“Bwisit ka, Yonca. Kaya pala galit na galit si Glen…” Pumikit si Zac sa walang hanggang pagsisisi. “Protektahan si Mr. Turnbull!”Natauhan ang Turnbull family bodyguards sa sandaling iyon at walang takot na nagmadali papunta kay Frank. Gayunpaman, sumipa lang si Frank sa ere, nagpakawala ng nakakatakot na bugso ng pure vigor sa paligid niya at tumalsik sila nang sumisigaw. Nang lumingon si Zac, nakita niyang nakahiga ang bawat isang bodyguard sa sarili nilang dugo. Pira-piraso ang mga binti nila habang sumigaw sila. “Katapusan ko na… Ito na ang wakas…” Pumikit siya sa kawalan ng pag-asa. “Mr. Lawrence! P-Pakiusap, huminto ka!” biglang sumigaw ang isang boses. “Eh? Frida?” Gulat na lumingon si Zac at nakita niya si Frida na tumatakbo diretso kay Frank, hawak ang isang smartphone habang hindi niya pinansin ang Turnbull family bodyguards na nakahiga at sumisigaw sa sakit. “Wag, Frida!” sigaw ni Zac. “Sabihan mo si Glen na…”Napahinto siya, hindi niya nasabi ang mga salitan
Sumagot si Zac, “N-Naririnig kita…”“Hah!” Sinigawan siya ni Vicky sa sandaling iyon. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Sinabihan kitang wag mong pagbantaan si Frank gamit ng pamilya niya, pero mukhang wala sa inyo ang nakinig! Kahit na gusto kong makitang ihanda si Helen Lane sa harapan ko… Gawin mo na, darling! Hindi kita sisisihin kahit na patayin mo si Tito Zac!”Namutla si Zac sa mga salita ni Vicky. Binuksan niya ang bibig niya para magsalita, ngunit sa huli ay yumuko na lang siya nang tahimik. Tahimik din si Frank—kung direktang nagsalita si Vicky para kay Zac, baka tanggihan niya pa siya. Pero matalino si Vicky. Dahil alam niyang hindi si Frank ang tipong sumusunod sa utos, pinili niyang kumampi sa kanya imbes na pigilan siya. Kung talagang papatayin ni Frank si Zac pagkatapos nito, siya ang magiging mababaw sa kanila. “Ayos lang…”Bumuntong-hininga si Vicky pagkatapos ng maikling katahimikan, sabay sumimangot sa phone. “Pakawalan mo na lang siya, darling. Kah
Habang nakatitig sa dugo at natitirang laman sa pader, bumuntong-hininga si Zac. “Magtayo ka ng cenotaph para kay Mr. Ziege. Dahil sa kanya kaya buhay pa ako ngayon.”"Mr. Turnbull…"Nanood ang Turnbull family bodyguards habang umalis si Frank at bumulong sa tainga ni Zac, “Hahayaan na lang ba natin siyang pumunta sa Turnbull House? Nagbigay ang kapatid mo ng express orders na huwag siyang hahayaang makausap si Ms. Turnbull, kahit na sa tawag… Malinaw na sumusuway si Ms. Blue rito, kaya di ba dapat paparusahan natin siya ayon sa batas ng pamilya?”“Batas ng pamilya?” Umiling si Zac habang tumatawa. “Patay na tayong lahat kung hindi lumitaw si Frida Blue. Kung may taong kailangang parusahan…”Lumitaw sa isipan ni Zac ang mapagmataas na mukha ni Yonca sa sandaling iyon. -Hindi nagtagal, dumating si Frank sa Turnbull House sakay ng kotse ni Frida.Kagaya ng inaasahan sa isa sa Four Families ng Morhen, talagang iba ang pamumuhay nila—sa kung anong paraan, mas mataas ang klase ng m
“Tama? Kalokohan!”Sinigawan ni Frank si Glen kahit habang nanonood ang Turnbull family bodyguards. “Kailan ako gumawa ng kasunduan kay Vicky? Tinawag niya ko para makita siya, at dahil nandito na rin naman ako, tutulungan ko ang tatay mo. Ako ang magdedesisyon, kaya wag mong isiping pwedeng sakyan ninyong mga Turnbull ang pakiusap ni Vicky!”Ang kahit na sinong nasigawan nang ganito ay hindi matutuwa, at ganun rin si Glen Turnbull, ang head ng isa sa Four Families ng Morhen. Ang nag-iisang gumawa nito sa kanya noon ay ang sarili niyang tatay. Maliban sa lalaking iyon, ginagalang siya ng kahit sino, ang iba pa nga ay direktang lumuluhod sa kanya. Maging ang head ng Lionheart family at ng Sorano family ay kailangan siyang pakitaan ng respeto. At sinisigawan siya ni Frank sa pamamahay niya? Sino ba siya sa tingin niya?!“Ayusin mo yang bibig mo! Sigawan mo pa ulit si Mr. Turnbull!” Lumapit ang Turnbull retainers kay Frank sa sandaling iyon, ang bawat isa sa kanila ay mga Ascenda
Nanatiling walang pakialam ang isang matandang retainer habang suminghal siya, “Bakit ka ba nagsasayang ng hininga? Patayin mo na lang siya para tapos na.”“Sumasang-ayon ako.” Tumango ang isa pang retainer na nasa limampung taong gulang. “Wag mo kaming sisihin, bata. Sisihin mo ang kabastusan mo at ang pagtanggi sa kabutihang inalok ni Mr. Turnbull!”Gayunpaman, nang handa na silang umatake, bumukas ang mga pinto ng reception hall. "Eh?"Lumingon sina Frank, Glen, at ang mga retainer niya para makita ang isang lalaking may maikling buhok na pumasok nang may para bang papatay na mga mata. At iyon ay walang iba kundi si Titus Lionheart mismo. “Binalaan kitang wag magpakita sa Morhen, di ba?” Ngumiti siya. “Pero, ngayong nandito ka na… humanda ka nang mamatay.”Sinamahan siya ng ilang Ascendant rank elites, at isa sa kanila ay nakarating na sa peak Ascendant rank. Sa isang iglap, biglang lumipat kay Frank ang tensyon at siya ang nahirapan. “N-Nasaan ang pasyente? Marami ako
Sumama ang mukha ni Frank at sumigaw, “Hindi ako magsasalita kung ano lang ang iniinsulto mo, pero iniinsulto mo ang tradisyon ng Draconia, at dapat kong patunayang mali ka.”Natuto siya ng medisina mula sa Mystic Sky Sect, at ito ang pinakawasto at pinakamatandang disiplina sa Draconia. At ano ang ginagawa ng mga manggagamot sa ibang bansa habang nagliligtas na ng buhay ang Draconia medicine? Ang solusyon nila sa clubfoot ay putulin ang paa nila at nang walang pampamanhid, at tadhana na ang bahala sa pasyente! Tapos ngayon minamaliit nila ang tradisyon ng Draconia?Gayunpaman, ang reaksyon mismo ni Frank ang gustong makita ni Titus. Sobra siyang napahiya sa Riverton, at wala siyang lakas ng loob na sabihin sa pamilya niya ang nangyari. Pero ngayong nakasalubong niya si Frank sa Morhen, maayos niya itong ipapakita sa kanya. Ibabalik niya ang kahihiyang naranasan niya sa mga kamay ni Frank nang isandaang beses, at ang saktan ang pride niya ay unang hakbang pa lamang. Bilang
Sandaling nanahimik si Frank bago tumango at pumayag dito. Malinaw na ito ang hangganan ng mga Turnbull, at handa silang lumaban kung patuloy niya silang hahamunin. At tiyak na minalas siya ngayon matapos makasalubong si Titus Lionheart at ang Ascendant rank retainers niya—malulugi siya kapag nagsimula ang isang laban. Kahit na ganun, kailangan niyang makita si Vicky sa ngayon dahil may mga tanong siya para sa kanya. Halatang nakahinga nang maluwag si Glen na sumang-ayon si Frank. Pinapahiwatig ng mga detalye mula kay Zac na nasa Ascendant rank si Frank… Baka nga peak Ascendant rank pa. Kung talagang sasagarin nila siya, talagang mawawala sa kontrol ang sitwasyon. “Nasaan ang pasyente… Di ba kayo pwedeng nagmadali?” Naiinip na sabi ni Professor Roberts sa sandaling iyon, malinaw na hindi siya sanay sa magulong diplomasya ng Draconia. “Tama ang professor. Halika, mas mahalaga ang tatay ko.” Tumango si Glen. Nang nagkasundo sila, pinakuha ni Glen ng kotse ang mga tao ni
“Ano…” Kumunot ang noo ni Frank. “Mahalaga ang pagsusuri sa Draconian traditional medicine, at hindi parte rito ang gloves. Kailangan ko ng direktang paghawak para masuri ang temperatura, balat, at iba pang detalye ng pasyente para matignan siya—”“Manahimik ka!” Halatang hindi matiis ni Kendra ang mahabang paliwanag niya at muntik pa niyang mailuwa ang pustiso niya. “Suotin mo yang gloves, o lumayas ka rito! Hindi ka namin pinapunta rito! Hindi pwedeng hawakan ng isang probinsyanong kagaya mo ang asawa ko—may pakialam ako sa kalinisan kahit na wala kang pakialam!”Muntik nang sumabog si Frank sa sigaw ni Kendra. May intensyon siyang tulungan si George, pero paulit-ulit siyang pinahirapan ng pamilya niya, malinaw na wala silang intensyon na hayaan siyang mabuhay!"Hmph."Suminghal siya, pero nagpasya siyang tiisin ito at isuot ang gloves para makita si Vicky. “Wag kang ganyan, Mr. Lawrence.” Tumawa si Titus habang sinuot niya ang gloves. “Wag mong sisihin ang gloves na yan kung
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a