Lumipas ang mahigit isang buwan na naging tahimik ang bubay ni Nicole. Naging secretary siya ni Mang Kanor na ngayon ay tinatawag niyang Tatay. Tumigil na rin ito sa pagmamaneho ng taxi dahil nagawa na umano nito ang misyon, ang makaligtas ng buhay ng babaeng napariwara ang buhay. At siya nga iyon at itinuring siyang anak nito. Wala siyang inilihim dito maliban sa kung sino ang nakagalaw sa kaniya.
"Mukhang namumutla ka, hindi ka ba nakapag-almusal?" nag-aalalang puna ni Kanor kay Nicole.Hindi magawang sumagot ni Nicole sa ginoo dahil nakaramdam siya ng panlalamig sa mga kamay at paa. Pero pinagpapawisan siya gayong hindi naman mainit ang paligid."Ang mabuti pa ay dalhin na kita sa hospital upang masuri ang iyong kalagayan."Nang lumapit sa kaniya si Mang Kanor ay biglang naduwal si Nicole. Hindi niya nagustohan ang pabangong gamit nito gayong dati pa niya iyon naaamoy. Tutop ang sariling bibig na tumakbo siya papasok ng bathroom.Malungkot na sinundan ng tingin ni Kanor ang dalaga. Sigurado siya kung bakit nagkakaganoon ang babae. Ganoon din noon ang asawa niya nang mabuntis ito sa kanilang panganay.Napaluha si Nicole nang makumpirmang buntis nga siya. Muling nagulo ang kaniyang isipan at hindi alam kung dapat bang ipaalam sa ama ng magiging anak niya."May karapatan siyang malaman na nagbunga ang nangyari sa inyong dalawa. Based sa iyong kwento ay mukhang hindi naman siya masamang tao kaya mas nakakabuting ipaalam mo sa kaniya ang iyong kalagayan ngayon." Payo ni Kanor sa dalaga.Ilang minuto ring nag-isip si Nicole. Wala na siyang kontak kahit sa sariling pamilya mula nang umalis siya sa poder ng mga ito. Naitapon niya ang kaniyang sim card at nasira ang cellphone kaya hindi niya alam kung sino ang dapat pang kontakin.Kinabukasan ay nagpasya si Nicole na pumunta sa kompanya upang kausapin si Steven. Ngunit una niyang nakita si Danica at hindi na ito naiwasan nang yayain siyang mag-usap sa pribadong lugar.Hindi nga nagkamali si Danica sa hinala na maaring doon unang magpakita si Nicole kaya naglagay siya ng taong nagmamatyag sa paligi ng kompanya. Nang tawagan siya kanina ng tauhan ay dali-dali siyang lumabas ng gusali at hinanap ang huli. Ngayon ay kasama na niya ito sa kaniyang sasakyan."Danica, saan tayo pupunta?" tanong ni Nicole sa kaibigan na nanatiling tahimik sa kaniyang tabi. Nang pumaling ang ulo nito paharap sa kaniya ay bahagya siyang napaurong ng upo palayo dito."Pwede bang manahimik ka muna?" matatalim ang tinging ipinukol niya kay Nicole.Hindi na nangulit si Nicole sa babae. Gusto niya sanang makipag-ayos dito kaya siya sumama. Ngunit sa nakikta niyang pakitungo nito sa kaniya ay halatang matindi pa rin ang galit nito sa kaniya. Nalungkot siya sa isiping iyon at nilabanan ang sariling huwag umiyak. Naging sensitive lalo siya nang malaman niyang buntis siya.Hindi alam ni Nicole kung gaano kalayo ang binayahe nila at kung saang lugar sila nagtungo. Sumunod siya sa pagbaba ng sasakyan at sinundan ang kaibigan na pumasok sa isang bahay na hindi siya pamilyar."Danica, pwede na ba tayong mag-usap?" Mahinahon niyang pakiusap sa kaibigan."Hindi ko kailangan ang iyong paliwanag. Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo, nagbunga ba ang nangyari sa inyo ni Steven?"Marahang tango ang naging tugon niya sa kaibigan. Inihanda na niya ang sarili sa maging reaction nito at hindi niya hahayaang masaktan dahil buntis siya.Malutong na tawa ang kumawala sa bibig ni Danica na ipinagtaka ni Nicole. Mukhang masaya pa ito sa narinig sa halip na lalo itong magalit sa kaniya."Kung ganoon ay nagbunga ang lahat ng aking plano. Ang kailangan ko na lang ay ang hintayin na mailuwa mo ang bata at ako ang kilalanin niyang ina." Nakangising turan ni Danica habang naglalaro sa isipan ang iba pang kaganapan."Ano ang ibig mong sabihin, Danica? Narito ako para makipaglinawan sa nangyari noon at hindi para ibigay sa iyo ang anak ko kapag lumabas na siya." Nakaramdam ng kaba si Nicole, parang hindi na niya kilala ngayon ang kaibigan at ibang-iba ang ugali at kinikilos nito ngayon."Huwag mo nang tangkaing linisin ang dangal mo sa lahat dahil wala ring maniwala sa iyo. Ang mga magulang mo nga sa akin naniniwala, ang ibang tao pa kaya?" nang-uuyam na patutsada ni Danica sa dating kaibigan."Danica? Ano ang pinagsasabi mo?" nagugulohang tanong niya dito. Hindi niya akalaing maging masaya ito sa kaalamang miserable na ang kaniyang buhay dahil sa nangyari."Simple lang, nilagyan ko ng gamot ang inumin ninyong dalawa ni Steven upang mangyari ang plano ko." Nakangising tugon ni Danica dito."Pero bakit?" nagugulohang tanong kay Danica. Hindi niya ubos maisip na gustohin nitong may mangyari sa kanila ni Steven at mabuntis dahil ang alam niya ay mahal na mahal nito ang lalaki."Huwag ng magtanong dahil wala akong oras magpaliwang sa isang bobang tulad mo." Mataray niyang tugon kay Nicole.Magbabago ang kaniyang plano dahil nalaman ng matanda ang problema niya sa ovary. Hindi niya akalain na pati ang kakayahan niya sa pagbubuntis ay aalamin nito. Ang balak niya noong una ay angkinin na kaniyang anak ang iluluwa ni Nicole. Nalaman niya ring pinapahanap nito si Nicole upang masiguro na maging maayos ang bata kung mabuntis man ito.Biglang natakot si Nicole, nakaramdam siya ng panganib para sa kaniyang anak. "Kung ano man iyang binabalak mo ay hindi ako makakapag, Danica! Anak ko ito at hindi ko hahayaang ibang ina ang kilalanin!"Malakas na sampal ang pinadapo ni Danica sa pisngi ni Nicole dahil sa inis. "Mula sa araw na ito ay wala kang karapatan na kontrahin ang lahat ng gusto ko! Kung gusto mong mabuhay ang nasa sinapupunan mo ay sundin mo ang gusto ko!"Naitulak ni Nicole si Danica at patakbong lumabas ng bahay na hindi pamilyar sa kaniya. Ngunit bigla ring napaurong nang pagbukas ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang armadong lalaki. Itinutok nito ang hawak na baril sa kaniyang ulo kaya nanginginig sa takot na bumalik siya sa loob.Lumakas ang tawa ni Danica at nag-e-enjoy sa nakikitang takot sa mukha ni Nicole. Nilapitan niya ito at kinaladkad papasok sa isang silid."Ahhhh... Bitjwan mo ako!" Nagpumiglas siya sa pagkahawak ni Danica sa kaniyang buhok ngunit malakas ito. Ngayon niya lang napansin na may iba pang tao doon sa loob ng bahay."Siguraduhin ninyo na hindi makatakas ang babaeng iyan dito and healthy ang pagbubuntis niya." Kausap ni Danica sa may edad ng babae."Danica, huwag mo namang gawin ito sa akin. Ano ang kasalanan ko at bakit mo naisipang gawin ito sa akin?" umiiyak na pagmamakaawa niya sa dating kaibigan. Natatakot siya para sa kaniyang anak kahit na nabuo lamang iyon dahil sa kagagawan nito.Ngumiti si Danica at pinalambot ang aura ng mukha. "Hindi naman ako galit sa iyo. Sadyang taglay mo lang ang mga bagay na gusto kong mayroon ako. At para mapasaakin ang kahat ng iyan, kailangan kitang gamitin.""Danica, alam mong mas mahal ka ni Mommy. Katunayan nga pinalayas niya ako nang sinabi mo sa kaniya na inagaw ko ang nobyo mo. Hindi pa ba sapat iyon?" mahinahon niyang pakipag-usap sa dalaga. Nagbabakasakali na magbago ang isip nito at pakawalan na siya."Pangako, hindi na ako magpapakita sa iyo kung iyan ang gusto mo. Lalayo ako at hindi malalaman ni Steven na nabuo ang isang gabing pagkakamali namin." Patuloy niyang pakiusap kay Danica nang manahimik ito.Pinalungkot ni Danica ang expression ng kaniyang mukha at lumapit kay Nicole. "Patawad kung kailangan kitang ikulong dito. Ang bata lang ang kailangan ko para pakasalan na ako ni Steven.".Humakbang palayo sa kaibigan si Nicole kasabay ng pag-iling ng ulo. "Ayaw mo bang magkaroon ng sariling anak at kailangan pang ang akin ang angkinin mo?"Napalitan ng inis ang lungkot na nababanaag sa mukha ni Danica. Naging maiksi ang pasensya niya kapag si Nicole ang kausap. Balak niya sanang magmukhang kawawa para kusa itong sumang-ayon sa gusto niya."May problema ako sa ovary kaya malabong makabuo agad ng bata. Kailangan na mabigyan ko na siya or else hahanap ng ibang babae ang abuela niya na may kakayahang bigyan ito ng apo sa tuhod." Pag-amin niya kay Nicole upang kaawaan siya."I'm sorry, pero hindi pa rin tama itong gagawin mo at...""Hindi mo ako tutulongan?!" Bulyaw niya kay Nicole at tuloyan nang napatid ang pagkukunwaring kabaitan.Napapiksi si Nicole dahil sa lakas ng boses ng kausap. "Alam mong hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa maling paraan, Danica. Tutulongan kita pero hindi sa ganitong paraan.""Walang kang kwentang kaibigan! Tama lang na itinakwil ka ng sarili mong mga magulang! Huwag ka ng mag-aksaya ng laway dahil hindi na magbabago ang plano ko!"Napahagulhol ng iyak si Nicole nang iwan na siya ni Danica sa loob ng silid. Naka lock ang pinto mula sa labas at ang bintana ay sinadyang lagyan ng bakal upang hindi makadaan doon kahit nakabukas.Ilang minuto pa ay pinakalma ni Nicole ang sarili. Walang mangyayari kung iiyak lang siya doon. Sumilip siya sa bintana upang tanawin ang paligi na kinaroonan. Na disappoint siya dahil puro puno ang nakikita. Sa tingin niya ay isang bahay bakasyunan ang bahay na ito at malayo sa kabahayan. Kung normal lang ang sitwasyon ay ma-appreciate niya ang ganda ng paligid at gustohing tumira doon. Tahimik at malamig ang paligid."Kailangan ko ng umalis, upadte niyo ako araw-araw sa kalagayan niya at alagaan niyo siyang mabuti para sa bata." Mahigpit na bilin ni Danica sa taong mapagkatiwalaan."Opo, Ma'am. Kami na po ang bahala sa kaniya." Sagot ni Soledad sa dalaga. Isa siyang dating midwife at nawalan ng lisensya dahil inireklamo siya ng mag-asawang namatayn ng anak matapos niyang mapaanak.Ngumiti si Danica sa ginang. Nakilala niya ito sa isang kalye at napag-alaman na maruning magpaanak. Inalok niya ito ng malaking halaga at alam niyang hindi siya nito traidurin. Dalawang tao pa ang iniwan niya doon upang maging silbing bantay at masigurong hindi makatakas si Nicole.Its been two months pero hindi pa rin makatulog ng maayos si Steven. Nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi at hinahanap ang init ng katawan ng isang tao na dito lang niya naramdaman. Lalong nawalan siya ng gana kahit inaakit siya ng husto ni Danica sa tuwing ma solo siya nito.Sa kompanya ay lalong nangilag ang mga tao kay Steven dahil kahit maliit na pagkakamali lang ay nagagalit na ito. Lahat ng empleyadong nadadaanan nito sa loob ng building na pag-aari niya ay napapayuko ang ulo at sabay-sabay na bumabati sa kaniya. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang mga ito at tuloy lang sa paglalakad."Goodmorning, Mr. Scout!"Ang sumunod na bumati sa kaniya ay ang mga empleyadong may mataas na katungkolan sa kompanya. Doon niya lang nagawang tignan isa-isa ang mga ito at may mukhang hinahanap ngunit hindi niya iyon mahagilap. Ngayon niya lang naalala na may nawawalang tao doon."Dismiss!" maawturidad niyang mando sa mga ito bago seninyasan ang assistant na sumunod sa kaniya sa loob ng opisina."Gusto kong malaman ang status ng empleyadong ito." Inabot niya sa kaniyang assistant ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng babaeng nangahas nang gabing iyon. Hindi niya alam ang full name nito pero tanda niya kung saang department ito nakatalaga."Right away, Sir!" Yumukod si Grey sa amo pagkakuha ng papel mula sa kamay nito.Mula nang magsimula si Steven sa pagpapatakbo ng kompanya ay siya na ang umaalalay dito. Kahit nagtataka kung bakit bigla itong nagkaroon ng interest sa isang babaeng empleyado ay hindi na siya nagtanong. Pansin niya mula noong naganap ang grand opening sa hotel ay may nagbago sa kinikilos ng binata."Wait a second." Tawag ni Steven kay Grey bago pa ito makalabas ng pinto nang may maalala."May ipag-uutos pa po ba kayong iba sa akin, Sir?""Noong ginanap ang grand opening ng hotel, nasaan ka nang gabing nalasing ako?"Hindi agad nakasagot si Grey at hinagilap sa isipan ang nangyari nang araw na iyon. Napatanong siya sa kaniyang sarili kung may nangyari ba na sanhi ng kaniyang kapabayaan?"Nagising ako na wala ka sa paligid.""Sorry at naging pabaya ako ng araw na iyon!" mabilis niyang paghingi ng patawad dito kahit wala siyang idea kung ano ang nangyari. "Nang ihatid ka po ni Ma'am Danica sa iyong silid ay inutusan niya akong pwede ng umalis at siya na ang bahala sa iyo."Nagsalubong ang mga kilay ni Steven at napaisip ng malalim. Ilang minuto pa ay pinaalis na niya sa kaniyang harapan ang lalaki."ALAM kong pinapahanap mo ang kaibigan ko." Mahinahon ngunit may himig galit ang boses ni Danica sa pakipag-usap kay Steven.Naging matiim ang tinging ipinukol ni Steven sa nobya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunsensya para dito bilang nobyo niya. Wala itong ginawang masama sa kaniya kundi ang mahalin siya at ang kaniyang kapatid. Nawalan na rin siya ng oras dito bilang nobyo nito at ngayon ay nalaman pa ang pagpapahanap niya sa kaibigan nito.He felt guilty dahil nanatili ito sa kaniyang tabi sa kabila ng nangyari sa kaniya at kaibigan nito. Tama ito na pinahahabap niya si Nicole. Gusto lamang niyang makasiguro na hindi ito nabuntis. Kung mabuntis man ay hindi siya makakapayag na maging bastardo ang bata at lumaking hindi siya kilala."Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa inyong dalawa dahil umamin siya sa akin." Tukoy ni Danica kay Nicole."Where is she?" mabilis na tanong ni Steven dito. Ayon sa kaniyang assistant ay hindi na pumasok ng kompanya ang babae mula nang ara
MAPAIT na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicole pagkarinig sa conversation sa pagitan ng mga magulang at Danica. Kalaunan ay tumawa siya ng pagak na ipinagtaka ni Soledad. Ang akala nito ay nasisiraan na siya ng bait."Ganiyan ka rin ba sa sarili mong anak?" nang-uuyam na tanong ni Nicole kay Soledad."Wala akong anak kaya huwag mo akong tanongin." Inis na sagot ni Soledad dito.Muling tumawa si Nicole sa ginang."Kaya pala magkasundo kayo ni Danica. Siguro nagnakaw ka rin ng anak ng iba kaya ka nawalan ng trabaho?" pagpatuloy niyang pang-aasar sa ginang.Galit ang nararamdaman ngayon ni Nicole at dissapointment para sa mga magulang. Hindi manlang nag-alala ang mga ito sa kaniya kahit para sa maging apo ng mga ito. Hindi manlang ng mga ito pinahahalagaan ang kaniyang damdamin. Mas naawa pa kay Danica kaysa sa kaniya at hindi naisip na maaring kailangan niya rin ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.Sa halip na magalit ay ngumiti ng pang-aasar si Soledad sa babae. Nasaktan siya sa sin
"ANO ba naman iyan? Matanda ka na talaga at naging ulyanin!" pang-aasar ni Gardo sa ginang."Kung iyang binubunganga mo riyan ay tinutulongan mo akong maghanap?" angil ni Soledad dito habang hinahanap sa paligid ang cellphone. Hindi na niya matandaan kung saan iyon nailapag dahil nataranta na kanina."Mamaya mo na iyon hanapin, ito na muna ang gamitin mo!" Inabot ni Gardo ang kaniyang cellphone sa kasama.Nanatiling nakapikit lang si Nicole pero alam niyang bini-video siya ni Soledad. "Pakiusap, alagaan niyong mabuti ang aking anak. Alam kong hindi na ako magtatagal..."Mabilis na pinutol ni Soledad ang pag-record sa video bago pa madugtongan iyon ni Nicole."Pero sana ay buhayin ninyo ang tatlo kong anak." Pagpapatuloy na pakiusap ni Nicole sa dalawa habang lumuluha. Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalawa."Ako na ang magdadala sa bata dahil hindi ka naman marunong magmaneho. Hanapin mo ang cellphone mo at tawagan si Ma'am Danica para ipaalam na hindi maganda ang lagay ng bata." N
NAGMAMADALING nagbihis si Danica at tinawagan muli si Gardo nang may maalala."Ang bata, kumusta sila?" tanong ni Danica habang naghahanda sa pag-alis."Nasa incubator ang bata, Ma'am. Ang isa naman ay nandito inaalagaan ni Soledad at parehong babae ang kambal." sagot ni Gardo sa dalaga."Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko kagabi?" usisa pa rin ni Danica at ang tinutukoy ay si Soledad."Naku, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na po si Soledad at matanda na kaya madaling kapitan ng nerbyos. Nataranta na siya kagabi at hindi natandaan kung saan naipatong ang cellphone. Isa pa ay hinabol niya si Nicole kaya hindi na niya naisip na tawagan ka."Pinaniwalaan ni Danica ang kwento ni Gardo. Naging kampante umano ang ginang na hindi na magawang makatayo ni Nicole dahil sa sobrang nanghina ito matapos manganak. Gumamit ito ng bathroom at paglabas ay wala na ang babae. Napangisi si Danica, hanga siya sa lakas ng loob ni Nicole at nagawang lumaban hanggang sa huli ng hininga nito."Matapos niyo si
"Mga hayop sila!" Nangangalit ang mga bagang ni Kanor nang marinig ang binalita sa kaniya ni Tony. Inutusan niya itong alamin ang kilos ng tunay na pamilya ni Nicole."Ang alam po nila ay si Nicole ang abong isinaboy nila sa dagat. Malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito, Sir. Nakita ko po si Mr. Steven Scout at ang abuela nito.""Kung ganoon ay dapat ko nga lang na itago si Nicole sa kanila. Kung sino man ang tunay na salarin sa nangyari sa kaniya, siya na lang ang makakapagsabi." Napalitan ng lungkot ang nadarama ni Kanor nang bumalik ang atensyon sa dalagang natutulog. Bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito. Pero hindi pa ito nagigising mula nang matagpuan nila."Narinig ko pong tinawag nilang Danica ang babaeng kasama ni Mr. Scout." Pagpapatuloy na kuwento ni Tony sa ginoo.Naningkit ang mga mata ni Kanor at naikuyom ang mga kamao pagkarinig sa pangalan ng taong huling binangit ni Nicole. "Huwag mo hahayaan sa kamay ni Danica ang mga anak ko.""Mga anak? " mahinang bigkas
"I'M so happy for you!" Patakbong nilapitan ni Rita si Danica at niyakap ito ng mahigpit."Thank you!" naluluhang gumanti ng yakap si Danica sa kaibigan. Bumaling siya ng tingin sa matanda pagkatapos at nagpasalamat dito."From now on, you can call me, Grandma."Bagama't hindi nakangiti ang matanda ay ramdam naman ni Danica na bukal sa loob nito ang mga sinabi."Yehey! Magkakaroon na rin po ba ako ng baby brother kapag kasal na kayo ni Mommy, Daddy? " inosinteng tanong ni Daniela sa ama.Unti-unting napalis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila Danica at Rita pagkarinig sa tanong ng bata kay Steven.Nalilitong pinakatitigan ni Daniela ang ama nang napatikhim ito. Kapag ganoon ang ama ay alam niyang ayaw nitong sagutin ang kaniyang tanong. Lumipat ang paningin niya sa ina, masama ang tingin nitong ipinukol sa kaniya. Mabilis siyang sumiksik sa mga braso ng ama at itinago doon ang kaniyang mukha. Natatakot siya kapag nagagalit sa kaniya ang ina. Sinasaktan siya nito at sinasabihan
"SAAN ka ba galing na bata ka?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa anak habang yakap ito ng mahigpit."I'm sorry, Mommy kung pinag-alala kita ng husto." Gumanti ito ng yakap sa ina. Noon pa man ay ramdam niyang may kinatatakutan ang ina at ayaw nitong mawalay siya sa paningin nito lalo na kapag nasa public place sila."Promise me na hindi mo na uulitin ito. Hindi ka pamilyar sa lugar na ito kaya you should ask mommy first kung may pupuntahan ka man o gagawin."Sobrang seryuso ng tono ng ina maging ang mukha kaya hindi na siya nagsalita pa. Itinaas niya ang kanang kamay at tumango bilang pangako dito. Pero ang isang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran at naka cross finger. Ngumiti pa siya sa ina upang pawiin na ang sa kung anong agam-agam sa isipan nito. Kahit bata pa siya ay mabilis niyang matandaan ang lahat ng bagay kahit ang isang lugar. Hindi siya ang tipo ng bata na kapag nawala sa paningin ang ina sa crowded na lugar ay iiyak at matatakot.Nakangiting inakay na niya ang anak pab
"ANO ang nangyari?" tanong ni Steven kay Tony nang biglang tumigil sa pagtakbo ang saskayan."Plat po yata ang gulong, Sir. Sandali po at tignan ko." Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at hindi na hinintay ang sasabihin ng binatang amo.Binuksan lamang ni Steven ang bintana ng sasakyan at sinundan ng tingin ang pagpunta ni Tony sa likuran ng sasakyan. Pagtingin niya sa isang gulong sa bandang hulihan ay plat nga iyon. Tinignan niya ang pambisig na orasan, kung tatagal pa sila doon ay ma late na siya sa kaniyang pupuntahan."Sir, pasensya na po sa aberya. Hindi ko alam kung bakit nabutas ang gulong. Mas mabuti pa po siguro na magpasundo kayo dito sa kakilala mo para sa iyong kaligatasan. Maiwan na po muna ako dito hanggang sa dumating ang tinawagan kong talyer."Naintindihan ni Steven ang ginoo at hindi siya nagalit dito. Hindi nga safe para sa kaniya ang lugar na kinaroonan nila ngayon. Magda-dial na sana siya ng numero ng kaibigan na nasa site rin na pupuntahan niya nang biglang m
"Daniela, anak, iligtas mo ako! Huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa iyo!" pagmamakaawa ni Danica, nang ilabas na siya mula sa basement.Niyakap ni Nicole ang anak at alam niyang nalulungkot ito at naaawa kay Danica. Ang dalawang anak ay hindi na nila pinalabas pa upang hindi makita ang huli."Daniela, kapag hindi mo pinigilan ang daddy, hindi mo na ako makita kahit kailan!" Pananakot ni Danica sa bata habang pinanlalakihan ito ng mga mata.Naaawang tinitigan ni Daniela ang kinilalang ina. Malungkot siya dahil ito pa rin naman ang kinalakhan niyang ina."Sorry pero bad ka. Mula noon ay tinatakot mo po ako. Magbago na po kayo upang mapatawad nila Daddy at Lola."Nang tumawa si Danica ay itinalikod na ni Nicole ang anak at ayaw niyang makita nito ang mukhang nasisiraan ng bait na ang babae."Ilayo niyo na iyan dito at sa kulungan ang diritso. Hindi totoong nababaliw na ang babaeng iyan." Utos ni Steven sa pulis na may hawak kay Danica."No... Kayo ang dapat makulong dahil sinaktan nin
Mabilis na tinurukan sa braso ng nurse si Danica. Ilang segundo pa ay unti-unti itong nanghina at dilat ang mga matang nakatitig sa lahat."Iyan ang nababagay sa isang katulad mo. Iupo niyo na iyan sa wheelchair." Utos ni Gaven sa tauhan.Binuhat ni Steven si Nicole, at inupo ito sa sofa bago hinarap si Gaven. "Talagang plano mong paralisahin si Danica?""Hindi ko kasi mapaghindian ang lola mo at mga bata. Gustong pumunta rito at makita kayo." Paliwanag ni Gaven.Tumakbo palabas ng bahay si Rita nang malaman na naroon ang mga pamangkin. Agad na tumulo ang kaniyang mga luha nang makita ang tatlong hawak kamay at naglalakad na papasok ng bahay. Una niyang niyakap ay si Natasha at binuhat ito.Nahihiya pa rin si Natasha at overwhelmed sa pinapakitang pagmamahal ng lahat sa kaniya.Walang kurap ang nakamulagat na mga mata ni Danica, nang makita si Natasha, at buhat ni Rita. Tahimik na napaluha siya at hindi magawang ibuka ang bibig. Maging ang mga paa at kamay ay hindi niya rin maigalaw. S
"HEY, ayos lang ako." Nakangiting hinawakan niya ang palad ni Steven."Bakit hindi mo ako tinawag? Paano kunh hindi agad ako nakabalik? Alam mong baliw ang babaeng iyon at gusto kang mawala sa kaniyang landas!"Napalabi si Nicole at galit pa rin ang binata. Sa kanilang dalawa ay mukha ito ang totoong may phobia. Hinila niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ang seryuso pa rin nito kahit ngumiti na siya rito. Nang umiwas ng tingin ito sa kaniya ay sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad. Mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.Napabuntonghininga si Steven sa pagitan ng halik nila ng dalaga. Mabilis na natunaw ang galit at pag-alala dahil sa halik nito. Pinalalim niya ang halik sa labi nito at parang uhaw na sinibasib ng halik at ginalugad ang loob ng bibig nito gamit ang kaniyang dila."Uhmm, Steven!" Tinampal niya da balikat ang binata nang maglumikot na rin ang isang kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt, habang ang halik ay bumaba sa kaniyang halik.Isang mala
"BAKIT ka hindi makapali? Hindi ka ba natutuwa at ramdam mo na ngayon ang pag-alala ni Kuya Steven sa iyo? Ayaw ka niyang palabasin at iniisip niya ang iyong kaligtasan." Pinalungkot pa ni Rita ang tono pero nakangiti kay Danica."Hindi ko kailangan ang opinion mo!" angil ni Danica pero sa mahinang tinig lamang dahil nasa paligid lang si Steven."Ayaw mong samahan kita ngayon? Ikaw din, baka magtaka si Kuya kapag nakitang hindi kita dinadamayan.""Leave me alone!" Nanlisik na ang mga mata ni Danica dahil sa gigil kay Rita."May problema ba kayong dalawa?"Biglang nag-iba ang timpla ng mood no Danica nang marinig ang tinig ni Steven. Pero ayaw pa rin niya itong kausapin at gusto niyang iparamdam sa lalaki na galit siya at nagseselos kay Nicole."Kuya, bakit kasi dito mo inuwi si Nicole? Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi mo manlang ba isinasaalang-alang ang kaniyang damdamin bilang iyong fiancee?"Kung noon ay natutuwa si Danica sa pagtatangol sa kaniya ni Rita, ngayon ay kinaiinisan
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Danica mula sa masamang panaginip. Iginala niya ang tingin sa paligid at mataas na pala ang araw. Mabilis na kinuha qng cellphone nang maalala ang panaginip. Masama kutob niya at ang panaginip ay nilingkis siya ng ahas."Ma'am kailangan po namin ng pera at may sakit ang anak ko."Nadagdagan lamang ang pagkasira ng gising ni Danica pagkabasa sa message ng taong nag-aalala sa batang bihag niya. Kahapon pa ito humihingi ng pera sa kaniya ngunit hindi niya mapadalhan dahil hindi siya makalabas. Wala namang credit line or application online na maaring makatanggap ng pera ang mga ito."Masama rin ang kalagayan ni Brando at wala nang panggastos sa kaniyang gamot. Kapag hindi po kayo nagpadala hanggang bukas ay benta namin ang batang ito sa kaniyang ama."Pakiramdam ni Danica ay nanlaki ang kaniyang ulo pagkabasa sa bagong message ng tauhan. Galit niyang tiwanagan ito."Mabuti naman at magparamdam na kayo.""Pinagmamalakihan mo ba ako?" singhal niya sa lalak
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po
MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"DADDY Gaven, gising na po ang kapatid ko!" Ang lapad ng ngiti ni Sean habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mukha ng kapatid.Nabawasan ang takot na nadarama ni Natasha nang makilala ang batang nagpakilala sa kaniyang kapatid. Tumingin siya sa lalaking lumapit sa kanila, "siya ba ang tatay natin?" nahihiya at pabulong niyang tanong kay Sean.Nakangiting umiling sa Sean, "pero parang tatay na rin natin siya kasi siya ang nagpalaki sa akin. Puwede mo rin siyanh tawaging, daddy.""Pero paano kita naging kapatid?" biglang nagulohan si Natasha dahil lumaki siyang walang alam sa tunay niyang pagkatao."Mahabang kuwento at hindi nakbubuti sa iyo ang makinig. Basta, ang matandang nagpalaki sa iyo ay isang masamang tao. Kinuha ka niya noong baby ka pa kaya nagkahiwalay tayo. Pero huwag kang mag-alala, hindi tumigil si Mommy hanggang sa mahanap ka."Napangiti si Natasha at naluluha sa kaalamang may kapatid siya at mga magulang. Naging maayos naman ang buhay niya sa kinikilalang abuela. Pero an
GALIT na bumalik sina Toby kung saan iniwan ang batang lalaki. Halatang nagsinungaling ito sa kanila dahil wala roon ang kanilang bihag."Huwag kumilos, ibaba ang mga baril niyong hawak!""Shit!" sabay na napamura ang dalawang lalaki nang makitang pinalibutan sila ng mga armadong kalalakihan."Ano po ang kasalanan namin sa inyo? Bakit niyo kami hinuhuli?" lakas-loob na tanong ni Toby sa lalaking nagkakabit ng posas sa kanila ngayon."Sa presento na kayo magtanong at magsalita, hala, lakad!" Tinulak ng pulis ang dalawang lalaki dahil ayaw humakbang.Hindi tumigil sa paghahanap si Gaven kay Sean. Nag-ingay na siya nang masigurong nahuli na ang mga kidnaper."Sean? Nasaan ka?"Nakigaya na rin ang iba upang madali nilang mahanap ang bata."Daddy Gaven?" nag-aalangan pa rin si Sean na lumabas mula sa pinagkublihan. Nagtago siya doon kanina nang makitang bumalik ang dalawang lalaki.Mabilis na nilapitan ni Gaven ang bata kung saan ito nagtatago. "Oh my God! Salamat at ligtas ka!" Lumuluha na