Habang nakatitig sa dugo at natitirang laman sa pader, bumuntong-hininga si Zac. “Magtayo ka ng cenotaph para kay Mr. Ziege. Dahil sa kanya kaya buhay pa ako ngayon.”"Mr. Turnbull…"Nanood ang Turnbull family bodyguards habang umalis si Frank at bumulong sa tainga ni Zac, “Hahayaan na lang ba natin siyang pumunta sa Turnbull House? Nagbigay ang kapatid mo ng express orders na huwag siyang hahayaang makausap si Ms. Turnbull, kahit na sa tawag… Malinaw na sumusuway si Ms. Blue rito, kaya di ba dapat paparusahan natin siya ayon sa batas ng pamilya?”“Batas ng pamilya?” Umiling si Zac habang tumatawa. “Patay na tayong lahat kung hindi lumitaw si Frida Blue. Kung may taong kailangang parusahan…”Lumitaw sa isipan ni Zac ang mapagmataas na mukha ni Yonca sa sandaling iyon. -Hindi nagtagal, dumating si Frank sa Turnbull House sakay ng kotse ni Frida.Kagaya ng inaasahan sa isa sa Four Families ng Morhen, talagang iba ang pamumuhay nila—sa kung anong paraan, mas mataas ang klase ng m
“Tama? Kalokohan!”Sinigawan ni Frank si Glen kahit habang nanonood ang Turnbull family bodyguards. “Kailan ako gumawa ng kasunduan kay Vicky? Tinawag niya ko para makita siya, at dahil nandito na rin naman ako, tutulungan ko ang tatay mo. Ako ang magdedesisyon, kaya wag mong isiping pwedeng sakyan ninyong mga Turnbull ang pakiusap ni Vicky!”Ang kahit na sinong nasigawan nang ganito ay hindi matutuwa, at ganun rin si Glen Turnbull, ang head ng isa sa Four Families ng Morhen. Ang nag-iisang gumawa nito sa kanya noon ay ang sarili niyang tatay. Maliban sa lalaking iyon, ginagalang siya ng kahit sino, ang iba pa nga ay direktang lumuluhod sa kanya. Maging ang head ng Lionheart family at ng Sorano family ay kailangan siyang pakitaan ng respeto. At sinisigawan siya ni Frank sa pamamahay niya? Sino ba siya sa tingin niya?!“Ayusin mo yang bibig mo! Sigawan mo pa ulit si Mr. Turnbull!” Lumapit ang Turnbull retainers kay Frank sa sandaling iyon, ang bawat isa sa kanila ay mga Ascenda
Nanatiling walang pakialam ang isang matandang retainer habang suminghal siya, “Bakit ka ba nagsasayang ng hininga? Patayin mo na lang siya para tapos na.”“Sumasang-ayon ako.” Tumango ang isa pang retainer na nasa limampung taong gulang. “Wag mo kaming sisihin, bata. Sisihin mo ang kabastusan mo at ang pagtanggi sa kabutihang inalok ni Mr. Turnbull!”Gayunpaman, nang handa na silang umatake, bumukas ang mga pinto ng reception hall. "Eh?"Lumingon sina Frank, Glen, at ang mga retainer niya para makita ang isang lalaking may maikling buhok na pumasok nang may para bang papatay na mga mata. At iyon ay walang iba kundi si Titus Lionheart mismo. “Binalaan kitang wag magpakita sa Morhen, di ba?” Ngumiti siya. “Pero, ngayong nandito ka na… humanda ka nang mamatay.”Sinamahan siya ng ilang Ascendant rank elites, at isa sa kanila ay nakarating na sa peak Ascendant rank. Sa isang iglap, biglang lumipat kay Frank ang tensyon at siya ang nahirapan. “N-Nasaan ang pasyente? Marami ako
Sumama ang mukha ni Frank at sumigaw, “Hindi ako magsasalita kung ano lang ang iniinsulto mo, pero iniinsulto mo ang tradisyon ng Draconia, at dapat kong patunayang mali ka.”Natuto siya ng medisina mula sa Mystic Sky Sect, at ito ang pinakawasto at pinakamatandang disiplina sa Draconia. At ano ang ginagawa ng mga manggagamot sa ibang bansa habang nagliligtas na ng buhay ang Draconia medicine? Ang solusyon nila sa clubfoot ay putulin ang paa nila at nang walang pampamanhid, at tadhana na ang bahala sa pasyente! Tapos ngayon minamaliit nila ang tradisyon ng Draconia?Gayunpaman, ang reaksyon mismo ni Frank ang gustong makita ni Titus. Sobra siyang napahiya sa Riverton, at wala siyang lakas ng loob na sabihin sa pamilya niya ang nangyari. Pero ngayong nakasalubong niya si Frank sa Morhen, maayos niya itong ipapakita sa kanya. Ibabalik niya ang kahihiyang naranasan niya sa mga kamay ni Frank nang isandaang beses, at ang saktan ang pride niya ay unang hakbang pa lamang. Bilang
Sandaling nanahimik si Frank bago tumango at pumayag dito. Malinaw na ito ang hangganan ng mga Turnbull, at handa silang lumaban kung patuloy niya silang hahamunin. At tiyak na minalas siya ngayon matapos makasalubong si Titus Lionheart at ang Ascendant rank retainers niya—malulugi siya kapag nagsimula ang isang laban. Kahit na ganun, kailangan niyang makita si Vicky sa ngayon dahil may mga tanong siya para sa kanya. Halatang nakahinga nang maluwag si Glen na sumang-ayon si Frank. Pinapahiwatig ng mga detalye mula kay Zac na nasa Ascendant rank si Frank… Baka nga peak Ascendant rank pa. Kung talagang sasagarin nila siya, talagang mawawala sa kontrol ang sitwasyon. “Nasaan ang pasyente… Di ba kayo pwedeng nagmadali?” Naiinip na sabi ni Professor Roberts sa sandaling iyon, malinaw na hindi siya sanay sa magulong diplomasya ng Draconia. “Tama ang professor. Halika, mas mahalaga ang tatay ko.” Tumango si Glen. Nang nagkasundo sila, pinakuha ni Glen ng kotse ang mga tao ni
“Ano…” Kumunot ang noo ni Frank. “Mahalaga ang pagsusuri sa Draconian traditional medicine, at hindi parte rito ang gloves. Kailangan ko ng direktang paghawak para masuri ang temperatura, balat, at iba pang detalye ng pasyente para matignan siya—”“Manahimik ka!” Halatang hindi matiis ni Kendra ang mahabang paliwanag niya at muntik pa niyang mailuwa ang pustiso niya. “Suotin mo yang gloves, o lumayas ka rito! Hindi ka namin pinapunta rito! Hindi pwedeng hawakan ng isang probinsyanong kagaya mo ang asawa ko—may pakialam ako sa kalinisan kahit na wala kang pakialam!”Muntik nang sumabog si Frank sa sigaw ni Kendra. May intensyon siyang tulungan si George, pero paulit-ulit siyang pinahirapan ng pamilya niya, malinaw na wala silang intensyon na hayaan siyang mabuhay!"Hmph."Suminghal siya, pero nagpasya siyang tiisin ito at isuot ang gloves para makita si Vicky. “Wag kang ganyan, Mr. Lawrence.” Tumawa si Titus habang sinuot niya ang gloves. “Wag mong sisihin ang gloves na yan kung
“Wag kayong magmadali.” Hinimas ni Frank ang baba niya habang nagpatuloy siya, “Kung deer musk ito, nakahalo ito sa tubig, tama ba?”“Walang sa sinabi mo ang tama!” Naubos na ang pasensya ni Kendra at lumapit siya kay Frank. Tinuro niya siya habang sumigaw, “Lumayas ka rito at wag mo nang sayangin ang oras namin!”“Bakit di ka na lang sumuko?” Masayang dagdag ni Titus Lionheart. “Tama—dapat umalis ka na,” sumang-ayon si Glen na tumindig bilang head ng mga Turnbull. “Hindi ka naming pipigilan, pero wag mo nang babanggitin pa si Vicky at wag ka na ring aapak pa sa bahay na'to, narinig mo?”Naningkit ang mga mata ni Frank, ngunit sa huli ay tumango siya. “Hindi ko alam kung anong nagdala ng sakit kay Mr. Turnbull. Nagsimula ang sintomas isang linggo ang nakaraan, pinabilis ito ng deer musk na madalas niyang iniinom, at hindi sa solidong anyo…”Nang binunot niya ang mga karayom na madalas niyang dala, tumingin siya sa kanilang lahat at nagsabing, “Magsasagawa na ako ng acupuncture. K
Pagkatapos ay lumapit si Glen sa tainga ng nanay niya para bumulong, “Ito na ang pagkakataon natin—pwede nating sisihin si Frank para kaarawan siya ni Vicky, at mas magkakaroon tayo ng laban sa kanya.”Nawala ang kunot ng noo ni Kendra sa sandaling iyon, pagkatapos ay tumango siya. “Magaling. Gagawin natin yan!”Narinig sila ni Frank na nagbubulungan at alam niya kaagad kung anong binabalak nila. Kahit na wala siyang pakialam, nainis pa rin siya. Kung hinayaan siya ni Kendra na hawakan ang asawa niya sa umpisa pa lang, hindi niya kakailanganing gumamit ng mga taktika para makakuha ng detalye mula sa kanila, at masusuri niya nang mas maayos si George. Kahit na ganun, hula niya ay nagkasakit si George dahil sa isang earwig mula sa South Sea. Hindi ito isang malalim na technique, pero kapag nakain ang mga itlog ng earwig, mapipisa ang mga itlog gamit ng gamit o martial technique. Mula roon, dadami ang uod sa loob ng biktima, gagawa ng bahay, at sa huli ay kakainin ang laman-lo