica ang kwento ni Gardo. Naging kampante umano ang ginang na hindi na magawang makatayo ni Nicole dahil sa sobrang nanghina ito matapos manganak. Gumamit ito ng bathroom at paglabas ay wala na ang babae. Napangisi si Danica, hanga siya sa lakas ng loob ni Nicole at nagawang lumaban hanggang sa huli ng hininga nito."Matapos niyo si
"Mga hayop sila!" Nangangalit ang mga bagang ni Kanor nang marinig ang binalita sa kaniya ni Tony. Inutusan niya itong alamin ang kilos ng tunay na pamilya ni Nicole."Ang alam po nila ay si Nicole ang abong isinaboy nila sa dagat. Malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito, Sir. Nakita ko po si Mr. Steven Scout at ang abuela nito.""Kung ganoon ay dapat ko nga lang na itago si Nicole sa kanila. Kung sino man ang tunay na salarin sa nangyari sa kaniya, siya na lang ang makakapagsabi." Napalitan ng lungkot ang nadarama ni Kanor nang bumalik ang atensyon sa dalagang natutulog. Bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito. Pero hindi pa ito nagigising mula nang matagpuan nila."Narinig ko pong tinawag nilang Danica ang babaeng kasama ni Mr. Scout." Pagpapatuloy na kuwento ni Tony sa ginoo.Naningkit ang mga mata ni Kanor at naikuyom ang mga kamao pagkarinig sa pangalan ng taong huling binangit ni Nicole. "Huwag mo hahayaan sa kamay ni Danica ang mga anak ko.""Mga anak? " mahinang bigkas
"I'M so happy for you!" Patakbong nilapitan ni Rita si Danica at niyakap ito ng mahigpit."Thank you!" naluluhang gumanti ng yakap si Danica sa kaibigan. Bumaling siya ng tingin sa matanda pagkatapos at nagpasalamat dito."From now on, you can call me, Grandma."Bagama't hindi nakangiti ang matanda ay ramdam naman ni Danica na bukal sa loob nito ang mga sinabi."Yehey! Magkakaroon na rin po ba ako ng baby brother kapag kasal na kayo ni Mommy, Daddy? " inosinteng tanong ni Daniela sa ama.Unti-unting napalis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila Danica at Rita pagkarinig sa tanong ng bata kay Steven.Nalilitong pinakatitigan ni Daniela ang ama nang napatikhim ito. Kapag ganoon ang ama ay alam niyang ayaw nitong sagutin ang kaniyang tanong. Lumipat ang paningin niya sa ina, masama ang tingin nitong ipinukol sa kaniya. Mabilis siyang sumiksik sa mga braso ng ama at itinago doon ang kaniyang mukha. Natatakot siya kapag nagagalit sa kaniya ang ina. Sinasaktan siya nito at sinasabihan
"SAAN ka ba galing na bata ka?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa anak habang yakap ito ng mahigpit."I'm sorry, Mommy kung pinag-alala kita ng husto." Gumanti ito ng yakap sa ina. Noon pa man ay ramdam niyang may kinatatakutan ang ina at ayaw nitong mawalay siya sa paningin nito lalo na kapag nasa public place sila."Promise me na hindi mo na uulitin ito. Hindi ka pamilyar sa lugar na ito kaya you should ask mommy first kung may pupuntahan ka man o gagawin."Sobrang seryuso ng tono ng ina maging ang mukha kaya hindi na siya nagsalita pa. Itinaas niya ang kanang kamay at tumango bilang pangako dito. Pero ang isang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran at naka cross finger. Ngumiti pa siya sa ina upang pawiin na ang sa kung anong agam-agam sa isipan nito. Kahit bata pa siya ay mabilis niyang matandaan ang lahat ng bagay kahit ang isang lugar. Hindi siya ang tipo ng bata na kapag nawala sa paningin ang ina sa crowded na lugar ay iiyak at matatakot.Nakangiting inakay na niya ang anak pab
"ANO ang nangyari?" tanong ni Steven kay Tony nang biglang tumigil sa pagtakbo ang saskayan."Plat po yata ang gulong, Sir. Sandali po at tignan ko." Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at hindi na hinintay ang sasabihin ng binatang amo.Binuksan lamang ni Steven ang bintana ng sasakyan at sinundan ng tingin ang pagpunta ni Tony sa likuran ng sasakyan. Pagtingin niya sa isang gulong sa bandang hulihan ay plat nga iyon. Tinignan niya ang pambisig na orasan, kung tatagal pa sila doon ay ma late na siya sa kaniyang pupuntahan."Sir, pasensya na po sa aberya. Hindi ko alam kung bakit nabutas ang gulong. Mas mabuti pa po siguro na magpasundo kayo dito sa kakilala mo para sa iyong kaligatasan. Maiwan na po muna ako dito hanggang sa dumating ang tinawagan kong talyer."Naintindihan ni Steven ang ginoo at hindi siya nagalit dito. Hindi nga safe para sa kaniya ang lugar na kinaroonan nila ngayon. Magda-dial na sana siya ng numero ng kaibigan na nasa site rin na pupuntahan niya nang biglang m
"Honey, are you okay? Nabalitaan kong nasiraan kayo ng sasakyan kanina." Nag-aalalang tanong ni Danica sa binata pagkapasok niya sa opisina nito.Sanay na si Steven na tawagin siya sa endearment ni Danica. Pero parang biglang nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa tawag nito ngayon sa kaniya."Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot jaya lalo akong nag-alala. Then tinawagan ko si Mang Tony at nasabi niya sa akin ang nangyari." Paliwanag niya sa binata. Alam niyang ayaw nitong inaalam niya ang bawat kilos nito lalo na kapag nasa labas ito."I am in the middle of meeting when you called." Malamig niyang tugon kay Danica.Napabuntonghininga si Danica. Kapag ganoon ang tono ng pananalita ng binata ay alam niyang ayaw nitong makipag-usap pa."I called our daughter and she ask about you." Pag-iiba niya ng paksa upang muling makuha ang atensyon ng binata.Bahagyang lumambot ang expression ng mukha ni Steven pagkaalala sa kaniyang prinsesa. " I will call her."Wala ng nagawa si Danica nang