"ANO ba naman iyan? Matanda ka na talaga at naging ulyanin!" pang-aasar ni Gardo sa ginang."Kung iyang binubunganga mo riyan ay tinutulongan mo akong maghanap?" angil ni Soledad dito habang hinahanap sa paligid ang cellphone. Hindi na niya matandaan kung saan iyon nailapag dahil nataranta na kanina."Mamaya mo na iyon hanapin, ito na muna ang gamitin mo!" Inabot ni Gardo ang kaniyang cellphone sa kasama.Nanatiling nakapikit lang si Nicole pero alam niyang bini-video siya ni Soledad. "Pakiusap, alagaan niyong mabuti ang aking anak. Alam kong hindi na ako magtatagal..."Mabilis na pinutol ni Soledad ang pag-record sa video bago pa madugtongan iyon ni Nicole."Pero sana ay buhayin ninyo ang tatlo kong anak." Pagpapatuloy na pakiusap ni Nicole sa dalawa habang lumuluha. Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalawa."Ako na ang magdadala sa bata dahil hindi ka naman marunong magmaneho. Hanapin mo ang cellphone mo at tawagan si Ma'am Danica para ipaalam na hindi maganda ang lagay ng bata." N
NAGMAMADALING nagbihis si Danica at tinawagan muli si Gardo nang may maalala."Ang bata, kumusta sila?" tanong ni Danica habang naghahanda sa pag-alis."Nasa incubator ang bata, Ma'am. Ang isa naman ay nandito inaalagaan ni Soledad at parehong babae ang kambal." sagot ni Gardo sa dalaga."Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko kagabi?" usisa pa rin ni Danica at ang tinutukoy ay si Soledad."Naku, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na po si Soledad at matanda na kaya madaling kapitan ng nerbyos. Nataranta na siya kagabi at hindi natandaan kung saan naipatong ang cellphone. Isa pa ay hinabol niya si Nicole kaya hindi na niya naisip na tawagan ka."Pinaniwalaan ni Danica ang kwento ni Gardo. Naging kampante umano ang ginang na hindi na magawang makatayo ni Nicole dahil sa sobrang nanghina ito matapos manganak. Gumamit ito ng bathroom at paglabas ay wala na ang babae. Napangisi si Danica, hanga siya sa lakas ng loob ni Nicole at nagawang lumaban hanggang sa huli ng hininga nito."Matapos niyo si
"Mga hayop sila!" Nangangalit ang mga bagang ni Kanor nang marinig ang binalita sa kaniya ni Tony. Inutusan niya itong alamin ang kilos ng tunay na pamilya ni Nicole."Ang alam po nila ay si Nicole ang abong isinaboy nila sa dagat. Malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito, Sir. Nakita ko po si Mr. Steven Scout at ang abuela nito.""Kung ganoon ay dapat ko nga lang na itago si Nicole sa kanila. Kung sino man ang tunay na salarin sa nangyari sa kaniya, siya na lang ang makakapagsabi." Napalitan ng lungkot ang nadarama ni Kanor nang bumalik ang atensyon sa dalagang natutulog. Bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito. Pero hindi pa ito nagigising mula nang matagpuan nila."Narinig ko pong tinawag nilang Danica ang babaeng kasama ni Mr. Scout." Pagpapatuloy na kuwento ni Tony sa ginoo.Naningkit ang mga mata ni Kanor at naikuyom ang mga kamao pagkarinig sa pangalan ng taong huling binangit ni Nicole. "Huwag mo hahayaan sa kamay ni Danica ang mga anak ko.""Mga anak? " mahinang bigkas
"I'M so happy for you!" Patakbong nilapitan ni Rita si Danica at niyakap ito ng mahigpit."Thank you!" naluluhang gumanti ng yakap si Danica sa kaibigan. Bumaling siya ng tingin sa matanda pagkatapos at nagpasalamat dito."From now on, you can call me, Grandma."Bagama't hindi nakangiti ang matanda ay ramdam naman ni Danica na bukal sa loob nito ang mga sinabi."Yehey! Magkakaroon na rin po ba ako ng baby brother kapag kasal na kayo ni Mommy, Daddy? " inosinteng tanong ni Daniela sa ama.Unti-unting napalis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila Danica at Rita pagkarinig sa tanong ng bata kay Steven.Nalilitong pinakatitigan ni Daniela ang ama nang napatikhim ito. Kapag ganoon ang ama ay alam niyang ayaw nitong sagutin ang kaniyang tanong. Lumipat ang paningin niya sa ina, masama ang tingin nitong ipinukol sa kaniya. Mabilis siyang sumiksik sa mga braso ng ama at itinago doon ang kaniyang mukha. Natatakot siya kapag nagagalit sa kaniya ang ina. Sinasaktan siya nito at sinasabihan
"SAAN ka ba galing na bata ka?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa anak habang yakap ito ng mahigpit."I'm sorry, Mommy kung pinag-alala kita ng husto." Gumanti ito ng yakap sa ina. Noon pa man ay ramdam niyang may kinatatakutan ang ina at ayaw nitong mawalay siya sa paningin nito lalo na kapag nasa public place sila."Promise me na hindi mo na uulitin ito. Hindi ka pamilyar sa lugar na ito kaya you should ask mommy first kung may pupuntahan ka man o gagawin."Sobrang seryuso ng tono ng ina maging ang mukha kaya hindi na siya nagsalita pa. Itinaas niya ang kanang kamay at tumango bilang pangako dito. Pero ang isang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran at naka cross finger. Ngumiti pa siya sa ina upang pawiin na ang sa kung anong agam-agam sa isipan nito. Kahit bata pa siya ay mabilis niyang matandaan ang lahat ng bagay kahit ang isang lugar. Hindi siya ang tipo ng bata na kapag nawala sa paningin ang ina sa crowded na lugar ay iiyak at matatakot.Nakangiting inakay na niya ang anak pab
"ANO ang nangyari?" tanong ni Steven kay Tony nang biglang tumigil sa pagtakbo ang saskayan."Plat po yata ang gulong, Sir. Sandali po at tignan ko." Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at hindi na hinintay ang sasabihin ng binatang amo.Binuksan lamang ni Steven ang bintana ng sasakyan at sinundan ng tingin ang pagpunta ni Tony sa likuran ng sasakyan. Pagtingin niya sa isang gulong sa bandang hulihan ay plat nga iyon. Tinignan niya ang pambisig na orasan, kung tatagal pa sila doon ay ma late na siya sa kaniyang pupuntahan."Sir, pasensya na po sa aberya. Hindi ko alam kung bakit nabutas ang gulong. Mas mabuti pa po siguro na magpasundo kayo dito sa kakilala mo para sa iyong kaligatasan. Maiwan na po muna ako dito hanggang sa dumating ang tinawagan kong talyer."Naintindihan ni Steven ang ginoo at hindi siya nagalit dito. Hindi nga safe para sa kaniya ang lugar na kinaroonan nila ngayon. Magda-dial na sana siya ng numero ng kaibigan na nasa site rin na pupuntahan niya nang biglang m
"Honey, are you okay? Nabalitaan kong nasiraan kayo ng sasakyan kanina." Nag-aalalang tanong ni Danica sa binata pagkapasok niya sa opisina nito.Sanay na si Steven na tawagin siya sa endearment ni Danica. Pero parang biglang nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa tawag nito ngayon sa kaniya."Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot jaya lalo akong nag-alala. Then tinawagan ko si Mang Tony at nasabi niya sa akin ang nangyari." Paliwanag niya sa binata. Alam niyang ayaw nitong inaalam niya ang bawat kilos nito lalo na kapag nasa labas ito."I am in the middle of meeting when you called." Malamig niyang tugon kay Danica.Napabuntonghininga si Danica. Kapag ganoon ang tono ng pananalita ng binata ay alam niyang ayaw nitong makipag-usap pa."I called our daughter and she ask about you." Pag-iiba niya ng paksa upang muling makuha ang atensyon ng binata.Bahagyang lumambot ang expression ng mukha ni Steven pagkaalala sa kaniyang prinsesa. " I will call her."Wala ng nagawa si Danica nang
"BATA pa umano si Rita nang maganap ang aksidente kasama ang mga magulang nito. Lumubog ang cruise ship na sinasakyan ng mga ito at hindi pinalad na mabuhay ang mga magulang nito. Si Rita ay nakaligtas at napadpad sa isang liblib na isla kasama umano ang batang nakilala sa pangalang Nica."Pagpapatuloy na kuwento ni Kanor sa dalaga. May sasabihin pa sana siya pero naudlot nang mapansin ang reaction sa mukha nito."ANO ang problema?" nag-aalalang tanong niya kay Nicole."Hindi maari," umiiling na bulong ni Nicole na umabot pa rin sa pandinig ng ginoo."Bakit?" nagtatakang tanong niya muli sa dalaga. Mukhang bigla nitong nakalimutan na naroon siya sa harap nito."Paano niya nagawa ang lahat ng ito sa akin at paano niya nahanap si Tata?" muling kausap ni Nica sa sarili. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang nakaraan noong bata pa siya."Tawagin mo na lang akong Nica." Pakilala ni Nicole sa kasamang bata na nakasama niya kanina pa pagpalutang-lutang sa dagat. Nakaugalian na niyang ganoon