Chapter 22.3: AlaalaSa TULONG at pera ni Jaxon, naging maayos ang operasyon ni Terra. Sinabi ng doktor na kung mabilis ang paggaling ni Terra, makakabalik na ang dalaga sa pag-aaral sa lalong madaling panahon.Nang marinig ang magandang balita, labis ang tuwa ni Skylar kaya napaiyak siya. Yumuko siya at paulit-ulit na nagpasalamat sa doktor bago siya lumabas ng opisina. Dahil sa sobrang saya, halos lumipad na siya palabas ng doctor's office. Sa loob ng kwarto, nanonood si Terra ng TV. Nang makita si Skylar na pumasok, ngumiti ito. "Ate!"Lumapit si Skylar at niyakap si Terra habang humahagulgol.Nagulat si Terra sa pag-iyak ng ate. Nanlaki ang mga mata nito at namutla ang mukha. Nanginginig ang mga labi nang magtanong ito. "A-Ate, anong nangyari? Sabi ba ng doktor na hindi nagtagumpay ang operasyon at wala na akong pag-asa?"Hindi si Terra makatingin nang diretso sa mata ng ate, takot na takot itong makarinig ng sagot na ayaw nitong marinig. Marami pang pangarap si Terra. At kung ma
Chapter 23.1: Hindi pa rin nagbabagoPUPUNTA muli si Caridad sa ospital para dalawin si Terra at alam ni Terra na isa lang ang pakay ng madrasta - ang malaman kung saan talaga kumuha ng pera pangtustos sa operasyon ni Terra. Hindi gustong sabihin ni Terra kay Caridad na ang kapatid niyang si Skylar ay kasintahan ni Jaxon ngayon. Natatakot si Terra na gamitin ni Caridad at Lito ang pagiging "future in-laws" nila kay Jaxon para makakuha ng pera at gumawa ng gulo, tulad ng ginawa nila noon sa lalaki. Kaya ang isasagot ni Terra kapag tatanungin ni Caridad, hindi niya alam kung saan nanggaling ang pera.Pero matalino si Caridad at alam ni Terra na hindi tatagal ang pagtatago niya ng totoo kaya hindi pa rin maiwasan ni Terra na mag-alala."Ate, may mga nurse at tagapag-alaga naman dito sa ospital para sa akin. Huwag ka nang masyadong pumunta dito. Mas maganda kung mas marami kang oras kasama si Kuya Jaxon," sabi niya.Ayaw niyang mapansin ni Caridad at Lito si Skylar na naroon. Naintindih
Chapter 23.2: Maling akalaPARA pasalamatan si Jaxon sa pagtulong sa operasyon ni Terra, dumiretso si Skylar sa mall matapos umalis sa ospital at pumili ng sinturon na regalo para kay Jaxon bilang pasasalamat.Ginamit niya ang sariling pera para bumili ng Gucci, isang brand na madalas gamitin ni Jaxon. Halos 70,000 pesos ang nagastos niya. Bagamat maliit na halaga ito para kay Jaxon, ito one third ng naipon niya. Sobrang bigat sa loob niya ang paggastos nito pero dahil para sa asawa, pikit-mata niyang binili iyon. Pagkauwi, maingat niyang inihanda ang isang masarap na dinner para kay Jaxon. Simula nang magpakasal sila, hindi na bumalik si Jaxon sa bahay na iyon. Sobrang tagal na, kaya nagsimula na siyang maniwala na totoo ang sinasabing hindi kaya ni Jaxon makipagtàlik. Kung hindi totoo iyon, bakit hindi siya hinawakan ni Jaxon kahit kailan mula nang ikasal sila?Pagkatapos magluto, naisip niyang puno siya ng amoy ng mantika. Natatakot siyang baka magalit si Jaxon na may pagkamasela
Chapter 23.3: Ganoon katindiNOONG tamaan si Jaxon ng unan, bigla siyang huminto sa paglakad. Lumingon siya kay Skylar na may makahulugang tingin, "Ano? Pakiramdam mo ba, inagrabyado kita?"Ngayon, alam na ni Jaxon kung anong ugali mayroon si Skylar. Kung hindi ito nakaramdam ng pagkaapi, hindi nito ipapakita ang tapang na nakatago sa pagkatao nito. "Oo, inagrabyado mo ako! Walang mali sa pagitan namin ni Kris. Magkaibigan lang kami. Bakit ba hirap kang paniwalaan ako?!"Alam ni Skylar na si Jaxon ay isang makasariling tao na ayaw nang kinokontra. Pero ngayong araw, alam niyang wala siyang kasalanan. Tinuturing niyang kapatid at kaibigan si Kris. Ang mahal niya mula umpisa hanggang dulo ay ang lalaking nasa harapan niya ngayon.Naningkit ang mga mata ni Jaxon at mapait na ngumiti. "Kung wala kayong relasyon, bakit niya hinawakan ang kamay mo? Holding hands while running, huh?"Pagkarinig nito, bahagyang humupa ang galit ni Skylar. Tumango siya, ngumisi at tumingin diretso sa mga mata
Chapter 24.1: The pastHabang nakatingin si Jaxon sa kumukutitap na mga neon lights sa labas ng bintana ng kotse, tumagos ang mga makukulay na ilaw sa kanyang malalim na mga mata. Nang mag-overlap ang maliliit at malalaking bilog ng liwanag, tila bumalik siya sa alaala ang isang maulang gabi. Nagka-car accident ang kanyang kapatid at naospital. Doon niya nakita si Skylar sa ospital. Naalala niyang basang-basa si Skylar mula ulo hanggang paa, tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok hanggang pantalon, pero ang mga mata nito ay nakakagulat na tuyo.Ang batang si Terra ay nawalan ng malay dahil sa kakaiyak sa katawan ng kanilang ina na wala nang buhay noon. Si Lito ay umiiyak din, namumula ang mga mata ng lalaki pero si Skylar, ni isang luha ay walang tumulo. Nakatingin lang ito sa bangkay ng ina. Tinitigan ni Jaxon ang babae nang may pagtataka. Paano nangyari na may tao palang hindi nalulungkot o nagdadalamhati kahit namatay ang ina nito?Biglang tumalikod si Skylar at nagmamadaling l
Chapter 24.2: PinasaraDUMATING ang kotse sa harap ng mansyon. Bumusina ang driver ng dalawang beses para ipaalam sa guwardiya na buksan ang gate.Tahimik ang buong bahay dahil tulog na ang mga kasambahay. Pumasok si Jaxon sa sala dala ang regalo ni Skylar."Sir..." Hinabol si Jaxon ng driver mula sa likod habang hawak ang isang lunch box. Tiningnan nito si Jaxon na parang may gustong sabihin. "Y-Yung pagkain po...""Reheat it," maikling sagot ni Jaxon, sabay akyat sa itaas. Pagkapasok sa kwarto, isinara niya ang pinto, ini-lock iyon at saka binuksan ang regalo.Habang binubuksan ang regalo, nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon pero bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Pinipilit niyang magpakatatag pero mas lalo lang itong nanginginig.Nasa loob ng kahon ang isang Gucci leather belt. Ang presyo nito, na wala pang isang daang libong piso, ang pinakamurang regalong natanggap niya simula pagkabata. Pero ang saya na dala ng regalo na iyon ay hindi matutumbasan.Tinitigan niy
Chapter 25.1: Don't wait for meGABI na at sa sala ng villa ni Skylar, nakaupo siya sa isang beige na sofa na gawa pa mula sa ibang bansa habang nanonood ng TV. Kitang kita sa kilos niya na malungkot na malungkot siya. Nagpaalam na ang mga helpers ngayong araw kaya siya lang ang nasa malaking villa. Hindi niya alam kung darating si Jaxon ngayong gabi. Gusto na sana niyang matulog sa itaas pero nag-aalala siya na baka dumating si Jaxon at walang mag-asikaso sa asawa niya kaya pinilit niyang maghintay sa sala.Medyo malayo ang opisina ni Jaxon sa bahay ni Skylar, kaya alas-onse y medya na siya nakauwi. Alam niyang wala ang kasambahay ngayon at nang makita niyang bukas pa rin ang ilaw sa sala, naisip ni Jaxon na hinihintay pa rin siya ni Skylar. Pagbaba ng sasakyan, tumayo siya sa tapat ng malaking pinto, naghintay na buksan ito ng asawa niyang nasa loob.Pero kahit gaano katagal si Jaxon na naghintay, walang nagbukas ng pinto. May kaunting lungkot na lumitaw sa malamig niyang mga mata.
Chapter 25.2: Gumagaan ba ang loob moMATAPOS MALIGO, tumitig si Skylar sa salamin nang matagal, nakaramdam ng kaba. Mas naging buo ang hugis ng kanyang dibdib, mas malaki kumpara noong magkasama sila ni Jaxon limang taon na ang nakalilipas. Kahit konserbatibo ang suot niyang pajama, kapansin-pansin pa rin ang kanyang ganda.Pagbalik niya sa kwarto, nakatayo si Jaxon sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng red wine habang pinagmamasdan ang buwan. Dahil glass wall ang naroon, kahit si Skylar ay natatanaw ang dilim sa labas. Nang marinig nitong binuksan niya ang pinto, lumingon ito. Nakasabog ang kanyang mahabang itim na buhok sa balikat, at sa ilalim ng liwanag ng chandelier, nagmistulang perlas ang makinis niyang balat.Sa bawat hakbang niya, bahagyang umaalog ang kanyang dibdib. Ang makinis at mapuputi niyang hita na may patak pa ng tubig mula sa shower ay tila kumikislap sa liwanag. Nakayuko si Skylar, halatang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Inangat niya ang kamay para ayusi
Naka-apron si Jaxon—kulay pink at may cartoon design ang suot nito! Kitang-kita ang mga hubad nitong binti sa ilalim ng apron, parang brief lang ang suot nito sa loob. Nakakatawa pero at the same time, ang sexy ni Jaxon tingnan. Pero ang pinakaikinagulat ni Skylar ay ang dalawang plato ng pasta na hawak nito! 'Marunong palang magluto ang lalaking ‘to?!' Ang tagal na niyang kilala si Jaxon, pero ngayon lang niya nalaman ‘to! "Bakit? Hindi mo na ako makilala?" Inilapag ni Jaxon ang pasta sa mesa, saka dahan-dahang hinubad ang apron at itinapon sa tabi. At tama nga ang hinala ni Skylar—brief lang talaga ang suot nito sa loob! Pero may suot din naman itong manipis na silk robe kaya lang, hindi ito mahaba kaya hindi natatakpan ang mahahaba nitong binti na nakakagigil tingnan. Ang kinis, moreno at ang perfect ng hugis—parang binti ng mga male model sa isang magazine! Napanganga si Skylar habang nakatitig sa mga ito at pakiramdam niya ay tumutulo na laway niya. Umupo si Jaxon sa h
Chapter 50: Mary PalmSA ISANG iglap, nanginig ang puso ni Skylar. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya at biglang nag-blangko ang isip niya. "Hubby... a-ak—" Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "Gusto mo ba ‘yung hàlik kong ganito?" bulong ni Jaxon habang marahang kinakagat ang labi niya, mababa at malalim ang boses. "Hindi." Umiling si Skylar. "Eh ‘di palitan natin." Hawak ni Jaxon ang baba niya at mas mariing hinalikan siya. Napakapit siya nang mahigpit sa likod nito. Wala na siyang magawa kundi magpadala sa init ng sandali kasama si Jaxon. Mas lalong nagdikit ang katawan nila at ramdam ni Jaxon ang pag-init ng dugo niya. Hindi niya mapigilang maging mas agresibo sa ginagawa... "Ahh~" Hindi na napigilan ni Skylar ang lumabas na ungól mula sa bibig niya. Mabilis na natanggal ni Jaxon ang mga damit nilang dalawa at natagpuan na lang ni Skylar na tinutugon niya ang lahat ng ginagawa sa kanya ni Jaxon. Matagal din silang nagbiruan at nag-asaran,
Napayuko si Audrey, iniiwasan ang malamig na tingin ni Jaxon. "Loko ka, hindi mo ito puwedeng isisi kay Kris. Ang totoo, kahit wala siya, hindi ko rin matatanggap si Jeandric. Kasi... hindi ko siya mahal. Naiintindihan mo ba ‘yon?"Pinipilit ang sarili mong makasama ang isang taong hindi mo mahal—‘yan ang totoong masama. Hindi lang ‘yon hindi patas para kay Audrey kundi pati na rin kay Jeandric. Deserve ni Jeandric ang babaeng mas bagay rito. "Sasabihin ko sa kanya mamaya." Matagal na silang magkaibigan, dumaan na sa hirap at ginhawa. Hindi naman kailangang mawala ang pagkakaibigan nila dahil lang sa hindi natuloy ang pagmamahal. Napangiti si Audrey. "Sige, thank you in advance! Kung kailangan mo ng tulong sa future, sabihin mo lang." "’Wag ka nang magsalita, may ipapakiusap nga ako sa ‘yo ngayon." Tumingin si Jaxon sa kanya. Pinalo ni Audrey ang dibdib niya at ngumiti. "Sige, sabihin mo lang. Basta kaya ko, walang problema!" "Hindi naman malaking bagay. Gusto lang ni Skyla
Chapter 49: Trabaho rin 'tong ginagawa koHABANG nangangako si Jaxon sa harap ng litrato ni Skylar, biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya sa screen at nakita niyang ang tumatawag ay ang kanyang maganda at mahal na mahal, si Skylar. Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mata, pero sinadyang gawing malamig ang boses niya, walang bahid ng lambing. "What?" tanong niya nang walang emosyon. "Miss na kita." Parang bomba ang tatlong salitang iyon na bumagsak sa puso ni Jaxon, sa mga salita na iyon, agad nitong pinabilis ang tibok ng kanyang puso. Isang simpleng salita lang naman ang "miss kita," pero bakit parang iba ang epekto nito sa kanya? Kung tama ang pagkakaalala niya, ngayon lang siya sinabihan nang ganito ni Skylar. Kahit na noong magkasama sila noon, kahit noong nagmamahalan pa sila, hindi niya kailanman narinig ang mga salitang ito mula kay Skylar—lalo na ang "gusto kita" o "mahal kita." Sabi kasi ni Skylar noon, matagal na silang magkasama kaya hindi na raw
"Bitiwan mo ‘yan!" Hinila ni Philip nang malakas ang feather duster. "Hindi!" Matigas ang paninindigan ni Jessie. "Kung ipagpipilitan mong bugbugin siya, mabuti pang bugbugin mo na rin ako hanggang mamatay!" "Ikaw talaga—" Muntik nang lumuwa ang mga mata ni Philip sa sobrang galit. Ilang segundo silang nagtitigan bago niya sa huli ay ibinato na lang ang feather duster. "Ikaw kasi! Kung hindi mo siya masyadong pinalaki nang spoiled, hindi magiging ganito ang ugali niya!" Kinuha ni Jessie ang feather duster at iniabot ito sa kasambahay. "Mahal, kagabi lang, ang gusto lang naman ni Yannie ay ipagtanggol ang pamilya natin at parusahan si Jaxon. Ginawa niya lang ‘yon dahil sa malasakit niya sa atin. Kaya imbes na magalit ka, mas mabuting pag-isipan mo kung paano natin aayusin ang sitwasyong ito. Hindi naman natin hahayaang palibutan tayo ng mga reporter araw-araw, di ba?" Sumang-ayon si Yannie at agad sumingit. "Tama ‘yon, Dad! Kailangan mong mag-isip ng paraan! Pinapalibutan na ng
Chapter 48: Maliban sa akinNANG tumahimik na ang lahat ng reporter, malumanay na nilinaw ni Wallace ang kanyang lalamunan at nagsimulang magsalita nang maayos at may kumpiyansa. "Una, tungkol sa paratang na si President Larrazabal ang nag-utos na dukutin at bastusin si Miss Rodriguez, kaya kong ipusta ang buhay ko na hindi ito ginawa ni President Larrazabal." "Pangalawa, para linisin ang pangalan ni President Larrazabal, buong pusong makikipagtulungan ang LZB Corporation sa mga pulis para maimbestigahan kung sino talaga ang may pakana ng karumal-dumal na insidenteng ito." "Pangatlo, may iba akong pananaw sa nangyari kagabi kumpara sa karamihan ng netizens. Para sa akin, ang totoong biktima dito ay hindi si Miss Yannie kundi si President Larrazabal." "Simple lang ang dahilan. Ang live video ng diumano’y panghàhalay ay tumagal lang ng isa’t kalahating minuto. Ibig sabihin, pagkatapos ng oras na iyon, wala nang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari. Posible na wala naman talag
Sa isang iglap, sumiklab ang matinding boycott laban kay Jaxon sa internet. "Honey, anong gagawin natin? Kapag nagpatuloy 'to, siguradong babagsak ang stocks ng kumpanya mo bukas!" Balisa si Skylar na parang pusang di mapakali pero si Jaxon ay kalmado pa rin, parang walang nangyayari. Makalipas ang ilang saglit, bahagyang ngumiti ito at bahagyang huminga nang malalim. "Isa lang 'tong palabas." Ang madilim niyang mga mata ay punong-puno ng pang-unawa, tila ba nakita na niya ang buong laro. Napakurap si Skylar. "Honey, alam mo kung sino ang dumukot kay Yannie at nag-frame sa’yo?" "Oo." "Sino?" Naging mas interesado si Skylar. Sino kaya ang may lakas ng loob na gumawa ng gulo sa harap mismo ni Jaxon? Hindi sumagot si Jaxon at tumingin lang sa kanya na parang nawalan na ng pag-asa sa kakayahan niyang mag-isip. "Di mo ba nakikita? Ginagawa niya lang 'to sa sarili niya." Napakunot ang noo ni Skylar, pero pagkatapos ng ilang segundo, bigla niyang naintindihan. Si Yannie
Chapter 47: PlanoAYAW sanang sirain ni Skylar ang kasiyahan ni Audrey, kaya wala siyang nagawa kundi isantabi ang balak niyang akitin si Jaxon at kumuha na lang ng tablet para buksan ang SBC app. "Audrey, nasa SBC app na ako. Saan dito yung sinasabi mong magandang palabas?" "Doon sa pinaka-top ranking na anchor, yung pinaka-charming." Mabilis na nag-search si Skylar at pinindot ang live broadcast. Sa isang iglap, napamulagat siya sa nakita. Sa video, nakahiga si Yannie sa isang lumang kahoy na kama na may mga ukit na malaswang mga pwesto. Suot lang nito ang manipis na pantulog, halos kita na ang buong katawan nito sa ilalim ng puting telang halos wala nang tinatakpan. Napakabastos ng eksena, halos hindi na matingnan ng mga viewers. Napasinghap si Skylar. "Anong pinapanood mo?" Biglang sumilip si Jaxon sa tablet. "Huwag mo nang tignan, bastos!" Mabilis niyang niyakap ang tablet sa dibdîb. Kasabay nito, isang malakas na sigaw na may halong ungól ang lumabas mula sa spe
Lumapit si Skylar kay Barbara, inilapit ang kanyang mapulang labi sa tainga nito at may bahagyang panunuya sa boses nang bumulong. "Mukhang mahina ang memorya mo, Barbara. Limang taon na ang nakalipas, pero nakalimutan mo na agad na ikaw mismo ang nagbayad sa isang tao para ikalat ang pekeng scandal ko sa internet?"Nanlaki ang mata ni Barbara, at agad itong namutla sa takot. "A-A-Anong sinasabi mo...?" Bahagya itong umatras, hindi makapaniwala. Kita sa mga mata nito ang tanong na gusto nitong itanong: "Paano mo nalaman?" Ang mag-boyfriend na lang ang posibleng may alam, pero patay na sila. At ang tanging taong maaaring magsuplong sa kanya, nasa kulungan pa rin. "Kung ayaw mong malaman ng iba, sana hindi mo na lang ginawa." Matapos ni Skylar na bitawan ang linyang iyon, tinapunan niya ng malamig na tingin si Barbara, saka naglakad palayo, nakahalukikip at nakataas ang noo na lumisan. Naiwan si Barbara na tulala, nakatitig sa papalayong likod ni Skylar. Ibinaba ni Barbara