Share

Kabanata 786

Penulis: Chu
“Ano?! Talagang nakalabas ang hayop na yun?!”

Naiwang nakatulala si Soren nang nakita niya si Frank na nakatayo sa kabila ng kalsada.

Hindi niya inasahang magiging ayos lang si Frank at lalong hindi niya tinawag ang tatay niya para manghingi ng tulong.

Ang totoo, sinusumpa niya si Frank sa pag-asang mamatay na sana siya.

“Ayos ka lang ba?” Si Kat ang naunang nakarating kay Frank habang umalis ang lahat sa diner.

“Ayos lang ako.” Tumango si Frank at di nagtagal ay tumango. “Sabi ko umuwi ka na kasama ni Nash.”

“Nag-aalala si Kat na baka mamatay ka—pinaghintay niya kaming lahat dito.” Lumapit ang isang babae nang nakangiti. “Nagulat din kaming ayos ka lang… Mukhang maganda ang timpla ni Mr. Darman.”

“Maganda ang timpla?” Sumimangot si Frank. “Ako ang maganda ang timpla. Patay na sana siya kung hindi.”

Nagkatinginan sa hiya ang lahat nang dahil sa mga sinabi niya habang nakangiti si Mandy. “Ikaw laban kay Hux Darman? Nagbibiro ka—siya ang underboss ng Sunblazers na may daan-da
Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rex Cantotero
Hindi na maganda magbasa Dito marami nang ads.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 787

    Pagbalik nina Frank at Kat sa suburban cottage, nakita nila si Nash sa pintuan na kanina pa naghihintay. Mukha siyang kinakabahan habang hawak niya ang phone niya at nakahinga nang maluwag nang nakita niya sila. Lumapit siya sa kanila nang nakangiti. “Mr. Lawrence, kakatawag ko lang kay Ms. Blue. Hindi ko inakalang maililigtas ka niya nang ganito kabilis. “Oh, hindi yun kailangan.” Ngumiti naman si Frank. “Tawagan mo ulit si Ms. Blue. Sabihan mo siyang hindi niya kailangang pumunta.”“Oh, sige.” Mabilis na tumawag si Nash.Gayunpaman, hindi nagtagal ay narinig ni Frank ang pagod na tono ni Frida. “Pakipasa ang phone kay Frank.”Nang ginawa ito ni Nash, pagod na nagtanong si Frida, “Isang araw pa lang, at napasok ka na kaagad sa gulo?”“Hindi ko to kailangan.” Tumawa si Frank, sabay tumingin kay Kat sa tabi niya. “May mga hangal na umatake kay Nash. Kinailangan kong tumulong.”“Kay Nash…?”Natulala si Frida nang nabanggit ni Frank si Nash at bumuntong-hininga. “Hindi mo kail

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 788

    Kahit na hindi ito sabihin ni Kat o ni Nash, parehong pinahahalagahan ng mag-ama ang isa't-isa. Ipinagtanggol ni Kat ang tatay niya noong nasaktan siya, kahit na isa dapat siyang nagrerebeldeng dalaga at sa kabila ng mga kahihinatnan nito. Ganun din si Nash, kung kaya't sigurado si Frank na medyo nagrerebelde lang si Kat at hindi bulok ang pag-uugali niya. At normal lang ito para sa mga babaeng nasa edad niya. “Oh, gabing-gabi na, Mr. Lawrence… Matulog ka na. Naglinis na ako ng kwarto para sa'yo.”Mula rito, dinala ni Nash si Frank sa taas papunta sa guest room. Hindi engrande ang disenyo rito, pero malinis ito at nasa loob ang lahat ng kailangan niya. “Sapat na ba ito para sa'yo, Mr. Lawrence?” Nag-aalalang tanong ni Nash. “Maganda to. Wag kang mag-alala, hindi ako mareklamo.” Tumango si Frank. “Salamat, Nash.”Nakahinga nang maluwag si Nash at bahagyang yumuko habang sinara niya ang pinto. “Walang anuman, at dapat ikaw ang pasalamatan ko—napahamak siguro kami ng anak

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 789

    Pumuslit siya sa kwarto ng isang estranghero nang gabing-gabi, at umupo nang matapang sa kama niya? Maliligaw ang imahinasyon ng kahit na sinong lalaki sa ganito kalinaw na imbitasyon!“Basta, pasensya na at inabala kita nang ganitong oras.” Inayos ni Kat ang sarili niya bago tinitigan nang seryoso si Frank. “Frank Lawrence, tama? Nandito ako para manghingi ng pabor.”“Ganun ba,” sagot ni Frank, na hindi iginiit ang isyu kanina. “Sige lang. Sabihin mo sa'kin.”Sumigla ang mga mata ni Kat. “Pwede mo bang sabihin sa'kin kung bakit ang galing mong lumaban? May superpowers ka ba?”“Superpowers? Ano yun?” Umirap si Frank. “Isa akong martial artist, sinanay ko ang katawan at isipan ko bilang isang mandirigma. Sapat ang lakas ko para lumaban ng daan-daang tao, lalo na ang iilan lang sa karaoke bar.”“Tsk.”Pinatunog ni Kat ang dila niya sa pagdududa, kumbinsido siyang nagyayabang lang si Frank. “Talagang hilig mong magyabang, ano? Pwede ba tigilan mo na yan?”“Hindi ko kasalanan kung p

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 790

    “Ano?!” Kinamot ni Kat ang ulo niya bago tinanong si Frank, “Kung ganun, pwede mo kong tignan. Malay mo isa pala akong martial prodigy?”“Malabo.” Umiling si Frank. “Iunat mo ang kamay mo.”“Sige.” Kaagad na sumunod si Kat.“Makinig kang maigi,” seryosong sabi ni Frank. “Ilalagay ko ang purong vigor ko sa katawan mo. Kung maramdaman mo ito, ibig sabihin ay may kakayahan ka para sa martial arts. Kundi ay mauuwi lang sa wala ang pagsisikap mo.”“Teka lang, kaduda-duda yan,” biglang hinila ni Kat ang kamay niya habang tinitigan nang may pagdududa si Frank. “Pinagsasamantalahan mo ba ako?”“Pwes, kung di mo gagawin, kalimutan mo na ang tungkol dito,” masungit na sabi ni Frank na sumama ang ekspresyon. Gabing-gabi na at nagpapantasya pa rin ang batang ito. At wala talaga siyang intensyon na pakinggan ang kalokohan niya!“Hoy!” Nang makitang napupuno na si Frank, iniunat ni Kat ang kamay niya at tumigil sa pagtingin sa kanya nang nagdududa. “Binibiro lang kita—di ka ba marunong tum

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 791

    Sa sobrang tibay ng seal, maging si Frank ay hindi ito kayang buwagin nang ganun kadali. Kahit na ganun, napagtanto niya pagkatapos magtingin na isa itong protective seal na hindi nakakasakit sa katawan. Ang isyu lang ay pinipigilan nito ang isang tao sa paggamit ng vigor nila—ang totoo, ang kahit na anong anyo ng vigor na lumitaw sa katawan niya ay magpapagana sa seal, na nagpapawala naman sa mga ito. Mukhang natapos na ang paglalakbay ni Kat bilang isang martial artist bago pa ito nagsimula, ngayong imposible niyang magamit ang vigor niya dahil sa seal. Gayunpaman, nagdala ito ng iba pang tanong. Kailangan nito ng martial artist na nasa tuktok ng Ascendant rank para gumamit ng ganitong seal, at malaki ang kapalit nito sa kanila. Kung ganun, anong mayroon kay Kat at kailangang gamitin ng isang Ascendant rank ang seal na iyon sa kanya?At kung napatunayang hindi maayos ang seal, kakainin nito ang host nang wala pang isang segundo, kung kaya't malaking sugal ito. Hindi kaya

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 792

    “Saan?” Diretsong tanong ni Frank. “Sa Sunblaze Dojo. Sa South Morhen,” sagot ni Hux. “Sige. Hintayin mo ko roon.”“Siya nga pala, Mr. Lawrence…” Pinigilan siya ni Hux bago niya maibaba ang tawag. “Kailangan mong mag-ingat. Hindi talaga natutuwa ang boss ko tungkol dito.”“Sige.”Pagkatapos nito, mabilis na naligo si Frank at lumabas. Tumawag siya ng taxi na dinala siya diretso sa Sunblaze Dojo. Hindi siya nagulat na nagalit ang boss ng Sunblazers sa sitwasyong ito—bakit niya isusuko nang ganun kadali ang posisyong pinagsikapan niyang makuha?Sa totoo lang, ang imbitasyon sa Sunblaze Dojo ay malinaw na isang patibong, dahil kitang-kita sa pangalan ng dojo na ito ang teritoryo ng Sunblazer at ang mga dojo ay lugar kung saan dumadanak ang dugo. -Nang dumating si Frank higit sampung minuto ang nagdaan, sinalubong siya ni Hux kasama ng isang grupo ng mga kalalakihan. Mapagpaumanhin siyang nakangiti at madidilim ang paligid ng mata niya. “Mag-iingat ka, Mr. Lawrence. Pinata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 793

    "Heh…" Tumingin si Pax kay Frank, sabay ngumiti na hindi umabot sa mga mata niya. "Kailan naging desisyon ng isang tagalabas ang susunod na pamumuno para sa amin na mga Sunblazer? Iniisip mo ba uto-uto ako na susuko na lang dahil may nagsabi nito?!"Nagbago ang tono ng pananalita niya habang nakatitig siya kay Frank. "Wala akong problema kung hinahamon mo ako, Hux, pero handa ka ba sa mga kahihinatnan nito?!"Nanginig ang pisngi ni Hux sa banta ni Pax, ngunit hindi nagtagal ay napansin niyang tumango si Frank sa kanya.Sa isang hakbang pasulong, kampante siyang sumigaw, "Syempre naman! At dapat handa ka rin sa mga mangyayari pagkatapos mong bumaba, Pax!""Hah! Wala kang dapat alalahanin diyan, dahil siguradong talo ka!" Ngumisi si Pax.Ang kumpiyansa niya ay nagmula sa Four Kings, na ang bawat isa ay mga martial elite na sinanay mula pagkabata at nasa Birthright rank na may mala-diyos na kakayahan.Hindi kalabisan na sabihing kaya nilang lumaban sa mahigit isang daang tao nan

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 794

    ”Ano? Anong nangyayari?” Lumingon si Frank kay Hux, nagtaka siya sa kanyang reaksyon.Lumapit si Hux para bumulong, "Siya si Ned Janko. Siya ang sumusuporta kay Pax Darman."Nagtaas ng kilay si Frank. "Ganyan ba talaga kahanga-hanga ang Janko family?"Napapagod na tumingin si Hux sa tanong niya. "Ang pamilya ni Ned ay kasunod ng Four Families ng Morhen sa kahalagahan, at si Ned mismo ay pangalawa sa linya para magmana ng pamumuno sa pamilya. Bukod dito, kamakailan lamang ay sinubukan ng mga Janko na kunin ang bakanteng upuan sa Four Families kasunod ng paghina ng Lawrence family.""Oh, ganun pala..." Hinawakan ni Frank ang baba niya sa realisasyon.Doon nagmadali si Pax sa tabi ni Ned kasama ng Four Kings nang nabigla nila sina Frank at Hux. "Hoho..." Tumawa siya. "Punong-puno ako ng pasasalamat, Mr. Janko… Hindi ko inakalang personal kang pupunta!"Habang nagsasalita ay tumingin si Pax kay Hux at ngumiti nang nakakaloko nang makitang namutla ang mukha ni Hux.Lalo na't walang

Bab terbaru

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1189

    Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1188

    Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1187

    Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1186

    Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1185

    "Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1184

    Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1183

    Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1182

    “Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1181

    “Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status