Chapter 34: Memories
"B-buntis ka?" bulalas ko habang namimilog ang mga matang nakatingin kay Annica. "May n-nangyari sa inyong dalawa?" Kasunod na tiningnan ko si Gavin sa nanunubig na mga mata. Naninikip ang dibdib ko isipin pa lang na may ginawa silang kabastosan habang nakatalikod ako.
"W-what?! No!" Gavin exclaimed. Mababakas sa kaniyang mukha ang pangamba. Mabilis niyang ginagap ang pagitan naming dalawa saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "It's not what you think, Love. Just hear me out, please," pagsusumamo niya.
Magsisinungaling pa talaga siya? Ha! Kahit may ebidensiya na, itatanggi pa rin niya ang lahat?
Umiling-iling ako at tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "B-bakit . . . b-bakit mo nagawa sa'kin 'to? M-mahal na mahal kita, Gavin. S-sobrang m-mahal kita . . . na handa akong tanggapin ka kahit may mahal kang iba. P-pero, ito . . . ang magkaroon ka n
Chapter 35:Reconcile"Eli...Eli...woke up."Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Yvor Sebastian."Yvo..." sambit ko habang umaayos sa pagkakaupo. "Bakit? Nasaan na tayo?"Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "We're here. Labas na tayo," aniya.Awtomatikong uminit ang aking pisnge nang dumampi sa aking mukha ang kaniyang mabangong hininga. Ngayon ko lang napagtantong sobrang lapit pala namin sa isa't-isa na kaunting usod niya lang ay maglalapat na ang labi naming dalawa.Umiwas ako ng tingin at natatarantang tinanggal ang seltbelt sa aking baywang. Saka walang lingon na lumabas ng sasakyan."Wow," bulalas ko nang makita ang tanawin sa aking harap.Nasa taas kami ng isang tulay. Nakakalula pero napakaganda ng tanawin sa ibaba nito. Kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ng
Chapter 36:AghastSapasta deliciako dinala ni Yvor. Isa itong sikat na italian restaurant sa syudad kaya talagang mahal ang mga pagkain na isineserve nila. But Yvo as he is even before, ayos lang sa kaniya na gumastos ng pera kahit na lagi kong sinasabi na hindi naman niya kailangan na gawin iyon para sa akin. Puwede naman na roon lang kami kumain sa simpleng kainan lang na may sineserve na pasta. Pero masiyado siyang mapilit na rito nalang daw dahil mas masarap daw ang pasta nila rito kaya hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang gusto."Yvo. . .may tanong ako," ani ko habang hinihintay pa ang inorder naming pasta.Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ako nginitian. "What is it?" aniya.I took a deep breath before answering him. "Isang buwan ka nang hindi umuuwi sa inyo. Hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo?"His smile fades away. "Why? A
Chapter 37:Truth Kaagad akong napabalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo nang bigla na namang bumaliktad ang sikmura ko. Saka ako sumuka ng wala namang lumalabas sa aking bibig kundi purong tubig hanggang sa maging laway na lamang ito. Matapos magmumog ay nanghihina akong bumalik sa kama at muling nahiga. Sakto namang may kumatok sa pinto ng inuukupang kuwarto namin ngayon ni Fellice dito sa private beach resort ng pamilya Lastra. Kaagad kaming lumuwas dito kagabi dahil masiyadong nasabik ang baliw kong kaibigan sa kaniyang magiging birthday party. Kailangan daw masiyahan ang lahat ng bisita niya kaya siya mismo ang mag-aasikaso sa mga dekorasyon at pati sa catering. "Pasok, bukas 'yan. . ." pagbibigay permiso ko sa kung sino man ang nasa labas ng pintuan nang makailang beses na ito sa pagkatok. Nang bumukas ang pinto ay iniluwa niyon ang preskong mukha ni Y
Chapter 38:Dream Pagkababa namin ni Yvor sa may pool area ng beach house ay naabutan namin doon si Fellice at ang iilan pang mga tao na abala sa pag-aayos ng buong lugar. Nakaalalay sa likod ko si Yvo habang naglalakad kami palapit sa kaniyang pinsan. Naiiling na lamang akong pinagmasdan ang best friend kong mukhang aligaga. Pabalik-balik siya sa isang mesa patungo sa isa pa para siguraduhing nasa maayos ang pagkakapuwesto ng mga ito. Mahina akong natawa sa kaniyang ikinikilos. She's too excited for her own party. "Hey, sis. . ." untag ko sa kaniya na ikinapitlag naman niya. Nakatalikod kasi siya sa amin kaya hindi niya napansin ang aming paglapit. Masiyado siyang nakatutok sa ginagawa. Namimilog ang mga matang nilingon niya kami. "Godness, EL! Ginulat mo naman ako!" hiyaw niya na ikinabunghalit namin ng tawa ng kaniyang pinsan. "Chill, my pretty co
Chapter 39: DesperateWARNING: Mature content aheadKahit nanlalabo ang paningin ay narating ko naman ang dalampasigan na walang galos na natamo sa katawan. Nang dumako ang tingin ko sa nagkukumpulang mga tao sa tabing dagat at tila ba may pinagkakaguluhan ay kaagad ko itong nilapitan."Excuse me. . ." usal ko saka hinawi ang mga taong nakaharang sa aking daanan.Nang makita ko ang dahilan ng kanilang kumosyon ay nanglambot ang mga tuhod ko at napadausdos na lamang sa puting buhangin. Kaagad namasa ang aking pisnge at hindi ko na napigilan pa ang mapahagulhol.Nakalapat sa buhangin ang katawan ng lalaking mahal ko at tila ba wala ng buhay sa sobrang putla ng kaniyang mukha."H-hindi. . ." sambit ko habang nanghihinang gumapang palapit sa kaniyang katawan. "G-gavin. . .mahal ko. . ." Nanginging ang mga kamay na hinaplo
Chapter 40:Torn "Hey. . ." Nabasag ang katahimikang nilalasap ko habang nakaupo sa dalampasigan at tinatanaw ang nagkikislapang mga bituwin sa madilim na kalangitanan nang marinig ang baritonong boses na iyon. Nilingon ko ang pinanggalingan nito. Kunot-noong ginawaran ko ng nagtatakang tingin si Jash Cedrick nang siya ang nabungaran kong nakatatayo sa likod ko habang nakapamulsa at nakatuon ang tingin sa gitna ng dagat. Sa kanilang mga kaibigan ni Gavin ay siya iyong tahimik at hindi gaanong nakikipag-usap sa tao. Kaya nakakapagtaka kung bakit nilapitan niya ako ngayon at naupo pa sa tabi ko. "J-jace. . ikaw pala," nahihiyang ani ko. "May kailangan ka ba?" dugtong ko nang mapansin ko ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang sa presensya niya. Pangatlong beses pa lamang namin itong pagkikita at ito ang unang beses na makakapag
Chapter 41:Choice(Finale part 1) "Love, please, wake up. Mahal na mahal kita . . ." Bumilis ang pintig ng puso ko at tila ba nabuhay ang dugo ko matapos marinig ang boses na iyon. Para akong sisleeping beautyna nang dahil sa isang halik sa labi ay nagising mula sa matagal na pagkakatulog. Pagkamulat ko ng aking ang mga mata ay isang puting kisame ang kaagad na bumungad sa akin. Napangiwi ako nang kumirot ang kanang kamay ko matapos kong subukang iangat ito. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang aking kamay na may suwero. Saka ko lang napagtanto kung nasaan ako at wala sa sariling napahawak sa aking tiyan nang maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Oh, God! My baby . . . "Ang anak ko . . ." nasambit ko sa nanginginig n
Chapter 42: Newlyweds (Finale Part 2) Third Person POV: Hindi mapagsidlan ang sayang nararamdama ni Gavin sa mga oras na ito. Maliban sa nagkaayos na sila ng kaniyang kasintahan ay sa wakasfianceena rin niya ito. Saka may bunos pang kasama dahil nagbunga na ang kanilang pagmamahalan. Pitong buwan nalang at magiging ama na siya. Bagamat hindi man niya o nila iyon napaghandaan, nag-uumapaw pa rin ang tuwang namumutawi sa kaniyang puso. Para siyang nakalutang sa alapaap sa sobrang kaligayahan. Nang bumuti ang pakiramdam ni Elise—his soon to be wife,ay kaagad silang bumalik ng syudad. Pagkatapos ay wala na siyang inaksaya pang oras dahil sa mismong araw ding iyon nila sinimulang asikasohin ang kanilang kasal. For him, it's been one hell of a month preparing for their wedding. But neverthe