Chapter 30: Flabbergast
Kinabukasan ay bandang hapon na kami ni Gavin nakabalik sa syudad. Nagtampisaw muna kasi kami sa dagat bago namin napagpasiyahang umuwi.
Mula sa biyahe hanggang sa makatulog ako kinagabihan ay ramdam ko pa rin ang saya. Kahit na hindi ako nasundo ni Gavin kinaumagahan dahil may kinailangan siyang puntahan bago pumasok sa opisina, naging maganda pa rin ang gising ko. Tudo ngiti pa nga akong pumasok sa trabaho.
"Good morning, sis!" pagbati ko kay Felicity nang maabutan ko siyang naghihintay sa pagbukas ng elevator.
"Ikaw pala," pansin niya sa presensiya ko. "Good morning din. Saan ka ba galing at ngayon ka lang pumasok? Mukhang ang saya mo rin ata ngayon."
"Monthsary namin ni Gavin kahapon. Nagdate kami sa isang isla,” kwento ko. Hindi ko napigilan ang paghagikhik. Sariwa pa talaga sa isip ko ang mga nangyari sa misamis kaya hindi ko maitago ang aking kilig.
Chapter 31: Anguish "Sis, okay ka lang ba talaga? Bakit bigla kang nag-aya magbar ngayon, eh, hindi ka naman umiinom?" Napahinto ako sa pagsasalin ng alak nang magsalita itong katabi ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. Pinaglalaruan lamang niya ang hawak na baso na may lamang beer. Lyna Fellice is really gorgeous. Simpleng denim mini skirt na dalawang danggal ata ang ikli mula sa tuhod niya at red tube na pinatungan niya ng denim jacket lamang ang kanyang suot pero litaw parin ang kagandahan niya. Samantalang ako ay hindi na nakapagbihis pa kanina. Kaya suot ko parin ang pang-opisinang damit—black skirt na may slit sa bandang gilid at lace floral blouse na pinatungan ko ng black coat na hinubad ko muna dahil pinagpapawisan ako. Isang maliit na bar lang itong napuntahan namin ni Lyf kaya walang aircon dito sa loob ng bar. Tanging malaking ceiling fan la
Chapter 32:Suddenly Nang magising ako kinaumagahan ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Dahil na rin siguro sa naparami ang inom ko ng alak kagabi. Ngayon ay parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Kaya hindi na ako nagbalak pang pumasok sa trabaho. Biyernes na rin naman at ayoko pa munang makaharap ang boss ko sa ngayon. Nakapatay ang cell phone ko simula pa kagabi habang umiinom kami sa bar ni Fellice kaya hindi ko alam kung hinanap ba niya ako. Magkahalong tampo at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng relasyon namin ni Gavin kapag nalaman niya ang mga nangyari kahapon. Ngunit isa lang ang nasisiguro ko, tiyak akong magagalit siya at sobrang masasaktan. At kung ang pagtatago nito sa kaniya ang tanging paraan para hindi mangyari iyon ay gagawin ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at ininda na lamang ang sakit ng ulo ko. Saka inayos ang aking h
Chapter 33:ShatteredIt's been three days since that day I saw him with his first love.Dumaan ang linggo, lunes at martes na laging pugto ang mga mata ko. Halos buong araw lang akong nakakulong sa kuwarto. Kaya nadagdagan ng dalawang araw ang pagliban ko sa trabaho. At kung hindi ako dinadalhan ng pagkain ni Maegan ay baka namatay na ako sa gutom.Nawalan na ako ng ganang kumain o kahit kumilos man lang. Ang gusto ko lang iiyak lahat ng sakit na nararamdam ko. Dahil sobrang nadurog ang puso ko sa nasaksihan nang araw na iyon."EL, is that . . . sir Gavin?"Mabilis akong nag-angat ng tingin sa sinabing iyon ni Fellice. Sinundan ko ang direksiyong itinuro niya at halos mabuwal ako sa sahig dahil sa nakita."N-no. . ." utal na sambit ko habang pinagmamasdan ang la
Chapter 34: Memories"B-buntis ka?" bulalas ko habang namimilog ang mga matang nakatingin kay Annica. "May n-nangyari sa inyong dalawa?" Kasunod na tiningnan ko si Gavin sa nanunubig na mga mata. Naninikip ang dibdib ko isipin pa lang na may ginawa silang kabastosan habang nakatalikod ako."W-what?! No!" Gavin exclaimed. Mababakas sa kaniyang mukha ang pangamba. Mabilis niyang ginagap ang pagitan naming dalawa saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "It's not what you think, Love. Just hear me out, please," pagsusumamo niya.Magsisinungaling pa talaga siya? Ha! Kahit may ebidensiya na, itatanggi pa rin niya ang lahat?Umiling-iling ako at tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "B-bakit . . . b-bakit mo nagawa sa'kin 'to? M-mahal na mahal kita, Gavin. S-sobrang m-mahal kita . . . na handa akong tanggapin ka kahit may mahal kang iba. P-pero, ito . . . ang magkaroon ka n
Chapter 35:Reconcile"Eli...Eli...woke up."Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Yvor Sebastian."Yvo..." sambit ko habang umaayos sa pagkakaupo. "Bakit? Nasaan na tayo?"Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "We're here. Labas na tayo," aniya.Awtomatikong uminit ang aking pisnge nang dumampi sa aking mukha ang kaniyang mabangong hininga. Ngayon ko lang napagtantong sobrang lapit pala namin sa isa't-isa na kaunting usod niya lang ay maglalapat na ang labi naming dalawa.Umiwas ako ng tingin at natatarantang tinanggal ang seltbelt sa aking baywang. Saka walang lingon na lumabas ng sasakyan."Wow," bulalas ko nang makita ang tanawin sa aking harap.Nasa taas kami ng isang tulay. Nakakalula pero napakaganda ng tanawin sa ibaba nito. Kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ng
Chapter 36:AghastSapasta deliciako dinala ni Yvor. Isa itong sikat na italian restaurant sa syudad kaya talagang mahal ang mga pagkain na isineserve nila. But Yvo as he is even before, ayos lang sa kaniya na gumastos ng pera kahit na lagi kong sinasabi na hindi naman niya kailangan na gawin iyon para sa akin. Puwede naman na roon lang kami kumain sa simpleng kainan lang na may sineserve na pasta. Pero masiyado siyang mapilit na rito nalang daw dahil mas masarap daw ang pasta nila rito kaya hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang gusto."Yvo. . .may tanong ako," ani ko habang hinihintay pa ang inorder naming pasta.Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ako nginitian. "What is it?" aniya.I took a deep breath before answering him. "Isang buwan ka nang hindi umuuwi sa inyo. Hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo?"His smile fades away. "Why? A
Chapter 37:Truth Kaagad akong napabalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo nang bigla na namang bumaliktad ang sikmura ko. Saka ako sumuka ng wala namang lumalabas sa aking bibig kundi purong tubig hanggang sa maging laway na lamang ito. Matapos magmumog ay nanghihina akong bumalik sa kama at muling nahiga. Sakto namang may kumatok sa pinto ng inuukupang kuwarto namin ngayon ni Fellice dito sa private beach resort ng pamilya Lastra. Kaagad kaming lumuwas dito kagabi dahil masiyadong nasabik ang baliw kong kaibigan sa kaniyang magiging birthday party. Kailangan daw masiyahan ang lahat ng bisita niya kaya siya mismo ang mag-aasikaso sa mga dekorasyon at pati sa catering. "Pasok, bukas 'yan. . ." pagbibigay permiso ko sa kung sino man ang nasa labas ng pintuan nang makailang beses na ito sa pagkatok. Nang bumukas ang pinto ay iniluwa niyon ang preskong mukha ni Y
Chapter 38:Dream Pagkababa namin ni Yvor sa may pool area ng beach house ay naabutan namin doon si Fellice at ang iilan pang mga tao na abala sa pag-aayos ng buong lugar. Nakaalalay sa likod ko si Yvo habang naglalakad kami palapit sa kaniyang pinsan. Naiiling na lamang akong pinagmasdan ang best friend kong mukhang aligaga. Pabalik-balik siya sa isang mesa patungo sa isa pa para siguraduhing nasa maayos ang pagkakapuwesto ng mga ito. Mahina akong natawa sa kaniyang ikinikilos. She's too excited for her own party. "Hey, sis. . ." untag ko sa kaniya na ikinapitlag naman niya. Nakatalikod kasi siya sa amin kaya hindi niya napansin ang aming paglapit. Masiyado siyang nakatutok sa ginagawa. Namimilog ang mga matang nilingon niya kami. "Godness, EL! Ginulat mo naman ako!" hiyaw niya na ikinabunghalit namin ng tawa ng kaniyang pinsan. "Chill, my pretty co