Kung iisipin, dapat magpasalamat si Sean kay Gina—hindi niya makukuha ng ganito kadali si Helen kung hindi dahil sa kanya!Gayunpaman, pagsakay pa lang niya sa may driver’s seat at bubuksan na sana niya ang makina ng sasakyan, biglang sumulpot si Frank.Binuksan niya ang pinto at hinila niya ang susi ng kotse ni Sean!Napalingon si Sean, at nainis siya noong nakita niya si Frank. “Pwede bang tigilan mo ang panggugulo mo sa’kin kahit ngayon lang?!”“Saan mo dadalhin si Helen?” Nakasimangot ng maigi si Frank.“Wala ka nang pakialam dun!” Nagalit si Sean.Tumingin si Frank kay Helen na nasa may backseat.Winawasiwas niya ang kanyang mga kamay sa ere, habang magkadikit ang kanyang mga binti at nagsisisipa siya.Wala rin siyang tigil sa pagsasalita ng hindi naiintindihan—malinaw na drinoga siya.Sa galit niya, sinuntok ni Frank ang mukha ni Sean!“Pinainom mo ba siya ng droga?!” Ang sigaw ni Frank.Hindi sana siya mangingialam kung gising si Helen at nagdesisyon siyang sumama sa
Kahit na litong-lito si Sean, humawak siya sa kanyang ulo at nagmakaawa siya, “Argh!!! Pakiusap, tama na! Tigilan niyo na ang pambubugbog niyo sa'kin, Scarface!”Gayunpaman, sinipa mismo ni Chad si Sean ng ilang beses bago siya tumakbo papunta kay Frank, agad niyang itinanggi ang ugnayan niya kay Sean sa takot na baka isipin ni Frank na nasa panig siya ni Sean. “Pasensya ka na talaga, Mr. Lawrence. Hindi ko talaga kilala ang taong ‘yun.”Dumudugo si Sean mula sa ilong at bibig niya habang litong-lito siyang nakatitig kay Chad. "A-Anong ginagawa mo?! P*ta lang siya ni Vicky Turnbull! Wala kang dapat ikatakot sa kanya!""Tumahimik ka!" Sumigaw si Chad at sumugod kay Sean, nagsagawa siya ng isang flying kick at pinabagsak niya siya sa sahig.Pagkatapos, inangat niya siya habang hawak siya sa kanyang kwelyo, at sumigaw siya, "Kung gusto mong mamatay, bahala kang gawin ang anumang gusto mo—huwag mo akong hilahin pababa kasama mo!"Muling naguluhan si Sean. "P-Pero... Ikaw ang kingpin
Walang intensyon si Vicky na hayaang may mangyari sa pagitan ni Helen at Frank, at hindi nakaimik si Frank.Gayunpaman, tahimik siyang lumipat sa may driver’s seat at nagmaneho siya patungo sa Verdant Hotel, kung saan mabilis niyang dinala si Helen papunta sa kanyang kwarto.Sa likod niya, hawak pa rin ni Vicky si Gina at nagtanong siya, “Hoy, paano namana ng isang ‘to?”“Dalhin mo siya sa ibang kwarto,” ang sagot ni Frank. “Aasikasuhin ko siya mamaya.”Sumimangot si Vicky. “Pinapalayas mo ako? Mangarap ka na lang!”Tumingin siya sa paligid, at nakita niya ang isang bellboy at sumigaw siya, “Halika dito, bata!”Agad na tumakbo ang bellboy papunta sa kanya at magalang na nagtanong, “Yes, ma’am. Anong maitutulong ko?”Inilabas ni Vicky ang isang kumpol ng pera at ibinigay niya ito sa bellboy. “Kumuha ka ng kwarto para sa kanya at ihatid mo siya doon—gawin mo ‘yun, at sa’yo na ang pera. Kapag may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang mananagot.”Nanlaki ang mga mata ng bellboy—ito
Sa katabing kwarto, inihiga ng bellboy si Gina sa kama at aalis na sana siya noong isang pares ng mga braso ang pumulupot sa kanya ng mahigpit.Pagkatapos, narinig niya ang isang ungol mula sa likod niya. “Uy… pogi… Tara…”Lumingon ang bellboy at nakita niya ang may edad na mukha ni Gina na halatang nag-iinit.Isa siyang lalaki, pero hindi siya ganun kadesperado—subalit hindi siya mag-aalinlangan kung yung magandang babae na nakita niya ang kasama niya ngayon.Subalit, ang matandang ito…Gayunpaman, ibinaba niya ang kanyang tingin sa kumpol ng pera na ibinigay sa kanya.Kung ganun ito pala ang dahilan kung bakit siya binigyan ng napakalaking tip! May kapalit pala ito!Naiwan ang lalaki na nag-iisip kung alin ang pipiliin niya sa pagitan ng prinsipyo at ng pera… at di kalaunan ay nagngitngit ang kanyang mga ngipin.“Bahala na. Papatusin ko na ‘to para sa pera!”Itinapon niya ang anumang dignidad na natitira sa kanya, humarap siya at inibabawan niya si Gina!-Nagmadali sila F
Sumimangot si Helen. “Pasensya na. Hindi ako sanay na may kahati ako sa kama.”“Tut, tut… Napakainosente mo naman.” Ipinitik ni Vicky ang kanyang dila, ngunit di nagtagal ay mayroon siyang napagtanto. “Kung ganun, hindi mo nakasama si Frank sa kama habang kasal ka sa kanya? Ibig sabihin ba nun virgin pa siya? Well, kawalan mo ‘yun.”Agad na sumama ang loob ni Helen at nagsalita siya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin, “Nagkakamali ka—may nangyari na sa’min.”Pagkatapos, kinuskos niya ang kanyang baba na para bang inaalala niya ang nangyari, at dinagdag pa niya na, “Magaling siya. Pwede mo siyang subukan kapag may oras ka.”Tinikom ni Vicky ang kanyang mga labi, lumamig sandali ang ekspresyon ng kanyang mukha bago siya tumawa. “Ayos lang ‘yun—walang problema sa pagkakaroon ng karanasan. Mas gusto ko yung mga hindi na virgin.”Gayunpaman, napansin ni Helen ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Vicky at masaya siya na nalamangan niya siya. “Talaga? Kung ganun, sa’yo na siya
Muli siyang inirapan ni Frank. “Wala akong ginawa kay Helen.”Gayunpaman, dinuro siya ni Gina at sinigawan, “Binabalaan kita. Kakasuhan kita kapag may nangyaring masama sa kanya!”Nainis si Helen. “Tama na ‘yan, Mom. Hindi kami magkasama ni Frank sa iisang kwarto.”Marami sana siyang katanungan para kay Frank, ngunit mukhang kailangan na niyang umalis ngayong nandito na ang kanyang ina.“Nawalan ka ng malay sa kalasingan!” Walang tigil sa pagsigaw si Gina at hinila niya palayo si Helen. “Tara na. Pupunta tayo sa ospital—hindi natin alam kung anong ginawa niya sa’yo.”Hindi makapagsalita si Helen—hindi ba niya malalaman kung may ginawa sa kanya si Frank?Gayunpaman, noong lumabas sila sa hotel, sinabi ni Gina na, “Dapat tumigil ka na sa pakikipagkita kay Frank—hindi maganda kapag nakita ito ni Mr. Wesley.”“Ano ngayon kung makita niya kami ni Frank? Magkaibigan lang kami,” ang sagot ni Helen.Naniniwala siya na mapagkakatiwalaan niya si Frank. At kung totoo ang hinala ni Frank,
Nag-aalala si Susan na may nangyayari sa pagitan nila Frank at Vicky!Bilang direktang subordinate niya, sinabi na ni Cliff kay Susan ang lahat ng mga kakayahan ni Frank at talagang nagulat siya na may ganoong talent ang mukhang normal na bata."Kung ganoon, ano ang iyong inaalala?" Itinagilid ni Vicky ang kanyang ulo."Mukhang hindi ka nakikinig sa mga sinabi ko sayo." Napabuntong-hininga si Susan sa pagkabigo."Matanda na ako, Nay," dahan-dahang naging matalim ang tono ni Vicky noon. "Alam ko ang aking ginagawa."Tiyak na napansin ni Frank ang awkward vibes sa silid at maingat na sinabi, "Pupunta ako kung wala nang iba pa...""Hold it," malamig na sambit ni Susan."Yes, ma'am?" Tanong ni Frank, dahan-dahang lumingon sa kanya."Kailangan nating mag-usap," sabi ni Susan, ibinaba ang kanyang tasa ng kape.Siya ay gumagawa ng isang masusing pagsisiyasat kay Frank sa nakalipas na ilang araw pagkatapos ng lahat. Matapos mapagtanto na hindi siya ang mababang buhay na pinaniniwalaan
"Dapat akong humingi ng tawad sa’yo," mataimtim na sinabi ni Vicky kay Frank. "Sana hindi mo ito masamain. At anuman ang mangyari sa loob ng isang taon, ibibigay ko sa’yo ang lahat ng shares ko sa Riverton Pharma."Nataranta si Frank, bagaman napansin niya ang pagkalito at kawalan ng kakayahan sa mga mata ni Vicky."Mukhang hindi ka kumbinsido na malalampasan ko ang mga Lionheart," sabi niya.Napabuntong-hininga si Vicky, bakas sa kanyang mga tingin ang pag-aalala. "Hindi ka magtatagumpay kahit sa loob ng isang dekada, lalo pa sa isang taon. Mas nakakatakot sila kaysa sa inaakala mo."Ngumiti naman si Frank bilang katahimikan.Kung tutuusin, mas nakakatakot din siya kaysa sa inaakala niya.Bumangon siya, nagpaalam sa kanya at nagsimulang bumalik sa hotel, kahit na marahas siyang bumahing dalawang beses nang makalabas siya ng pintuan."Sino ba ang nanliligaw sa akin?" ungol niya.-Samantala, si Sean ay tahimik na nakahiga sa isang silid sa loob ng Riverton Hospital, ang kanyan