Hindi mabilang ang mayayaman at makapangyarihang mga indibidwal na dumating, daan-daang mga mamahaling kotse ang nakahilera sa parking lot sa labas ng Graves Mansion. Natural, marami pang iba ang napilitang pumarada sa may bangketa.Nakasuot si Chaz ng itim na tuxedo, nakasuklay ng maayos ang kanyang buhok habang nakatayo siya at tinatanggap ang lahat ng mga bisita na pumapasok sa lugar.Natural, ang mga top elite lang ng Riverton ang binabati niya—ang mga retainer niya ang bahala sa mga mas mababang pamilya at maliliit na negosyante.Kahit na habang mukha siyang masaya at mabait, itinaas niya ang kanyang champagne flute upang pasalamatan ang mga bisita sa paligid niya, lumapit sa kanya ang isa sa mga tagapagsilbi dala ang isang report, "Nakahanda na ang lahat, sir… pero walang ipinadalang kahit sino ang mga Salazar, sinabi nila na may mga nangyaring hindi inaasahan." Nagkibit balikat si Chaz. "Hindi rin naman ako gaanong umaasa kay Donald Salazar e.”"Hindi ‘yun, sir,” sabi ng t
Nang makita niya na sumimangot si Helen sa sinabi niya, agad na sinabi ni Gina sa kanya na, "Huwag kang mag-alala—puro salita lang yung walanghiyang ‘yun. Sinusubukan ka lang niyang lokohin para sumama ka sa kanya. Siguradong hindi niya susubukang pumasok sa lugar na ‘to… Anong malay natin, baka umalis na siya sa Riverton sa mga oras na ‘to!”Nadismaya at umasa si Helen—ang tanging gusto niya ay maging ligtas si Frank, at wala siyang magawa kundi umasa na hindi na gumawa si Frank ng dahilan upang lumala pa ang sitwasyon.Biglang pumasok sa kwarto si Cindy noong sandaling iyon, at agad niyang hinablot ang jewelry box, napanganga siya dito at kay Helen, “Wow… Binigay ba sayo ni Mr. Graves ang mga ‘to? Pwede bang sa’kin na lang ang ilan sa mga kwintas na ‘to? Hindi pa ako nakapagsuot ng kahit anong ganito kamamahalin…”“Sige, sayo na ‘yan.” Pinilit ngumiti ni Helen.Hindi siya interesado sa jewelry box at itinulak niya ito papunta kay Cindy.“Salamat, Helen!” Tuwang-tuwa si Cindy at
Subalit, uminit ang mga tainga ni Helen sa mga sinabi ni Chaz dahil isa itong malaking kabalintunaan.True love? Loyalty? Puro kasinungalingan.Malinaw na pinipilit siya ni Chaz at ginagamit niya siya upang kontrolin ang Lane family.Bigla siyang nakaramdam ng pagod at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang itapon ang lahat ng problema niya.Kasabay nito, hindi niya mapigilang mapaisip kung darating ba si Frank upang iligtas siya, at bigla siyang nadala ng mga pantasya niya…Paano kung tipunin ni Frank ang lahat ng mga bigatin ng Riverton? Magagawa kaya niyang sundin ang puso niya at tumakas sa kasalang ito na puno ng kasinungalingan at panloloko?Pagkatapos ay nagpatuloy ang emcee, “Salamat, Mr. Graves—Sigurado ako na naantig ang lahat sa katapatan mo. At ngayon, imbitahan naman natin si Ms. Lane sa stage!”Gayunpaman, nanatiling tahimik ang paligid at tumagal ito ng ilang sandali.Natauhan lamang si Helen noong tinulak siya ni Gina at napagtanto niya na aakyat pala siya da
Hindi kalaunan, nagsalita na ang pari. “Helen Lane, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang pinakamamahal mong asawa?”Abot tainga ang ngiti ni Chaz nang humarap sila ni Helen sa isa’t isa.Pagkatapos, siniguro niya na walang ibang tao na makakarinig sa kanila, bumulong siya, “Huwag kang mag-alala, Helen. Nakausap ko na si Titus Lionheart tungkol sa pabor na hinihingi mo, at pumayag siya.”“Talaga?” Nagulat si Helen ngunit hindi nagtagal ay namroblema siya.Lumamig ang tingin ni Chaz habang nakangiti siya dahil sa naging reaksyon ni Helen. “Pero may isang kondisyon siya.”“Ano ‘yun?” Kinabahan si Helen, kinutuban siya ng hindi maganda.Lumaki ang ngiti mga labi ni Chaz. “Ang kapatid niya na si Wilbur ang makakakuha ng unang gabi mo.”“Ano?!” Nagulat si Helen at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Chaz Graves, isa kang—”“Ano, tumatanggi ka ba?” Umiling si Chaz habang tumatawa. “Huwag kang mag-alala. Magrerecord lang ako ng video at gagamitin ko ito ng tama–-huwag kan
”Helen!” Sigaw ni Gina. “Sige na! Umoo ka na! Katapusan na ng pamilya natin kapag umatras ka!”“Oo nga, Helen!” Sumigaw din si Cindy. “Umoo ka na!”“Sige na!” Inudyukan din ng mga tao si Helen, at tumingin siya sa paligid, ngunit wala doon ang mukhang hinahanap niya.At kapag umoo siya ngayon, wala na itong atrasan.Maging si Chaz ay nakasimangot na din noong sandaling iyon. “Sinasadya mo ba akong ipahiya, Helen? Mabuti pa tanggapin mo ang alok ko, kung ayaw mong mamamatay si Frank! Hindi, hindi lang siya ang mamamatay—ang nanay mo, ang pinsan mo, at ang lahat ng mga taong nagsisilbi sa mga Northstream Lane ay mamamatay! Magdesisyon ka na… Hindi, hindi na magbabago ‘to kahit na tumanggi ka!”Nanginig si Helen sa pagbabanta ni Chaz, at hindi kalaunan ay ipinikit niya ang mga mata niya at pinakalma niya ang mga kamao niya at sumuko.“Sige…” Sabi ni Helen, puno ng paghihinagpis ang kanyang mga mata.Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang mga pinto ng Graves Mansion!
”Frank Lawrence? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.”“Sino siya? Ang lakas ng loob niya na banggain ang Graves family, na isa sa top four families ng Southstream!”“Nababaliw na ba siya? Gusto na ba niyang mamatay?”“Uy, mukhang magiging maganda ‘to! Nakahanda na ang headline ko para bukas!”“Magiging maganda ang palabas!”Ang payapang kasalan ay unang ginulo ng bulungan ng mga tao, at di nagtagal, nagsimula na ang kaguluhan.Sabay-sabay na pinag-usapan ng mga tao ang tungkol sa pagkatao ni Frank, ang arranged marriage sa pagitan ng mga Lane at mga Graves, at kung ano ang naging dahilan sa panggugulo sa kasalang ito.“Oh, napanaginipan ko na mangyayari ‘to…” Biglang nagsalita ang isang heiress ng may kumikislap na mga mata. “Ikakasal ang prinsesa sa isang prinsipe, ngunit dumating sa kasal nila ang tunay na pag-ibig ng prinsesa upang itakas siya…”“Gumising ka nga. Ito ang reyalidad, hindi ito isang fairy tale—at ipinapahamak ng lalaking ‘yun ang sarili niya.”“Oo nga.
Nang makita niya na tumayo ang mga security guard na nakaupo kasama ng mga bisita, halos maiyak na si Helen sa sobrang kaba. “Bakit ka pumunta dito, Frank? Umalis ka na bago ka pa sugurin ng mga guwardiya ng Graves family!”“Umalis?” Ngumiti si Frank. “Kung ganun, isasama kita.”“Nagbibiro ka pa rin hanggang ngayon?!” Halos maiyak na si Helen sa sobrang inis.“Hindi ako nagbibiro,” sabi ni Frank, tumingin siya sa mga mata ni Helen nang maging seryoso ang kanyang ekspresyon. “Alam ko na pinilit ka ni Chaz na pakasalan siya sa pamamagitan ng pagbabanta sa buhay ko.”Nagkagulo ang mga tao sa mga sinabi ni Frank, habang nasira naman ang pagpapanggap ni Chaz bilang isang mapagmahal at mabuting lalaki.Kung ganun pinilit lang ni Chaz si Helen para pakasalan niya siya kahit na ayaw sa kanya ni Helen?!Walang sinuman ang ayaw ng tsismis, lalo na ang drama at intriga na may kinalaman sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya.Habang nagkakagulo ang mga bisita sa sobrang pananabik at n
’Helen, may mga pagkakataon na hindi ka dapat mag-isip. Isa kang babae at dapat mas magtiwala ka sa instincts mo at lakasan mo ang loob mo! Sundin mo ang puso mo kapag may kinakaharap kang problema, kung hindi ay habangbuhay kang magsisisi gaya ko.’Naging matalim ang nalilitong tingin ni Helen nang maalala niya ang huling habilin ng kanyang lolo.Salamat sa talino at pag-iisip niya kaya lumago ang Lane Holdings.Subalit, ang talino at ang kaiisip din niya ang naging dahilan upang ulit-ulitn ang mga nakita niya, at pagdudahan ang lahat ng mga sinabi ni Frank.Iniisip niya ang tungkol dito noon at pinagsisihan niya ito ngunit sa huli ay nanatili siyang rasyonal at inalis niya ang mga pagsisising iyon.At ganun din ang nangyayari ngayon, dahil patuloy na sinasabi sa kanya ng isip niya na huwag siyang sumama kay Frank, kung hindi ay malaki ang magiging kapalit nito.Gayunpaman, patuloy itong nilalabanan ng kanyang puso, dahil gusto talaga niyang kunin ang kamay ni Frank… hanggang sa