“Pero…” Nag-alinlangan sandali si Soren ngunit sa huli ay bumuntong-hininga siya at tumango. “Sige, tatawagan ko ang tatay ko at titignan ko kung kaya niyang tumulong. Pero hindi ako mangangako—sumobra talaga siya, at mainit ang ulo ni Mr. Darman. Sa puntong iyon, kahit katuwiran ay hindi gagana.”“Ayos lang.” Pinilit ni Kat na ngumiti. Pagkatapos nito, naglakad si Soren sa isang sulok, nilabas ang phone niya, at nagpanggap na may kausap sa phone. Natural na hindi niya tinawagan ang tatay niya—alam na alam niyang kapag nanghingi siya ng pabor sa tatay niya, mapapagalitan lang siya. Papakiusapan ang tatay niya na manghingi ng pabor kay Hux? Mas madali pang manalo sa lotto—kundi ay hindi mananahimik si Soren habang paulit-ulit siyang sinampal ni Cid. Sa huli, ang ginawa niya lang naman ay magpanggap, at sino bang may pakialam kung mamatay si Frank, lalo na pagkatapos niyang agawin ang kasikatan mula kay Soren?!Habang nakatingin sa mga babaeng mukha pa ring nag-aalala para kay
“Ano?! Talagang nakalabas ang hayop na yun?!”Naiwang nakatulala si Soren nang nakita niya si Frank na nakatayo sa kabila ng kalsada. Hindi niya inasahang magiging ayos lang si Frank at lalong hindi niya tinawag ang tatay niya para manghingi ng tulong. Ang totoo, sinusumpa niya si Frank sa pag-asang mamatay na sana siya. “Ayos ka lang ba?” Si Kat ang naunang nakarating kay Frank habang umalis ang lahat sa diner. “Ayos lang ako.” Tumango si Frank at di nagtagal ay tumango. “Sabi ko umuwi ka na kasama ni Nash.”“Nag-aalala si Kat na baka mamatay ka—pinaghintay niya kaming lahat dito.” Lumapit ang isang babae nang nakangiti. “Nagulat din kaming ayos ka lang… Mukhang maganda ang timpla ni Mr. Darman.”“Maganda ang timpla?” Sumimangot si Frank. “Ako ang maganda ang timpla. Patay na sana siya kung hindi.”Nagkatinginan sa hiya ang lahat nang dahil sa mga sinabi niya habang nakangiti si Mandy. “Ikaw laban kay Hux Darman? Nagbibiro ka—siya ang underboss ng Sunblazers na may daan-da
Pagbalik nina Frank at Kat sa suburban cottage, nakita nila si Nash sa pintuan na kanina pa naghihintay. Mukha siyang kinakabahan habang hawak niya ang phone niya at nakahinga nang maluwag nang nakita niya sila. Lumapit siya sa kanila nang nakangiti. “Mr. Lawrence, kakatawag ko lang kay Ms. Blue. Hindi ko inakalang maililigtas ka niya nang ganito kabilis. “Oh, hindi yun kailangan.” Ngumiti naman si Frank. “Tawagan mo ulit si Ms. Blue. Sabihan mo siyang hindi niya kailangang pumunta.”“Oh, sige.” Mabilis na tumawag si Nash.Gayunpaman, hindi nagtagal ay narinig ni Frank ang pagod na tono ni Frida. “Pakipasa ang phone kay Frank.”Nang ginawa ito ni Nash, pagod na nagtanong si Frida, “Isang araw pa lang, at napasok ka na kaagad sa gulo?”“Hindi ko to kailangan.” Tumawa si Frank, sabay tumingin kay Kat sa tabi niya. “May mga hangal na umatake kay Nash. Kinailangan kong tumulong.”“Kay Nash…?”Natulala si Frida nang nabanggit ni Frank si Nash at bumuntong-hininga. “Hindi mo kail
Kahit na hindi ito sabihin ni Kat o ni Nash, parehong pinahahalagahan ng mag-ama ang isa't-isa. Ipinagtanggol ni Kat ang tatay niya noong nasaktan siya, kahit na isa dapat siyang nagrerebeldeng dalaga at sa kabila ng mga kahihinatnan nito. Ganun din si Nash, kung kaya't sigurado si Frank na medyo nagrerebelde lang si Kat at hindi bulok ang pag-uugali niya. At normal lang ito para sa mga babaeng nasa edad niya. “Oh, gabing-gabi na, Mr. Lawrence… Matulog ka na. Naglinis na ako ng kwarto para sa'yo.”Mula rito, dinala ni Nash si Frank sa taas papunta sa guest room. Hindi engrande ang disenyo rito, pero malinis ito at nasa loob ang lahat ng kailangan niya. “Sapat na ba ito para sa'yo, Mr. Lawrence?” Nag-aalalang tanong ni Nash. “Maganda to. Wag kang mag-alala, hindi ako mareklamo.” Tumango si Frank. “Salamat, Nash.”Nakahinga nang maluwag si Nash at bahagyang yumuko habang sinara niya ang pinto. “Walang anuman, at dapat ikaw ang pasalamatan ko—napahamak siguro kami ng anak
Pumuslit siya sa kwarto ng isang estranghero nang gabing-gabi, at umupo nang matapang sa kama niya? Maliligaw ang imahinasyon ng kahit na sinong lalaki sa ganito kalinaw na imbitasyon!“Basta, pasensya na at inabala kita nang ganitong oras.” Inayos ni Kat ang sarili niya bago tinitigan nang seryoso si Frank. “Frank Lawrence, tama? Nandito ako para manghingi ng pabor.”“Ganun ba,” sagot ni Frank, na hindi iginiit ang isyu kanina. “Sige lang. Sabihin mo sa'kin.”Sumigla ang mga mata ni Kat. “Pwede mo bang sabihin sa'kin kung bakit ang galing mong lumaban? May superpowers ka ba?”“Superpowers? Ano yun?” Umirap si Frank. “Isa akong martial artist, sinanay ko ang katawan at isipan ko bilang isang mandirigma. Sapat ang lakas ko para lumaban ng daan-daang tao, lalo na ang iilan lang sa karaoke bar.”“Tsk.”Pinatunog ni Kat ang dila niya sa pagdududa, kumbinsido siyang nagyayabang lang si Frank. “Talagang hilig mong magyabang, ano? Pwede ba tigilan mo na yan?”“Hindi ko kasalanan kung p
“Ano?!” Kinamot ni Kat ang ulo niya bago tinanong si Frank, “Kung ganun, pwede mo kong tignan. Malay mo isa pala akong martial prodigy?”“Malabo.” Umiling si Frank. “Iunat mo ang kamay mo.”“Sige.” Kaagad na sumunod si Kat.“Makinig kang maigi,” seryosong sabi ni Frank. “Ilalagay ko ang purong vigor ko sa katawan mo. Kung maramdaman mo ito, ibig sabihin ay may kakayahan ka para sa martial arts. Kundi ay mauuwi lang sa wala ang pagsisikap mo.”“Teka lang, kaduda-duda yan,” biglang hinila ni Kat ang kamay niya habang tinitigan nang may pagdududa si Frank. “Pinagsasamantalahan mo ba ako?”“Pwes, kung di mo gagawin, kalimutan mo na ang tungkol dito,” masungit na sabi ni Frank na sumama ang ekspresyon. Gabing-gabi na at nagpapantasya pa rin ang batang ito. At wala talaga siyang intensyon na pakinggan ang kalokohan niya!“Hoy!” Nang makitang napupuno na si Frank, iniunat ni Kat ang kamay niya at tumigil sa pagtingin sa kanya nang nagdududa. “Binibiro lang kita—di ka ba marunong tum
Sa sobrang tibay ng seal, maging si Frank ay hindi ito kayang buwagin nang ganun kadali. Kahit na ganun, napagtanto niya pagkatapos magtingin na isa itong protective seal na hindi nakakasakit sa katawan. Ang isyu lang ay pinipigilan nito ang isang tao sa paggamit ng vigor nila—ang totoo, ang kahit na anong anyo ng vigor na lumitaw sa katawan niya ay magpapagana sa seal, na nagpapawala naman sa mga ito. Mukhang natapos na ang paglalakbay ni Kat bilang isang martial artist bago pa ito nagsimula, ngayong imposible niyang magamit ang vigor niya dahil sa seal. Gayunpaman, nagdala ito ng iba pang tanong. Kailangan nito ng martial artist na nasa tuktok ng Ascendant rank para gumamit ng ganitong seal, at malaki ang kapalit nito sa kanila. Kung ganun, anong mayroon kay Kat at kailangang gamitin ng isang Ascendant rank ang seal na iyon sa kanya?At kung napatunayang hindi maayos ang seal, kakainin nito ang host nang wala pang isang segundo, kung kaya't malaking sugal ito. Hindi kaya
“Saan?” Diretsong tanong ni Frank. “Sa Sunblaze Dojo. Sa South Morhen,” sagot ni Hux. “Sige. Hintayin mo ko roon.”“Siya nga pala, Mr. Lawrence…” Pinigilan siya ni Hux bago niya maibaba ang tawag. “Kailangan mong mag-ingat. Hindi talaga natutuwa ang boss ko tungkol dito.”“Sige.”Pagkatapos nito, mabilis na naligo si Frank at lumabas. Tumawag siya ng taxi na dinala siya diretso sa Sunblaze Dojo. Hindi siya nagulat na nagalit ang boss ng Sunblazers sa sitwasyong ito—bakit niya isusuko nang ganun kadali ang posisyong pinagsikapan niyang makuha?Sa totoo lang, ang imbitasyon sa Sunblaze Dojo ay malinaw na isang patibong, dahil kitang-kita sa pangalan ng dojo na ito ang teritoryo ng Sunblazer at ang mga dojo ay lugar kung saan dumadanak ang dugo. -Nang dumating si Frank higit sampung minuto ang nagdaan, sinalubong siya ni Hux kasama ng isang grupo ng mga kalalakihan. Mapagpaumanhin siyang nakangiti at madidilim ang paligid ng mata niya. “Mag-iingat ka, Mr. Lawrence. Pinata