Chapter 3: Hindi kilala
GULAT na gulat sa nalaman at sobrang emosyonal si Skylar habang umiiyak. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang pinupunit ang kanyang puso.
Alam ng Diyos kung gaano niya sinubukang umiwas kay Jaxon nitong mga nakalipas na taon.
Para makalimutan si Jaxon at makalayo sa buhay nito, iniwan niya ang lugar kung saan siya lumaki. Iniwan din niya ang kanyang kapatid na may malubhang sakit sa kanilang iresponsableng ama—lahat para makapamuhay nang tahimik at hindi na muling madamay sa gulo.
Pero ngayon, nangyari ang kinatatakutan niya.
Ginamit siya ng boss para sa sariling interes—ipinadala siya sa kwarto ni Jaxon para lang makagawa ng scoop.
Alam niyang hindi na siya palalampasin ni Jaxon. Parang mauulit ang mga araw na hindi niya gusto pang alalahanin. Mauulit iyon dahil sa mga taong kaharap niya ngayon.
"Idedemanda ko kayo!" sigaw niya habang umiiyak at tumalikod para umalis.
Biglang sinara ni Linda ang pinto ng opisina.
"Skylar, tigilan mo na 'yan," sabi ni Linda habang nakangisi. "Wala kang ebidensya. Walang maniniwala sa'yo, kahit pulis. At alam mo kung sino si Jaxon Larrazabal, hindi ba? Kung malaman niyang nagsumbong ka sa pulis, tingin mo ba, aabutan ka pa ng bukas kapag dinungisan mo ang pangalan niya?"
"Isusumbong ko pa rin kayo!" matapang na sagot ni Skylar habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya papayagan ang ganitong kababuyan kahit ano pa ang mangyari.
Biglang sinampal siya ng boss noong makalapit. Agad na umikot ang paningin ni Skylar dahil sa lakas at natumba siya sa sahig.
"Skylar, mabuti pang tumahimik ka na lang, kung ayaw mong mas masama ang mangyari sa'yo," banta ng boss na may galit sa mga mata.
Masamang tingin ang binato niya sa lalaki, kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
"Gusto mo bang gawin ko na sa'yo ngayon ang sinasabi ko?! Sabagay, masasarapan ka rin naman!” sigaw ng Sir habang sinubukan siyang hawakan sa dibdib.
Agad napaatras si Skylar sa takot. "Sir, huwag po! Nangangako ako, hindi ako magsusumbong. Huwag n’yong gawin sa akin ‘yan!" pagsusumamo niya habang umiiyak.
Ngunit mas lalo lang na-excite ang lalaki at inaabot nito ang labi niya.
"Huwag!" sigaw ni Skylar. Nakakuha siya ng lakas at tinulak ito palayo sa kanya tsaka mabilis na lumabas ng opisina.
Napatid ang lalaking hahabol sa kanya at natumba sa sahig.
“Taena, bumalik ka rito!” sigaw nito habang papatayo.
"Sir, wala kang suot na damit!" paalala ni Linda na pinanonood lang ang lahat.
Napahinto ang lalaki at bumulong ng mura. "Tandaan mo 'to, Skylar! Gaganti ako sa ‘yong babae ka!"
***
TUMAKBO nang mabilis si Skylar palabas ng gusali. Dahil sa takot na habulin siya, hindi siya tumigil kahit sobrang pagod na siya. Lingon siya nang lingon habang tumatawid ng kalsada kaya hindi niya napansin ang paparating na itim na kotse.
Napakabilis ng takbo ng kotse. Nang makita ito, natulala na lang si Skylar. Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot at napako na lang siya sa kinatatayuan.
Biglang nagpreno ang kotse at huminto ito sa mismong harap niya. Matagal bago si Skylar naka-recover mula sa takot. Pawis na pawis siya, nanginginig habang nakatingin sa kotseng huminto ilang dangkal lang ang layo sa kanya.
Bumaba ang bintana at sumigaw ang driver. "Gusto mo bang mamatay?!"
"S-Sorry..." sagot ni Skylar at tumayo para gumilid. Pero nang tiningnan niya taong sakay ng kotse, nakita niya si Jaxon sa loob.
Nanlamig ang buong katawan niya. Ang malamig na mukha ni Jaxon ay parang nababalutan ng yelo. Tinignan siya nito saglit bago mabilis na ibinalik ang tingin sa harapan.
Tumulo ang luha ni Skylar. Dati, si Jaxon ang magtatanggol sa kanya, pero ngayon, parang hindi siya nito kilala.
Mabilis na umalis ang kotse at tinanaw ito ni Skylar. Napangiti siya nang mapait habang umiiyak. Pinagpag niya ang suot at tiningnan ang sugatan na mga palad. Kasabay nito, tumunog ang kanyang cellphone.
Nakita niya ang pangalan sa screen at napuno ng kaba.
"Ma..." sagot niya sa nanginginig na boses.
"Skylar, mas lumala ang kondisyon ng kapatid mo. At yung bayad sa pag-aalaga ko sa kanya, padalhan mo ako agad ng one hundred thousand!" sabi ni Caridad, ang kanyang ina na parang walang pakialam sa sitwasyon niya.
"Mama, wala akong pera. Tinanggal ako sa trabaho ngayon..." sagot ni Skylar habang yakap ang mga tuhod sa gilid ng kalsada. Umiiyak siyang nagtago sa gilid at yakap ang dalawang tuhod.
"Anong kinalaman ng pagkakatanggal mo sa trabaho sa gusto ko?" galit na tanong ni Caridad. "Sinasabi ko lang sa'yo ngayon, Sky, kung hindi mo maibibigay ang pera, agad kong idi-discharge ang kapatid mo sa ospital. Bahala na siya sa buhay niya!"
"Mama, huwag naman po... Maawa kayo," pakiusap ni Skylar habang humihikbi. "Mama po namin kayo—"
"Mama?" mapanuyang sagot ni Caridad. "Skylar, malas ka! Kung hindi dahil sa'yo, hindi mamamatay ang totoo mong nanay! Gagang ‘to. Hindi mo ako nanay, oy. 'Wag mong sasabihin sa iba na magkadugo tayo, baka madamay pa ako sa kamalasan mo!"
Walang awa na sinabi ni Caridad bago nito pinutol ang tawag.
"Skylar, malas ka!"
"Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana namatay ang nanay mo!"
Ang bawat salita ay parang patalim na tumarak sa puso niya hanggang sa para siyang pinapatay n'on. Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi at humagulgol ng iyak.
"Minsan gusto ko na lang talagang mamatay para matapos na ang lahat," bulong niya sa sarili. "Pero ang huling hiling ng nanay ko bago siya namatay, alagaan ko ang kapatid ko. Hindi ako pwedeng mamatay. Walang ibang mag-aalaga sa kapatid ko, eh."
Tumayo siya at naglakad sa abalang kalsada, tuliro at walang direksyon. Paulit-ulit niyang binubulong, "Hindi ako pwedeng mamatay. Kailangan kong bumalik sa Tarlac. Kailangan kong alagaan ang kapatid ko. Kailangan niya ako..."
***
Pagdating niya sa Tarlac, dumiretso siya sa ospital. Matapos malaman ang kalagayan ng kapatid niya, halos bumagsak na siya sa sobrang pagod at lungkot.
Ayon sa doktor, malubha na ang kondisyon ng kapatid niya. Kailangan ng agarang bone marrow transplant, kung hindi, maaaring lumala ang kondisyon nito at mamatay anumang oras.
Ang halaga ng transplant ay halos apat na milyong piso. Ngunit ang lahat ng pera niya—kasama na ang ipon—ay wala pang apat na milyong piso. Ang ama niya ay lulong sa sugal at naubos na ang ipon ng yumaong ina nila dahil dito.
Ang tanging ari-arian nila ay ang bahay, pero ang madrasta niyang si Caridad ay nagpakasal sa ama niya dahil sa bahay na iyon. Siguradong hindi papayag si Caridad na isangla ang bahay para sa treatment ni Terra.
"Ano'ng gagawin ko? Sino ang pwedeng mautangan ng apat na milyong piso?" tanong niya sa sarili habang iniisip ang mga opsyon.
Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Jaxon. Napailing siya at pinagsabihan ang sarili, "Skylar, kailan mo ititigil ang katangahan mong umasa kay Jaxon tuwing may problema? Ayaw ka na niyang makita, kaya tigilan mo na 'yang kahibangan mo!"
Bumalik siya sa kwarto ng kapatid niya, puno ng sama ng loob at kawalan ng pag-asa. Ngunit pagpasok niya, nakita niya ang ama niyang si Lito na iniisa-isa ang laman ng kanyang maleta.
"Pa! Ano'ng ginagawa ninyo sa gamit ko?!" galit na sigaw niya. Sa tuwing umuuwi siya, palaging ginagalugad ng ama niya ang mga gamit niya para kunin ang pera niya at ipangsugal.
Ano na naman ‘to?!
*
Chapter 4: Ipagbibili muli"Oh, nandito ka na pala, Sky," bati nito na may pilit na ngiti. "Bilisan mo, bigyan mo ako ng 50 thousand pesos. Meron ka naman yata n'on. Suwerte ako ngayon sa tingin ko. Babawiin ko lahat ng natalo ko sa sugal!""Tumigil ka na! Huwag mong hawakan ang bag ko!" galit na sigaw ni Skylar habang tinutulak ang ama palayo. Ang natitirang pera niya ay para sa pagpapagamot ng kapatid niya. Hindi niya ito maaaring ibigay sa walang kwentang bisyo ng ama niya."Anong walang pera? Hindi ba't pokpok ka? Ang laki ng kita ng trabaho mong 'yan!" sabi ni Lito na may halong pang-iinsulto."Reporter ako, hindi pokpok!" balik ni Skylar. "Bakit ba gusto mo lagi akong ibenta? Tatay kita!""Wala akong pakialam kung reporter ka o pokpok, ibigay mo ang bag mo!" sigaw ni Lito sabay hablot sa bag niya."Huwag mong kunin 'yan! Para sa pagpapagamot ni Terra ‘yan!" umiiyak na sigaw ni Skylar habang pilit na binabawi ang bag."Tumigil ka! Tatamaan ka sa akin!" anito at itinulak siya at
Chapter 5: Sinong nanakit sa ‘yo"MR. LARRAZABAL, hindi pa nagsisimula ang usapan natin tungkol sa deal! Saan ka pupunta?" Tanong ng negosyanteng kausap ni Jaxon, halatang nag-aalala na baka hindi na bumalik si Jaxon. Tumayo ito mula sa sofa at sinubukang pigilan si Jaxon.Pero parang hindi narinig ni Jaxon ang mga salita nito. Nagpatuloy lang siya sa paglakad palabas ng kwarto habang mabigat ang ekspresyon. Malamig at madilim ang ekspresyon sa mukha ni Jaxon, takot ang mga napapatingin sa kanya. Malakas na isinara ni Jaxon ang pinto nang maraan doon. Sa lakas ng tunog, napatalon ang negosyanteng sumubok magpigil kay Jaxon at natakot nang humabol pa. Mas kalmado ang isa pang negosyanteng naroon. Nang makitang umalis si Jaxon, tiningnan nito si Jeandric at tinanong, "Sir Jeandric, mukhang galit na galit si Mr. Jaxon. Ano bang nangyari? Parang world wàr 3, ah."Ngumiti si Jeandric pero halata sa mukha na ayaw nitong sumagot sa tanong. "Looks like the deal's pause for tonight. Mag-enjo
Chapter 6: Huwag kayong lumapitHINDI namalayan ni Skylar na umalis na si Jeandric dahil sa lalim ng iniisip at naiwan sila ni Jaxon sa mahabang pasilyo. Naninibago at kinakabahan si Skylar; mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung paano makitungo kay Jaxon. Nag-iisip si Skylar kung magsasalita siya para basagin ang katahimikan pero bigla nang naglakad palayo si Jaxon.“Jaxon...” Agad niyang hinawakan ang kamay nito. Mainit iyon, hindi tulad ng malamig at walang emosyon na ekspresyon ng mukha nito.“Sa nangyari ngayong gabi... Salamat... Maraming salamat...” Nauutal ang boses niya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng lalaki.Hindi sumagot si Jaxon. Tila hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar. Nakatitig lang ito sa kamay ng babae, tila naguguluhan.Dahil doon, inakala ni Skylar na galit si Jaxon sa paghawak na ginawa niya. Agad niya itong binitiwan at yumuko para humingi ng paumanhin. “S-Sorry, Jaxon.”Nang bitiwan niya ang kamay nito, bahagyang gumalaw ang kamay n
Chapter 7: First day"‘HUWAG kayong lumapit sa akin—’Biglang tumayo sa pagkakaupo si Skylar, pinagsiklop ang kanyang mga kamao at gumawa ng kilos na parang aatake sa mga lalaking lalapit sa kanya. Sumigaw siya ng malakas, "Kahit mamatay ako, hindi ko hahayaang magtagumpay kayo sa balak n'yo!"Pagkatapos niyang sabihin iyon, ginamit niya ang lahat ng lakas niya para buksan ang pinto ng sasakyan nang malakas. Kaysa maabuso ng mga nakakadiring lalaking ito, mas mabuti pang wakasan niya ang lahat! Mamàtay na kung mamamàtay! Dahil sa gulong likha ni Skylar, nagkagulo sa loob ng sasakyan, naging baliko ang pagmamaneho ng kotse kaya nauntog siya sa matigas na bintana ng sasakyan. Nahilo siya at pakiramdam niya ay may mainit na likido na dumadaloy sa kanyang noo. Hinipo niya ito at nang makita ang kanyang kamay, puno ito ng dugo."Hoy, bigote, ayusin mo! Huwag mong hayaang mamatay siya."Naging maingay bigla ang loob ng sasakyan. Sa sobrang hilo, parang nakikita ni Skylar ang mga anyo ng mg
Chapter 8: You're disgustingYUMUKO si Jaxon at hinalîkan ang labi ni Skylar na naamoy niya agad ang matapang na amoy ng alak. Kasabay nito, ang malaki nitong kamay ay humawak sa kanyang dibdîb...Nagulat si Skylar at agad na nagpumiglas. Pilit niyang itinulak si Jaxon habang mahigpit na tinatakpan ang kanyang dibdib. Sa takot, sumigaw siya, "Jaxon, huwag kang gumawa ng kalokohan!""Kalokohan 'to, Skylar?" malamig na tanong ni Jaxon habang pinisil ang pisngi niya at pilit na itinaas ang mukha niya para tumingin sa mga mata nito. "Hindi ba ito ang gusto mo? Hindi ba’t kaya ka nagtatrabaho sa lugar na ito ay para paglaruan at aliwin ang mga lalaki?""Jaxon, nagkakamali ka..." Hindi pa man natatapos ang paliwanag niya, bigla ulit siyang hinàlikan ni Jaxon. Kasabay nito, may narinig siyang tunog ng damit na napunit, at ramdam niya ang malamig na hangin sa kanyang dibdib. Mabilis niyang tinakpan ito ng kanyang mga kamay.Pero huli na. Hinawakan ni Jaxon ang balikat niya at itinulak siya na
Chapter 9: KapalitNARINIG ni Skylar ang bahagyang pangungutya at panunukso sa tono ni Jaxon. Napahiya siya at namula ang mukha.Oo nga naman, ano bang maibibigay niyang kapalit para tulungan siya nito? Si Jaxon ay mayaman at makapangyarihan, wala nang kulang sa buhay ng lalaki. Samantalang siya, isang mahina at kaawa-awang babae na paulit-ulit na ibinebenta ng sariling ama para mabayaran ang utang sa sugal. Ano nga bang maibibigay niya?Dahil dito, unti-unting nawala ang liwanag sa mga mata ni Skylar at ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng pantalon ni Jaxon ay kusang bumitaw.Sinubukan niyang tumayo at umalis pero hinuli siyang muli ni Jaxon at hinawakan nito ulit ang kanyang baba. "Sagutin mo ako, anong benefits ang maibibigay mo? Kung magustuhan ko ang alok mo tutulungan kita ulit."Napanganga si Skylar sa gulat at tumingin sa kanya nang may halong pag-aalala. Hindi siya makaisip ng anumang benepisyo na maibibigay niya. Sa huli, naglakas-loob siyang magtanong, "I
Chapter 10: Hindi nakakatakot ang kamàtayanHINDI UMUWI si Skylar at sa halip ay dumiretso siya sa ospital. Pagdating niya roon, nakita niyang gising pa ang kapatid niyang si Terra. Nakaupo ito sa tabi ng kama, nakatitig sa bintana na parang tulala. Ang maputlang mukha nito ay parang wala nang buhay. Nang makita ni Skylar ang kalagayan ng kanyang kapatid, hindi niya napigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata. Pero pilit niyang pinigil ito para hindi makita ng kapatid ang kanyang lungkot. Dahil kung malulungkot siya, mas nasasaktan lang si Terra at baka isipin nito na nagiging pabigat na ito sa kanya. May sakit na si Terra kaya dapat niyang iwasan na palungkutin pa ang kalooban nito. Binuksan niya ang pinto at pumasok.Narinig ni Terra ang pagbukas ng pinto kaya agad itong lumingon. "Ate, nandito ka na?""Natakot akong malungkot ka rito kaya sinamahan kita," sagot ni Skylar habang naupo sa tabi ng kama at hinaplos ang ulo ng kapatid. "Kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo ngay
Chapter 11: Jelly BeansSI SKYLAR ay nakaramdam ng init sa puso dahil ramdam niya ang pag-aalala ni Terra kaya't ngumiti siya rito at hinaplos ang buhok nito. "Huwag kang mag-alala, Terra. May tumulong na sa akin. Freelancer na ako ngayon at hindi na kailangan pang magtrabaho sa nightclub.""Totoo ba 'yan, Ate?" Ang mukha ni Terra ay biglang lumiwanag mula sa pagiging malungkot nito. "Sino ang tumulong sa 'yo? Si Kuya Jaxon ba? Bati na kayong dalawa?""H-Hindi siya," umiiling na sagot ni Skylar, medyo namutla ang kanyang mukha. Sana nga si Jaxon, para naman kahit papaano ay mapatunayan niyang may puwang siya sa puso nito. Pero hindi kasi si Jaxon ang tumulong sa kanya. "Sino? Bagong boyfriend mo ba?" tanong ni Terra na nanlalaki ang mga mata sa pag-uusisa. Sa labas ng pinto, si Jaxon na nagmamasid at nakikinig ay biglang nanliit ang malalim nitong mga mata nang marinig ang sinabi ni Skylar. Para hindi mabahala ang kapatid, nagsinungaling si Skylar dito. "Hindi niya ako natulungan t
"Hmm?" Nag-angat ng tingin si Audrey mula sa strawberry platter, may 47-carat pink diamond ring sa bibig nito. "Alam kong bad mood ka lately, pero hindi naman kailangang gumastos ng ganito kalaki." Napakamahal ng dessert na ‘to, parang ang pera ng Lim family galing lang sa hangin."Maikli lang ang buhay, kaya dapat mag-enjoy habang kaya pa. Kakainin at iinumin ko na ang gusto ko habang buhay pa ako. Kung hindi, baka patayin ako ni Barbara at ng anak niya balang araw tapos ni hindi ko man lang naranasan ang masarap na pagkain," ani Audrey na parang walang pakialam, habang pinupunasan ang pink na diamond ring, inilagay nito iyon sa kahon ng alahas at iniabot kay Skylar. "Ano 'to?" Medyo kumunot ang noo ni Skylar, hindi niya maintindihan kung ano na naman ang trip ni Audrey. "Kunin mo. Ibigay mo kay Terra bilang regalo sa kanyang ika-18th birthday." Mabilis na tumanggi si Skylar, iniiling ang ulo. "Hindi, sobrang mahal nito. Hindi ko pwedeng tanggapin." Pinaningkitan siya ng mat
Chapter 35: Bati na ba tayo o hindiINAKALA ni Skylar na na si Audrey ay magpapakita ng ugaling isang nakatatandang kapatid at papagalitan si Barbara. Sasabihin nito na masyado si Barbara na makasarili at walang alam at ang ganitong ugali ay sisira sa magandang reputasyon ng kanilang negosyo. Pero hindi ni Skylar inaasahan na ang unang magsasalita ay ang matangkad na lalaki sa tabi niya. Si Jaxon. "Audrey, I want this store." Hindi ito tanong kundi utos. "Sige, aasikasuhin ko ang mga papeles para sa transfer mamaya." Isang luxury shop lang iyon. Hindi pipiliin ng Lim family na kalabanin si Jaxon dahil sa ganitong maliit na bagay. Halos maiyak si Barbara sa galit. Hindi lang tindahan ang nawala rito pati na rin dignidad nito. "Manager," malamig na sinabi ni Jaxon, kasabay ng bahagyang pag-angat ng labi nito. Takot na lumapit ang manager. "Mr. J-Jaxon, ano po ang kailangan ninyo?" Tiningnan ni Jaxon si Barbara nang malamig. "Tandaan mo ang mukha niya. Huwag na huwag mo siy
Tiningnan ng saleslady ang black card, bahagyang nanginig ang bibig nito at namula ang mukha sa kahihiyan. Napangiti si Skylar sa nakita at saka nagtanong. "Pwede mo na bang i-wrap ito para sa akin ngayon?" Nahihiya, tumango ang saleslady, nanginginig ang mga kamay habang kinukuha ang bracelet mula sa counter. Halos tumulo ang pawis nito sa noo sa kaba. Sa buong mundo, ang may hawak ng black card ay alinman sa mga sikat na personalidad o mga super wealthy people sa upper class. Alinman sa dalawa, hindi nito kayang bastusin o balewalain ang mga ito. Pero kanina, trinato nito nang masama ang may-ari ng black card na ito. Alam ng saleslady na literal na naghukay ito ng sarili nitong libingan. Habang nanginginig ang saleslady na kinukuha ang bracelet mula sa counter, pinilit nitong ngumiti at ipinaliwanag ang disenyo at craftsmanship ng bracelet kay Skylar, umaasa na makakabawi ito. Pero biglang sumulpot si Barbara. "Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ‘yan, akin na ang bracelet
Chapter 34: Kapatid sa labasBAHAGYANG tumaas ang kilay ni Audrey. "Alam mo bang si Barbara ang nagpakalat ng pekeng malaswang video mo?" Tumango si Skylar. "Oh..." Tinanggal ni Audrey ang sunglasses nito, tumingala sa langit at huminga nang malalim. Sa tiyak na tono, nagsalita ito. "Ibig sabihin, alam mo rin na ako ang nag-utos kay Jeandric na humanap ng scapegoat para sa kanya." Bahagyang tumango si Skylar. Kumunot ang noo ni Audrey at tumingin nang diretso sa mga mata ni Skylar. "Galit ka ba sa akin?" Umiling si Skylar. "Pinsan mo siya kaya natural lang na protektahan mo siya." Napangisi si Audrey at isinuot muli ang sunglasses. "Kung ako lang, gusto ko na ngang patayin siya." Nanlaki ang mga mata ni Skylar sa narinig dahil hindi niya inaaasahan iyon kay Audrey. Laging nakakaalalay si Audrey kay Barbara na parang babysitter na nga ito kaya ang malaman pala na may may galit pala si Audrey na sobrang lalim kay Barbara ay kagulat-gulat. Habang naglalakad si Audrey papa
"Gawin mo na lang ang inuutos ko. Ang dami mo pang sinasabi!" mariing sagot ni Jaxon na puno ng galit. Pagkatapos nito, agad niyang binaba ang tawag. Hindi naman niya gustong gawing komplikado ang lahat, pero ang problema, malinaw na ayaw ni Skylar magsalita tungkol sa nararamdaman nito. Kung gusto nitong magkwento, hindi sana ito umiiyak nang walang sinasabi. Mahimbing ang tulog ni Skylar, kaya hindi siya nagising kahit na nakarating na sila sa bahay. Dahan-dahang binuhat siya ni Jaxon papunta sa banyo. Tinanggal niya ang damit nitong amoy alak, hinugasan ang katawan niya gamit ang maligamgam na tubig at sabon, at pagkatapos ay inilagay siya sa kama at tinakpan ng kumot. Basa pa ang suot ni Jaxon habang nakaupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang bahagyang namumulang pisngi ni Skylar. Unti-unting nawala ang lamig sa kanyang mga mata, at yumuko siya para halikan nang marahan ang noo nito. "Good night," mahinang sabi niya, puno ng lambing. Kinabukasan, paggising ni Skyla
Chapter 33: Hinala"THEN TAKE it off. Tingin mo sinong natatakot sa gagawin mo, Skylar?" Desidido si Skylar sa banta kaya inabot niya ang zipper ng damit sa likod ng leeg niya at hinila pababa. Kitang-kita ang makinis niyang balat nang unti-unting lumilitaw dahil sa paghuhubàd niya ng damit. "Siraulo ka ba?!" Agad na lumaki ang mga mata ni Jaxon sa galit at mabilis na lumapit para pigilan siya. Lalo namang nasaktan si Skylar dahil sa matalas nitong boses. Tumingala siya at tinitigan si Jaxon, tapos ay bigla siyang umiyak. "Baliw ka talaga, Jaxon! Bakit mo ako sinisigawan..." Ang boses niyang puno ng hinanakit ay parang dagok sa puso ni Jaxon. "Tumigil ka nga!" Sigaw ni Jaxon, lalo pang nagalit dahil umiiyak siya. Gusto nitong paluin si Skylar para maramdaman nito kung ano talaga ang pagiging masungit. Pero mas lalo pang lumakas ang iyak ni Skylar. Namumula na ang mga mata niya habang bumubulong. "Ayoko tumigil... Buhatin mo ako... gaya ng dati..." Parang bata si Skylar na
"Skylar, hindi dahil kinakampihan ko si Barbara. Sa totoo lang, mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya. Pero limang taon na ang nakalipas, nangako ako kay Audrey na papakawalan si Barbara. Ayokong sirain ang pangako ko kay Audrey, kaya..." malungkot na sabi ni Jeandric."Ganoon na lang? Titiisin ko lahat ng sakit at lulunukin na lang ang lahat ng hirap?!" Galit na galit si Skylar. Kung ibang bagay lang ito, baka hindi na niya pinagtuunan ng pansin dahil pinsan ni Audrey si Barbara. Pero ang insidenteng ito ang sumira ng malaking bahagi ng buhay niya. Hindi lang niya natapos ang pag-aaral at nawalan ng tsansa na makahanap ng maayos na trabaho, kundi pati ang dangal at pagkatao niya ay labis na naapektuhan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya malimutan ang araw na nilait siya ng mga kaklase. Pinagsabihan siyang mababa ang moral at bastos - pakawala. Hinagis nila ang mga gamit niya, pinunit ang kanyang damit at pinaalis siya sa eskwela. May ilang lalaking kaklase rin na nanood ng v
Chapter 32: Ang totoong may sala"LIMANG taon na ang nakalipas, tinulungan ko si Barbara sa isang bagay. Pinasahan ko ang kapatid ko para i-upload ang isang malaswang video kung saan ang isang babaeng estudyante ay may nude videos. Pero nalaman ko kalaunan na may koneksyon pala ‘yung babaeng estudyante kina Jaxon at Jeandric. Kaya ayun, nakulong ang kapatid ko nang dahil sa kanila," sabi ng lalaki at napahinto na tila nabulunan. Pagkatapos ay nagpatuloy ito, "Si Barbara, ‘yang babaeng ‘yan, natatakot na kung mabunyag ko ang totoo, babalikan siya nina Jaxon at Jeandric dahil siya ang nag-utos n'on. Kaya hinahayaan niyang perahan ko siya nang paulit-ulit..." Nakainom na nang husto ang lalaki, kaya deretso nitong nasabi ang lahat. Kung nasa tamang isip ito, siguradong hindi nito sasabihin kahit kanino ang lahat, kasi katulad ni Barbara, takot din ito na gantihan nina Jaxon at Jeandric. Ang nangyari sa kapatid ng lalaki ang pinakamalinaw na halimbawa—nakakulong pa rin iyon hanggang nga
“Audrey!” sigaw ni Skylar, galit at namumula sa hiya. Talagang ang tanong nito ay palala nang palala. Malamig ang tingin ni Jaxon at nagsalita. “Kailangan mo ba ng ruler para sukatin?” Tiningnan si Jaxon ni Audrey nang may ngiti. “Kung willing kang sukatin dito sa harap ng lahat, maghahanap ako ng ruler.” “Okay, maglalaro pa ba tayo o hindi?” inis na tanong ni Jeandric at pinatay ang hawak na sigarilyo. Pagod na ito sa laro, lalo na’t hindi ito nakakakuha ng pagkakataong magtanong kahit kailan. Ang malas talaga nito. Lahat naman ng mata ay nakatingin kay Skylar na parang sinasabi na: 'Sagutin mo na, Skylar.' Nanlamig ang anit ni Skylar dahil sa mga titig nila. Umupo siya nang matuwid at medyo nanginig, 'A-Ako... pipiliin ko ang dare.' Hindi sa ayaw niyang sabihin ang totoo pero hindi naman niya nasukat kailanman ang “bagay” ni Jaxon, kaya wala siyang ideya sa sukat nito. Basta… hindi "maliit" si Jaxon. "Audrey, mag-isip ka na ng dare! Dali na!" sigaw ng grupo na aliw na ali