Tumango si Gina at sumang-ayon ng walang pag-aalinlangan. “Ah, sige. Salamat, Mr. Wesley.”Alam niya kung ano ang binabalak ni Sean ngunit hindi siya tumanggi dahil gusto talaga niyang may mangyari sa pagitan ni Helen at Sean.Sa katunayan, mas mabuti kung magkakaanak silang dalawa—hindi na makakatakas ang mga Wesley kapag nangyari iyon!Pagtayo ni Sean, sinabi niya sa mga empleyado ni Helen na, “Mauuna na kami. Ako na ang magbabayad sa bill ngayong gabi—magpakasaya kayo hangga’t gusto niyo.”Nagpalakpakan ang lahat habang binibitbit ni Gina si Helen palayo mula sa mga booth seats, at emosyonal nilang pinanood ang pag-alis nila. “Hayy, magiging Mrs. Wesley na si Ms. Lane bukas!”“Anong masama dun? Isa silang pamilya na may mahabang kasaysayan sa Riverton—lalong uunlad ang Lane Holdings kapag ikinasal sila!”“Sigurado ‘yun!”Tumango ang lahat at sumang-ayon—habang mas malayo ang nararating ng Lane Holdings, mas magiging mataas ang katayuan nila sa lipunan!-Sa labas ng The Dyn
Kung iisipin, dapat magpasalamat si Sean kay Gina—hindi niya makukuha ng ganito kadali si Helen kung hindi dahil sa kanya!Gayunpaman, pagsakay pa lang niya sa may driver’s seat at bubuksan na sana niya ang makina ng sasakyan, biglang sumulpot si Frank.Binuksan niya ang pinto at hinila niya ang susi ng kotse ni Sean!Napalingon si Sean, at nainis siya noong nakita niya si Frank. “Pwede bang tigilan mo ang panggugulo mo sa’kin kahit ngayon lang?!”“Saan mo dadalhin si Helen?” Nakasimangot ng maigi si Frank.“Wala ka nang pakialam dun!” Nagalit si Sean.Tumingin si Frank kay Helen na nasa may backseat.Winawasiwas niya ang kanyang mga kamay sa ere, habang magkadikit ang kanyang mga binti at nagsisisipa siya.Wala rin siyang tigil sa pagsasalita ng hindi naiintindihan—malinaw na drinoga siya.Sa galit niya, sinuntok ni Frank ang mukha ni Sean!“Pinainom mo ba siya ng droga?!” Ang sigaw ni Frank.Hindi sana siya mangingialam kung gising si Helen at nagdesisyon siyang sumama sa
Kahit na litong-lito si Sean, humawak siya sa kanyang ulo at nagmakaawa siya, “Argh!!! Pakiusap, tama na! Tigilan niyo na ang pambubugbog niyo sa'kin, Scarface!”Gayunpaman, sinipa mismo ni Chad si Sean ng ilang beses bago siya tumakbo papunta kay Frank, agad niyang itinanggi ang ugnayan niya kay Sean sa takot na baka isipin ni Frank na nasa panig siya ni Sean. “Pasensya ka na talaga, Mr. Lawrence. Hindi ko talaga kilala ang taong ‘yun.”Dumudugo si Sean mula sa ilong at bibig niya habang litong-lito siyang nakatitig kay Chad. "A-Anong ginagawa mo?! P*ta lang siya ni Vicky Turnbull! Wala kang dapat ikatakot sa kanya!""Tumahimik ka!" Sumigaw si Chad at sumugod kay Sean, nagsagawa siya ng isang flying kick at pinabagsak niya siya sa sahig.Pagkatapos, inangat niya siya habang hawak siya sa kanyang kwelyo, at sumigaw siya, "Kung gusto mong mamatay, bahala kang gawin ang anumang gusto mo—huwag mo akong hilahin pababa kasama mo!"Muling naguluhan si Sean. "P-Pero... Ikaw ang kingpin
Walang intensyon si Vicky na hayaang may mangyari sa pagitan ni Helen at Frank, at hindi nakaimik si Frank.Gayunpaman, tahimik siyang lumipat sa may driver’s seat at nagmaneho siya patungo sa Verdant Hotel, kung saan mabilis niyang dinala si Helen papunta sa kanyang kwarto.Sa likod niya, hawak pa rin ni Vicky si Gina at nagtanong siya, “Hoy, paano namana ng isang ‘to?”“Dalhin mo siya sa ibang kwarto,” ang sagot ni Frank. “Aasikasuhin ko siya mamaya.”Sumimangot si Vicky. “Pinapalayas mo ako? Mangarap ka na lang!”Tumingin siya sa paligid, at nakita niya ang isang bellboy at sumigaw siya, “Halika dito, bata!”Agad na tumakbo ang bellboy papunta sa kanya at magalang na nagtanong, “Yes, ma’am. Anong maitutulong ko?”Inilabas ni Vicky ang isang kumpol ng pera at ibinigay niya ito sa bellboy. “Kumuha ka ng kwarto para sa kanya at ihatid mo siya doon—gawin mo ‘yun, at sa’yo na ang pera. Kapag may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang mananagot.”Nanlaki ang mga mata ng bellboy—ito
Sa katabing kwarto, inihiga ng bellboy si Gina sa kama at aalis na sana siya noong isang pares ng mga braso ang pumulupot sa kanya ng mahigpit.Pagkatapos, narinig niya ang isang ungol mula sa likod niya. “Uy… pogi… Tara…”Lumingon ang bellboy at nakita niya ang may edad na mukha ni Gina na halatang nag-iinit.Isa siyang lalaki, pero hindi siya ganun kadesperado—subalit hindi siya mag-aalinlangan kung yung magandang babae na nakita niya ang kasama niya ngayon.Subalit, ang matandang ito…Gayunpaman, ibinaba niya ang kanyang tingin sa kumpol ng pera na ibinigay sa kanya.Kung ganun ito pala ang dahilan kung bakit siya binigyan ng napakalaking tip! May kapalit pala ito!Naiwan ang lalaki na nag-iisip kung alin ang pipiliin niya sa pagitan ng prinsipyo at ng pera… at di kalaunan ay nagngitngit ang kanyang mga ngipin.“Bahala na. Papatusin ko na ‘to para sa pera!”Itinapon niya ang anumang dignidad na natitira sa kanya, humarap siya at inibabawan niya si Gina!-Nagmadali sila F
Sumimangot si Helen. “Pasensya na. Hindi ako sanay na may kahati ako sa kama.”“Tut, tut… Napakainosente mo naman.” Ipinitik ni Vicky ang kanyang dila, ngunit di nagtagal ay mayroon siyang napagtanto. “Kung ganun, hindi mo nakasama si Frank sa kama habang kasal ka sa kanya? Ibig sabihin ba nun virgin pa siya? Well, kawalan mo ‘yun.”Agad na sumama ang loob ni Helen at nagsalita siya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin, “Nagkakamali ka—may nangyari na sa’min.”Pagkatapos, kinuskos niya ang kanyang baba na para bang inaalala niya ang nangyari, at dinagdag pa niya na, “Magaling siya. Pwede mo siyang subukan kapag may oras ka.”Tinikom ni Vicky ang kanyang mga labi, lumamig sandali ang ekspresyon ng kanyang mukha bago siya tumawa. “Ayos lang ‘yun—walang problema sa pagkakaroon ng karanasan. Mas gusto ko yung mga hindi na virgin.”Gayunpaman, napansin ni Helen ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Vicky at masaya siya na nalamangan niya siya. “Talaga? Kung ganun, sa’yo na siya
Muli siyang inirapan ni Frank. “Wala akong ginawa kay Helen.”Gayunpaman, dinuro siya ni Gina at sinigawan, “Binabalaan kita. Kakasuhan kita kapag may nangyaring masama sa kanya!”Nainis si Helen. “Tama na ‘yan, Mom. Hindi kami magkasama ni Frank sa iisang kwarto.”Marami sana siyang katanungan para kay Frank, ngunit mukhang kailangan na niyang umalis ngayong nandito na ang kanyang ina.“Nawalan ka ng malay sa kalasingan!” Walang tigil sa pagsigaw si Gina at hinila niya palayo si Helen. “Tara na. Pupunta tayo sa ospital—hindi natin alam kung anong ginawa niya sa’yo.”Hindi makapagsalita si Helen—hindi ba niya malalaman kung may ginawa sa kanya si Frank?Gayunpaman, noong lumabas sila sa hotel, sinabi ni Gina na, “Dapat tumigil ka na sa pakikipagkita kay Frank—hindi maganda kapag nakita ito ni Mr. Wesley.”“Ano ngayon kung makita niya kami ni Frank? Magkaibigan lang kami,” ang sagot ni Helen.Naniniwala siya na mapagkakatiwalaan niya si Frank. At kung totoo ang hinala ni Frank,
Nag-aalala si Susan na may nangyayari sa pagitan nila Frank at Vicky!Bilang direktang subordinate niya, sinabi na ni Cliff kay Susan ang lahat ng mga kakayahan ni Frank at talagang nagulat siya na may ganoong talent ang mukhang normal na bata."Kung ganoon, ano ang iyong inaalala?" Itinagilid ni Vicky ang kanyang ulo."Mukhang hindi ka nakikinig sa mga sinabi ko sayo." Napabuntong-hininga si Susan sa pagkabigo."Matanda na ako, Nay," dahan-dahang naging matalim ang tono ni Vicky noon. "Alam ko ang aking ginagawa."Tiyak na napansin ni Frank ang awkward vibes sa silid at maingat na sinabi, "Pupunta ako kung wala nang iba pa...""Hold it," malamig na sambit ni Susan."Yes, ma'am?" Tanong ni Frank, dahan-dahang lumingon sa kanya."Kailangan nating mag-usap," sabi ni Susan, ibinaba ang kanyang tasa ng kape.Siya ay gumagawa ng isang masusing pagsisiyasat kay Frank sa nakalipas na ilang araw pagkatapos ng lahat. Matapos mapagtanto na hindi siya ang mababang buhay na pinaniniwalaan
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang